8

3088 Words
"M-mommy" mahinang hibik ni Gab habang nakadikit ang dalawang palad sa bintana nang humvee, pinipilit tignan ang mansion na ngayon ay napuno na nang nakakatakot na ungol at naglalakad na buhay na walang utak ngayon Puno nang simpatya sina Jasmin na nakatingin sa kaibigan na iyak ng iyak parin habang si Charlie ay nasa tabi nalang halos di makatingin sa babae "W-wala n-na a-akong p-pamilya" bulong ni Gab kaya napalingon si Ashley sa kanya "Gab.." bulong nito Umayos naman nang upo si Charlie na nasa bintana katabi nya si Yico na kandong kandong si Luna na kanina nya pa pinag tataka pero hindi nya nalang pinansin dahil wala naring lugar Naka kandong din kasi si Jasmin kay Gee likod dahil yun maliit na pwesto kung saan sya naka upo ay may box nang mga damit habang yun ibang box ay nasa ilalim nang upuan ni Yico "Teka! Bat kayo nakakandong?" Tanong ni Ashley sabay turo kayla Luna at Jasmin ngumiti lang si Jasmin sa kanya "Kasi wala nang space ng medyo nang panick kami kanina" sagot ni Gee "Wala bang nakagat sa inyo?" Tanong ni Khal El at napatingin sa rear mirror, tinignan naman nila ang bawat isa hanggang sa bumaba ang tingin ni Jasmin sa leeg ni Luna "Si Luna! Nakagat!!!!" Biglang sigaw ni Jasmin nanlaki ang mga mata nila at nataranta Biglang nilabas ni Aiko ang baril nya sabay tutok kay Luna kaya nanlaki ang mata ni Luna pati si Yico Natahimik silang lahat habang nakatakbo ang sasakyan at puno nang pagtataka na nakatingin si Luna sa baril na nakatutok sa kanya Bahagyang napalunok si Jasmin nang nervous laugh "Ay,hindi pala infected yun kumagat sa kanya si Yico lang pala" ani nya kaya lahat ay nakatingin sa kanya lalo na si Luna "Jasmin! Wag kang mang-bibiro nang ganyang!" Pangaral ni Gee tumawa lang si Jasmin sabay kamot sa batok nya, naramdaman naman nya na may nakatingin sa kanya na parang handa syang patayin kaya napatingin sya doon,nang tama ang mata ni Luna kaya napalunok sya "S-sis kalma! I'm just lightening na mood" Umirap lang si Yico ganon naman din si Gee Labanan ito nang mag boyfriend at soon to be boyfriend "Myghad! Muntik ko nang mapatay si Luna!" Sigaw ni Aiko sabay lapag nang baril At doon natigilan si Luna Kung sakaling maging infected sya, mukhang hindi mag dadalawang isip si Aiko na patayin sya o patayin sila Puno nang panghuhusga na nakatingin si Luna kay Aiko kaya napatingin din si Aiko sa kanya mukhang nabasa ni Aiko ang nasa isip ni Luna "Um......nag panick lang ako" mahina nyang ani napa buga lang nang hangin si Yico "Bigyan mo nalang ako nang damit Gee" ani ni Yico ngayon nya lang na realize na wala pala itong damit "Bat wala kang damit?" Tanong nya Nagtama ang dalawang kilay ni Yico nang maalala nanaman iyon "Pinaalala nyo nanaman sa akin kainis!" Bulong nya sabay kamot sa ulo Kumuha nalang si Gee nang damit at binigyan si Yico Damang dama mo ang lungkot at tamihik sa paligid habang dahan dahan na tumatakbo ang humvee dahil tinitignan nila ang paligid "Atleast naka alis sila.." ani ni Charlie "Oo,di katulad nang sa sentro" Pero hindi parin maalis sa isipan nila na maaaring may infected parin dito kahit papano,paano yun galing sa sentro at may kagat na pala pero pinilit na pumunta sa safe zone? "s**t" bulong ni Khal El at tinigil ang humvee napatingin sila sa harap at napa mura nadin Ang daming nakaharang na sasakyan sa daan hindi sila pwede makaraan "Anong gagawin natin?" Tanong ni Ashley puno nang pag alala ang mukha nya "Wala tayong choice....mag