“Walang ibang kumuha sis? Destiny na ba ito?” pabibiro nanaman ni Luis. “Wala nga e. Hindi na ba magbabago ang desisyon mo? Ikaw na lang kasi. 500 din ang bayad doon at wala pang 2hrs na linis,” pangungumbinsi ko pa rin sa kanya. “No way sister! Di ko ipagpapalit ang date ko dyan bukas kahit magkano pa yan.” “Matutuloy ba kayo? Baka Indian yang kausap mo at di ka siputin,” pang-aasar ko din sa kanya “Hoy tumigil ka dyan at baka maudlot pa ito. Nakakainis ka, bawiin mo yung sinabi mo. Ang nega mo talagang babae ka,” sabay hampas pa sa braso ko. Nag-woworry na ang bakla at nagpapapadyak pa. “Aray naman. Joke lang. Hwag ka na mag-alala at matutuloy ang date nyo! Matutuloy ang date nyo! Matutuloy ang date nyo! Ayan 3 times pa yang date na yan.” “Kaloka katalaga!” sabay irap sa akin at

