Wala na akong choice kundi ituro kung saan ang apartment namin ni Mira. Pagdating sa amin ay pinigilan ko s’yang bumaba at hwag nang pumasok pa sa loob. “Hindi mo ba ako papapasukin?” sabi n’ya bago ako bumaba ng sasakyan niya. “Bakit pa? Hwag na at umuwi ka na,” galit na sabi ko sa kanya. “Ok , hindi na kita pipilitin. Magkita na lang tayo ulit sa condo bukas,” pagbibilin n’ya pa. “Hindi ko na lilinisan ang unit mo kaya umalis ka na,” pagtataboy ko pa sa kanya na nakasimangot. Sabay pasok ko sa loob ng apartment at umalis na din s’ya pagkapasok ko. Dumiretso ako sa kama ko para magbihis at magpahinga na. Nakatulog ako sa kakaisip sa mga nangyari. Nagising na lang ako ng dumating si Mira at ikinuwento ko ang lahat ng nangyari sa kanya mula pa kahapon sa condo unit ni Carlo. “Inuwi ka

