Paki dala agad ito sa room, pati narin ang private doctor" Ani nang mommy ni Gab agad
namang inalalayang nang mga maids si Jasmin para gamutin
"Mommy yun dalawa pa naming kasama" bahid ang pag aalala ni Gab napa tingin naman ang mommy nya sa kanyang anak at hinimas ang ulo nito
"Don't worry nang palada na ako nang rescue team sa kanila"
"Excuse Madam.."
Napatingin naman ang mommy ni Gab pati na rin ang tatlong babae
"Mukhang kailangan muna namin i-check ang buong area dahil may mga infected sa kabilang daan papuntang simbahan,kung hindi natin sila papatayin baka maka abot sila dito sa mansion at magiging delikado iyon" Ani nito napa kagat labi naman sila Gab at Ashley
Mas lalo silang natakot para kayla Gee at Luna
alam nilang pagod na pagod na ito dahil nakipag laban pa sila sa mga napaka raming zombies para maging ligtas sila tapos paubos narin ang bala ni Gee
"Then kailan natin sila mai-re-rescue?" Kita mo ang pag aalala sa boses nang mommy ni Gab
"Nag padala na kami nang military to clear the road papunta doon, then pang na-clear na saka lang susunod ang mga rescue team"
Parang nanghina ang mga tuhod ni Aiko nun narinig nya iyon,ibig sabihin matatagalan pang ma-rescue sina Gee at Luna
"Inform me kung papunta na ang rescue team doon" Ani nang mommy ni Gab at umalis narin ang head nang military
"I think kailangan nyo natin mag rest" ani nang mommy ni Gab
"Umakyat na muna tayo" Ani ni Gab tumango naman ang dalawa at sabay sabay na silang umakyat sa malaking hagdan nila Gab
Sobrang laki nang bahay nila may chandelier pa ito sa taas kahit sila Ashley at Jasmin ay hindi alam na may gantong kalaki na bahay si Gab
Nakasunod lang silang dalawa kay Gab na nang lalakad sa malaking corridor nang bahay,ang gilid nito ay may malaking bintana
na kitang kita ang labas nito pati narin ang fountain nila
Tumigil sa isang malaking silid si Gab at binuksan ito, nakita nila si Jasmin na ginagamot nang private doctor nila ang dami nya kasing sugat lalo na sa braso at balikat
"Jasmin" tawag ni Gab nakahawak parin sya sa doorknob nang pinto, napatingin naman si Jasmin sa kanila kita mo ang mga sakit sa kanya both physically and mentally
Pisikal,dahil sa mga sugat nya mentally dahil wala pa sila Gee at Luna
"Kamusta kana?" Malambing na ani ni Gab at binitawan ang pinto dahan-dahan naman syang pumunta sa kama ni Jasmin nakasunod lang sina Aiko at Ashley sa kanya
"Medyo ayos na ang sugat ko..." Mahinang ani ni Jasmin ang daming benda sa braso nya
"Sina...Gee at Luna?"
