Kinabukasan ay maagang sumulpot si Carlo sa aming apartment. Pupungas-pungas pa ang mga mata ko at antok-na antok pa ako. “Bakit nandito ka? Ang aga-aga. May kailangan ka ba?” “Gusto ko lang sanang magbreakfast kasama ka.” “Breakfast? Alas sais ng umaga? Seryoso?” “Oo. Friendly date, pwede ba? Sabi mo we can be friends.” “Hindi ako nagbe-breakfast ng ganito kaaga. Hindi tayo magiging friends kung manggigising ka lang,” naiinis na sabi ko. “Tara na. Maligo ka na at magbihis ka na,” pangungulit pa nya. “Carlo, tigilan mo na ako ha. Antok na antok pa ako. Nakakainis ka.” “Hihintayin kita dito lang ako sa kotse.” “Ang agang ligawan naman niyan. Nakakainggit,” sabat pa ni Mira. Pumasok ako muli sa aking kwarto para matulog ngunit nawala na ang antok ko at naiisip kong nag-iintay si Ca

