Dahan dahan na binuksan ni Gee ang pinto ng van sabay tingin sa paligid kung merong infected. Sa oras na nakita nyang clear na ang lahat bumaba na sya sa van habang nanatili ang iba sa loob. Sumunod naman si Alas-hawak hawak ang baril nito at alertong nakatingin sa paligid. Halos hindi naman mapalagay si Gab at Jasmin sa loob ng van dahil mas nakikita na nila ng maayos ang amusement park. Nakatingin narin si Luna doon at medyo nagugustuhan nya narin to. "Gee, okey na" ani ni Alas, napalingon naman si Gee kay Alas at tumingin pa ulet sa paligid. Sinisigurado nya lang naman na ligtas at walang pahamak. Gusto nya kasing mag enjoy ang mga to sa amusement park. Napakamot naman sa inis at inip si Gab-gustong gusto nya ng pumunta sa amusement park at parang nakalimutan na ang mga panganib. T

