Umalis na kami sa resto at nag-drive na si Carlo. Di ako totally nadismaya dahil wala rin akong inexpect. Nag-assume lang ng very light dahil sa todong pa-make over niya sa akin. Akala ko ay magpo-propose na siya pero ok lang naman kung hindi pa. “Daanan pala natin yung regalo ni Marco kay Carmie sa condo niya,” saad ni Carlo. May condo na pala siya. Siguradong maraming babae na ang nadala niya doon. Di pa ba mag-aasawa yung dalawa mong kaibigan? “Ewan ko ba sa mga ‘yon. Nag-eenjoy pang maigi sa pagiging buhay binata at ayaw pang magpatali.” “Ano kaya ang regalo niya? Mabuti pang cash na lang sana,” pabiro ko. Ngumiti lang si Carlo at di na sumagot. Pagdating namin sa isang condo ay nag-park pa siya sa parking space nito sa basement. “Pwede ka ba dito? Dapat sa labas na lang tayo nag

