Umuwi kami ng bahay na masaya kahit sa saglit naming honeymoon sa hotel na iyon. We still plan to spend a one-week vacation for our honeymoon. Wala pang date at place kung saan kami pupunta. Pagdating sa bahay ay di pa ako maka get over sa mga masasayang nangyari sa kasal then sa hotel. 1st time makapagswimming ng aming bulinggit at sobrang nakakatuwa ang experience namin na iyon. I stay as a house wife. Maliit pa si Carmie at di ko pa maiwan kay Mama. Then, I started to think of something how to help my husband at naisip kong mag-buy and sell sa internet. Online selling ika nga para may income din ako kahit papaano. Hindi ako pinababayaan ni Carlo financially pero iba pa rin kapag may sarili kang pera. Nakaka-proud na may nabibili ka para sa anak mo, sa sarili mo, at para sa asawa mo.

