10

2642 Words
Tatlong araw ang lumipas simula nun nakarating na sila ng ligtas sa Green hills lahat ng pamilya dito naka stay lang sa mga tents maliban sa kanila dahil Mendoza si Gab nag stay sila sa iisang room Dahil changing room ng mga athletes kaya medyo malaki narin Nakita narin nila ang mga kanya kanya nilang pamilya Medyo okey naman na sila dito sa Green hills hindi nila nararanasan ang hirap dahil VIP ang turing sa kanila at isa pa kasama nila ang tatlong mayayaman na anak ng iba't ibang pamilya "Otousan" ani ni Luna kaya napatingin silang lahat doon, tumambad sa kanila ang isang lalaki na mukhang samurai, ewan bat ganyan ang outfit nya mukhang isa sila mga traditional na mga japanese Agad na kinabahan si Yico nun marinig ang salitang yun alam nya ang meaning nun Tatay ni Luna "Lunara! Talagang nag alala ako sayo!" Puno ng pag aalala ng tatay nya at lumapit sa nang iisa nyang anak nakalimutan na ata nila na Lunara pala ang pangalan ng babaeng ito "Buti naman at buhay ka" Tinignan nya ng mabuti ang mukha nito "Uuwi na tayo ng japan, mas ligtas doon walang infected doon" ani ng tatay nya natigilan naman silang lahat lalo na si Yico Napakurap kurap si Yico, hindi makapaniwala sa narinig nya, napatingin din ang lahat sa kanya "Otousan....hindi ako pwede umuwi" mahinang ani ni Luna napakunot ang noo ng tatay nya "Bakit naman?" Napakagat ng labi si Luna at napatingin sa paligid Ayaw nyang uwini ng japan, wala syang kasama doon, wala syang kaibingan doon, wala ang survival squad doon, at lalong walang Yico doon "Kasi...." Nag tama ang tingin nila ni Yico at sunod sa mga bago nyang kaibingan kitang kita mo sa mga mata nila na ayaw nila umalis si Luna Nag isip ng dahilan si Luna, alam nyang hindi makikinig ang tatay nya kung sasabihin nya na nandito ang mga kaibingan nya kaya di sya pwede o dahil hindi nya pwedeng iwan si Yico "Kasi ano? Give me a reason kung bakit ayaw mong umuwi?" "Kasi......buntis ako" GAGO NAKAKA BUNTIS NA ANG HALIK HAKIK LANG?!!! Isip ni Yico Agad na nan laki ang mga mata nilang lahat lalo na si Yico na walang alam "ANO?!" Sigaw ni Ashley "SINONG GAGO ANG BUMUNTIS SAYO HABANG NASA OUTBREAK TAYO?! NAGAWA MO PANG MAGPABUNTIS ASAN SYA?! ISA BA SYA DITO? IKAW BA?!" Galit na sigaw ng tatay nya sabay turo ng katana nya kay Alas na nanahimik "Hala? Ako na tong walang partner dito naturo pa akong nangbuntis" reklamo ni Alas "ASAN SYA!? WAWARAKIN KO ANG KATAWAN NYA HANGGANG LUMABAS ANG LAMANG LOOB NYA!!!" Pag wawala ng tatay nya buti nalang at Naha ni Luna ang tatay nya at pinigilan ito Napapikit naman si Yico dahil sa sinabi ng tatay ni Luna,aminin natakot sya Lahat ba naman ng maging jowa nya yun anak pa talaga ng samurai Mukhang napansin ng tatay ni Luna ang pag iwas ng tingin ni Yico kaya natigilan sya sa pag wawala at tinignan ng mabuti si Yico, napalunok naman ang lahat dahil mukhang nalaman na ang salarin "Ikaw ba ang naka buntis anak ko?" Seryoso nitong ani,at ayon na pinag pawisan si Yico konting kembot nalang papunta na sya sa kanyang panick mode "Otousan....kaya hindi ako pwede sumama sayo dahil nandito yun tatay ng magiging apo nyo" ani ni Luna sinamaan naman sya ng tingin ng kanyang tatay "Iharap nyo sa akin pregnancy test para maniwala ako" Kinabahan naman si Luna pero syempre dapat cool lang Kasi hindi naman sya buntis Charot lang yon "Go, hanapan mo muna ako ng pregnancy test please" matapang na ani ni Luna tinignan lang sya ni Yico yun tipong kina kausap sya nito sa tingin Agad na hinampas ni Yico si Luna "Gago! Wala nga nanyari sa atin pano ka mabubuntis?!" "Edi gawan mo ng paraan, ako ang umisip nang paraan para mag stay dito gawin mo nalang part mo" ani ni Luna