Ilang linggo na ang lumipas. Hindi na ako naglilinis sa unit ni Carlo at si Luis ang pumalit sa akin. Mukhang ok naman kay luis ang paglilinis nya doon. Mabuti rin at di pa kami nagkikita ni Carlo sa condo. Hindi kami nagkakasalubong sa hallway o kahit sa elevator. Pero palagi pa rin akong naka-mask kapag naglilinis ako sa ibang unit ng condo na iyon. Mahirap na at baka biglang magkita kami. Ayoko na syang makita pa kahit kailan. “Hoy mga sister, may request dun sa unit na nililinisan ko. Yung pinalit mo sa akin Armie,” sabi ni Luis. “Ano namang request? Tsaka bakit sinasabi mo pa sa amin?” usisa ni Mira. “Eh, sa Linggo daw ay kailangan nya ng tagalinis at may bisita daw kasi sya ng Saturday night. So, sino sa inyo ang pwede kasi hindi ako pwede at may ka-date ako ng araw na iyon,” pali