Tahimik lang ang tatlo,umiwas naman nang tingin si Gab sa kanya kaya napa kunot ang noo nya
"Ililigtas na daw sila,wag kang mag alala gaya ang nang sabi ni Alas malakas yung dalawang yun, isang shooter at isang samurai yakang yaka yun" ani na masaya ni Ashley ngumiti naman ng konti si Jasmin
Tumingin sya sa kisama at huminga nang malalim
"Mauuna na po ako,nagamot ko na po ang mga sugat nya" ani nang doctor ngumiti naman si Gab at umalis na ang doctor naiwan naman ang apat sa silid kumuha nang upuan si Gab at tumabi sa kama ni Jasmin tinanong nito kung saan saan ang galos at sugat nito
Napatulala nalang si Aiko nang bigla nya naalala....Si Yico
"Gab nasaan ang kwato nang boys?" Tanong ni Aiko
"Sa second floor,katabi nang kwarto ko pang limang pinto" saad ni Jasmin at tumango si Aiko
"Bakit Aiko?" Tanong ni Ashley nababahala kasi sya kay Aiko mukhang nang aalala ito
"Pupuntahan ko lang si Yico,baka nag pa-panick attack nanaman yon" ani ni Aiko napa isip naman si Gab kanina nun nasa gitna na sila nang kamatayan grabe ang hyperventilate ni Yico hindi sya kumakalma kahit anong gawin ni Aiko
"Mauuna na ako...pagaling ka Jasmin!" Ani nya at ngumiti sa tatlo lumabas na si Aiko at huminga nang malalim habang tumingin na walang katapusan na corridor,sobrang daming pinto dito na akala mo ay nasa hotel ka napa kamot nalang nang ulo si Aiko at nang simula na syang mag lakad habang bumababa nang hagdan napatingin lang sya sa chandelier nang Mendoza parang natulala sya dagdag mo pa yun mga mahihinang tunog nito sa tuwing nagtatangpo sila sa isa't-isa dahil sa hangin
Napaka gandang pakinggan
Napapikit sya nang mariin pero nang patuloy parin sya bumaba nang hagdan buti nga hindi sya nahulog eh, napatingin nya sa kaliwa at tumambad sa kanya ang second floor nag lakad sya agad doon sabay bilang sa mga pinto
Kumatok nang tatlong beses si Aiko nakarinig naman sya nang mga ingay sa likod nang malaking pinto na ito
Maya maya, bumukas ang pinto at tumamba sa kanya si Charlie na basa at wala pang suklay ang buhok habang nakangiti sa kanya, binuksan naman nang malaki ni Charlie ang pinto para makapasok si Aiko nang maayos pag pasok nya doon agad nyang nakita si Khal El na ang sarap sarap nang tulog sa king size bed na kulay blue naka balot ito nang kumot makikita mo sa mukha nya ang pagod
"Uy Aiko!" Ani ni Alas na mukhang kakabihis lang nang damit
Nag kagulo sila kanina nang dahil sa katok ni Aiko itong si Alas na wala pang damit agad naghanap nang maisusuot
Nilibot nya naman ang kanyang tingin at hinanap si Yico,wala naman syang nakita na Yico dito napa kunot naman ang noo nya
"Asan si Yico?" Tanong nya nakaupo na si Khal El sa kama,ngunit nababalutan parin sya nang kumot yun parang lumpia
Napatingin naman sila Alas at Charlie sa pinto nang banyo ganon din naman si Aiko
"Kanina pa sya nandyan...hindi parin sya lumalabas" ani ni Alas na puno nang pag alala napakagat labi naman si Aiko
"Hindi nyo ba tinawag?"
"Kumatok kami,pero hindi sya sumagot"
Parang binuhusan nang malaming na tubig si Aiko sa narinig nya, agad naman napatingin sila Charlie sa kanya kaya kinabahan narin sila
"Bwisit" Mura ni Alas agad na pumunta nang banyo dinilik nya ang tenga doon pero wala syang narinig kaya sunubukan nya ring kumatok pero walang Yico na sumagot
Bumilis naman ang t***k nang puso ni Alas napakagat daliri nalang si Charlie
"Sisipain ko yan!" Sigaw ni Aiko tumabi naman si Alas
Agad nyang sinipa ang pinto nang sobrang lakas
Nabuksan naman ito kaya napatalon sa tuwa si Aiko agad silang pumasok sa banyo, lumingon naman sa kanan si Aiko nagulat pa nga sya,yun pala ay salamin lang tumingin naman sya sa kaliwa at nakita si Yico sa bathtub at naka tulala
"Yico..."tawag nya, mukhang hindi sya naririnig nito parang nananginip ito nang gising dahil naka tulala lang ito habang nakatingin sa kisame
"Salvador" tawag nya at ginaya ang accent ni Luna napakurap kurap naman si Yico at napatingin kay Aiko nun nang tama sila doon lang bumalik sa wisyo si Yico
"What the f**k!" Sigaw nya sabay takip sa dibdib nya na parang may boobs sya, agad naman napatakip nang bibig si Aiko tumawa naman nang marahan si Alas
"Umahon kana dyan Yico" ani ni Alas at binigay ang towel ni Yico napatingin si Yico kay Alas at bumalik naman ito kay Aiko
"Aiko titignan mo ba akong magbihis?" Tanong nya na parang yun ang pinaka normal na sabihin ng lalaki sa babae nanlaki naman ang mga mata ni Aiko dahil sa sinabi ni Yicoit
"SIRA! Malamang hindi!" Sigaw nya at lumabas sumunod lang nang tingin si Khal El sa girlfriend nya bago tumawa nang awkward
at umalis nang banyo sabay lock nang pinto
"Myghad!" Ani ni Aiko at mukhang na stress sa sinabi ni Yico
"Yang si Yico walang preno ang bibig...kung ano ano nalang ang sinasabi!" Inis na saad ni Aiko sabay cross arms
"Wild ang tawag doon" biro ni Khal El kaya sinamaan sya nang tingin ni Aiko
"Kamusta na daw sina Luna at Gee?" Tanong ni Charlie
"Ah,mabuting wag nyo muna sabihin ito kayla Yico at Jasmin medyo matatagal pa ang pag rescue sa kanilang dalawa dahil kailangan pa i-clear ang daan papunta doon" bulong nya nanlaki naman ang mga mata nang tatlo at nag alala sa dalawa nilang kasama
Marami din ang natulong nang dalawa yun mula sa umpisa at huli
Nakatulala sina Gee at Luna sa malaking cross na nasa gitna nila oo nasa simbahan sila ngayon at nakaupo sa mahabang upuan doon
So? Magdadasal ba tayo?" Tanong ni Gee sabay lapag nang baril nya sa tabi, napa sandal si Luna sa upuan habang nakatingin sa cross
"Atheists ako Gee"ani ni Luna napa busangot naman si Gee sabay kamot sa ulo
Natahimik nanaman ang dalawa sobrang pagod narin sila yun halos gusto nalang nila pumikit at humiga hindi naman pwede dahil kailangan pa nila pumunta nang mansion
Panatag naman ang loob nila dahil alam nilang ligtas ang iba nilang kasama yun lang naman ang na alala nila
"Luna" tagaw ni Gee napalingon naman si Luna sa kanya pero yun tingin ni Gee ay nasa harap
"Hanga ako sayo"
Napakunot naman ang noo ni Luna sa sinabi ni Gee sa kanya,hindi nya naman alam kung ano ang kahanga-hanga sa kanya
"Bakit?"
"Matapang ka at hindi ka maka sarili" ani nya napa ngiti nang bahagya si Luna nang dahil sa sinabi nang lalaki
Para kay Gee sya ang naging susi para maging malakas at matapang yun apat na mga babae, parang sya yun nang pakita na kahit babae ka
kaya mong lumaban at ipangtanggol ang mga taong importante sayo
Napatingin sa paligid si Luna,dalawang oras na sila nang aantay ni Gee wala paring rescue ang dumadating
"Bakit ang tagal" ani ni Gee huminga naman nang malalim si Luna
"Oo nga.... Ang tagal" bulong ni Luna
Hindi pwedeng ganito kailangan may gawin sila
Kinuha naman ni Luna ang kanyang katana na nakalapag sa upuan napatingin naman sa kanya si Gee
"Anong gagawin mo?" Tanong ni Gee
"Hindi pwedeng nandito lang tayo Gee, mukhang wala naman ata mag re-rescue saatin" ani nya at tumayo si Gee
Mukhang tama si Luna kanina pa sila nag aantay sa wala, napa kagat labi naman si Gee hindi pwede ang ganito kinuha ni Gee ang kanyang baril at huminga nang malalim
"Balak mo bang pumunta ng mansion?" seryosong tanong ni Gee
"Kung hindi nila tayo tutulungan, tayo ang tutulong sa ating sarili" ani ni Luna
Lumabas sila sa mga linya ng mga upuan at humarap sa malaking pinto pinakinggan nila ang labas may narinig silang mga ungol, may mga infected sa labas
"Mas marami pa ata ang nakalaban natin kanina kakayanin natin to diba?" Tanong ni Gee sabay hawak nang mahigpit sa baril nya
Agad silang tumakbo sa pintuan at sinipa nila ito na dahilan nang pag bukas nang pinto agad na napatingin ang tatlong zombies sa kanila
Isang malakas at nakakatakot na ungol ang ginawa nang mga ito at biglang tumakbo sa kanilang dalawa agad naman tinutok ni Gee ang kanyang baril at pinaputukan ang mga ito
natumba ang dalawa sa semento hinawakan ni Luna ang kanyang katana at hinataw sa isa pang zombie
Napatingin ang dalawa sa daan, nagulat sila dahil may mga zombies pa na papalapit sa kanila rinig na rinig mo rin ang mga ungol at yapak nito
Nagtama naman ang likod nilang dalawa habang nakatingin sa ibang dereksyon at naka hawak sa kanilang mga armas
"Saan ba galing ang mga ito at bigla-bigla lumalabas ang mga ito!" Inis na ani ni Gee huminga naman nang malalim si Luna sabay sugod sa mga kalaban at pinag sasasaksak at hinahampas ang mga ito, para lang syang sumasayaw kasama ang mga ito dahil sobrang smooth lang nang galaw nya
Napaurong si Gee habang bumabaril hanggang sa nag tama ang likod nila ni Luna
Puno na sila nang dugo at malalim narin ang paghinga nilang dalawa agad na binaril ni Gee ang zombie na papalapit sa kanila at natumba sa semento
"LUNA! PAUBOS NA ANG AMMU KO!" sigaw ni Gee
Hindi kaya ni Luna na mag close battle sa mga ito,kailangan nila nang plan b
Nilibot nanaman ni Gee ang mga mata nya sa paligid nang hahanap nang plan b hindi na sila pwede bumalik sa simbahan dahil may mga zombies na doon timigil ang tingin nya sa isang van doon
Binaril nya naman ang mga zombies na susunod sa kanila
"LUNA LALABAN TAYO, PAPUNTA DOON SA VAN!" Sigaw ni Gee tumingin naman si Luna sa van at tumango
Iniba nila ang mga dereksyon nang mga paa nila papunta sa van
"LUNA 12:00 AT 6:00 TAYO!" Sigaw ni Gee nang iba sila nang pwesto si Luna ang sa harap si Gee ang sa likod
Lahat nang lalapit kaliwa man o kanan ay patay agad
Nakarating na sila sa van pinauna na ni Gee si Luna umakyat doon hindi nalang nang tanong si Luna at ginawa nalang ang sinabi ni Gee
Habang si Gee ay nahihirapan na yun likod nya ay nakadikit nasa van at pinag babaril ang mga zombies na papalapit sa kanya para maka akyat sya
"GEE! AKYAT NA!!!" sigaw ni Luna na nasa taas ng van
Nun aakyat na sya biglang may tumakbo na zombie at inabot ang kanyang paa
Nanlaki ang mga mata ni Luna at agad na dumapa para iabot kay Gee ang kamay nya buti at naka hawak ang isa nyang kamay sa wiper nang van
"GEE!" Sigaw ni Luna pilit nyang nilalapit ang kanyang kamay kay Gee buti nalang at nahawakan ni Gee ang kamay ni Luna naka hinga naman sila naman maluwag
Pilit nyang inakyat si Gee pero hindi nya kaya ito, napatingin sya sa baba at binalot sya nang takot nang may lumalamit na zombie kay Gee
Ginamit na ni Luna ang dalawa nyang kamay
at pinilit naman ni Gee maalis ang hawak nang zombie sa kanya
Parang naiwan ang lahat nang hininga Gee sa lalamunan nang maramdaman nya ang ngipin nito sa paa nya, sa sapatos nya
Binalot na sya nang takot,hindi na alam ni Luna ang gagawin nya may naramdaman naman sya sa kanyang bulsa
Yun binigay na baril ni Gee for emergency
And guess what,ito nayun emergency na sinasabi!
"KAPIT GEE!" Sigaw ni Luna napapikit naman nang mariin si Gee,inalis ni Luna ang isa nyang kamay sa pag kakahawak kay Gee at pilit na kinuha ang baril sa bulsa nya
Namamura naman sya sa kanyang isip,dahil hindi nya makuha ang baril dahil naka dapa sya
"f**k!" Mura ni Gee nang muntik na syang mabitawan ni Luna sinipa nya ang isang zombie para mai-alis ito sa kanyang paa buti at combat shoes ang suot nya
Nahawakan na ni Luna ang baril kaya agad nya itong tinutok sa zombie na nakahawak sa paa ni Gee hindi sya marunong bumaril pero hindi nya nalang ito inisip hinila nya naman ang trigger nito at pinaputukan ang zombie
natamaan naman ito sa dibdid kaya agad naman din itong natumba sa semento
Agad namang umakyat si Gee habang hinihila sya ni Luna naka-akyat naman si Gee doon kaya sabay sila umupo doon kinuha naman ni Luna ang kanyang katana na nilapag nya kanina
Agad naman din silang tumayo at binigay kay Gee ang baril halos wala nang espasyon ang dalawa pinaputukan naman ni Gee ang lahat nang mga zombies na pilit silang inaabot
Halos gumalaw na ang van at pinilit na barilin ito ni Gee
Sobrang lalim na nang paghinga ni Luna at pinag hahampas ang mga kamay nang mga zombies
Kinasa ni Gee ang baril,dalawa nalang ang bala nito
Dalawang bala laban sa sampu, nang isip sya nang mabuti kung saan nya gagamitin ang dalawang bala
Dalawang bala...
Para sa kanila ni Luna...
Humigpit ang hawak ni Gee sa baril, wala na silang pag asa
Mabuti pang mamatay nalang sya bilang sya kesa mamatay sya bilang infected
"L-luna..." Tawag nya sa babae, napatigil si Luna sa pag hampas nang kanyang katana at napatingin kay Gee sumunod ang mga mata nya sa mga pumapatak na luha ni Gee sunod na bumaba ang tingin nya sa baril
"Dalawa nalang ang bala..." bulong nya parang naiwan ang hininga ni Luna na nanatili ang tingin sa baril
"Sakto para saatin..." rinig mo ang sakit at lungkot sa boses nang lalaki, yun mga bangs nya na natatakpan nang mga mata nya pero hindi ang sakit na nararamdaman nya ngayon
Humiwalay naman ang mga labi ni Luna at mukhang naiintindihan nya si Gee
"M-mas mabuti nang mamatay bilang ako kesa maging isa sa kanila diba?" Ani ni Luna at ngumiti nang marahan habang tumutulo ang luha nya, napatingin naman si Gee kay Luna sunod ang paligid nila
"B-barilin mo ako..." Ani ni Gee sunod sunod na pumatak ang mga luha nya At nahulog ito sa baril na nasa gitna nila
"Tapos........ babarilin ko ang sarili ko... Tama ba Gee?" Mahina na ani ni Luna at tumango si Gee
"Mamatay na ako diba?" Mapait na ani ni Gee nakuha nya pang ngumiti
"Mali,mamatay tayong dalawa" pag tatama ni Luna
Napatingin sya sa langit, sobrang payapa nito hindi katulad nang lupa sobrang gulo
Tinutok ni Luna ang baril sa noo ni Gee nang tama ang tingin nila ni Gee
"Aamin na ako Luna.....gusto ko si Jasmin pero
hindi kona masasabi yun sa kanya" ani ni Gee
at ngumiti nang mapait
"Mamatay na nga ako tapos hindi ko pa sinasagot si Yico" sabay naman silang tumawa
Pumikit naman silang dalawa nang kanilang mga mata
Hinahanda ang sarili sa gagawin dahil ito ang tamang gawin
Hihilahin na sana ni Luna ang trigger nang baril nang may bigla silang marinig na putukan
Bigla namang binaba ni Luna ang baril at napatingin kung saan galing ang putukan na iyon,agad naman tumamba sa kanila ang mga malalaking military truck
Nag tama ang tingin ni Gee sa dalawang tao na akala nya ay hindi na nya makikita pa.
Sina Charlie at Ashley
"Sakto lang ba ang dating namin?"