"Mga loko 'yon, ah! Hindi man lang pinapansin ang kanilang makakasalubong? Paano kung nakabang-----" Hindi na naituloy ni Romir ang iba pa sana niyang sasabihin nang napatingin siya sa akin habang ako naman ay nakatingala sa kanya. Nakatitig!
Nang mapansin niya ang kanyang kanang braso na nakahawak sa beywang ko ay natatarantang napabitiw siya.
"Ahhh...sorry. H-hindi ko s-sinasadya," aniya tila ba nahihiya pa habang nasa batok niya ang kanyang isang kamay. Ni hindi man lang siya makatingin sa akin.
Walang imik na lumakad ako pero ang totoo, hindi pa rin humuhupa ang pagkabog ng aking dibdib. Naalala ko tuloy kung papaano niya ako hawakan sa beywang noong sumayaw kami. Pero, 'yong sensation na ibinigay niya sa akin ngayon ay ibang-iba. Dahil nga siguro sa katotohanang ikakasal na kami.
"Salamat sa paghatid," sabi ko sa walang kabuhay-buhay na boses saka ko na siya agad na tinalikuran na siya namang paglabas ni Mama sa inuupahan kong apartment.
"Oy, Romir. Halika muna. Tumuloy ka muna!" tawag niya kay Romir na paalis na sana.
"Ma," awat ko sa kanya. Paalis na sana 'yong tao, bakit pa kasi tinawag.
"Ano ka ba?" baling niya sa akin saka muli niyang tinawag si Romir.
"Magandang gabi po, Tita," bati naman niya.
"Halika, tuloy ka. Dito ka muna mag-dinner." Napatingin sa akin si Romir at bahagya akong umiling-iling para tumanggi siya sa imbitasyon ni Mama.
"Ahhm, n-next time na lang po siguro k-kasi----" Hinila siya ni Mama sa kamay papasok ng bahay kaya hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang habang nakatingin sa akin.
"Malapit na ang kasal niyo kaya sigurado ako na minsan na lamang tayo magkakasalo-salo sa hapunan kaya pagbigyan mo na lamang ako ngayon. Okay ba?"
Muling napatingin sa akin si Romir na para bang humihingi ng patnugot.
"Okay po, Tita."
Lumapit ako sa sofa kung saan nakaupo si Romir saka sinenyasan ko siyang lumipat sa kabila dahil ang sofa na inuupahan niya ay kasya para makahiga ako.
Agad siyang tumalima. Ako naman ay agad na humiga sa sofa gaya ng nakagawian ko. Itinaas ko ang isa kong paa saka ko ito ipinatong sa sandalan ng sofa habang ang dalawa kong kamay na ginawa kong unan.
"Aray, Ma!" sigaw ko nang bigla ba naman akong binatukan ni Mama.
"Umayos ka nga, Vicenta. Umasta ka naman bilang babae. Alalahanin mo buntis ka," panenermon niya habang may hawak-hawak siyang sandok, "...nakatingin sa'yo ang magiging asawa mo. Mahiya ka nga," pabulong niyang dagdag.
Oo nga pala. Hindi lang pala kami ang tao rito sa bahay. Nandito pala si Romir. Ba't ko ba nakalimutan 'yon?
Dali-dali akong bumangon saka napatingin ako kay Romir na agad din namang nagbawi ng tingin.
"Pasensya ka na, n-nasanay lang," mahina kong sabi sa kanya.
"Okay lang," nakangiti naman niyang sabi. Ba't ba ako humingi ng dipensa? Siguro naman, wala siyang pakialam kung ano ang gagawin ko kasi nga wala namang special na connection ang namamagitan sa amin ngayon. Pakakasalan niya lang naman ako dahil sa salitang "tulong". 'Yon lang 'yon, sigurado ako.
"Kumain ka pa," sabi ni Mama habang sinasalinan niya ng pagkain si Romir at pasimple namang napatingin sa akin si Romir.
Hindi kasi siya kumakain ng marami. Ganu'n talaga kapag gustong panatilihin ang magandang figure ng katawan kaya nga, eh sa kanilang apat hindi siya mahuhuli kung pagandahan lang naman ng katawan ang usapan.
"Ma, tama na 'yan baka mamaya 'yan, hindi na siya matutunawan sa dami ng pinakain niyo sa kanya," awat ko kay Mama at walang anu-ano'y kinuha ko ang ibang pagkain na nasa pinggan ni Romir na kalalagay lang ni Mama at inilagay ko iyon sa sarili kong pinggan.
Pero, ganu'n na lang din ang pagtataka ko nang biglang kinuha ni Romir ang mga 'yon at inilagay niya sa kanyang pinggan.
"Ayon sa librong nabasa ko, hindi nakabubuti sa buntis ang kumain ng marami. Dapat katamtaman lamang," sabi niya habang patuloy niyang kinukuha ang ibang pagkain sa pinggan ko.
"Nagbabasa ka ng libro tungkol sa mga buntis?" hindi mkapaniwalang tanong ni Mama.
Dahil sa tanong ni Mama, para tuloy napahiya si Romir sa kanyang sinabi at napahinto siya sa kanyang ginagawa, nag-iisip kung ano ang dapat isagot. Sino ba naman kasi ang aasa na gagawin niya ang ganu'ng bagay?
"Ahh...w-wala po k-kasi akong g-ginagawa ng mga o-oras na 'yon at n-nakita ko naman ang magazine ni Mama tungkol sa pregnancy kaya b-binasa ko na." Halata sa boses niyang natataranta siya at kinakabahan.
"Mabuti 'yon. Atleast, alam mo kung papaano aalagaan ang anak ko kapag mag-asawa na kayo," nakangiting sabi ni Mama saka sumubo.
Hindi ko napigilan ang sariling napatingin kay Romir. Ganito ba talaga siya ka-desididong magiging ama ng anak ng iba? Sana...sana siya na lang si Ken.
Pabaling-baling na ako ng higa pero sadyang napakailap ni antok sa akin ngayong gabing 'to. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang ginawang pagligtas sa akin ni Romir kanina.
Unang beses niya akong iniligtas noong sumayaw akong walang ka-partner tapos noong muntikan na akong mabangga ng nagtatakbuhang mga kalalakihan.
"Ayon sa librong nabasa ko, hindi nakabubuti sa buntis ang kumain ng marami. Dapat katamtaman lamang." naalala kong sinabi niya kanina nang maghapunan kami.
Bakit lagi niya akong inililigtas? Bakit napaka-concern niya sa akin? Talaga bang naaawa lang siya sa ibinubuntis ko ngayon kaya siya magpapakasal sa akin o may malalim pa siyang dahilan? Pero, ano naman kaya 'yon?
"And now, let us witness the beauty and the brain that our university can be proud of!" masiglang pahayag ng isa sa naging hosts ng event na 'to.
Ito na 'yong part na mas inaabangan ng lahat. Ang Ms. Standord University kung saan kasali si Lani, ang kaibigan namin na madalas binu-bully dahil sa nerd niyang look.
"Pare, balita ko. Sumali raw sa Ms. Stanford University ang nerd na babaeng nagconfess sa'yo." Narinig kong sabi ng isa sa mga barkada ni Carlo. Si Carlo ang ultimate crush ni Lani na nagpahiya sa kanya.
"Really? Hindi na siya nahiya sa kanyang ginawa at sumali pa siya?" nakakainsultong sabi nito.
"Huwag kang mag-alala, hindi pa rin 'yun mananalo sa goddess mong si Khaela. Walang kalaban-laban 'yung nerd na 'yun sa goddess mo."
"Gusto siguro niyang mapahiya ulit kaya sumali siya. Kung tutuusin, kahit sa dulo lang ng daliri ng ibang contestants, eh siguradong sabog na sabog na siya," nakatawa pang sabi ng katabi ni Carlo.
"Makapal na kasi ang mukha nu'n kaya hindi na tinatablan ng hiya," saad naman ng isa sa kanila.
"Let us welcome our first candidate for Ms. Stanford University. Please, welcome Ms. Sangria of Education department!"
Mula sa backstage ay lumabas ang unang candidate. Paglabas niya ay halos naghiyawan ang lahat sa kagandahan niyang taglay dagdagan pa ng balingkinitan niyang katawan.
"Hi, everyone. I am Cherie Sangria. 17 years old from Education Department nagsasabing aanhin mo ang kagandahan kung hindi ka naman katalinuhan. And I thank you!" sigaw niya saka siya nag-bow. Pagkatapos nu'n ay rumampa siya sa harap at tumayo pagkatapos sa gilid ng entablado.
Sunod na tinawag ng host ang iba pang kalahok. Panghuling tinawag ay si Lani.
"And now, let us welcome our last but not the least. From Art Department, please welcome from Art Department, Ms. Reyes!" bulalas ng host at dahan-dahan na lumabas mula sa backstage si Lani.
"Wooooooow!!" halos bulalas ng lahat ng nandoon ng lumabas na si Lani. Lahat sila napanganga at ganu'n na rin ako. Hindi ako makapaniwala sa kagandahang taglay ni Lani kapag nabihisan na siya ng maayos.
She's wearing a red strapless gown na hanggang paa lang niya ang haba. Nakasuot siya ng isang high heels na sandal na lalong nagpatangkad sa kanya at lalo tuloy siyang naging attractive tingnan dahil na rin sa kulay ng suot niyang gown. Dahil nagmatch sa maputi niyang kutis ang gown, lalong lumitaw ang kakinisan ng kanyang balat. Nakalugay ang tuwid niyang buhok ma dati ay kulot, isa sa mga bunga ng kanyang pagtatransform na hindi naman ganu'n kahaba.
Ang mas nakakapanibago sa kanya ay pagkawala ng kanyang suot-suot na salamin. Mas nakikita na ngayon ang magaganda niyang mga mata lalo na at nakatuon sa kanya ang camera. Kahit light lang ang naging make-up niya ay hindi pa rin maiwawaglit ang kakaibang taglay niyang alindog sa mga oras na 'to.
"P-pare, di ba siya 'yung nerd na nagtapat sa'yo? Grabe, pare. Ang ganda pala niya," manghang nasambit ng isa sa mga kaibigan ni Carlo.
"I never thought na ganito pala siya kaganda kapag nabihisan na ng maayos, pare," sabad din ng isa pa.
"She's so damn pretty!"
"Perfect beauty, pare!"
Napangiti na lamang ako sa aking naririnig.
"Hello, everyone. I am Lanilyn Reyes from Art Department na nag-iiwan ng kasabihang "don't judge the book by its cover" and I thank you," nakangiti niyang sabi. Naghiyawan ang mga estudyante.
"Ang ganda mo!"
"Awesome!"
"Perfect!"
"Panalo na 'yan!"
Kanya-kanyang sigaw ng mga estudyante.
"She's incredibly beautiful," bulong ko kay Anton at tumangu-tango naman siya bilang pagsang-ayon.
"Ipanalo mo, Lani!" sigaw ni Romir.
Lihim tuloy akong napangiti sa ginawa ni Romir. Ramdam na ramdam ko talaga ang suporta nila sa kaibigan namin.
"Ipahiya mo ang nagbasted sa'yo!" segunda ni Anton. Sinadya pa talaga niyang isigaw 'yun para marinig ni Carlo na hanggang ngayon, tulala pa rin sa nakitang kagandahan ni Lani.
Nagpatuloy ang competition, sa pagrampa, sa gown, sa sports at ang huli ay ang question and answer portion.
Alam ko, pagdating sa utakan ay may maibubuga rin si Lani para du'n. At nang i-announce na kung sino-sino ang napabilang sa top 5 ay napatalon kami ng makasali si Lani. Hindi namin inaasahan 'yun. Kahit top 5 lang siya, proud na kami du'n atleast she prove herself na may maibubuga rin siya, di gaya ng mga sinasabi ng iba.
"And now let us call one of our beloved judges, our Stanford University's president to come up in stage to announce if who will be our Ms. Stanford University for this time . Please, welcome Mr. Dela Cruz. A hand please."
Mula sa inuupuhan ng mga judges ay tumayo ang isang judge na si Mr. Dela Cruz ang presidente ng Universidad saka ito umakyat ng stage. Hawak-hawak niya ang result ng competition. Sa totoo lang kinakabahan na kami para kay Lani.