Pagsakay niya sa kanyang sasakyan ay di nya pa muna ito sinusian. Nais pa nya yatang magkasama kami ng matagal ngunit ako naman ay gustong gusto nang makauwi at naiinis akong makasama siya. Naaamoy kong maigi ang pabango niya at nakaramdam ako na parang may kuryenteng pumasok sa loob ng aking katawan. “Hindi pa ba tayo aalis,” saad ko. Ini-start na niya ang kanyang sasakyan at nagsimula na siyang magdrive. Hindi ko malaman kung giniginaw ba ako dahil sa aircon ng sasakyan niya o kinikilabutan ako dahil sa muli naming pagkikita at ngayon ay magkalapit pa sa isa’t-isa. Napahimas ang dalawang kamay ko sa aking mga braso. “Giniginaw ka ba? Ang ginawin mo talaga ‘no? aniya sabay hina niya ng aircon Muling may pumasok na kuryente sa aking katwan nang marinig ko ang boses niya. Nagpipigil n