lalakad tayo" Natingilan silang lahat dahil sa sinabi ni Khal El at napalunok "K-kung itabi natin ang sasakyan" tanong ni Gee ayaw nyang maglakad hindi nila alam ang peligro sa labas Napakagat nang labi si Luna at binuksan ang pinto nang humvee at lumabas napakunot lang ang noo nilang lahat sa ginawa nang babae "Ibigay mo nga yun katana ko" utos nya kay Yico yumuko naman si Yico dahil nasa ilalim nang upuan nya ang katana saka binigyan sa babae Hinawi ni Luna ang buhok nya at tinignan ang paligid, sobrang tahimik at parang walang tao dito Naglakad sya sa isang kotse kaya lalo silang nataranta lalo na si Yico pero mas nabaling ang tingin nila kay Ashley "Huy! Ashley!" Tawag ni Alas hindi lang sya pinansin at lumabas din, tinignan nya rin ang paligid habang hawak ang kanyang baril Tinignan nila nang maayos ang bawat kotse kung pwede ba nila ito magalaw mukhang hindi at napaka rami nito "Wala tayong choice....mag lalakad tayo" ani ni Luna napa sapo sa ulo si Gee "Delikado....." "Mas delikado kung aabutan tayo nang dilim for sure nakasunod parin sila sa atin yun mga infected" ani ni Aiko napakagat nang labi si Alas at napatingin sa orasan nya Alas dos nang hapon "Tama sila, dapat natin iwan ang humvee at maghanap nang pwedeng masakyan pag may daan na" ani ni Khal El buti nalang at nag dala sila nang iilang bag for emergency Nagsimula na sila mag empake nanaman nang gamit yun isang bag nilagay ng pagkain yun isa naman ay nang mga damit pero yun kasya lang Lumabas na sila nang humvee habang bitbit ni Alas ang bag ng mga pagkain sa likod nya, gusto ni Jasmin na sya na kaso mabigat si Gee naman ang may dala nang bag ng mga ammunition at si Yico sa mga damit yun iba kanya kanyang dala sa mga baril nila Labag sa loob na tumingin si Gee sa humvee na napamahal na sa kanya kahit papano "Bye humvee" malungkot na saad ni Gab sabay kaway sa humvee medyo nawala na sa utak nya yun nangyari kanina dahil malakas ang pakiramdam nya na ligtas ang mga magulang nya huminga sila nang malalim at nag simula na maglakad sa gitna nang kalsada patingin tingin sila sa paligid at sa mga loob nang kotse "Gaano pa tayo kalayo sa Green hills?" Tanong ni Luna, napatingin sa paligid si Charlie "Dalawang oras nalang" ani nya medyo nang alala si Gee dahil sa loob nang dalawang oras nayan pwede maraming mangyari sa kanila Nilabas ni Gab ang kanyang cellphone at tinaas ito baka sakaling may signal nakita sya ni Yico kaya kinuha nya rin ang kanyang cellphone at ginaya si Gab at naghanap din nang signal "Bakit walang signal sa lugar na to?" Inis na tanong ni Yico "Myghad! I can't live like this" reklamo ni Gab sabay hawi sa buhok nya sabay punas narin sa kanyang pawis nakatingin lang sa kanya sina Khal El Charlie at Yico "Naku Charlie, sinasabi ko sayo kaya mo bang buhayin ang ganyang babae?" Bulong ni Yico kaya napatingin si Charlie sa kanya Hindi din ata nila alam na mayaman din si Charlie pero hindi kayaman katulad ni Gab "Mayaman din kaya si Charlie sa tingin mo bat may kotse yan" ani ni Khal El tumango naman si Yico Medyo malayo na sila sa humvee, hindi na nga nila ito nakikita tahimik lang sila nang lalakad kung saan sila patungo may mga iilang bahay at tindahan silang nadadaanan kaya kaya tinignan nila ito nang mabuti "Aish!" Inis na ani ni Gab dahil wala parin syang mahanap na signal kaya sinipa nya yun bato kaya tumama ito sa isang kotse na dahilan nang pag tunog nang alarm nito Isang nakakabinging tunog ang bumalot