11

3257 Words
"Clear, wala nang infected sa gate at sa daan" ani ng isang sundalo habang may telescope ang kanyang mga mata napalunok sila Charlie ito na ang araw na lalabas sila para makuha ang notebook na yon "You better comeback, kahit hindi na kayong lahat basta mabalik lang ang notebook" naka cross arms na ani ni Dr. Tan kaya natigilan sya ng masama ni Luna "Pakalmahin mo ako bago ko masakal yan" bulong na ani ni Luna nakatingin paring ng masama si Gab sa doctor na yan, alam nila kung ano ang sinabi ng doctor sa mga kasama nila kaya ganon nalang ang galit nila Puno nang pag mamataas sa sarili na nakatingin si Dr. Tan hindi maalis ang yabang sa muka kaya napuno na si Gab napayukom sya ng kamao at inis na nag lakad sa doctor "G-gab" tawag ni Ashley nun nakita nya si Gab Napatingin naman si Dr. Tan sa babae at laking gulat nya ng bigla syang sinampal ng malakas Ang tunog ng pag tama ng kamay ni Gab sa pisngi ni Dr. Tan ang dahilan kung bakit nang tinignan ang iilang Bigla syang napahawak sa mukha nya at halos hindi maipinta ang mukha at nakatingin sa babaeng nag aapoy sa galit "Kanina pa ako nang titimpi sayong mayabang at tangina ka!? dude, listen! I don't speak rubbish okey! Pero nakakainis ka na! You don't have right to order or even be little my friends just because you have f*****g degree under your name! You disgust me! Ano? Hindi paba naaalis yang yabang sa muka mo? Mas masahol ka pa sa mga infected!" Puno ng galit nya ani "Oh my ghad..." Bulong ni Ashley "Who the f**k are you?" Mapait na ani ni Dr. Tan Napa taas ang kilay ni Gab at pilit na kinalma ang sarili "I'm Gab Mendoza, ikaw? Who the f**k are you?" Ani nya sabay taas ng noo nya, hindi sya makapaniwala na kaharap nya lang naman si Gab Mendoza na kilala ng lahat at most important person nila dito sa Green hills Tinignan nya ng mabuti ang babae na halatang ang mahal ng hair at skin care nya na 1 week nang hindi nagagamit pero maganda parin nabalik sa wisyo si Dr. Tan "M-miss Mendoza..." Bulong nyang ani pero inirapan nalang si Gab at umalis nakatingin parin sya sa babae at dahan dahan ngumiti Mukhang hindi lang muka ang natamaan sa kanya ah? Inis na nag lakad si Gab sa mga kasama nya "Na-stress ako,mygad" ani nya sabay paypay sa sarili "Kalmahan mo lang" natatawa na ani ni Jasmin habang nag aayos ng Humvee napa buga lang ng hangin si Gab "Aalis naba kayo?" Tanong ni Luna, napatingin ang anim sa kanya na aalis "Oo" ani ni Aiko sabay ngiti ng marahan pero kita mo sa mga ngiti nya na hindi sya okey Unti unti namang nawala ang gigil ni Gab napalitan ito ng pag aalala Napatingin sya kay Charlie kaso mukhang nauna na si Charlie tumitingin sa kanya, kaya nang tama ang mga mata nila "Gab..." Tawag nya, napalunok naman si Gab hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya Nang halong takot at pag aalala, mas lalo nya lang minahal ang binata Sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang katawan ni Gab at biglang tumakbo papunta kay Charlie sabay yakap dito na kinagulat ng lahat Nanlaki ang mga mata ni Charlie pero unti unti ding huminahon "Mag ingat ka doon...bumalik ka.." bulong ni Gab, napakagat ng labi si Charlie at dahan dahan na niyakap pabalik si Gab "Babalik ako...pangako yan" bulong nya, kumalas sa yakap si Gab para tignan ng mabuti ang mga mata ni Charlie Sa oras na tumama ang mata nila, agad naman bumilis ang t***k ng puso nila Napalunok si Charlie "May sasabihin ako..." Bulong ni Charlie siguro kailangan nya nang sabihin kung ano ang nararamdaman nya dahil walang kasigaraduhan na makababalik pa sya dito kahit gustuhin nya "Ang yon?" Hinawakan nya ang nya ang magkabilang pisngi nito at tiningnan ng mabuti ang mata "Gusto kita" bigla nyang ani kaya nang laki ang mga mata ni Gab halos hindi maipinta ang mukha ni Ashley Pinigilan naman ni Gee si Jasmin na mag ingay dahil baka masira nito ang moment "H-hah?!!" "S-simula nun makita kita...may kakaiba na akong nararamdaman....basta gusto kita!!" Pag amin nya, napapikit ng mata si Charlie di kayang makita ang reaction ni Gab "Cha--" "No! Wag kang magsalita! Gusto kong marinig ang sagot mo pag kabalik ko.... Para may rason ako para bumalik dito at lakas para lumaban" "Corny naman-- aray!!" Reklamo ni Yico nun hampasin sya ni Luna Unti unti napangiti si Gab at inalis ang mga kamay ni Charlie sa pisngi nya napadilat naman si Charlie Dahan dahan naman syang natawa Biglaan kasi at halos hindi nya alam ang sasabihin "B-bat ka natatawa?" Tanong ni Charlie "Sure kabang ayaw mo marinig ang sagot ko?" Tanong ni Gab napakurap naman si Charlie "Positive bayang sagot mo?" Tanong nya, napa sapok nalang sa mukha sila Khal El dahil sagot narin ang hinihingi nya "Sagot narin yang hinihingi mo" sagot ni Alas pero inirapan lang sya ni Charlie "Come on, wag kang bitter!" Sigaw ni Charlie tumawa naman ang iba, napatawa si Gab sabay hawi ng buhok nya "Sa tingin mo ano?" Ani ni Gab sabay ngiti ng matamis kay Charlie mukhang may ideya na si Charlie kaya napangiti nalang din sya Mukang handa na makipag laban ah "Mag ingat kayo" ani ni Luna sabay yakap kayla Jasmin at Aiko "Ikaw din mag ingat ka" biro ni Jasmin kaya napa iling nalang si Luna "Yico, pag balik ko gusto ko harap mo agad sakin ang positive na pregnancy test" biro ni Gee natawa naman si Yico "Oo ba, basta bumalik kayong lahat" ani nya Oras na para umalis kaya pumasok na silang anim sa Humvee hawak hawak ang mga baril nila "Charlie!" Napalingon si Charlie sa likod nya at tumambad sa kanya si Gab na tumatakbo papunta sa kanya. Nag tinginan lang sina Aiko at Jasmin dahil mukhang alam na nila "Oh bakit--" hindi na tuloy sa pag sasalita si Charlie ng halikan sya ni Gab sa pisngi nanlaki ang mga mata nya at puno ng gulat na nakatingin sa babae, ngumiti lang ito sa kanya "I love you" ani nya, halos malaglag ang panga ni Charlie Sobrang laki ng mga ngiti nila Gee dahil sa kilig at tuwa sa mga nagaganap Sasagot na sana si Charlie pero pinigilan sya ni Gab "Ops, pagbalik mona sagutin yan" ani ni Gab at ngumiti "Tama nayan, hali na" ani ni Gee sa loob, napa irap nalang si Charlie Pumasok na sya sa Humvee, katabi nya si Gee, Jasmin at Aiko habang sina Alas at Khal El ang sa harap "Ready na ba?" Ani ng sundalo humigpit ang hawak ni Khal El sa manubela at tumango Huminga ng malalim sina Aiko sa likod At nag dasal para sa kaligtasan nilang lahat Humigpit ang hawak ni Luna kay Yico nung makitang umandar na ang Humvee Dahan dahan bumukas ang gate kaya nabalik sa wisyo si Yico "Umalis na tayo dito" ani nya, tumango naman ang tatlong babae at sumunod kay Yico Halos hindi makahinga ng maayos si Jasmin nun makita nyang unti unting bumukas ang gate na malaki sa harap nila, mukang napansin ni Gee ang kaba ni Jasmin kaya hinawakan nya ang kamay nito "Kalma, kasama moko" bulong nya kaya napangiti ng marahan si Jasmin Napalunok si Khal El, kitang kita nya na ang labas pati narin ang panganib na kaakibat nito "Kaya natin to" ani ni Alas at lumingon kayla Gee sabay ngiti ng marahan, mga ngiting nag sasabi na magiging ayos lang din ang lahat Umandar na ang Humvee at tuluyan na itong lumabas ng gate, napalingon sa likod si Aiko at nakitang dahan dahan na sumara Bumalik sya sa pag kakaupo ng maayos sabay tingin sa harap kitang kita nya sa salamin si Khal El