Wala ka na daw sa office at nagpalit ka na ng number. Kakausapin na sana kita kaso nung hinanap kita sa social media,‘di nakita makita. Sorry dahil nasaktan kita at alam kong masakit yung ginawa ko dahil yun din ang naramdaman ko nung iniwan n’ya ako. Sana mapatawad mo ako, hindi man ngayon pero sa mga darating na panahon Pinigilan kong maigi ang pagpatak ng luha ko. Alam kong naka move-on na ako pero napakasakit ng mga salitang narinig ko sa kanya. “Tapos ka na ba?” sambit ko. Tumayo na ako para umalis pero tumayo rin sya kaya sinampal ko sya ng todo. Sabay lakad ko palabas ng unit nya at hinayaan nya naman akong umalis. Nanginginig ang katawan ko sa galit sa kanya. Iyak ako ng iyak sa maintenance room dahil sa sobrang sakit. Tinawagan ko sina Drew at Marco. Niyaya ko lang na mag-chi

