Bago ako tuluyang umalis at iwan sya ay niyaya nya muna ako na mag-out of town. Pero sabi ko ay pag-iisipan ko muna dahil maraming pwedeng mangyari sa amin sa mga ganoong lakad. Nag-iingat ako na mahulog ulit sa kanya. Matagal-tagal na akong hindi nakakapag-out of town at alam nya talaga ang kahinaan ko. Araw araw nya akong kinukulit. Para daw maka-relax ako at mawala ang mga pagod na naranasan ko sa pag-aalaga sa kanya. Parang yung dati lang noong kami pa. Mahilig talaga kaming mag-out of town at mamasyal kung saan-saan. Pumayag ako pero sa isang kondisyon na hindi kami mag-oover night at day trip lang. Natuloy nga ang aming out of town sa Batanggas. Kumain muna kami ng breakfast pagdating. Pagkatapos ay naglalakad-lakad konti at sightseeing sa magandang tanawin sa resort. Nagpahinga la