kaya tinignan lang sya ng kakaiba ng iba "Wait! So hindi ka buntis?!" Tanong ni Jasmin tumango naman si Luna sabay cross arms "Alam mo, ayaw kong umuwi ng japan masaya na ako dito" ani nya "Paano yun pregnancy test?" Biglang ani ni Gab napa isip naman sila "Mabubuntis ba ang isang tao ng isang araw lang?" Tanong ni Yico habang nakatingin sa malayo, nasapak naman sya ni Gee kaya sinamaan nya ito ng tingin "Hindi 10 to 15 days pa" ani ni Khal El "Oh ano? Sige, pinasok nyo yang gulo na yan eh" ani ni Gee sa dalawa bigla namang naduwal si Luna sabay hawak sa dibdib nya kaya nataranta ang iba "Lunara! Ayos ka lang ba?!" Napatingin sila sa tatay ni Luna na kararating lang, kita mo yun pag aalala sa mukha nya habang hinihimas ang likod ni Luna, sinamaan nya pa ng tingin si Yico "A-ayos lang ako" ani ni Luna at inayos ang tayo nya, puno ng pag tatakang nakatingin sa kanya ang lahat "Wala daw silang pregnancy test, naubos na agad next week pa daw ang dating ng bagong stock" ani ng tatay nya kaya agad silang nang tinginan lahat "Basta mag aantay ako ng 1 week hanggang dumating ang stock" huling ani ng tatay ni Luna bago umalis nanaman Inayos ni Luna ang kanyang tayo at tinignan si Yico "Pano ba yan, Salvador you have 1 week to work" biro nyang ani natawa naman si Yico "Sino sa inyo sina Reyes, Pascual, at Ferrer?" Tanong ng isang lalaki na naka suot ng lab coat mukhang isa sya sa mga medical team dito Tinaas naman ng tatlo ang kamay nila at kinaban sila Malakas ang pag kabog ng dibdib nila habang ng lalakad sa isang corridor na mukhang dating office ng mga nag hahawak sa Green hills ginawa nalang nila itong medical facility Tanging mga tunog ng sapatos nila ang naririnig kaya mas lalo silang kinabahan naka sunod lang sila sa naturang lalaki na ng hanap sa kanila kanina tumigil sila sa isang pinto binuksan ito ng naturang lalaki at sumunod sila "Maupo kayo" ani ng naturang lalaki dahan dahan umupo ang tatlo doon Umalis na yun naturang lalaki na nag hatid sa kanila dito kaya silang apat nalang ang naiwan sa silid Pinatong ng scientists ang siko nya sa lamesa at tumingin ng seryoso sa tatlong medical student Halos ka edad lang nila ang scientists na ito kaya nag tataka sila kung bakit ang isang katulad nya ang inaantay nila "My name is Dr. Joshua Tan" ani nito sabay lahad ng kamay, alanganin naman itong tinanggap ng tatlo kaya binalik nya nalang sa sarili nya ang kamay nya "So, nandito kayo ngayon dahil kayo daw ang gumawa ng virus na ito?" Rinig na rinig mo sa boses nya ang pagiging professional "Actually aksidente lang vaccine talaga ang target namin" ani ni Khal El napatango naman si Dr. Tan "Ayon saakin, gagawa dapat kayo ng vaccine na lalaban sa lahat ng sakit ng tao pero may nagawa kayong mali in the making process" Tumango si Charlie Alam nyang may mali talaga, sigurado sa calculation or sa mga acids na ginamit nila Sumandal si Dr. Tan sa upuan nya at tinignan ng mabuti ang tatlo, yun parang may binabasa sya sa mga muka nito "Tanda nyo ba ang ingredients non? Kung paano ang process?" Tanong nya doon natigilan ang tatlo Tumingin sina Khal El at Aiko kay Charlie na kinakabahan din Well ganto kasi yun, kasama si Charlie sa gagawa dapat ng vaccine nayun kaso namali ng lagay ang isa nyang ka group kaya kumalat ang virus sa ibang University nag aaral si Charlie habang sina Khal El at Aiko ganon din Nun nalaman nila na may binabalak ang mga ibang medical student na gumawa ng naturang vaccine hindi sila pumayag nun kaya labas sila dito Parang nawala ang hininga ni Charlie, sa mga oras na yun, doon nya lang nalaman na wala syang kwenta Gaya nga ng sabi nya, di sya gaano katalino kumuha lang sya ng medicine dahil yun ang gusto ng parents nya, yun din ang dahilan kung bakit agad syang pumayag sa project Dahil nga di sya gaano katalino naging utusan lang sya doon Hindi nya alam ang ingredients ng vaccine "A....ah...." Tanging sambit nya sabay kamot sa batok nya, hindi alam ang sasabihin nya Tinaasan lang sya ng kilay ni Dr. Tan na mukhang may ideya kung bakit sya ganyan "Let me guess, hindi nyo alam?" Pangunguna ni Dr. Tan sabay cross arms "S-sir.... Kasi kami ni Aiko, hindi kami payag sa project kaya wala kami nun ginawa yun, si Charlie lang ang nandoon" ani ni Khal El sabay turo kay Charlie na mukhang nagulat din sa ginawa ni Khal El I feel betrayed "Ako.....lang ang naka survive sa mga gumawa ng vaccine na virus na ngayon" mahina nyang ani pero rinig na rinig nila dahil sobrang tahimik ng lugar Napa click ng tounge si Dr. Tan at inayos ang upo nya "Wala ba kayong matandaan?" Umiling naman silang tatlo kaya napa sapo ng noo si Dr. Tan "Bakit ba kailangan nyo non?" Tanong ni Aiko napatingin si Dr. Tan sa kanya "Gagawa kami ng cure, I'm sure may mali lang kayong nagawa dahil nga mga student pa kayo sabi nyo nga diba? Vaccine ang gagawin nyo so pag ituloy namin ang pag gawa ng vaccine na original project nyo talaga baka yun ang magiging cure" simple nyang ani, napatango naman si Aiko Napaisip naman si Khal El bakit kailangan pa ng cure? Good as dead na yun mga infected wala na silang chance "Hindi namin ginagawa ang cure para sa mga taga labas gagawin namin to para ma-preserve yun mga tao dito para matigil ang sakit na to" ani nya Nasabi ng tatlong to na for project ang vaccine so ibig sabihin nun kailangan presentation at kung kailangan ng presentation dapat may notes "Wala ba kayong notes non? Nun college ako kailangan ko ng notes for presentation?" Dagdag pa nito "Yun notebook ni Paolo" bulong ni Charlie kaya nagawi ang tingin ni Dr. Tan sa kanya pati sina Khal El "Asan ang notebook na yon?" Seryosong tanong ni Dr. Tan "N-nasa..... Sacred Heart medical school" bulong nya napatingin naman si Dr. Tan Nasa city yun, kung saan ang danger zone Kung asan maraming infected "A-ah... Nasa science lab yun room 120, color yellow yun notebook tanda ko nasa tabi ng microscope yun sa kanan---" "Pinang sasabi mo?!" Pag puputol ni Dr. Tan sa kanya, natigilan naman si Charlie at mukhang na offend sa ginawa ng Doctor Kahit Doctor na to, mag ka-edad parin sila hindi nga nya alam kung naging doctor to eh Money works Or Brain works "P-para mas madali nyong makita" Bigla namang tumawa ng malakas si Dr. Tan kaya natigilan si Aiko, binalot ng tawa nya ang silid kung asan sila kaya puno ng pag tataka ang tatlo sa kanya "Akala nyo ba kami ang kukuha non?" Nakakaloko nyang tanong ramdam mo yun gago ka ba tone sa boses nya Napakunot ang noo ng tatlo bago pumasok sa utak nila ang ibig sabihin ng doctor "H-hindi pwede kami ang kukuha--" "Anong hindi? kagagawan nyo to, instead na makulong kayo ito nalang ang kabayaran sa ginawa nyo, Get that f*****g notebook at bumalik kayo dito para magawa ang cure" madilim nitong ani sabay hampas sa lamesa ng kamao nya na dahilan ng pag pikit ng marahan ni Charlie Parang binuhusan sng malamig na tubig silang tatlo kitang kita mo sa mata ni Dr. Tan na hindi sya nang bibiro Akala nila hindi na nila makikita ang lugar na yon pero nag kamali sila Back to zero Halos hindi makasalita ang tatlo habang nag lalakad pabalik sa kwarto nila, halos hindi nila mawari na babalik nanaman sila doon sa pag aakala na hindi na sila mag aagaw buhay muli Akala nila hindi na sila pag hihilaan ng tali kapalit ng buhay nila Hindi sila maka hindi dahil alam nilang kasalanan nila to Kung hindi nila ginawa ang vaccine Kung pinigilan nilang maturok ni Paolo ang vaccine sa sarili nya Hindi na kumatok si Khal El at binuksan ang pinto tumambad sa kanila ang pagiging magulo ni Jasmin Sina Jasmin Gab at Ashley ay kumakain nanaman nag bibiruan naman sina Gee at Alas at nag iisip parin kung paano magagawa ng paraan nina Luna at Yico ang problema nila Parang isang tinta yun glommy atmosphere nila at kumalat sa buong silid Wala sa sarili napa upo si Aiko sa kama habang nag iisip ng malalim "Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Gab Hindi, walang ayos "Anong sabi nila?" "Makakasuhan ba kayo?" Bumunga ng malim si Khal El "Babalik kami ng city" bulong nya nan laki ang mga mata nilang lahat "ANO?! HINDI NAMAN ATA MAKATARUNGAN YUN!" Sigaw ni Jasmin "Babalik kami doon, para kunin yun notebook....para magawa ang cure" ani ni Aiko natahimik naman sila "Sa school ni Charlie?" Tanong ni Luna tumango naman si Aiko Alam naman nilang delikado bumalik "Kayong tatlo lang? Wala kayong kasamang sundalo?" Tanong ni Yico "May humvee at mga armas silang ibibigay kung willing kayong sumama.... pwede naman pero ayoko silang mapahamak" "Bullshit. Sa tingin nyo hahayaan namin kayong sumugod doon na kayo lang? Sasama kami sa inyo, laban nyo laban narin namin" Napangiti naman si Gee at tumango "Anim lang ang pwedeng sumama" ani ni Charlie kaya natahimik nanaman sila May apat na maiiwan "Apat ang hindi sasama?" Tanong ni Gab tumango naman si Aiko Nang tinginan nanaman sila ayaw nilang may maiwan sa kanila pero anim lang ang pwedeng sumama dahil yun ang utos Nag tama ang tingin nila Alas at Ashley kaya napa kurap kurap si Ashley "Ashley maiwan ka" utos ni Alas tumango nalang si Ashley Kung si Ashley ang pa pipiliin mas gusto nyang maiwan kesa makipag laban sa mga zombies nayun "Gab, mas okey kung maiiwan ka dito---" "Bakit Alas? Dahil mahina ako?" Tanong nya na bigla naman si Alas sa sinabi ni Gab "Hindi naman sa ganoon---" "Ok fine! Mukhang pabigat naman ako" ani nya napakagat ng labi si Alas "Agree ako kay Alas, Gab maiwan ka nalang para...mag karoon ako ng lakas para lumaban at makabalik dito" ani ni Charlie kaya natigilan si Gab mukhang marupok ate nyo "Marupok...." Bulong ni Gee kaya sinamaan nya ito ng tingin "Kasi Gab" "Maiiwan na ako! Alam ko!" Pag puputol nya kay Alas kaya medyo napangiti na si Alas nag tama ang tingin nila Gab at Charlie "Basta babalik ka...." Mahina nya ani pero narinig naman ito ng lahat "Mmmmm...." Asar ni Jasmin sa dalawa kaya namula sila "Dalawa nalang" Hindi pwede sina Alas at Gee Hindi din pwede yun tatlo Si Jasmin Luna at Yico nalang Napatingin sila kay Yico bigla nila na alala na laging nag pa-panick attack ito, mukhang napansin naman ni Yico ang tingin sa kanya Doon nalaman ni Jasmin na mukhang sya ang isang maiiwan alam nyang hindi iiwan si Luna dahil close combat nila ito, match sila ni Gee kaya minsan naiinis nalang sya "Maiiwan kami ni Luna" ani ni Yico nanlaki ang mata ni Luna gulat na nakatingin sa boyfriend nya "Hah?!" Sigaw ni Alas wala sa isip nyang iwan si Luna "May 1 week tayo Luna para makalusot sa ginawa mong problema instead na makipag p*****n ka doon, why not dito ka nalang sa room kasama ko" ani ni Yico na parang yun ang pinaka normal na sabihin sa lahat May napag tanto sina Gab at Ashley Maiiwan sila kasama nina Luna at Yico At iisang room lang sila So, sina Gab Ashley Luna at Yico ang maiiwan dito?" Tanong ni Khal El tumango naman ang apat "Tayong anim ang babalik" ani nya sabay tingin sa tatlo pa Ngumiti naman sina Alas Gee at Jasmin "Hali na at kuhanin ang maderpaking notebook at ihampas sa mukha ng mayabang na Dr. Tan na yan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD