Nakahawak ngayon si Jasmin sa door frame nang pinto kung saan sya nagpapagaling ngayon naiinip na kasi sya at nag aalala narin sya kayla Gee at Luna kanina pa rin umalis sila Charlie at Ashley
"Kainis naman" bulong nya habang nakakapit nang mabuti sa pinto
"Jasmin?"
Napatingin sya doon at nagtama ang tingin nila ni Yico na mukhang bagong gising lang
"Kailangan mo nang tulong?" Tanong nya at naglakad papalapit kay Jasmin tumango naman si Jasmin hinawakan ni Yico ang isang kamay ni Jasmin at pumalibot ang braso nya sa likod ni Jasmin para mahawakan ang balikat nito
"Masakit ba talaga?" Malambing na tanong ni Yico tumango naman si Jasmin
Medyo masakit ang balakang nya pero kaya nya naman maglakad talagang nahihirapan lang talaga sya
Dahan dahan lang sila naglakad sa corridor inaalalayan sya ni Yico
Ngayon nagtataka si Jasmin bakit wala ang iba? Silang dalawa lang ni Yico ang nandito
Hindi sinabi ni Aiko ang tungkol kayla Gee at Luna, ayaw nya kasi mag alala nang sobra itong dalawa na ito
Yung oras na na-clear ang daan agad na pumunta ang rescue team at nag pumilit sumama sila Charlie at Ashley
"Imagine mo nakatira na tayo sa mansion" manghan ani ni Jasmin habang nililibot ang tingin sa mga mamahaling painting
Natigil sila sa isang malaking family portrait nang mga Mendoza naka tayo ang tatay ni Gab at mukhang kagalang galang, nakatayo sa kanan ang kapatid na lalaki ni Gab habang naka upo ang dalawang babae na mahalaga sa buhay nila hindi sila naka ngiti at seryoso lang ang mga mukha nila at kitang kita mo ang kapangyarihan nila ganon sila kataas
Sa baba nang portrait may isang lamesa, may mga medium size portrait doon solo pic nang magulang ni Gab pati narin sya sunod na frame sila Jasmin at Ashley
"Bakit kayo nandito Jasmin?" Tanong ni Yico
Hindi naman sumagot si Jasmin at tinignan lang ang picture nilang dalawa ni Ashley
Sa kabilang side naman ang picture nilang tatlo nun naka-graduate na sila nang senior high ang sarap balikan yun dati,yun tipong nag aaral at nag sasaya lang kayo tapos sa isang iglat nangyari na ito
"Mag best friend kasi ang mga magulang namin, kaya siguro naging mag kakaibigan narin kaming tatlo, isa pa parang anak narin ang turing sa aming dalawa ni Ashley kapag wala ang mga magulang namin pupunta lang kami sa bahay ni Gab minsan nga doon na kami kumain at natutulog hahaha" paliwanag ni Jasmin
Ang kuya naman ni Gab ay nasa Canada kasama ang pamilya nya,kahit gustong umuwi nang kanyang kuya ay hindi pwede
Umalis na sila doon at nag lakad papunta sa hagdan
Napapunas nang pawis si Jasmin at iniinda ang sakit habang bumababa sa malaking staircase
Napakunot ang noo nila nang may marinig silang ingay sa pinto, napatingin ang dalawa at medyo kinabahan
Pumunta sila doon agad tumambad sa kanila sila Gab at may niyayakap na mga tao napakunot lang ang noo nilang dalawa bumaba ang tingin ni Jasmin sa baril at katana
na nasa sahig,at puno nang dugo at kita mo ang hirap nang mga taong gumamit nan
"Jasmin..." Ani ni Gee umurong naman si Alas dahil nakaharang sya kayla Gee agad na nagtama ang tingin nila dalawa
Tinignan nang mabuti ni Jasmin ang mukha nang lalaki, nagmumungto ang mga mata nito
magulo ang buhok puno nang pawis at dugo
napalunot si Jasmin at pinipilit na wag umiyak
"G-gee" iyak ni Jasmin at nilagay ang dalawa nyang kamay sa bibig
Binitawan sya ni Yico at agad syang pumunta kay Gee na parang wala syang iniindang sakit,
Kanina lang halos hindi sya makalakad pero ngayon nun nakita na nya si Gee parang nawala lahat nang sakit nya
Agad na binuksan ni Gee ang braso nya para sa yakap ni Jasmin
Agad na niyakap ni Jasmin si Gee na mahigpit yun sobrang higpit yun mukha nya nasa dibdib ni Gee hindi napigilan ni Jasmin ang humagugol
Si Yico naman ay nakatingin lang kay Luna, hindi alam ang sasabihin nya o gagawin nya
Dahan dahan syang nang lakad, parang bawat
yapak nya sa pinaputok ang hininga nya
Ngumiti naman nang marahan si Luna sa lalaki na ngayon ay nasa harap nya na, tinignan lang sya ni Yico at kitang kita mo ang pag lunok nito
Bigla nalang sya niyakap ni Yico na dahilan na nang paglaki ng mata nya nilagay ni Yico ang mukha nya sa balikat ni Luna at niyakap nang mahigpit ang babae, kanina pa sya nang iisip yun asan o ligtas na ito
Hindi parin yumakap pabalik si Luna dahil sa gulat nya nanatiling nakatago ang mukha ni Yico sa balikat nang babae at hindi bumitaw sa yakap
Natigilan sya nun biglang nabasa ang kanya balikat, umiiyak nang patago si Yico
Napakagat labi si Luna at pinikit ang mga mata nya, kusa namang lumabas ang luha sa mata nya at pumatak ito sa likod ni Yico niyakap nya pabalik ang lalaki sabay iyak nang malakas
Napakagat labi si Khal El habang nakatingin sa apat na nang iiyakan kitang kita mo yun takot at pangungulila nila sa isa't-isa
Bumitaw sa yakap si Gee at pinunasan ang luha nya nang marinig nya ang hibik ni Yico
masakit itong pakinggan dahil parang tinatago nya ito
"A...akala ko...w-wala kana" iyak ni Yico medyo hindi mona marinig dahil nakatago ang ulo nito sa balikat ni Luna
"Akala korin......mamamatay na ako" bulong ni Luna
Nang iyakan lang ang dalawa nang dahilan ng pag tigil nang iyak ni Jasmin napatingin nalang sya sa dalawa kagaya nang ginawa nang lahat
Nag-tinginan naman sila Charlie at Ashley
Alam nila ang balak na gawin nang dalawa buti at na abutan nila
Masakit isipin na balak magpakamatay nang dalawa dahil nawalan na sila nang pag asa na maligtas kilala nila bilang matapang na tao ang dalawang ito at masakit lang makita na kahit sila ay gustong sumuko na
"Balak nila magpakamatay kanina..." Bulong ni Ashley katabi nya naman si Khal El at napatingin sya sa kanya
"Sina Gee at Luna?" Tanong ni Khal El tumango naman si Charlie
"Dalawa nalang ang bala nang baril ni Gee at plano nila gamitin ito sa isa't-isa ayaw nila magaya sa mga nilalang na yon" bulong ni Charlie napahinga sya nang malalim saka pinunasan ang luha sa mata
Nasasaktan sya, kahit sa maikling panahon minahal nya na ang mga kasama nya
Sa oras na nakapasok na sila Gee at Luna sa sasakyan tulala ang mga ito, mukang tinago ang nararamdaman kinuha naman ni Ashley ang baril at napansin na dalawa nalang ang bala nito sakto sa kanilang dalawa
Bumalik ulit ang atensyon nila kay Yico na umiiyak parin
"Sama na ako sa hug" ani ni Gab at niyakap ang dalawa sumali naman sina Gee at Jasmin
Sumunod naman sila Ashley at Alas napilitan pa sina Aiko, Khal El, at Charlie
"Tahan na Yico...nandyan na si Luna" ani ni Alas sabay himas sa ulo ni Yico grabe yun pag taas nang balikat nito sa pag iyak
Tumahan naman na si Luna pero si Yico hindi pa kumalas na sya sa yakap nang iba, ramdam na ramdam ni Luna yun mga luha ni Yico dahil tumagos ito sa balat nya
"Yico" tawag ni Luna kumalas naman yakap si Yico habang pinupunasan ang kanyang luha sabay napatingin kay Luna
"T-tinawag mo akong Yico" mahina nyang ani napa ngiti naman ito sakanya
"Paki dala si Luna at asikasuhin nyo sya" ani nang mama ni Gab at ngumiti tumungo naman din ang mga boys sa kanilang kwarto sumunod lang si Gee sa kanila
Napa ngiti naman sina Gab nun makitang kompleto na silang lima,mas masaya sila kapag lima at kompleto humarap sya kay Luna at napansin na hinawakan nito ang balikat nito
"Luna sumunod ka saakin...." Ani nya at tumango saka sumunod kay Gab
"Aray..." Ani ni Jasmin napahawak naman sya sa balakang nya napatingin naman sina Ashley at Aiko doon at nag alala sa kanya
"May masakit ba sayo?" Tanong ni Aiko at tinignan ang katawan ni Jasmin
"Mukhang hindi na ako makaka lakad" bulong ni Jasmin napa taas ang kilay ni Ashley at napa kamot sa ulo nya
"Eh kanina lang nakatakbo ka eh" ani ni Ashley ngumiti naman si Jasmin
Masyado akong na-excite nun makita ko si Gee" ani nya sabay kamot sa ulo nya napatawa naman sina Ashley at Aiko at inalalayan si Jasmin
Kung normal na araw lang ito kay Ashley siguro nagiging bitter na sya pero hindi eh, masaya sya pag may nakikitang syang nag mamahalan kahit sobrang gulo ng paligid parang nang bibigay ito nang kulay sa madilim nilang paligid
Agad humiga si Gee sa kama matapos nyang maligo dumikit pa sa noo nya sa basa nyang buhok
"Sa wakassssss!!" Sigaw nya sabay unat nang sa kama lumabas naman nang banyo si Alas habang nasa kama sina Charlie, Khal El at Yico
Napag kasunduan nalang nilang mga lalaki na matulog sa iisang kwarto sa kama sina Gee at Alas habang sa sofa si Yico at sa lapag naman sina Khal El at Charlie mamayang gabi
Pagbaba nila agad tumambad sa kanila ang van na maraming dugo at kalmot, kitang kita mo ang hirap nang pinag daanan nila kitang kita mo ang tapang nilang lahat
Nag kumpulan naman lahat ng military sa van nun ngayon lang sila nakakita nang ganyan sa buong buhay nila
Pumunta si Alas sa pinto nang van at binuksan ito,nag tungo naman sina Gee at Khal El para kunin ang mga naiwan nilang mga baril
"Woah... woah! Saan nyo nakuha ang mga yan?" Tanong nang isang military napa taas naman ang isang kilay ni Gee kung maka tingin kasi sila parang kriminal sila
Parang anak naman na hinawakan ni Gee ang kanyang baril at puno nang panghuhusga na nakatingin sa kanya ang isang military
Ano bang iniisip nila? Apocalypse na may batas batas survival na ito
"Mga bata hindi laruan ang mga baril" ani pa nang isang military at aktong kukunin ang baril kay Charlie agad syang umiwas
"Hindi na rin po ito ang panahon para ituring kaming mga bata" ani nya at seryosong nakatingin sa military napa hinga naman nang malalim ang military at nainis lang kay Charlie
"Hindi ko maisip kung paano kayo naka ligtas" insulto nito napa kagat nang labi si Yico
at tinabi si Charlie harap harapan sya sa military ngayon at tinignan nang dereksyo sa mata
Kanina pa sya naiinis dito, mapag mataas
"Oh ano lalaban ka?" Hamon din nya dito at humakbang paharap yun tipong nang tama ang dibdib nilang dalawa ni Yico agad namang pumagitna si Alas sa dalawa bago lumaki
"Kalma lang tayo...okey?" Mahinahon nyang ani, tumingin naman ang military sa kanya
yun tipong iniinsulto sa tingin si Alas
"Anong gulo yan?"
Natingin silang lahat sa pinto at nandoon sina Gab na naka cross arms seryosong naka tingin sa kanila agad namang lumayo ang military sa mga lalaki at yumuko nang marahan at inayos ang tayo
"Masyadong matigas ang ulo nang mga ito" napa taas lang nang kilay si Gab napatingin sya kay Charlie na mukhang nag pipigil lang nang galit at sa kamao ni Yico na nakayukom
binalik nya ang tingin nya sa military
"Baka ikaw ang matigas ang ulo wag nyong pake-alamanan ang mga yan sila ang nag ligtas sa akin may silbi pa sila kaysa saiyo" mapait nya ani sabay irap napalunok naman ang military mahinang tumawa sila Ashley at Jasmin
Napalunot naman si Gab nang makita ang itim na sasakyan at kung paano umasta ang mga tao dito yun tipong presidente ang dumadating
Dahan dahan bumukas ang pinto nang kotse
kaya mas lumalim ang pag hinga ni Gab puno nang pag tataka sina Khal El na nakatingin doon habang binalot nang takot si Gab
"Mister Mendoza..." Bulong ni Ashley tumingin naman ang mga lalaki sa kanya
Nang lakad si Mister Mendoza papalapit sa kanila at natigil sa harap nang van na maraming dugo, bumaba ang tignin nya kayla Jasmin at Ashley at sa mga kasama nitong may hawak na mga baril
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito kanina?" Tanong nya pero nanatili ang tingin sa van
Agad na humakbang nang paharap ang military na kaaway nila kanina
"Itong mga bata kasi Mister Mendoza akala laruan ang mga baril at ang tatabas nang mga dila,kung hindi naman siguro sa amin baka naging infected narin sila" ani nito napa 'tsk' lang si Yico at nagpipigil lang na suntukin ang militar sa harap nang pinaka mayaman at successful na tao sa bansa, Napatingin naman si Mister Mendoza sa kanya at tinaasan sya nang kilay
"Sa tingin mo ba ay mga bata pa sila sa lagay na yan? may mga hawak silang mga baril at van na mamahaling papunta dito,I believe na sa city pa kayo galing gusto ko marinig ang kwento nyo.... Ashley paano kayo naka ligtas at saan nang galing ang mga nilalang nayon?
Napa-ayos naman nang tayo si Ashley, at inalis ang iilang buhok sa mukha
"Well.....galing kaming sentro kung saan nag simula ang outbreak nasa University lang kaming tatlo ni Gab at bigla nalang nanyari ang lahat nang ito, pumunta kami sa parking lot gaya nang sinabi ko naghanap naman nang masasakyan si Jasmin kaya nakita namin ang van nang aming principal" ani ni Ashley napatingin naman sila Mister Mendoza at ang military sa tatlong babae
Naisip ni Mister Mendoza na masuwerte sila at kasama nila si Ashley at tumayong leader sa kanilang tatlo
Nag si-bulungan naman ang mga military sa paligid ikaw ba naman sakay lang nang van tapos nasa city kapa kung saan nang kalat ang infected
"Tapos naki sakay sila Gee at Charlie sa pag kakataon nayun naka hinto kami sa mall at nakita silang hinahabol nang mga zombies pag katapos nun sila Yico at Luna naman ang pina sakay namin isang katana stundents" tinuro naman nya sila Gee at Charlie saka si Yico na walang pake,hinanap nya si Luna pero wala ito
"Nakaligtas kami sa katana nila,at isang baril na nahanap ko sa loob nang van nayan"
Napakunot naman ang noo nila nang dahil sa sinabi ni Ashley,yun military na kalaban nila kanina ay hindi paring naniniwala at napa cross arms
"After non,tumawag ang pinsan ni Luna which is si Aiko na trap sila nang boyfriend nya na si Khal El sa isang hospital kung saan napaka raming zombies din doon,naka ligtas kami doon gamit ang katana at baril pag katapos nun nakita nila Luna si Alas sa isang convenience store kaya sinama narin namin sya"
"Saan kayo nakakuha nang baril?" Tanong ni Mister Mendoza
"Sa tito ni Yico" ani ni Gab kaya napatingin ang lahat sa kanya nang tama ang tingin nila nang tatay nya kaya napa iwas nang tingin si Gab
"So....all the way from city papunta dito,kayo ang nag protekta sa sarili nyo?" Mangha na ani ni Mister Mendoza tumango naman si Ashley at ngumiti
"Pakilala mo sa akin isa-isa ang mga kasama nyo"
"Aiko at Khal El mga medical student sila at ang nangsabi kung ano ang mga katangian nang mga kalaban,si Charlie naman ang naging driver namin"
Mukhang naintriga ang mga tao at lumapit nang tama ang dalawang kilay ni Mister Mendoza
"Sensitive sila sa ingay sir at hindi sila na kakakita sa dilim nang maayos dahil malabo ang paningin nila, proven and tested na po" ani ni Khal El napa tango naman si Mister Mendoza at naging interesado sa kanila
"I see"
"Yico and Luna,wala si Luna ngayon pero silang dalawa ang naging close battle namin, dahil sa nalaman namin na sensitive sila sa ingay malaking tulong ang pag gamit nang katana para hindi na kami maka attract nang
mga infected"
"Gee at Alas dalawa silang sharp shooter sa boys maraming alam si Alas sa mga baril" pag tatapos ni Ashley
Napatingin si Mister Mendoza sa buong squad at napa langhap nang hangin
"I want you to treat them right" ani nya bago pumasok nang mansion
Agad na tumabi si Gab at nanatili ang tingin sa sahig,halos hindi sya makahinga nun nakita nyang tumingin ang tatay nya sa mismong harap nya
"You're such a headache" mapait nitong bulong at nag patuloy sa paglalakad napa kagat labi si Gab at pinigilan na umiyak naramdaman naman nyang may humawak sa balikat nya kaya napatingin si Gab
"Hayaan mona ang dad mo, pagod lang sya simula nun nawala ka wala pa syang tulog kakahanap sayo dear" Malambing na ani nang mama ni Gab huminga sya nang malamim at kinalma ang sarili
"Bakit pag dating kayla Jasmin at Ashley ang lambing nya....?" Bulong ni Gab narinig naman ito nang mama nya kaya agad na hinawakan ang mag kabilang pisngi nya at tinignan nang mabuti ang mga mata nito na may mga luhang tinatago
Hindi kasi maiwasan ni Gab ang mag selos kayla Jasmin at Ashley dahil parang mas anak pa ang turing nito kaysa sa kanya, sa paningin nya
May halos awa ang mga mata ni Mrs. Mendoza na nakatingin sa nag iisa nyang anak na babae
"Una sa lahat bakit mo kami pinalabas?" Iritang ani ni Yico kaya napatingin si Gab doon nag lakad papunta dito sina Yico kaya agad nya naman pinunasan ang luha nya
"Yico,sabi ni Mister Mendoza may isa pang humvee na pwede nating gamit kaso kailangan pa natin ayusin---" ani ni Ashley
"Tayo ang mag aayos nang humvee!?" hindi maka paniwalang tanong ni Charlie kinabahan sya nang slight dahil wala syang alam sa mga ganyang bagay
Napa iling nalang si Alas sa kababawang nang utak ng mga kasama nya
"I mean,ihahanda na natin sa Humvee ang lahat nang dapat ihanda,may maparamdam ako na kailangan natin ihanda ito" ani nya sabay kamot sa ulo nya napa cross arms nalang si Khal El kay Alas
"Okey,mas mabuti nang handa" ani ni Khal El
"Gab" tawag ni Ashley napatingin naman si Gab at ngumiti nang bahagya
"Bakit?" Mahina nya ani napansin ito ni Ashley na may lungkot sa boses nya, kilalang kilala nya itong si Gab sa tagal nyang kasama to
"Pwede mga damit mo ang magamit namin for emergency?"
Ngumiti naman si Gab at tumango
"Sure, no problem Aiko pwede mo ba ako samahan?" Tanong nya tumango naman si Aiko sa babae
"Gee, tayo ang bahala sa bala and sila Yico at Khal El sa damit nang boys" utos ni Alas lumawak naman ang ngiti ni Gee nun marinig ang bala at nang thumbs up
"Sina Jasmin, Charlie at Luna ang bahala sa pag kain" napatingin sya sa paligid at walang nakitang Luna
"Asan si Luna?" Tanong nya napatingin naman si Aiko kay Yico
"Yaan mo yun, pagod yun" saad ni Yico sabay kamot sa ulo nasamid naman si Aiko sa sarili nyang laway
"Ayos ka lang ba Aiko" Pag alala ni Khal El babae,agad syang nagtungo doon at hinimas ang likod nito
"A-ayos lang ako" nahihiyang ani nito
"Gusto mo tubig?" Tano ni Khal El tumango naman si Aiko at sabay na nag tungo sa kitchen
"Tara na Jasmin kumuha na tayo nang mga pag kain" aya ni Charlie at tumungo nang kitchen sumunod naman si Jasmin sa kanya
"Teka! Sasama ako" saad ni Gab at humabol sa kanila
Napa busangot naman si Ashley nun hindi matawag ang pangalan nya
Napatingin naman si Alas sa kanya
"Baka humaba yan nguso mo" sinamaan naman sya nang tingin ni Ashley
"Ikaw nalang ang bahala sa mga baril" ngumiti naman si Ashley at sinunod ang utos ni Alas
Naging busy silang lahat sa pag aayos nang mga dapat nilang dalhin
Naglagay nang sapat na damit for girls and boys at iilang sapatos mayaman naman si Gab kaya ayos lang sa kanya
Yun mga box na may pagkaing laman at napuno narin ang bag nang ammunition pinunasan din nila ang mga baril na may dugo
Nakapag change narin ang mga cellphone nila pati ang power bank
Sobrang pagod nila ngayon at nandito sila maliban kayla Luna at Yico na missing in action,lalo na si Luna na di manlang tumulong
"Teka asan sila Yico at Luna?" Tanong ni Jasmin sabay tingin sa paligid bigla naman nasamid si Aiko sa iniinom nya juice yung tipong napa hawak sya sa dibdib nya sabay ubo nang malakas napatingin naman sa kanya ang iba
"Myghad...tubig,tubig!" Taranta ni Khal El agad naman sya binigyan ni Charlie nang juice yun sarili nyang juice kaya sinamaan sya nang tingin ni Khal El nasamid na nga sa juice bibigyan mo pa?
Bigla naman itong kinuha ni Aiko sa kamay ni Charlie at ininom kaya napatulala si Khal El hinabol ni Aiko ang kanyang hininga sabay sandal sa sofa
Ikaw ba naman muntik na mamatay sa juice
"Yun totoo Aiko, bumabagabang sayo?" Puno nang pag alala na tanong ni Khal El nag tama naman ang tingin nilang dalawa
"K-kasi...." Simula nya,kaya lumapit naman ang iba sa kanya
"Alam kong normal lang to sa tao....Lalo n-na sa magkasintahan,Pero diba kami lang naman ni Khal ang mag-kasintahan dito.....pero mali parin kasi" utal nya
"Yun ano nga?" Tanong ni Jasmin
"D-diko naman sadyang marining sila..."
Napa buga naman nang hangin si Gab mukhang masisira ang utak nya kay Aiko dahil wala syang maintindihan
"Sino, Aiko?" Mahinahon na tanong ni Khal El kumalma naman si Aiko
"Si....Yico at Luna" bulong nya pero narinig sya nang lahat dahil tahimik ang lugar
"Ano ginawa nila?" Tanong ni Gee
"Um......"
Napa inom naman sina Ashley at Charlie nang juice habang nang aantay nang isasagot ni Aiko
"Ginagawa nang m-mag couple..." Mahina nya ani sabay kagat sa labi nya...agad namang nabuga nila Ashley at Charlie ang juice sa mga katabi nila na si Alas at Gee
"KADIRI!!!!!" Sigaw ni Alas at agad na napatayo sa pag kakaupo, napahawak sa bibig si Charlie sa gulat nya pero hindi sa ginawa nya kung hindi sa sinabi ni Aiko
Halos hindi maipinta ang mukha ni Khal El dahil sa sinabi nang kanyang girlfriend
Sino ba naman ang hindi magugulat kung kanina lang ay nang iiyakan ang mga yon tapos bigla nalang nauwi sa basta
Napa kurap-kurap nalang si Ashley at napa iling dahil hindi sya maka paniwala nang nauna pa sila Yico at Luna
"S-seryoso....?" Tanong ni Khal El
"Narinig ko..." Bulong nya ulit,napa pikit sya nang marahan nung naalala nya nanaman
"Teka saan ba?" Tanong ni Charlie napa hawi nang buhok ni Aiko
"Sa kwarto ni Luna..."
Bigla naman naalala ni Khal El yun nagyari kanina,nun nabangga sya ni Aiko unti unti na sya naliwanagan
"Bakit kayo lang ang ang umiinom nang juice"
Napalingon sila sa likod at nakita nila si Yico
halos hindi nila alam ang gagawin nun nakita si Yico kaya tinignan lang nila ito na parang multo
Nagtama lang din ang dalawang kilay ni Yico sa inakto nang mga kasama nya na parang may scandal sya
"Yico"
Napatingin naman si Yico sa likod nya at nang tama ang tingin nila ni Luna napa ngiti naman si Luna
Mas lalo namang na windang ang mga naka upo sa sofa
Lumapit naman si Luna kay Yico saka sila nag lakad papunta sofa at umupo
Weird lang na nakatingin si Gee sa kanilang dalawa na naupo at kumuha nang juice
"Um.....so?" Pang babasan ni Alas nang yelo
"Alam nyo, nakakahalata na ako bat ganyang kayo tumingin?" Tanong ni Yico sabay inom nang juice tahimik lang silang lahat at weird naring tumingin sa kanila si Luna
"Ah! Mabuti pa at mag pahinga na tayo, anong oras nadin" ani ni Ashley sabay tingin sa malaking orasan
Hating gabi na kasi at pagod silang lahat
Huminga nang malalim si Khal El sabay tayo
"Mabuti pa,mag si-tulog na tayo" ani nya nang si-tayuan naman sila,at pumunta na sa kani kanilang kwarto
"Naka usap ko si Yico, misunderstanding lang daw yun kanina" ani ni Gee napatingin naman sa kanya ang tatlong lalaki habang nag aayos sa mga hihigaan nila
Wala si Yico doon nalang daw sya matutulong sa kwarto ni Luna
"Misunderstanding?" Ani ni Charlie
"Minamasahe nya daw si Luna nun,sadyang nang gagago lang ang dalawang yun kaya iba pakinggan" pag papaliwanan nya tumago naman si Alas