12

4259 Words
Charlie, gising" Napadilat ng mata si Charlie-unang bumungad sakanya ay ang muka ni Gee kaya medyo nagulat pa sya sunod nya namang ginawa ay umupo ng maayos at napatingin sa paligid nya. Kurap kurap pa sya ng mata nya. Walong oras na silang nag bya-byahe, may nakasalubong narin silang mga infected pero hindi pa ganoon ka-rami kaya pa nila. Nag tama ang dalawang kilay ni Charlie habang nakatingin sa paligid, naka-kalahati na sila papunta sa sentro at dumidilim na rin. Oo, di masyado nakakakita ang mga infected sa dilim pero mahihirapan rin sila lumaban kaya wala silang magawa ngayon. Mahina lang ang takbo ng Humvee, ayaw nilang maka kuha ng atensyon. Purong negatibo na enerhiya ang nakikita ni Charlie sa labas, parang nang halong takot, lungkot, pighati at lagim. "Kailangan natin mag palipas ng gabi dito, hindi ligtas para saatin ang mag patuloy pa" ani ni Alas sabay tingin sa paligid. Naramdam ni Aiko ang lamig ng gabi dahil naka bukas ang taas kung saan ang machine gun kaya napayakap sya sa sarili nya sabay tingin sa paligid. Abala naman si Jasmin sa pag kuha ng mga naiwan nilang mga kumot dito sa Humvee at mga pagkain. "Anong pagkain ang meron dyan, Jasmin?" Tanong ni Khal El sabay lingon sakanila. Napatingin naman si Jasmin sa pag ng mga pagkain. "Cup noodles, biscuits, chips at mga drinks" ani nya. "May heater tayo dito pwede naman to isaksak sa humvee" ani ni Alas, nilabas naman ni Jasmin ang heater. Nilagyan nila ito ng sapat na tubig saka nag antay para uminit. Tahimik lang silang nakatingin sa paligid. Kumakain na ng mga biscuit si Gee at Charlie habang si Aiko ay naka balot na sa kumot. "Wag lang tayo gumawa ng ingay at wag natin buksan ang ilaw ng Humvee para di tayo maka kuha ng atensyon" ani ni Khal El, pinatay naman ni Alas ang ilaw kaya medyo madilim sa loob. Buti nalang at maliwanag at bilog na bilog ang buwan ngayon, yun ang naging liwanag nila. "Ganoon? Parang di naman makatao yun!" Inis na ani ni Mrs. Memdoza, tumungo-tungo si Gab at Ashley. "Hun, wala na tayong magagawa. Andoon na sila, ipagdasal nalang natin ang kaligtasan nila" malumanay na ani ni Mr. Mendoza. Paano nga ba sila naka ligtas? Nag tungo sila sa last floor ng mansion at doon nag antay hanggang sa makarating ang chopper nila. Andito sila sa maliit na canteen ng mga sundalo, nag hahapunan kasama sila Yico ar Luna. Walang gana na tinusok ni Luna ang pagkain sa harap nya kaya napairap si Yico. "Nag aalala ka masyado para sakanila eh, relax mo utak mo" ani ni Yico, tumingin lang sakanya si Luna. Kanina pa talaga sya nag aalala, nawala lang sadlit sa utak nya dahil sa mga ginagawa ni Yico pero ngayon bumalik nanaman. "Nag aalala lang ako, masyado kasing delikado" bulong nya. "Delikado pag lahat tayo tulog. So switch-switch tayo, matutulog na ang girls kasama si Charlie. Maiiwan kami Khal El, Gee at ako sa pag bantay" ani ni Alas, nag tama lang ang dalawang kilay ni Charlie. Pakiramdam nya kasi tinuturing syang babae dahil bakit kasama sya matulog? babae ba sya? "Teka, bakit kasali ako sa mga babae na matutulog? Kakatulog ko lang. Ayos na ako" sambit nya, umirap lang si Gee pero buti di sya napansin ni Charlie dahil madilim. "Okey, ganito. Ako matutulog, palit tayo lugar" ani ni Khal El, nag agree naman si Charlie kaya nag palitan sila ng upuan ni Khal El. Si Charlie na ang nasa driver seat ngayon. Lumingon naman si Alas kala Gee na nasa likod nya. "Matulog lang kayo, kailangan natin ng lakas" ani ni Alas, kumusot naman ng mata si Aika sabay tungo. Pinasandal naman ni Gee si Jasmin sa balikat nya at si Aiko naman sumandal din sa balikat ni Khal El. "Ano na kaya ginagawa nila Yico ngayon?" Biglang tanong ni Alas sabay tingin sa labas. "Si Luna at Yico alam mo na" asar ni Gee sabay taas kilay, napailing nalang si Charlie. Hindi nalang nakinig si Als sa mga kwento ni Charlie at Gee, okey lang naman sila mag kwentuha kasi di naman sila maririnig sa labas pag mahina lang. Napatingin lang sya sa labas at sa buwan. Yung liwanag lang ng buwan yung nagbibigay ng liwanag sa kanila ngayon. Napa-kurap kurap si Alas ng may nabaling ng tingin nya. Sa dilim, may nag lalakad. Di nya maaninag kung tao ba o infected. Nag tama ang dalawang kilay nya habang tinitingnan ng mabuti ang nag lalakad hanggang sa may napansin sya. Sa likod nito may nakasunod pang iilan na mga nag lalakad. Tanginang anino lang nila ang makikita mo, paika-ika ang lakad ng iba. Hindi ito tao. "s**t" bulong ni Alas at lumingon kala Charlie at Gee na nag uusap parin. "Guys, shhh" pag tatahimik nya sabay turo sa labas. Napatingin si Gee at Yico doon at nanlaki ang mga mata nila. "N-nakita ba nila tayo?" Takot na bulong ni Charlie, umiling naman si Alas. Napahawak ng mahigpit si Gee kay Jasmin wala sa oras, habang sumandal naman si Charlie at Alas sa mga upuan nila. Madilim ang loob ng Humvee, hindi sila makikita at kung di nila gagawa ng ingay baka lagpasan lang sila nito. Medyo naririnig na nila ang mga nakakatakot ng ungol kaya napahinga ng malalim si Charlie. Kinuha naman ni Gee ang baril nya na naka lapag sa sahig sabay kasa dito. Seryoso at alisto. Limang metro nalang ang layo sakanila ng mga to at patuloy parin sa pag lalakad. Dumating na sa pwesto nila at yung ibang infected binangga pa ang Humvee, dahil sa ingay na yon nagising si Khal El. Napakunot lang ang noo nya at tumingin sa paligid. Nung nahagip na ng mata nya ang mga infected na nag lalakad sa mismong harap ng sasakyan nila agad nawala ang antok nya. Puno ng gulat at takot syang nakatingin dito, lumingon sakanya si Alas at nilagay ni Alas ang hintuturo nya sa labi nya-sinasabing wag syang gagawa ng ingay. Nakatingin lang sila sa mga to, mukang nag hahanap ng makakain. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa unti-unti na itong nag lakad palayo. Agad na napa hawak sa dibdib nya si Charlie at huminga ng maayos. Kanina pa kasi sya nag pipigil ng hinga nya. "Asan pupunta mga yon?" Bulong nya, nag kabit balikat lang si Alas. "Hindi ko alam baka nag hahanap ng makakain" simpleng saad ni Alas. "Ibig sabihin non bukas makakaharap natin ang mga yon?" Tanong ni Gee, tumungo lang si Khal El. Medyo marami yun pero kaya naman nila, yakang yaka yan nila. "Anong bukas? Alas tres na woi" ani ni Charlie sabay tingin sa orasan nya. Nanlaki naman ang mga mata ni Alas at Gee, hindi nila namalayan ang oras. At wala pa silang tulog. "May apat na oras pa, matulog na kayo. Ako na bahala mag bantay" ani ni Khal El, alinlangan namang tumingin si Alas kay Khal El. "Sila Aiko? Gigisingin ba natin?" Tanong ni Charlie, umiling lang ang tatlong lalake kaya napangisi si Charlie. Napadilat ng mata si Luna at ang unang bumungad sakanya ay si Yico na ang sarap ng tulog. Napakunot ang noo nya at naupo sabay tingin sa paligid. Nung andito pa sila lahat sa sahig natutulog ang iba. Well ang boys ang sa sahig, girls naman sa kama. Napakamot lang ng ulo si Luna, parang may kulang. Di nya lang masabi kung ano o sino, nasa dulo na ng dila nya. Napatingin sya sa kanan nya at doon nya mapagtanto. Si Gab at Ashley. Natulog sila kagabi na kasama sina Gab at Ashley sa tabi nya pero ngayon wala. Saan kaya nag punta yon? "hmn" Napatingin si Luna kay Yico na umiba ng posisyon sa pag tulog. "tulog mantika talaga to" ani nya at nahiga nalang uli dahil alas singko palang ng umaga. Sa oras na tumama ang likod nya sa kama agad naman syang niyakap ni Yico. Nakatingin lang sya sa pagmumuka ni Yico na natutulog. Wala lang, ang payapa nyang tingnan. Nilapag ni Luna ang kamay nya sa buhok ni Yico saka ito sinuklay-suklay. "Sana tama yung desisyon ko sa pag iwan sa tatay ko para sayo.." bulong nya, Tiningnan ng mabuti ni Luna ang muka ni Yico. Simula si Kilay, mata hanggang bibig. Simula nung naging sila ito ata ang unang beses na naging ganito sya kalapit kay Yico na walang s****l tension. Yung purong pag mamahal lang ang nararamdaman nya. Mas hinigpitan ni Yico ang yakap nya kaya nasubsob ang muka nya sa dibdib nito. "matulog ka nalang.. " bulong ni Yico. Biglang nagising si Jasmin nang naramdaman nyang gumalaw ang Humvee. Nag tama ang dalawang kilay nya at tumingin sa paligid. Puno ng pag tataka syang tumingin sa labas, umaga na pala, hindi nya lang naman naramdaman. "Uy, gising ka na pala" ani ni Khal El na ngayon ay sya na ang nag mamaneho. Napatingin sya sa pwesto ni Khal El kanina at nakita nyang si Charlie ang nandoon at nakasandal pa ito kay Aiko. Napatingin din sya kay Gee na bukas pa ang bibig habang natutulog. "Ikaw lang ba ang gising?" Tanong nya sabay kamot sa ulo nya, tinuro nya naman si Alas. "Kasama ko si Alas pero mukang tulog ang utak nito" ani nya, tumingin naman sya kay Alas na nakatulala lang habang hawak ang baril nito. Muka syang sabog. "Gigisingin ko na ba sila?" Tanong nya nanaman, tumungo lang si Khal El. Ginising nya si Gee na ayaw pa magising dahil tulog mantika ito pero nagising parin. Sunod naman si Charlie na tinapik nya lang at biglang nagising, dahil sa likot ni Charlie nagising natin si Aiko. Puno ng pag tataka syang tumingin kay Jasmin bago napag tanto na umaga na pala. "Pagkain..." bulong ni Gee sabay akyat sa upuan nya at nag kalkal ng pagkain sa likod. Binigyan nya naman ang iba. "Malapit na ba tayo?" Tanong nya. "Actually, nasa sentro na tayo" sagot ni Khal El, nabilaukan naman si Gre at agad na napatingin sa paligid. "Wag ka mag alala mukang wala naman akong nakitang mga infected eh" wala sa sarili na ani ni Alas, kanina pa sya nag babantay kaya sabog na sya. "malapit na tayo sa school nyo?" Tanong ni Charlie, tumungo lang si Khal El Hindi nya lang naman napansin na 24 hours silang nag byahe, kasali na ang pag-pahinga nila. Medyo antok pa silang nag ayos sa mga gamit nila lalo na sa mga baril. Rinig na rinig mo tunog ng bakal laban sa bakal sa bawat lagay ni Gee at Charlie ng bala. Ngayon nasa machine gun sa taas ng Humvee nag lalagay ng bala si Gee. Humahampas sakanya yung hangin at lalo na yung masangsang na amoy dugo at nabubulok sa paligid. Yung tapos na syang mag lagay ng ammu, naisipan nyang mag sight seeing muna sa paligid. Nilagay nya sa mga mata nya ang telescope at tumingin sa paligid hanggang sa may nahagip ang mata nya. Sa di