Dahan dahan na napadilat ng mata si Khal El at inangat ang ulo nya. Agad syang napahawak sa noo nya at halos pikit mata na napatingin sa paligid nya. Agad syang napaupo ng maayos nung nakita nya si Alas na naka sandal ang ulo sa bintan at may dugong tumutulo sa noo nya papunta sa leeg nya, wala rin itong malay. Agad na bumilis ang t***k ng puso nya at tiningnan ang mga kasama nya sa likod, ngunit mas lalo syang kinabahan sa nakita nya. Wala ang limang babae. "Alas!" Sigaw ni Khal El, sabay galaw kay Alas. Napakunot naman ang noo ni Alas at dahan dahan na dumilat ang mga mata nya. Agad syang napahawak sa ulo nya at laking gulat nung nakita nya ang mga dugo. Napatingin sya kay Khal El at sa oras na nag tama ang mga mata nila agad na napatingin si Alas sa likod. Nakahiga si Gee sa upuan

