9

3005 Words
Ayos ka lang ba?" Tanong ni Khal El kay Aiko na kasalukuyang naka tulala ngayon habang yun iba naman ay kumakain na binaon nila, umaga na kasi ngayon at nang iisip sila ngayon nang susunod na gagawin para makapunta sa Green hills Tanging tunog lang nang kumukulong heater ang maririnig sa loob nang silid na tinutulugan nila Nagdala kasi sila nang heater for coffee dahil coffee is life,buti at may kuryente pa dito "Naisip ko lang what if....kung wag nalang tayo pumunta sa Green hills?" Tanong ni Aiko natigilan naman ang ibang kumakain at nag tatakang nakatingin sa kanya Pumasok lang sa isip ni Aiko medyo delikado kung mag lalakad lang sila nang Green hills ayaw naman ni Aiko na mapunta sa alanganin ang buhay nila mas pipiliin nalang nya manatili dito kaysa makipag patayan "Aiko hindi rin tayo safe dito,kailangan din tayo nang mga pamilya natin" mahinahong ani ni Khal El at hinawakan ang balikat ni Aiko napangiti nang mapait si Aiko "Natatakot lang ako na maglakad tayo papuntang Green hills" bulong nya "Hindi tayo maglalakad papuntang Green hills clear na ang kalsada dito at ang tanging magagawa namin ay maghanap nang sasakyan na pwede natin gamitin" ani ni Alas tumango naman si Gee na may hawak na tinapay habang ang iba ay tahimik lang na umiinom nang kape "Sino sino kayo na mag hahanap nang masasakyan?" Tanong ni Jasmin "Ako,si Gee at Yico magaling to si Yico sa mga kotse---" "Kasama ba ang pagiging architect nya sa kotse?" Tanong ni Charlie napatawa naman nang marahan si Alas "Hindi,marunog lang daw sya" ani Alas "Mag nanakaw nang kotse yan si Yico dati, di nyo alam?" Biro ni Gee kaya natawa naman sila pati si Luna "Kalmado pa ako,antay lang kayo baka maligo kayo nang mainit na tubig" kalmadong ani ni Yico sabay inom sa kape nya kaya agad silang natahimik, nabalik ang atensyon ni Khal El kay Aiko "Tignan mo, magiging okey lang tayo perfect ang survival squad natin" ani ni Khal El sabay ngiti kay Aiko hinawi naman nya yun mga buhok ni Aiko na napadpad sa muka ni Aiko napatingin din si Aiko nang bahagya Huminga nang maluwag si Alas at tumayo "Mabuti pa at kumilos na tayo" ani ni Alas sabay pagpag sa pantalon nya napa busangot naman si Gee dahil kumakain pa sya "Yico kasama ka" Ani ni Alas habang hinahanda ang kanyang baril napataas lang nang kilay si Yico "Hindi ba talaga kami pwede sumama ni Ashley?" Ani ni Luna kahit si Ashley gusto sumama sawa na sya na lagi nalang syang naiiwan "Hindi pwede,kayong dalawa ang bahala dito" sagot ni Yico "Mag iingat kayo" puno nang pag aalala ani ni Gab sa tatlo "Wala bang good bye kiss dyan sa mga boyfriend at soon to be boyfriend?" Biro ni Charlie habang umiwas nang tingin si Jasmin habang si Luna ay walang pake Napatingin si Gee at Yico sa dalawa bago nag tinginan "Kiss daw Gee" asar ni Yico ngumiti lang nang peke si Gee sa kanya alam naman ni Gee na hindi gagawin yun ni Jasmin "Ang wild nyo mang salita ni Gee pero hindi kayo ganon simpleng ani ni Luna at uminom sa kape nya, napatingin naman ang lahat sa kanya dahil sa sinabi nya mas lalong namula ang dalawa "T-tama na yan!" Pag iiba ng topic ni Gee pero ngumisi lang sa kanya si Charlie pinanliitan lang sya nang mata ni Gee "Diko naman gusto--" Pagpuputol ni Alas kay Gee "Hindi ako naniniwala" ani nito kaya sinamaan sya nang tingin nito "Sige na, kiss lang eh" pag tutulak ni Gab kaya pinanliitan lang sya nang mata ni Jasmin pati ba naman si Gab makikisali sa kalokohang ito Napapikit nang mariin si Jasmin at humiga nang malalim Agad tumayo si Jasmin napatingin si Luna sa kanya bigla namang kinilig si Gab sabay hampas kay Charlie kaya napa aray ito Makalimutan naman ni Aiko ang pag aalala at amuse na nakatingin kay Jasmin na naglakad papunta kay Gee na nakatalikod at walang alam "G-gee" mahinang ani ni Jasmin napalingon naman si Gee sa kanya at nanlaki ang kanyang mga mata ng hawakan ni Jasmin ang kanyang pisngi nya at biglang hinalikan ang labi nya nun bumitaw na sa saglit na halik ni Jasmin agad syang umiwas nang tingin Habang laglag pangang nakatingin ang lahat Nagwawala na sina Aiko Ashley at Gab sa tabi yun tipong kinukuyog ang mga katabi nila na sina Khal El Charlie at Alas Habang nabuga ni Luna ang iniinom nya "M-mag ingat ka" bulong ni Jasmin at bumalik sa upuan nya, nakabukas parin ang bibig ni Gee dahil hindi maka move-on sa naganap sobrang bilis nang pangyayari dahan dahan nyang hinawakan ang labi nya at napa ngiti "Oh? Masaya kana Luna? Ikaw naman" ani ni Jasmin sa babae,na katabi nya na hanggang ngayon ay gulat parin Yun mga matinis na tili nila Ashley Gab at Aiko ay rinig na rinig mo parin "Bat nasali ako dito?" Tanong nya hindi makapaniwalang nakatingin si Jasmin sa kanya Alam naman nang lahat ng nandito na sila na ni Yico kahit hindi nila sinasabi halata naman "Ngayon ayaw mo,ako halikan pero parang kagabi hindi ka naman ganyan" biglang ani ni Yico kaya sinamaan sya nang tingin ni Luna "Isa. Salvador" banta ni Luna ngumisi lang si Yico sabay kuha nang kanyang katana at hinataw ang doorknob nang pinto "Lezzgo" ani ni Yico sumunod naman sina Alas sa kanya nun nasara na ang pinto nang patuloy lang sa pagkain ang iba habang bumalik ang pag aalala ni Aiko Weird lang na nakatingin si Khal El sa kanya kasi parang kanina lang nag wawala sya sa kilig "Di kita maintindihan" bulong ni Khal El sabay iling Nakahanap naman sila nang van,yun katulad nang sinakyan nila, tinignan naman ito ni Alas kung wala bang sira at wala nga talagang iniwan nalang ito dito nang basta basta,at ang masaya nabukas lang ito at nasa loob ang susi mukhang nag panick ang mga tao dito "So...wala na akong gagawin?" Tanong ni Yico habang naka sandal sa isang kotse buti hindi ito tumunog "Naka jackpot ata tayo ngayon" ani ni Gee sabay sipa sa mga bato sa daan,pumasok nama si Alas sa loob nang van at tinignan kung may laman ba ito o may gas pa "Mag bantay kayo dyan" ani nya sa dalawa "Yes sir" ani ni Gee sabay ngiti hawak hawak ang baril nya ngayon sabay tingin sa paligid Medyo relax pa sya ngayon "Hoy! Sakay na kayo ito na gagamitin natin pabalik!" Sigaw ni Alas nag lakad naman sila papasok sa van Umupo sa back seat ang dalawa habang si Alas ang nagmamaneho Medyo na miss nila yun mga panahong nasa van palang sila parang bumalik yun feeling sa kanya lalo na yun mga panahong andoon sila sa loob Dumating na sila sa inn kung saan sila nag stay,nakapag tataka nun wala yun mga zombies na humahabol sa kanila kahapon lang,bumaba ang tatlo sa van at pumasok sa inn sakto pag bukas nang kwarto nila agad bumungad kay Gee si Jasmin "Kanina pa ako nag aalala sayo" ani nya sabay kayap kay Gee napa irap lang si Alas dahil ano ba bitter nga sya Kaya bagay sila ni Ashley hahaha "So? Nakahanap na daw kayo?" Tanong ni Khal El ngumisi naman sina Alas at Gee "Hindi naman pala ganon kahirap makahanap nang sasakyan eh" proud na ani ni Alas sabay pakita nang susi nang van kaya nag liwanag ang mukha nilang lahat "Yes!" Masayang ani ni Charlie Parang nawala yun pag aalala ni Aiko kanina dahil may sasakyan na sila "Makakarating na tayo nang Green hills" masaya nyang bulong hindi nya maiwasan maluha sobrang dami kasi nilang pinangdaanan at sa wakas makakapirmi na rin sila at makakasama ang pamilya nila Napansin naman ni Khal El ang pagiging emosyonal ni Aiko kaya niyakap nya ito, hindi maintindihan ni Khal El si Aiko dahil masyado itong iyakin siguro ngayon lang nag sink in sa kanya ang panganib na meron sa paligid nila "Magiging okey din tayo, makakasama mo rin ang pamilya mo" mahinahon na ani ni Khal El sumunod naman ang iba at inayos ang mga gamit,Tiniklop naman nina Gab at Charlie yun mga kumot dadalhin daw nila panigurado malamig "Medyo malapit na tayo sa Green hills" ani ni Khal El nasa van na silang lahat at sa wakas nakaupo na sina Gee at Jasmin Hinawakan ni Khal El ang manibela nang van at tinignan nang mabuti ang daan Napatawa nang marahan si Alas sabay hawi sa buhok nya "Check the perimeter" ani nya sabay lingon sa likod nasa harapan kasi sya "Na-miss ko yan ah" ani ni Gee sabay tawa medyo matagal narin hindi nagamit yun "Seryoso ako check the perimeter" ani nya ulit nag si-tinginan naman sila sa mga lugar nila "Clear" sabay nilang ani hindi maiwasan ngumiti ni Khal El Umandar na ang van kaya inayos na nila ang upo Nakatingin ang iba sa labas habang nag babantay habang yun sa likod kain nang kain lang "Hoy! Wag nyo ngang ubusin yun pagkain" reklamo ni Aiko kayla Gab at Ashley na lamon ng lamon lang Sa second seat kasi sina Yico Luna at Aiko sa third seat naman sina Charlie Gee at Jasmin sa last naman sina Gab at Ashley kasama nang pagkain "Eh nagugutom ako eh!" Reklamo ni Gab sabay pasok nang pagkain sa bibig nya, napa iling nalang si Charlie sa kanya "Parang field trip lang" ani ni Yico at sinandal ang ulo sa bintana nang van "I swear to God,pag may hahabol sa atin ngayon mag mumura na talaga ako nang sobra" bulong ni Khal El bigla naman sila napaisip Asan na kaya yun mga sangkatutan na mga infected na tumakbo kahapon? Bakit bigla nalang ito nawala? Agad na napatingin sa paligid ang lahat parang nag si-tayuan yun mga malahibo nila dahil na alala yun mga infected nayun "Asan na sila?" Puno ng pag aalalang ani ni Aiko "Gaano pa tayo kalayo sa Green hills?" Tanong ni Gee napatingin naman si Khal El sa paligid "30 minutes" "Bilisan mo ang takbo Khal El hindi maganda ang pakiramdam--" "s**t!" Agad silang napalingong lahat maliban kay Khal El na mas nakatuon ang tingin sa daan "POTANGINA POTANGINA POTANGINA" sunod sunod na mura ni Khal El Bigla nalang nang silabasan sa kanilang lungga ang mga infected na ito, yun parang sila talaga ang inantay ng mga iyon Agad na binigay ni Gee yun mga baril sa mga kasama nya dahil mukhang mapapalaban na naman sila "Charlie! Exchange tayo!" Sigaw ni Gee agad naman nag cooperate si Charlie at lumipat sa likod kasama sina Gab si Gee ang nasa bintana "Ashley! Ikaw sa kabila ako dito!" Utos ni Gee tumango naman si Ashley sabay hawak sa baril nya Si Ashley ang sharp shooter along with Gee at Alas hindi pwede si Aiko dahil medyo natatakot sya ngayon "Excuse Gab" agad namang tumabi si Gab agad binuksan nina Gee at Ashley ang bintana sabay labas nang kalahating katawan sa bintana at tinutok ang baril sa likod nila kung asan ang mga infected "No need to kill them all,yun papalapit lang sa van natin ang patayin!" Sigaw ni Gee "COPY!" Sigaw nya "Go, Ashley!" Nabalik sya sa wisyo at napalingon sa likod nya,nan tama ang tingin nila ni Alas na ngumiti lang sa kanya Naka labas ang ulo ni Alas sa bintana "Kaya mo yan" ani ni Alas Nakarinig naman sya nang putok nang baril kaya nabalik sya sa wisyo Mukhang nan simula na si Gee "KHAL EL! MALAPIT NABA TAYO!?" taranta ni Jasmin sa loob,nag tama ang dalawang kilay ni Khal El at napakagat sa labi nya "Medyo,malapit na!" "Yico? Yico?!" Sigaw ni Luna kay Yico nag pa panick attack nanaman sya Agad napatingin sina Charlie kay Yico na naka sandal sa upuan nya habang humihunga nang mabilis at malalim "Oh my ghad!" Taranta ni Gab parang pati sya nag pa-panick narin, napatakip nalang sya nang tenga dahil sa butok nang baril "YICO!" Tawag ni Luna at hinawakan ang kamay nang lalaki na sobrang lamig "Tingin sakin,ako lang pakinggan mo" ani ni Luna habang naka tingin nang dereksyo sa mga mata ni Yico "Ayos lang ang lahat okey? Walang gulo" pag papakalma nya nakahawak yun isa nya kamay, sa kamay ni Yico habang yun isa naman ay sa pisngi ni Yico "Baby I love you....okey" "Naririnig mo ko?" Tanong ni Luna tumango naman si Yico "Gab! Contact mo si Ma'am Becca" sigaw ni Aiko tumango naman si Gab Naka hinga naman sya nang maluwag nun may signal dito,agad nya tinawagan ang teacher nila "Gab" "MA'AM BECCA! MALAPIT NA PO KAMI SA GREEN HILLS KASO MAY MGA NAKASUNOD NA MGA INFECTED SAMIN!" sigaw nya nan laki naman ang mga mata ni Ma'am Becca "ANO! MALAPIT NA KAYO!" sigaw nya sa kabilang linya kaya napatingin ang ibang tao sa kanya "OPO! MA'AM HELP US!" iyak ni Gab agad sumulip si Ma'am Becca sa telescope nang isang sundalo at napatingin sa labas nang Green hills Doon kitang kita nya ang isang sasakyan na may nakasunod na maraming infected "s**t" mura nya mukha nakita din ito nag iba kay nag panick sila "Sir may emergency tayo" ani nang isang sundalo napatingin si Maam Becca pati ang ibang opisyal "Anong emergency ito?" Seryosong ani nang isang opisyal "May papuntang isang van dito,at maraming nakasunod na infected sa kanila" Agad na nang laki ang mata nang isang opisyal dito "Wag mo silang papasukin" Biglang natigilan si Ma'am Becca "Santos! Hindi mo pwede gawin yan!" Sigaw nya kaya napatingin nang masama si Santos sa kanya "Ano, Belo? Ang daming infected ang nakasunod sa kanila! Pag binuksan natin ang gate makakapasok ang mga yun dito" Tama si Santos, yun gate na yan hindi agad mag sasara yan kaya pag binuksan nila ito at sinara makakapasok ang mga infected at manganganib ang buhay nang lahat nang survivor dito Sobrang laki ng risk "Hindi mo ba alam kung sino ang nakasakay sa van nayan! Nandyan lang naman yun tatlong anak ng pinaka mayaman na pamilya sa buong pilipinas! Nang dyan yun nang iisang anak na babae ng pamilya mendoza!" Sigaw nya sa kasama nya "M-mendoza?" "Sana alam mo kung gaano kalaki ang natulog ng mendoza sa panahon na ito" ani nya muli napaisip si Santos mas maraming pera pa nga ang mendoza kaysa sa gobyerno at malaking tulong ang pera nila "Wag nyong buksan ang gate" Nan laki naman ang mga mata ni Ma'am Becca "Instead,mag baba kayo ng hagdan aakyat sila sa gate and we will keep them safe habang uma akyat sila" "Yes sir!" Doon na kumilos ang mga sundalo Nakahinga naman ng maluwag si Ma'am Becca at muling tinawagan si Gab "Gab aakyat kayo sa hagdan hindi pwedeng buksan ang gate" "AAKYAT TAYO SA GATE!!" sigaw ni Charlie Napalunok naman si Khal El ng makita nya na ang malaking gate ng Green hills at may hagdan sa gate paakyat sa taas nito, meron din mga sundalo na may baril "Kaya natin to,ito lang ang paraan" ani ni Alas Tumingin ang mismong sasakyan sa harap ng gate,sunod naman bumalot ang tunog ng mga baril na siguradong galing sa mga sundalo "Ano pang hinihintay nyo! Labas na!" Sigaw ni Gee agad nyang binuksan ang pinto "Mauna ang mga babae" ani ni Alas Sa oras na nakalabas na sina Ashley Gab Aiko at Jasmin agad silang tumakbo papuntang hagdan Takot na takot sila at ang buong katawan nila, paakyat sa hagdan hindi na sila tumingin sa baba dahil sa takot at nag patuloy nalang sa pag akyat Agad naman tinulungan ni Ma'am Becca ang mga babae para tuluyan na maka akyat sa gate "LUNA! AKYAT NA!" sigaw ni Gee lumabas na sina Luna at Yico at umakyat narin Ngayon apat nalang sila naiwan sa baba Charlie Khal El Alas at Gee Sa oras na bumaba sina Luna at Yico agad na bumungan sa kanila si Jasmin na umiiyak "S-si Gee! Asan?!" "Charlie! Akyat na!" Seryosong utos ni Alas napatingin si Charlie kay Alas "Kailangan ka ni Gab importante ka sa kanya mauna kana!" Napalunok naman si Charlie hindi ito ang panahon para mag diskusyon pa kaya umakyat na sya sunod nilang pina akyat si Khal El kaya sina Gee at Alas nalang "Akyat na Gee" "No way sabay tayong aakyat si Alas Jimenez dito" ani ni Ger sabay ngisi napangiti nalang din Alas Umakyat na sina Gee at Alas sa hagdan at inalalayan sila ng mga sundalo para bumaba Sa oras na naka tapak sila sa lupa Green hills agad niyakap ni Jasmin si Gee Rinig na rinig ni Gee ang iyak ni Jasmin na sobrang nag alala sa kanya "Wala bang nakagat sa inyo?" Tanong ng isang sundalo umiling naman sila Sa wakas nakarating narin sila, pero hindi pa natatapos ang laban nila "Nagawa natin...." Masayang ani ni Charlie napa ngiti naman ang iba "Hindi ako makapaniwala..." Bulong ni Luna niyakap naman sya ni Yico "Hay naku Charlie! Oh! yakapin mo na si Gab" sabay kalas ni Aiko sa yakap napatawa lang si Gab habang naka tingin kay Charlie Nakangiti parin si Gab sa kanyang na parang tanga pero hindi sa paningin nya dahil sa kanya maganda sya kapag nakangiti Mas lalo naman natawa si Gab at biglang niyakap si Charlie na kinagulat si Charlie "T-teka..." "Parang tanga ka alam mo yon? Buti nalang crush kita" ani ni Gab natigilan naman si Charlie "Huy Aiko,kalma na lagi ka nalang umiiyak" reklamo ni Khal El habang hinihimas ang likod ni Aiko at niyakap ito "SIGE! MAG YAKAPAN KAYO!" Sigaw ni Alas sa kanila "Tsk! Maghahanap ako ng love life dito!" Sigaw nya ulit "Alas" Agad napalingon si Alas Agad nya nakita si Ashley na tumatakbo papalapit sa kanya Kaya nang liwanag ang mukha ni Alas "Yun susi ng van kinuha ko na baka magamit pa na natin yun" ani ng babae saka binigyan kay Alas sabay alis nawala naman ang mga ngiti nya sa labi Hindi naman umasa si Alas na yayakapin sya ni Ashley, promise hindi....umasa lang naman sya ng 100%
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD