Nagising ako sa ingay sa loob ng bahay na parang may mga bisita si Carlo. Si Carlo naman ay wala na sa tabi ko kaya sumilip ako sa sala kung sino ang mga taong dumating. Sina Marco at Drew pala. Kasama din yung dalawa pang babae, Ana at sino nga ba? Nahiya akong lumabas dahil baka kung anong isipin nila pero ayokong magstay lang sa kwarto. “Bw**it talaga itong Carlo na ito. May bisita pala sya at dito nya pa ako pinatulog kagabi,” sambit ko sa sarili. Paglabas ko ay nagulat sila. At si Marco, natatawa nang makita ako. “Nandito pala si Misis,” sambit ni Marco. “Sira, hwag kayong magisip nang kung ano. Natulog lang kami kasi hindi nya na ako maihatid sa sobrang pagod nya kagabi,” paliwanag ko. “Sobrang napagod pala,” sabay tawa pa ng tatlong boys at nakangiti lang ang dalawang girls.