na seryosong nag mamaneho Patingin tingin si Alas sa paligid at sa ngayon wala parin syang nakikitang infected Naging maayos at tahimik ang byahe nila, masyadong nakakapanibago dahil walang kahit anong infected sa paligid Napasandal nalang sa bintana si Charlie dahil sa sobrang bagot nya "Sana nga ganito nalang hanggang sa makarating tayo ng sentro" bulong ni Charlie Naging maayos naman ang byahe nila, wala naman din silang nakitang mga infected sa paligid "Nandito na tayo" bulong ni Khal El at tinigil ang sasakyan Nakarating na sila kung saan maraming mga naka harang na mga sasakyan kaya kailangan nilang mag lakad Unang bumaba si Alas at tiningnan ang paligid nun makitang safe na bumaba, pinababa nya na ang iba Niisa sa kanila, walang may lakas loob na mag salita hindi nila alam kung may mga naiwan pang mg infected sa lugar na ito Nagliwanag ang mukha ni Alas nun makita ang Humvee na sinakyan nila noon ngumiti naman ang iba Pero napalunok si Charlie at niliitan nya ang kamay mga mata at sa likod ng Humvee may tatlong infected doon mukang hindi ito napasin ng iba "M-may... I-infected..." Nanginginig nyang ani kaya napatingin ang lahat sa kanya Kailangan may mismong pumunta sa Humvee at patayin ang tatlong infected kaya naman nila yan eh Nagtama ang tingin ni Gee at Alas mukhang may connection na naganap at nagka intindihan silang dalawa Silang dalawa ang pupunta sa Humvee at lalaban sa tatlong infected habang ang apat ay mag tatago Tinuro ni Alas ang katabing kotse at sumenyas to na doon mag tatago ang apat Napalunok si Gee at pinadaan ang daliri nya sa buhok nya saka humakbang papalapit sa Hunvee kasama si Alas Biglang nawala ang takot ni Alas at napalitan ng lakas, ginanahan sya bigla pumatay ng infected "Yare kayo sakin" bulong nya sa sarili nya saka inangat ang baril nya at tinarget ang isang infected na hanggang ngayon ay wala paring alam sa kanila Pinutok na ito at saktong tumama sa ulo ng infected kaya ito natumba sa daan naka silencer lahat ng baril nila kaya safe na safe sila ngayon "Nice one Alas" Ani ni Gee mukang napalakas ang pag kakasabi nya non kaya napatingin sa kanila ang dalawang infected hindi lang naman natinag ang dalawa nating sharp shooter at hanap na si sa magyayari Naka posisyon na ang baril nila at handang handa nang mag pakain ng bala Dalawang malakas na ungol ang bumalot sa paligid na dahilan ng pag takip ni Aiko ng kanyang tenga sa sobrang takot Nakatago kasi silang apat sa likod ng kotse Nakakatakot ang pag takbo ng dalawang infected papunta kayla Gee at Alas pilit silang tumakbo ng mabilis dahil uhaw at sabik makatikim ng tao Kinasa ni Gee ang baril nya at pinaputok kaya natumba ang isang infected mukang na busy pa si Alas sa pag puri kay Gee kaya di nya nakita ang isa pang infected na parang tanga na umakyat sa Hunvee na nakaharang sa daan nya "s**t" mura ni Alas at agad itong binaril nag kalat ang dugo nito sa harap ng Humvee at nandoon lang din ang katawan ng infected Nakakadiri na ang itsura nito mukang nabubulok na nga talaga napangiwi lang si Gee "Guys pasok na tayo sa Humvee" tawag ni Alas kaya nag silabasan ang apat sa lungga Tinapon ni Gab ang isang maliit na bato sa kung saan at napa buntong hininga. Kanina pa sya nag aalala sa mga kasama nya "Tangina naman kasi,bakit kailangan sila pa ang kumuha non?!" Inis nyang ani at sabay ginulo ang buhok "Miss Mendoza, what are you doing here?" Automatic na napairap si Gab nun marinig nya ang boses ng doctor na gusto nyang patayin Hindi nya nalang ito pinansin naramdaman nya naman na nag lakad ito papalapit sa kanya "Gusto ko lang naman mag sorry" biglang ani ng doctor kaya medyo nawala ang inis ni Gab at puno ng pag tataka na tumingin sa doctor na ngayon at nasa tabi na nya, "Ginawa ko lang ang tama" dagdag nya at nabalik ang inis ni Gab "Tama? Tama bang itapon sa danger zone ang mga kaibigan ko?" Mapait nyang ani, napakagat labi ang doctor "Sila ang gumawa ng virus kahit aksidente lang yon, ang sabi sakin palalayasin sila dito sa Green Hills yun ang parusa nila" "Ang sabi rin sakin, pwede silang mag stay dito basta sila ang gagawa ng paraan para makagawa ng cure" Napabuga lang ng hangin si Gab, para sa kanya di parin makatarungan na ipadala sa danger zone ang mga kaibigan nya "Bakit gagawa pa ng cure? Wala nang pag asa ang mga infected sa labas" "Hindi naman para sa labas ang cure, para ito dito saatin sa loob. Kailangan namin i-preserve ang mga tao dito" pag papaliwanag nito, nag cross arms lang si Gab Bigla namang nakarinig ang dalawa ng tunog ng isang helicopter kaya napatingin sila sa langit. Bumungad sa kanila ang isang helicopter nanliit ang mga mata ni Gab ng may makita syang pamilyar na tatak sa helicopter {M} Pamilyar sa kanya ang tatak nayan. Unting unti pumasok sa utak nya kung saan nya nakita yan Mendoza private chopper Nanlaki ang mga mata nya, hindi sya makapaniwala sa nakikita nya Bakit may Mendoza chopper dito? Kaya dali dali syang tumakbo para sundan kung saan bababa ang helicopter doon nya nakita si Ashley sa isang open space na lugar at saka lumapag hindi pa makita ni Gab kung sino ang sakay nito ng dahil sa hangin. Tumigil naman ang pag ikot ng elisi ng chopper kaya nawala nadin ang malakas na hangin na taglay nito. Napakusot pa silang tatlo ng mata, dahil mukhang napuwin sila saka dinilat ni Gab ang mga mata nya at napa kurap kurap. Nag adjust ang mata nya sa chopper hanggang sa may nakita syang dalawang tao na bumaba dito. Nag tama ang dalawa nyang kilay at tiningnan ng mabuti ang dalawang tao naiyon. "M-mommy... D-daddy..." Iyak nito Halos maduwal si Khal El sa nakita nya, pano kasi nakita nya ang isang naaagnas na mga labi sa daan. Nakarating na sila sa lugar kung saan naabutan ng mga infected ang mga tao. "N-nasusuka nako" ani Charlie sabay hawak sa bibig nya at binuksan ang bintana Sa oras na binuksan ni Charlie ang bintana agad na pumasok ang masangsang na amoy sa Humvee kaya agad na bumaliktad ang sikmura nilang lahat. "Tangina, Charlie! Sarado mo yan" reklamo ni Gee sabay hawak sa ilong nya, nagpipigil naman masuka si Jasmin "T-tangina k-kadiri" reklamo ni Alas Sinara naman ni Charlie ang bintana, mas lalo ata syang nasuka "Sino may plastic dyan? Susuka na ata yun dalawa" ani Aiko sabay turo kay Jasmin at Charlie "Maghanap ka dyan, baka meron" ani Alas napa buga naman ng hangin si Aiko at naghanap ng plastic, buti nalang at may nakita sya na naiwan nila dito "Oh, bilis!" Agad kinuha ni Jasmin at Charlie ang plastic at nagsi-suka doon. Napangiwi naman si Gee at Jasmin dahil sa ginawa ng dalawa buti at mabait si Gee tamang himas lang sya sa likod ni Jasmin "S-s**t, kadiri talaga" ani Charlie sabay punas ng bibig nya "Bakit parang may kakaiba" tanong ni Alas sabay tingin sa paligid, tumingin naman ang iba sa palingin Kanina pa kasi nagdududa si Alas bakit walang mga zombies dito? Nung kailan kasi kung saan saan sila "Kanina pa ako walang nakikita na mga zombies" ani nya pa ulit napatango naman ang lahat sa Humvee "Pero dapat parin tayo maging alerto" ani ni Gee Mabilis na tumakbo si Gab sa kwarto nilang lahat, naiwan nya kasi sina Luna at Yico doon kanina gusto nya lang ibalita na buhay ang mga magulang nya. Hindi narin sya kumatok kasi di naman naka lock at binuksan agad ang pinto. Biglang nawala ang malaki nya ngiti na napalitan ng gulat. "What the f**k!!! Hindi kaba marunong kumatok!?" Sigaw ni Yico gulat lang na nakatingin sa kanya si Gab sa dalawa na walang damit "AAAAAAA!!!" Agad nyang sinara ang pinto at sunod sunod na nag mura "My innocent eyes!!! Mommy!!!!" Iyak nya hindi parin nawala sa kanya ang nakita nya "What the fuck..." Ani Luna habang nakatulala hindi parin ma process sa utak nya ang nanyari "Uy, mag bihis kana" ani Yico kaya nabalik sya sa wisyo, pinulot nalang ni Yico ang mga damit sa sahig ganon din ang ginawa ni Luna "Wag monang isipin si Gab, hindi naman yun bata" ani Yico at ginulo ang buhok ni Luna inirapan lang sya nito "Gago to" Lumabas ang dalawa sa kwarto na parang walang nanyari at nakita si Gab sa tabi na naka upo at nag dadalamhati. "Gab---" Agad na napatalon sa gulat si Gab at tumingin ng puno ng pang huhusga sa dalawa "S-sabihin nyong dalawa hindi kayo nag 'es ie eks' please, s-sabihin nyo na misunderstanding lang ulit!!" Sigaw na OA ni Gab halos hindi mapinta ang mukha ni Luna, di alam ang sasabihin, parang kuma-kausap lang sya ng bata "Anong 'es ie eks'? Tanong ni Luna, napatayo naman ng maayos si Yico "s*x siguro" ani ni Yico, agad na nanlaki ang mata ni Gab at tinakpan ang tenga sabay gulong sa sahig "No!!!! Wala akong narinig!!!" Sigaw nya weird lang na tumingin ang dalawa sa kanya Tiningnan lang nila si Gab hanggang sa kumalma ito at tumayo saka inayos na magulong damit nito at pinagpag pa ito "Okey kana ba?" Mahinahong tanong ni Luna tumango naman si Gab "Ano palang kailangan mo?" May halong pagka-iritang tanong ni Yico sabat cross arms, hinampas naman sya ni Luna sabay tingin ng masama "Gab, si Luna at Yico ba ito?" Lumingon ang tatlo at nanlaki ang mata nila Luna at Yico sa nakita nila. Nasa harap nila sina Mr. at Mrs. Mendoza na akala nila ay wala na. "Bat parang nakakita kayo ng multo?" Natatawang ani ni Mrs. Mendoza "b***h eat that" ani ni Jasmin sabay tawa. Kasalukuyan silang bumabaril sa iilang infected Nasa may machine gun sila ngayon Kinasa ni Gee ang baril nya at pinaputok ito saktong sakto ang isang zombie Ni- pwesto ni Jasmin ng maayos ang crossbow nya at tinarget ito sa isang zombie Nakaandar parin ang Humvee sina Gee at Jasmin lang ang nakikipag laban sabi kasi nila kaya na nila ito, lima lang naman Medyo kalmado na sila ngayon, kasi naka silencer ang mga baril nila. Di tulad ng dati na sobrang ingay nito nakaka attract ng mga ito "Ako doon sa kanan, ikaw sa kanila" ani Gee, tumango naman si Jasmin Rinig na rinig nila ang mga gutom na unggol at kung gaano sila ka desperado sa paghabol ng Humvee nila. Sabay na nila ni-pwesto mga armas nila at puno ng hanga sa isa't isa. Halos sabay nilang pinakawala ang mga bala nila at sabay ring natumba ang dalawang zombies Napangisi ang dalawa sabay apir. "Shet, perfect match talaga tayo" ani ni Jasmin sabay tawa, kinikig naman deep inside si Gee. "Perfect na perfect at match na match" ani nya, natigilan naman si Jasmin. shit, Gee Yamato wag ka ganyan!? "Uy! Pasok na kayong dalawa" tawag ni Charlie sa baba, bumalik naman ang dalawa sa loob ng Humvee. "Malayo pa ba tayo, Khal El?" Tanong ni Aiko, napatingin sa paligid si Khal El. Hindi pa nga sila naka kalahati. Buong araw ang byahe nila nito, kung di sila titigil o di kaya isa at kalahating araw. "Apat na araw tayong mawawala" ani ni Khal El di parin naaalis ang tingin sa kalsada. "Saktong pag balik natin buntis na si Luna" biro ni Gee sabay tawa. "Malayong malayo pa tayo kaya ihanda nyo mga sarili nyo. Wala pa tayo sa totoong laban natin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD