Chapter 2

1927 Words
"Ba't mo ginawa 'yun?!" bulyaw ko kay Romir nang naiwan na kaming dalawa sa loob ng kwarto kung saan ako naka-confine. "I just want to help you," nakayuko niyang sagot. "Help? Sa tingin mo ba nakakatulong ka? Lalo mong pinalala ang sitwasyon, Romir!" inis kong sabi sa kanya. Hindi siya umimik pero nanatili pa rin siyang nakayuko. Nakita ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kanyang suot na pants. Lagi ko siyang nakikita sa ganu'ng mannerism lalo na at kaharap niya ako pero hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'yun. "Hindi mo ba inisip ang magiging resulta? Paano kung ipapakasal ka nila sa akin, anong gagawin mo? Huwag mong sabihing papayag ka." Naghintay ako sa magiging sagot niya pero nabigo ako dahil makalipas ang ilang sandali, hindi pa rin siya nagsasalita. "Aminin mo sa kanila ang totoo. Ang totoo na hindi mo anak ang dinadala ko," sabi ko saka ako nag-iwas ng tingin. Ayoko siyang tingnan dahil lalo lang akong maiinis, lalo lang akong magagalit. "Paano ang anak mo? Hahayaan mo lang bang lumaki siyang walang ama?" "Problema ko na 'yon at labas ka na du'n." "Mahirap ang lumaking walang ama." Napatingin ako sa kanya. Alam niya ang pakiramdam na lumaking walang ama dahil 'yon ang naging buhay niya. Kasisilang pa lang sa kanya ng kanyang ina nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente kaya alam niya kung gaano kapait ang lumaking walang amang nag-aaruga, alam niya ang pakiramdam ang lumaking hindi nararamdaman ang pagmamahal ng isang ama. "Ayokong akuin mo ang responsibilidad ng ibang tao. Alalahanin, Romir na kapag sa oras na natali ka sa akin, wala ka ng kalayaan para gawin ang gusto mong gawin," litanya ko habang pinagmamasdan ko siya. "I'm sorry," sabi niya. Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag aaminin ni Romir ang totoo sa harap ng sarili kong ina pero hindi. Hindi na tinanggap ni Mama ang katotohanang inilahad sa kanya ni Romir dahil para sa kanya gusto lang daw takasan ni Romir ang kanyang responsibilidad. "Totoo ang kanyang sinabi, Ma. Hindi siya ang ama ng anak ko," giit ko pa nang nakaalis na si Romir. "Totoo man 'yon o hindi, wala na akong pakialam. Ang mahalaga ngayon, handa siyang panagutan ka at 'yon ang mahalaga sa akin ngayon." "Ma?" "Alam mo naman kung paano nagalit sa'yo ang Papa mo nang malaman niyang pinili mong maging tomboy. Halos isinumpa ka niya. Itinakwil bilang anak. Ikinahihiya ka niya. Vence, wag mo nang dagdagan ang galit sa'yo ng iyong ama. Kapag nalaman niyang buntis ka na walang ama, sa tingin mo ano ang kaya niyang gawin? Pumayag ka na, pakiusap," umiiyak niyang sabi habang nakahawak siya sa magkabila kong balikat, "...gawin mo'to kahit hindi para sa ikabubuti mo, kundi kahit para lang sa akin." Naguguluhang napaupo ako sa sofa. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kailangan ba talagang hahantong sa ganito ang lahat? Habang abala ako sa kaka-browse ng phone ko bigla akong natigilan nang lumitaw sa newsfeed ko ang isang article tungkol sa ginawang pagharang ni Romir ng kanyang katawan sa akin para hindi ako masampal ni Mama sa hospital. Hindi ko alam, kalat na kalat na pala ang nangyaring 'yon. Iba-iba ang mga nababasa kong comments. May nasisiyahan, may natutuwa. May naiinggit. May mga negative ang opinion. Lalo tuloy akong naguguluhan. Masyadong mabait si Romir para sa isang katulad ko. Ang isang tulad niya ang nararapat na magkaroon ng babaeng mamahalin na nababagay sa kanya, hindi ang isang tulad ko na disgrasyada. Naalala ko si Ken, nasaan na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Bakit kaya siya lumayo? Dahil ba sa akin? Nagising ako kinaumagahan nang makarinig ako ng mga boses na nanggagaling sa sala ng apartment na inuupahan ko. Boses ni Mama pero sino naman ang kanyang kausap? Dali-dali akong bumangon at agad na nanghilamos pagkatapos ang nagpalit ng pambahay na damit saka na ako lumabas ng kwarto at napatda ako sa nakita. Si Romir at may dalawang babae siyang kasama na pareho nang may edad. "Oh, Vence. Gising ka na pala," sabi ni Mama nang nakita niya ako sa labas ng pinto ng aking kwarto. "Siya na ba?" Narinig kong tanong ng isang babae na mas matanda pa sa kasama nitong isa pang babae. Humakbang ako palapit sa kanilang kinaroroonan habang nakatingin sa kanila. "Siya nga pala ang anak ko. Si Vence," sabi ni Mama sa mga ito saka niya ako binalingan, "...Vence, sila ang pamilya ni Romir." Nagulat ako sa narinig. Wala akong naiintindihan kung bakit narito ang pamilya ni Romir at ano naman ang ginagawa nila rito? Napatingin ako kay Romir pero agad din siyang nag-iwas ng tingin nang makita niyang napatingin ako sa kanya. "Hi, hija. I am Romir's grandmother. I am Rosalinda," nakangiti niyang sabi sabay lahad ng kanyang kanang palad, nagdadalawang isip na tinanggap ko iyon. "Hello po." Tanging salitang namutawi sa aking mga labi. "And this is," sabi niya saka binalingan niya ang isa pang babaeng kasama niya na mas bata pang tingnan kaysa sa kanya, "...Romir's mother Cathy," dagdag pa niya habang hawak pa rin niya ang kamay ko. Napatayo ang babae saka siya humarap sa akin. "Nice to meet you, Vence," sabi niya saka inilahad niya ang kanyang kamay. Napatingin ako kay Romir na nanatiling nakaupo sa sofa habang nakayuko. "N-nice to meet you din po," mahina kong sabi saka tinanggap ko ang kanyang kamay. "We are here para pormal na hingin ang kamay mo sa iyong mga magulang." "Po?!" Sobra akong nagulat sa sinabi ng matanda. Napatingin ako kay Mama. "On the way na ang Papa mo," sagot niya sa nagtatanong kong mukha. Napatingin ako sa nakayukong si Romir at walang anu-ano'y hinila ko siya patayo at bahagya ko siyang kinaladkad palabas ng bahay. "Romir, ano 'to? Akala ko sasabihin mo ang totoo," sabi ko matapos ko siyang bitawan. "Sinubukan ko." "Sinubukan mo? Eh, ano 'to ngayon?" "Ayaw nilang makinig. Ilang beses ko na ring sinubukan pero kung ano 'yong nakita at narinig nila galing sa iba, 'yon na ang pinaniniwalaan nila," pahayag niya habang nakayuko na para bang batang natatakot mapagalitan ng ina, "...wala na akong magagawa. Kalat na kalat na ang balitang nangyari sa hospital. Ayaw ni Mama na mabahiran ng masamang haka-haka ang pangalan ng pamilya namin at...at gusto na rin kasi ni Lola ng apo sa tuhod," nakayuko pa rin niyang sabi. Napapikit na lamang ako. Agad akong napamulat nang may narinig akong pumaradang sasakyan. Laking gulat ko nang makita ko si Papa na lumabas galing dito kaya dali-dali akong pumasok ng bahay na siya ring pagpasok ni Papa. "Honey, andito ka na," salubong sa kanya ni Mama. Napatayo na rin mula sa kinauupuan ang Mama at Lola ni Romir, "...this is my husband. Vence's father Leo," nakangiting pakilala ni Mama. Nakangiting nagbatian ang tatlo saka nagkamayan. "Alam mo ba, honey. Ang saya-saya ko nang malaman kong magkakaapo na ako," baling ni Papa kay Mama. "Me too, honey," nakangiting sagot ni Mama habang nakayakap siya sa braso ng aking ama. "Hay, hindi lang kayo ang masaya. Masaya na rin kami dahil sa wakas magkakaapo na rin ako sa tuhod," masiglang pahayag ng Lola ni Romir. "Oh, siya. Mamaya na kayo magkwentuhan. Pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal ng dalawa," singit ng Mama ni Romir. Napatingin si Mama sa aming kinaroroonan habang si Romir ay nakatayo sa aking likuran. "Oh, andiyan lang pala kayo. Halina kayo," sabi ni Mama sabay kaway sa aming dalawa ni Romir. Nagmano ako kay Papa nang makalapit  na ako sa kanila. Hindi na namin napigilan pa ang aming pamilya. Nag-usap sila tungkol sa kasal namin ni Romir. Sila na ang pumili ng date at place kung saan gagawin ang kasal, pati na rin ang magiging ninang at ninong at kung sino-sino ang imbitado. Gusto ko mang tumanggi pero wala na akong nagawa lalo pa at sa tinagal-tagal ng panahong hindi ko nasilayan ang matamis na ngiti mula sa mga labi ni Papa ay sa pagkakataong ito, malaya ko itong napagmasdan. "Hay, salamat. Akala ko talaga, magiging tomboy ka na habang buhay. Thank you at magkakaapo na rin ako," masiglang pahayag ni Papa nang nakaalis na sina Romir. "Pa..." Gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan pero nanng napatingin ako kay Mama, pasimple siyang napailing na para bang sinasabi niyang "huwag" kaya hindi ko na natuloy, "...sensya ka na po kung nauna ang honeymoon kaysa sa kasal," pag-iiba ko ng sasabihin. Napatawa si Papa saka niya ako niyakap. "Salamat at tinupad mo ang pangarap kong magkakaroon ng apo," aniya habang yakap-yakap niya ako. Nag-iisang anak kasi nila ako kaya ganu'n na lamang ang galit ni Papa nang malaman niyang lalaki ang puso ko. Sinubukan pa nga niya akong lasingin noon at ipinagkanulo sa anak ng kanyang kumpare para lang maging babae ako ayon sa kagustuhan niya pero hindi 'yon nangyari dahil sanay ako sa inuman at nauna pang nalasing ang kanyang inaanak kaysa sa akin. Marami siyang lalaking ipinakilala sa akin pero lahat nang 'yon, hindi umubra sa akin noon kaya ganu'n na lamang ang saya na kanyang nadarama nang malaman niyang buntis ako kaya lang hindi niya alam na hindi si Romir ang ama ng anak ko at ang totoong ama ay nilayuan ako, tinakasan ang responsibilidad. Wala na kaming nagawa ni Romir, wether we like it or not, tuloy na tuloy na ang kasal namin at hinihintay na lang namin ang date nito. Third day ng school anniversay namin, ito 'yong day kung kailan magco-compete si Anton sa pagalingan ng Math sa loob ng katawan ni Clark. Ito ring ang isa sa problema namin, kailangan kaya makakabalik sina Clark at Anton sa kani-kanilang katawan? Problema kasi ng barkada, problema na rin naming lahat. Ganu'n nga siguro kapag tunay ang barkada sa isa't-isa. Halos kumpleto ang tropa, si Ken lang ang wala. Hindi na rin kami nag-uusap ni Romir, halos wala kaming imikan. Nag-uusap lang kami kapag importante at hanggang doon lang 'yon kahit na palapit na nang palapit ang araw ng aming kasal. "Good luck," sabi ni Lani kay Anton when the competition is about to start. "Ipanalo mo, huh?" nakangiting bilin ni Joey. Ngiti lang din ang nakayanan kong ibigay sa kanya. Nang paakyat na sana siya sa stage ay hinabol siya ni Clark at maya-maya ay niyakap niya ito mula sa likuran. "Nagkakamabutihan na ang dalawa," nakangiting sabi ni Mark habang nakatingin sa dalawa naming kaibigan, "...eh, kayong dalawa. Okay na ba?" baling niya sa aming dalawa ni Romir. Napatingin ako kay Romir na agad ding nag-iwas ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata. "Ano ka ba naman, Mark?" saway ni Joey saka umupo na kami nang pabalik na sa amin si Clark. Dahil sa sipag at tiyaga ni Anton sa pagsasanay, napanalunan niya ang competition. "Congratulations, Anton," nakangiting salubong ni Lani sa kanya. "Congrats, Dude," ani Joey. "Good job," sabi naman ni Romir. Napakasaya naming lahat at alam ko na kung may mas nagsasaya man ngayon, 'yon ay si Clark dahil kahit papaano'y hindi siya ipinahiya ng kaibigan namin. "Ihatid na kita." Napatingin ako kay Romir. Nagsiuwian na kasi ang lahat. Pauwi na rin ako pero hinabol niya ako. Hindi ako umimik pero hindi rin siya umatras. Tahimik na nakasunod siya sa akin. Pinakiraramdaman ko siya. Nanatili lang siyang nakasunod. May mga kalalakihang naghahabulan palapit sa amin at bago pa ako nakaiwas ay may taong bigla na lamang akong hinapit sa beywang palayo sa mga kalalakihan. Napadikit ang mukha ko sa kanyang dibdib. Amoy na amoy ko ang pabangong kanyang ginamit at nang tingalain ko ay ganu'n na lamang ang pagkabigla ko nang makilalang si Romir pala ang taong nagligtas sa akin. Napatitig ako sa kanya habang siya naman ay galit na galit na nakasunod ang mga mata sa naghahabulang mga kalalakihan. Suddenly, my heart beats so fast and there's a feeling inside of me, telling me that no matter what will happen to me, I am safe as long as I am inside of his arms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD