Pagkatapos ng araw na iyon ay halos dalawang linggo kaming hindi nagkita. Kailangan na silang makapag-open ng kanilang kumpanya at naiinip na rin daw ang mga waiting nilang clients. Paminsang text at tawagan lang muna ang communication namin. Dumating ang araw ng opening ng kanilang kumpanya. May ilang friends sila at kamag anak na dumating. May pa-ribbon cutting din at blessing ng kanilang office. Maraming foods ang nakahanda kaya sinama ko sina Mira at Luis. “Bongga dito sis. Mukhang mayayaman ang mga bisita at ang daming food,” ani Luis “Hoy, hwag kang magpahalatang poorest of the poor ka ha,” saad ni Mira at nagtawanan kami “Ang sama mo ha. Baka itampal ko sa iyo itong XYZ Koryan bag ko. Ang mahal nito sa shopi,” pagbibirong sagot ni Luis. “Ano daw ang tatak ng bag?” natatawang ta