kalayuan andoon ang mga infected, palibot-libot lang. Agad na nanlaki ang mga mata nya at nabitawan ang telescope na sumabit lang din sa leeg nya. Yung mga infected na nakita nila kaninang madaling araw. Agad syang bumalik sa baba at natatarantang tumingin sa mga kasama nya. "Mukang mapapalaban na tayo nito mga dre. May mga infected mga 1 kilometers mula saatin" tansya ni Gee. "Gaano kadami?" Tanong ni Alas, humigpit lang ang hawak ni Khal El sa manubela at medyo binagalan ang takbo. "Naalala mo yung mga infected na dumaan kanina? Oo, sila yun" seryoso na ani ni Gee, inalala naman ni Alas at Charlie ang mga yon at napalunok sila. Dahil medyo madami ang mga yon. "Delikado pag sa bintana kami babaril, mas ligtas pag sa taas. Gee ikaw na bahala" saad ni Alas, ngumisi naman si Gee sabay thumbs up. Napatingin sya sa mga kasama nya, mukang kailangan nya pa ng isang kasama. Kailangan nya yung magaling umasinta-para isang bala lang bawat runner dahil kailangan nilang mag tipid sa ammu. Hindi pwede si Alas dahil hindi sila mag kakasya sa taas, kailangan nya yung slim ang katawan. Napatingin sya kay Charlie. Slim nga di naman asintado. Hanggang sa bumaba ang tingin nya kay Aiko na kinakabahan habang kinakagat ang mga daliri nito. "Aiko" tawag nya, agad na napatingin si Aiko sakanya. "Samahan mo ako bumaril sa taas" ani ni Gee sabay bigay ng baril sakanya. Hindi muna nila gagamitin ang machine gun dahil maingay to. Muntik ng di masalo ni Aikk ang baril pero nasalo nya parin. "Bakit ako?" Reklamo nya, akala kasi ni Aiko wala syang use dito sa squad pero di nya alam isa sya sa shooter sa kanilang apat at isang matalino na medical student. Para syang pwedeng magawa sa squad, negative lang kasi ang isip nito kaya masyado syang down sa sarili nya. "Duh, diba sinabi ko na kasama ka saamin nina Alas na sharp shooter? come on gamitin mo yang talent mo!" Ani ni Gee, napa irap lang si Aiko at agad na tumayo at lumapit sa likod kasama ni Gee. Unang lumabas si Gee sa butas ng Humvee at sumunod nama si Aiko. Unang sampal palang ng hangin sakanya agad na syang napangiwi. "Ready, aim" ani ni Gee at ni-pwesto ang baril nya. Nakatutok ito sa harap, ginaya naman sya ni Aiko. Ramdam na ramdam ni Aikk yung malakas na pag t***k ng puso nya. Nanatili sila sa ganyang pwesto, medyo malapit na sila-di pa nakikita ni Aiko ang mga infected pero naririnig nya na ang mga ito at base sa mga boses nila, mukang marami ang mga to. Napalunok lang si Aiko, medyo nangangawit na sya sa ganitong posisyon pero hindi nya nalang ito pinansin. "Ready the trigger" ani nanaman ni Gee, sumulyap pa sya kay Gee nang sadlit bago ginawa ito. Seryosong seryoso si Gee, parang nag lalaro lang eh. Nahagilap na ng mga mata nila ang mga infected, parang na-stuck yung hininga ni Aiko sa lalamunan nya. Nararamdaman nya rin ang pag lalamig ng kamay nya. Agad na napatingin sa kanila ang mga ito, kitang kita mo sa mga mata nila yung gutom at yung mga galaw nilang parang nababali ang mga buto. Mas lumakas ang ungol nilang lahat saka silang tumakbo-pasalubong as rumaragasang humvee. Napakapit si Jasmin sa upuan nya habang halos pikit mata naman si Charlie. "SAGASAAN MO!" Sigaw ni Alas habang mahigpit ang kapit sa upuan nya. Huminga ng malalim si Khal El at buong lakas na tinapakan ang gas ng saksakyan kaya napaurong sila Yanna at Justin sa likod. Nag tama ang dalawang kilay ni Gee sa konsentrasyon. "Shoot!!" Sigaw nya, agad na hinila ni Aiko at gatilyo ng baril nya at ganoon ni si Gee. Agad namang itong tumama sa dalawa pang runner sapul sa ulo. "Nice" bulong ni Gee at bumaril nanaman, mukang nawala na medyo ang kaba ni Aiko at nag focus nalang sa pag asinta. "I-headshot mo lahat para di sayang ang ammu" ani ni Gee, tumungo naman si Aiko at bumaril nanaman. "Wow" mangha na ani ni Khal El sa loob ng Humvee nang nakita nyang isa isang natumba ang mga infected. Kinasa ni Gee ang baril nya at bumalik sa unang po syon saka bumaril. Unti-unting namumuo ang ngisi sa mga labi ni Aiko habang bumabaril sya. Ito pala yung pakiramdam pag bumabaril ka, pakiramdam mo ang tapang at galing mo. "s**t" hinga ni Aiko at kinasa na rin ang baril nya. Sinagasan ni Khal El yung mga infected na nakaharang sa daan na dahilan na pag tunog nang Humvee. "tangina naman kasi ng mga to" inis na ani ni Khal El at mas humigpit ang hawak sa manubela. Nalagpasan na nila ang mga infected kaya ngayon naka habol na ito sa likod nila. Umikot sina Aiko at Gee patalikod para harap harapan na sila ng mga ito. Wala masyadong ingay na ginagawa ang baril nila dahil naka silencer ito pero mukang yung ingay na ginagawa ng mga infected na to ang dahilan kaya may mga dumadagsa pang iba. "potangina, tumahimik kayo!" Inis na sigaw ni Gee sabay baril sa bibig sa isang infected. Napataas ng dalawang kilay si Aiko at tumingin kay Gee. Pinunasan lang ni Gee ang pawis sa noo nya. "Maingay eh" simple nyang ani. Dahil nga nakatalikod sila sa current ng hangin. Yung ibang buhok ni Aiko pumupunta na sa muka nya. Patuloy lang sila sa pag asinta at mukang di sila maubos-ubos. "HUMAWAK KAYO! KAKALIWA TAYO!" Sigaw ni Khal El, agad namang humawak si Alas habang biglang napahawak ang dalawa sa likod kala Aiko at Gee. Nagulat pa nga sila ng may humawak sa binti nila. Biglang kumaliwa ang sasakyan na dahilan ng pag punta ng katawan ni Alas sa kaliwa at napabitaw si Charlie sa hawak kay Gee kaya tumama ang likod nya sa bintana ng Humvee. Napa ungol sya sa sakit sabay pikit. Yung mga infected naman na humabol sakanila ay nagkupulan sa gawin kaliwa ng daan. Natumba sila doon pero parang wala lang ito sakanila at tumayo lang din at pinag patuloy ang pag habol sakanila. "WHAT THE f**k!? MUNTIK NA YON!" Sigaw ni Gee, muntik na kasi silang mahulog ni Aiko. Bumitaw naman si Jasmin kay Gee at agad na tiningnan kung ayos lang ba si Charlie. "Charlie!? Ayos ka lang ba!?" Puno ng pag aalala na sigaw ni Jasmin. Napa-ungol lang sa sakit si Charlie at umupo ng maayos sabay hawak sa likod ng ulo nya dahil masakit. Nabaling ang tingin ni Jasmin sa bintana ng may bahid ng dugo ito. "gago! May sugat ka!" Taranta ni Jasmin at agad na tiningnan ang likod ng ulo ni Charlie. Nahawakan nya pa ito kaya pininta nang pula ang kamay nya. Puno ng takot na nakatingin si Jasmin sa kamay nya. "S-s**t s**t s**t!" taranta nya, napatingin si Alas sa kanila at pati sya nagulat. "M-maliit na sugat lang to" mahinang ani ni Charlie at kumuha ng damit saka nilagay sa sugat nya para di na dumugo pa pero mukang hindi tumitigil ang dugo dahil naging pula lang yung asul na damit. "s**t, may first aid?" Tanong nya nanaman, nataranta namang tumungo si Jasmin saka kinuha ang first aid. Dahil nga medical student si Charlie, nagawa nya namang gamutin ang sarili nyang sugat kahit di na ganoon kaayos. "andito na tayo" ani nya, napatingin si Alas sa medical school na purong puti. Patuloy parin sa pag babaril si Aiko at Gee sa taas, hindi na nga nya napansin na nakarating na pala sila sa school. Tumingin sa rear mirror si Khal El, kitang kita nya na may naka sunod parin sakanila at mukang di sila makakapasok sa school kung nandyan sila. Napalunok sya at mas binilsan ang takbo ng Humvee,yung medyo malayo ang agwat ng mga infected at ng sasakyan. Gagawin nya ang dapat nyang ginawa nung una. Gagawin nya yung hindi nya nagawa nung simula palang. Isasara nya ang gate. Sa oras na pumasok ang Humvee sa gate ng paaralaan agad na hininto si Khal El sa Humvee at biglang lumabas na kinagulat ni Alas. "KHAL EL SAAN KA PUPUNTA!!?" sigaw ni Alas. Malakas ang kabog ng dibdib ni Khal El na tumakbo sa gate, dagdag pa ang mga infected na papunta sakanya. "KHAL EL!?!" sigaw ni Aiko, napa mura si Gee at agad na nag posisyon para bumaril. "SASARA NYA ANG GATE ANG TANGING GAWIN NALANG NATIN AY BARILIN LAHAT NG LALAPIT!" Sigaw ni Gee. Napa hampas sa Humvee si Aiko saka rin tinututok ang baril. Agad na kinuha ni Alas ang baril nya at lumabas sa Humvee, tumakbo sya di kalayuan kay Khal El at nag simula na ring bumaril. "Charlie! Dito ka lang!" Utos ni Jasmjn kay Charlie at kinuha na rin ang baril kahit crossbow gamit nya. Lumabas sya sa Humvee at tumabi kay Alas kaya nagulat si Gee. "JASMIN! BUMALIK KA SA LOOB!" sigaw ni Gee habang bumabaril. Kinasa ni Jasmin ang baril nya at napatingin kay Gee. "I'm no man's burden, dude" maangas nyang ani saka na rin bumaril. Si Khal El naman ay tarantang hinawakan ang kanang bahagi ng gate at buong lakas itong hinila, nung naka pwesto na ang isa lumapit naman sya sa gawing kaliwa at hindi lang naman napansin ang isang infected na palapit na sakanya. "KHAL EL!" Sigaw ni Alas, agad na lumingon si Khal El sa likod nya at agad na sumalubong sakanya ang isang infected, binuka nito ang bibig nya at umungol ng nakakatakot pero bago pa man mangyari ito bigla nalang may bumaril sapol sa ulo nito at natumba. Napatingin sya kung sino ang bumaril at ngumisi lang si Aiko sakanya. "HOY! BILISAN MO!" Pag babalik ni Alas sakanya sa wisyo, agad nya naman hinawakan muli ang gate at hinila ito. Nung nag tagpo na ang dalawang gate, agad nyang ni-lock ito. Sakto lang yung pag lock ni Khal El dahil biglang lumabas ang mga kamay ng mga infected sa siwang ng gate kaya napaurong si Khal El at natumba sa lupa. Puno ng kaba at takot lang syang atingin sa harap nya. Napuno ng ungol ang gate habang desperado nilang inabot si Khal El. Ang daming dugo sa mga kamay nito at yung iba mukang bago palang na infect. Biglang pumasok sa utak ni Khal El, kung ginawa nya to nung una baka hindi kumalat sa city ang mga infected, baka naagapan pa. "Khal, hali na" ani ni Alas, tumayo naman si Khal El pinagpag ang pantalon nya. Naka baba na sila Gee at Jasmin sa Humvee kasama si Charlie. Dala dala nag ammu at mga baril nila. "Humanda kayo, papasok na tayo sa pinag mulan ng virus.." mahinang ani ni Alas. "Alam ba nila Yico at Luna na dito kayo natulog?" Matamis na ani ni Mrs. Mendoza sabay hawi sa buhok ng kanyang anak, bumusangot lang naman si Gab. napatingin naman si Ashley sa kanya Lima ang building dito sa Green Hills, dito naga stay ang mga matataas ang posisyon at mga sundalo. Nasa building five sila ngayon habang building 2 naman saan sila Yico ngayon. Nasa building 1 naman ang science lab ng Green Hills. "Mommy naman, binibigyan ko sila ng time. Sila lang dalawa, yoko naman maging third wheel" bulong ni Gab, napatawa lang si Mrs. Mendoza at Ashley. Bigla namang tumunog ang alarm ng Green Hills, bumalot ito sa buong area. Puno ng pagtataka na nakatingin si Gab sa paligid. "We are now under red alert! I repeat we are now under red alert! May nakatakas na isang infected na ginagamit for experiment para sa cure. Inaabisuhan po namin ang lahat na wag mag panic at pumunta sa building 5. Inuulit ko po, lahat po ng pamilya ay pupunta sa building 5. Bibigyan namin kayo ng dalawang minuto bago namin isara ang pinto ng building 5! Mag si-likas na po tayo habang nako-kontrol pa ang gulo sa loob ng science lab. Maraming salamat po" Agad na nanlaki ang mga mata nila Gab at Ashley napatayo. "MAY PINAPASOK SILANG INFECTED DITO!?" binding makapaniwala na sigaw ni Ashley Agad naman nilang naalala si Yico at Luna. "s**t! SINA YICO AT LUNA NASA BUILDING 2!" Ani nilang dalawa "Kalma, baka lumilikas na sila" pag hihinahon ni Mrs. Mendoza pero mukang di maka hinahon sina Gab at Ashley Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa Mr. Mendoza na mukang galit. "This is bullshit!!?" Inis nyang sigaw, sumunod naman pumasok si Dr. Tan mukang stress. "Mr. Mendoza, we cant do anything. Under red alert level na ang buong Grandstand. Hindi na allowed mag papasok pa ng mga outsiders, kahit...sina Jasmin pa to" ani nito, parang nanigas sina Gab at Ashley sa kinatatayuan nya. Napayukom sya ng kamao nya. "Ano!? THAT IS ABSURD! PINALABAS NYO SILA FOR THE CURE TAPOS ANO DI NYO SILA PAPASUKIN!?" Puno ng galit nyang sigaw, napalunok naman si Dr. Tan sabay ayos sa kwelyo nya. Hindi alam nina Gab at Ashley ang nararamdaman nila, nag halo ang galit, inis at takot sa loob nila. Masyadong di makatao ang mga tao dito. Puro sarili ang iniisip. Hindi hahayaan nila Gab na maiwan dito sa loob habang nasa labas ang mga kaibigan nila. Mas lalo syang napayukom sa kamao nya yung tipong nagiging puti na ito. Yung pag hinga nya hindi na stable. "G-Gab..." tawag ng mama nya, napakagat ng labi si Gab. Kailangan naming maka alis dito ni Ashley kailangan pa namin makasama sina Charlie.... Agad na pumasok sa isip nya ang chopper ng Mendoza. Marunong syang mag palipad ng chopper, at ganoon din si Ashley. Nag aral sya nito dati dahil bored lang sya. Huminga sya ng malalim, patuloy lang ang pag tunog ng red alert alarm sa buong Green Hills. "Mommy...Daddy...I'm sorry.." bulong nya at agad na hinila si Ashley saka tumakbo palabas ng kwarto nila. Tinulak nya pa si Dr. Tan. Tinulak nya yung mga tao na naka harang sa daan nilang dalawa. Hindi alam ni Gab pero pakiramdam nya ito ang tama. Pupunta sila sa sentro gamit ang chopper Salungat ang takbo nila sa ibang tao. Halos lahat papasok sa building habang sila naman ay palabas. Kailangan nila mapuntahan sina Yicoat Luna. "POTANGINA! TUMABI NGA KAYO!" mura ni Gab at marahas na tinulak ang ibang mga tao, tiningnan lang sya ng mga to na puno ng pang huhusga. Sa oras na nakalabas sila sa building 5, napatingin sila buong paligid. Puno ito ng mga pamilya na tumatakbo sa takot habang dala dala ang mga gamit nila. "Ganto, maghiwalay tayo Ashley ikaw na bahala sa helicopter ako nalang susundo kayla Yico at Luna" saka humilis sila ng daan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD