Alas? Ashley? Asan kayo? Aalis na tayo!" Rinig nilang tawag ni Gee, kaya napatingin sila sa pinto. "baka nadiligan na ni Alas" rinig naman nilang ani ni Yico, agad na napa mura si Alas doon. Gago ka talaga Yico Salvador. "Ikaw talaga Yico! Ano ano laman ng utak mo" ani ni Khal El sakanya. "Anong diligan?" Inosenteng tanong ni Gab, agad namang nanlaki ang mata ni Ashley. Pag yang mga yan nag salita at turuan ng kung ano si Gab masasakal ko sila. Alam naman ni Ashley na pag hindi sya nakatingin ano ano sinasabi ng mga yan sa inosente at pure nyang kaibigan. Gusto nya sana manatiling ganyan yan. "Alam mo kasi kaming mga boys, may tanim kami tapos kayo girls may lupa-" Biglang tinulak ni Ashley ang pinto ng department store sabay kuha sa isang basket na nakita nya sa tabi at agad na