sa buong paligid Natigilan silang lahat "s**t! Paano patayin yan" inis na ani ni Gee Bigla naman silang nakarinig nang nakakatakot na ungol,agad silang napalingon sa isang bahay Andoon, may isang zombie na nakakatakot ang lakad at mukhang nabubulot na, napatingin sa kaliwa sina Aiko at napalunok nang may tatlo pang zombie na papalapit "Apat.....kaya natin to" ani ni Alas sabay kasa nang baril nya nag tago naman si Gab sa likod ni Ashley "Punong puno na ako" bulong ni Gee at inis na kinasa ang baril sabay tutok sa isang zombie at binaril ito na dahil nang pag tumba nito sa daan bigla namang sumugod sa kanila yun tatlo pa kaya agad itong pinag babaril nina Alas at Aiko natumba ito sa daan kaya naligo sa sarili nilang dugo Ilang araw palang nangyayari ang outbreak at sanay na sila sa gantong labanan "Dapat na tayong umalis, sigurado narinig na yun nang iba" ani ni Luna habang nakatingin sa paligid napalunok naman sila at tumango Napakunot ang noo ni Khal El nang may marinig syang mga yapak mula sa hindi kalayuan parang naririnig nya nato dati Yun papunta sila nang mansion yun halos mamatay sila Sakay na sila nang humvee nun ah, pero nag agaw buhay pa sila ano pa kaya mismong sapatos nalang ngayon ang gamit nila "T-takbo!" Sigaw ni Khal El mukhang narinig nito nila Gee kaya nataranta sila "f**k!" Sigaw ni Gee at agad na hinila ang kamay ni Jasmin sumunod naman na tumakbo ay sina Alas at Khal El hahawakan na sana ni Yico ang kamay ni Luna pero tumakbo na agad ito kaya sumunod nalang sya napalunok pa si Charlie at tumakbo narin habang nabalik sa wisyo si Gab at pinilit na tumakbo Hindi na nila ininda ang mga bigat nang mga dala nila ang importante ay maka alis na sila dito o makakahanap sila nang matataguan sumasabay sa hangin ang mga buhok nila sa sobrang bilis nila tumakbo patingin-tingin sila sa paligid at nagbabakasakali na may mahahap silang pwedeng taguan Palakas nang palakas ang tunog nang yapak at mga ungol "Potangina! Bat ayaw nila tayo tantanan!" Inis na ani ni Yico Lumingon si Gab sa likod na dahilan nang pag wala nya nang balanse at natumba sa daan, tumama ang tuhod nya sa semento na dahilan nang pag dugo nito "Ouch!" Sigaw nya at napapikit sa sakit, narinig sya ni Charlie kaya napalingon sya Pinilit nya tumayo pero napa aray lang sya agad na tumakbo si Charlie sa kanya para alalayan sya "C-charlie! Maabutan tayo pang ganto!" Iyak ni Gab napalunok naman si Charlie,tama sya Rinig na rinig nya parin ang takbuhan kahit malayo kaya napakunot sya, tumingin sya sa mga kasama at mukhang nakalimutan na sila "s**t!" Mura nya at binuhat na parang sako si Gab at tamayo, parang nakalimutan nya na mabigat si Gab dahil sa taranta at sa takbo nang mabilis wala pang zombie pero naramdaman nila na parating na sila dahil sa ingay na ginawa nang kotse pati narin ang mga baril nila May nakita si Alas na isang maliit na inn kaya agad nya itong tinuro "M-mag tago tayo dyan!" Sigaw nya napatingin naman silang lahat doon at agad na pumunta doon, bukas lang ang pinto nang inn kaya madali lang silang nakapasok agad naupo si Khal El sa sahig at hinabol ang hininga nila napapunas nang pawis si Jasmin nang may bigla sya napansin Wala sina Gab at Charlie "A-asan sina Gab at Charlie?" Taranta nya, agad na nang laki ang mga mata ni Alas at tumayo sabay bukas nang pinto ng inn Nakahinga sya nang maayos nang makita nya si Charlie nang buhat buhat si Gab amuse at nag tataka ang nakita sa mukha ni Alas bakit nya binuhat si Gab "A-alas! Wag mo lang akong tignan tulungan mo ako!" Sigaw ni Charlie kaya nabalik sya sa wisyo at sabay labas at kinuha si Gab sa bisig ni Charlie agad na tumakbo papasok si Alas sa loon nang inn habang si Charlie ay napa hawak sa tuhod nya at hinabol ang hininga nya "Charlie!" Tawag ni Ashley agad naman na realize ni Charlie na nasa labas pa pala sya kaya binalot sya nang takot at pumasok na agad sa loob nang inn sabay sara nang pinto Napaupo silang lahat sa sahig at tinignan ang paligid naka bukas parin ang ilaw nito at gaya nang ibang tindahan at ibang gusali dito, iniwan nalang nang basta basta dito Tumayo si Gee pati si Yico dala dala ang mga armas nila "Titignan namin kung safe dito" ani ni Gee tumango naman ang lahat Agad napahawak si Aiko kay Khal El nang marinig nila ang malalakas na ungol at takbuhan, mukhang malapit lang sila huminga nang malalim si Aiko dahil natatakot sya "Shhhh...kalma lang" mahinahon na ani ni Khal El tumango naman sya at napahawak sa damit ni Khal El sa sobrang takot Habang si Charlie naman ay naghahanap nang first aid kit para kay Gab "Kalma lang tayong lahat" bulong ni Alas tumango naman sila,yun lang ang pwede nilang gawin at ang tumahimik Nilibot ni Luna ang paningin sa paligid, may maliit na front desk ito at may iilang kwarto ito yun ginagamit nang mga taong no choice na sila or wala talagang pera Dahan dahan namang tumayo si Alas para i-lock yun pinto para sigurado "Asan na kaya sila Gee" pag aalala ni Jasmin at nakatingin lang sa hallway nito "Andyan na sila" ani ni Luna napatingin si Jasmin at napa ngiti nang maharan nang makita si Gee "Clear mukhang ayos naman dito,dito na muna tayo mag palipas nang gabi" tumayo naman ang iba at hindi nalang pinansin ang ingay sa labas Well si Aiko, pansin na pansin kaya hanggang ngayon ay nakakapit parin sya kay Khal El Napangiti naman si Alas habang nakatingin sa dalawa sumunod naman ang tingin nya kayla Gee at Jasmin inalalayang ni Gee si Jasmin tumayo sunod yun mata nya kay Yico at Luna na wala nang usapan sa tingin and si Charlie na ginagamot ang sugat ni Gab Napatingin naman sya kay Ashley na hanggang ngayon ay hindi parin tumatayo, kaya nilahad nya ang isa nyang kamay sa babae napakunot naman ang noo ni Ashley pero inabot nya naman din ito "Bakit mo ako tinulungan? Kaya ko naman tumayo nang mag-isa noh!" Ani ni Ashley "Bakit kasi hindi kapa tumatayo?" Tanong ni Alas kaya nabaling ang tingin nang iba sa kanila "Eh bakit ba? Inaayos ko kasi yun mga bag natin" inis nyang ani tumahimik ang dalawa kaya parang naramdaman nila na may mga nakatingin sa kanila "Bakit?!" Sabay nilang ani Tumawa lang nang marahan ang iba,hindi mo naman kasi masasabi na may gusto sila sa isa't-isa dahil ang relasyon nila ay parang aso't pusa tignan mo mag babati nanaman yang dalawa nayan mayamaya lang "Iisang room nating tayong lahat para safe" ani ni Yico tumango naman sila at dinala na ang mga bag Pinili nila ang malapit na room, may kama dito na pang dalawang tao "So...sino sa kama?" Tanong ni Jasmin sabay tingin sa mga kasama "Si Gab nalang---" "Pati ikaw?" Pagpuputol ni Gee kay Charlie agad nan laki ang mata ni Charlie at muntik nang masipa si Gee Namula naman si Gab sa tabi "H-hindi! Kasi naman mas kailangan nya yon and injured sya" dahilan ni Charlie ngumiti lang si Gee at tumango Inalalayang ni Alas si Gab sa kama para maupo ito doon, lumapit naman si Charlie at lumuhod sa kanya nagulat naman si Gab nung nagtama ang kamay ni Charlie sa paa ni Gab medyo nataranta sya pero kinalma nya rin ang sarili nya dahil nag mumukha syang tanga sa harap ni Charlie "Saan ang masakit?" Puno nang pag aalala na tanong ni Charlie kaya nang tama ang mga mata nila "S-sa....p-paa..k-ko" utal nya ani at mukhang nasampal nya ang sarili nyang mentally dahil doon Tumago si Charlie at inalis ang suot na sandal ni Gab para matingnan nang maayos ang paa nya, pinatong nya ang paa nito sa binti nya para magamot nya Hinayaan lang sya nina Khal El at Aiko dahil mukhang alam nito ang ginagawa nya,dahil nga isa din syang medical student "Need mo lang i-rest to tapos bukas gagaling nayan" ani ni Charlie natulala lang si Gab sa lalaki na hawak ang paa nya "Gab?" Tawag ni Charlie kaya bumalik sa wisyo si Gab at tumango A-ah! Oo" ani nya Napatingin sya sa tabi nya nang maupo sina Aiko at Khal El hawak hawak parin ni Aiko ang kamay ni Khal El nang dahil sa takot "Aiko kalma lang....ligtas tayo" pagkakalma nya tumingin naman si Aiko sa mata ni Khal El mukhang napa kalma sya Medyo natakot lang sya kanina, sabihin na natin.....na trauma sya sa ganong encounter Nakatingin lang sa paligid si Ashley tinitignan kung anong posisyon matutulog "Kailangan natin nang matutulugang" ani ni Ashley "Pwede naman ata kami kumuha sa ibang room diba? Sa isang higaan nayan pang dalawang tao diba?" Ani ni Alas tumango naman si Ashley Sumama naman si Gee para kumuha nang kutsyon para tulungan nila Limang foam lang ang kinuha nila at konekta-konekta nalang para tipid sa space "Iihi lang ako" ani ni Luna at binitawan ang katana nya "Mag ingat ka Luna" pag aalala ni Jasmin ngumiti lang si Luna sa kanya "Ako rin" ani ni Yico at sumunod sa labas Puno lang sila nang pagtatakang nakatingin sa dalawa "May separation anxiety ata yang si Yico" biro ni Jasmin Habang nang papahinga ang iba may narinig silang nakakatakot na ungol agad tumayo si Alas at kinuha ang baril sa bag "Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Ashley kaya napatingin sila kay Alas na hawak hawak ang kanya baril "Sa cr,bakit sasama ka?" Pang aasar ni Alas kay Ashley sinamaan naman sya nang tingin ni Ashley bahagya natawa ang iba "Joke lang....may narinig akong nakakatakot na ungol pupuntahan ko lang,wag kayong aalis dito" Nun matapos na si Yico agad na binuksan ni Luna ang pinto at tumamba sa kanila si Alas na may hawak na baril at ang patay na infected kinukulayan nito ng pula ang puting tiles nang banyo "Teka,may silencer ka pala?" Tanong ni Luna ngumisi lang si Alas sa kanila "Meron,nasa bag lang kaya diko nagamit kanina sorry kung naka istorbo ako" ani ni Alas tumingin kay Yico nagtungo si Yico sa kanya at inagaw ang baril nya na kinagulat nang dalawa at pinag babaril ang walang buhay na infected Tangina mo Mamatay ka Panira ka nang buhay Andoon na ako eh! "Hoy! Wag kang mag sayang nang bala!" Sigaw ni Alas at biglang inagaw ang baril kay Yico "Naiinis na ako" inis nya ani at umalis nang banyo,nang tinginan lang silang dalawa ni Luna "Sabihin mo nga, boyfriend mo ba si Yico?" Tanong ni Alas ngumiti lang si Luna "Sa tingin mo?" Ani nya sabay hawi sa buhok nya na dahilan na makita si Alas yun mga marka na ginawa ni Yico sa leeg nito "Nice,dalawa na ang mag syota dito" May naramdaman sya na magiging mag jowa din sina Gab at Charlie pati narin sina Jasmin at Gee Ayaw nya naman maiwang single,pero baka maging single nga sya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD