4

3282 Words
Tumunog naman ang cellphone ni Gab, ang akala nila Jasmin at Ashley ay naiwan nila ang kani-kanilang mga cellphone sa University, kinuha nya ito sa kanyang bulsa at sinagot "H-hello" mahina nyang ani "THANK GOD AT LIGTAS KA,NASAAN KA? KASAMA MO BA SILA JASMIN AT ASHLEY?" naluluhang ani ng kanyang mommy hindi na napigilan ni Gab na umiyak kaya hinimas naman ni Aiko ang braso ng bago nyang kaibingan "B-buti at b-buhay kayo mom" "Ikaw din nag alala kami ng Daddy mo nasaan kaba?" "Kasama ko sila Jasmin at Ashley may mga kasama din kaming iba, papunta kami sa Green hills nandoon ang mga magulang nila" "Wag na kayong pumunta doon, dumiretsyo nalang kayo sa mansion mas ligtas kayo dito ipapa sundo nalang namin ang mga magulang ng mga kaibingan mo" "Ok Mommy sasabihan ko sila" ani ni Gab habang naka ngiti at binaba ang tawag "Anong sabi ni Tita Becca" tanong ni Ashley "Wag na daw tayo pumunta sa Green hills, dumiretsyo nalang daw tayo sa mansion mas safe daw doon mag papadala nalang daw sila mommy ng chopped to pick up your parents" ani ni Gab "Bakit daw" "Thank you nya daw for keeping me safe" ani ni Gab ng matamis at ngumiti, napa ngiti din ang apat na babae sa kanya "Guys, kailangan kong bumaba mukhang sasabog nayun pantog ko" ani ni Charlie binagalan nya na ang pagtakbo ng van "Kadiri" bulong ni Gee kaya na hampas sya ni Jasmin sa braso "Safe bang bumaba? Kailangan ko na talagang umihi" Ani nya "Check your perimeter" ani ni Alas kaya kanyang-kanya sila ng tingin sa mga perimeter nila,tumayo naman si Gee at binuksan ang taas para makita ang kanyang perimeter Tumingin sila nang mabuti, umaga narin kasi kaya kitang kita na nila ang daan wala na silang nakikitang building puro puno at d**o nalang at isang mahaba at mukhang walang katapusan na daan "Clear" ani ni Luna Nag telescope naman si Gee at tinignan ang mga malalayong lugar na hindi nakikita nang naked eye "Clear lahat" ani ni Khal El agad namang lumabas si Charlie at pumunta sa damuhan "Anong gagawin nya?" Tanong ni Gab habang nakatingin kay Charlie na nakatalikod sa kanya at busy Si Yico naman na nasa saktong nasa bintana nayun napalingon naman sya kay Gab "Ji-jingle sya" simpleng sagot ni Yico napakunot noo naman si Gab dahil hindi nya alam yun "Like? Ano yon?" Inosente nyang tanong pinigilan naman ni Yico ang matawa "Edi tignan mo" ani nya kaya napatingin si Jasmin at Ashley sa kanya "Yico!" Binuksan naman ni Yico ang bintana para makita nang ma-ayos ni Gab may mga dugo kasi ang mga bintana kaya hindi nya nakikita at pinanliitan nya ng mata si Charlie Si Charlie naman na nakapikit-pikit pa dahil kanina nya pa gustong umihi. Ikaw ba namang habulin nang mga zombie tapos ikaw payun taga drive parang nakasalalay sayo ang buhay ng lahat Nilagay ni Gab ang kamay nya sa bintana para mas makita nya si Charlie gulat naman si Yico sa ginawa nya dahil si Yico ang nakaupo malapit sa bintana "Jasmin Ashley yun kaibigan nyo" ani ni Yico kaya napatingin sila kay Gab "Bakit ganyan sya?" Tanong nya napahawak naman sa bibig si Yico "Sinisilipan nya si Charlie?" Mahina nyang ani sabay ubo halos hindi mai-pinta ang mga mukha nila na nakatingin sa babae na parang walang alam na pinag-uusapan sya at focus na focus kay Charlie Mali,hindi nya ito sinisilipan meron kasi syang nakikitang kakaiba sa damuhan na sobrang taas hindi nya ito makita ng maayos Napakunot ang noo nya at mas tinignan ng mabuti bago nya na realize kung ano ba talaga ito May zombie Kinuha ang baril na pinaka malapit sa kanya which is kay Aiko agad nyang kinasa at tinutok doon "G-gab! A-anong gagawin mo?! Sigaw ni Aiko dahil ang akala nya ay babarilin nito si Charlie Nung saktong lumabas ang zombie agad nya pinaputok ang baril na dahilan nang pag lipad ng mga ibon na nasa puno at ang pagtumba ng zombie Lahat sila ay nagulat sa nangyari at walang nag salita, si Charlie naman ay parang napako sa kinatatayuan nya habang nakatingin sa zombie na nakahandusay "What the fuck..." Bulong nya Saka lang nag process sa utak ni Alas ang mga nangyari kaya agad nyang binuksan ang pinto ng van "CHARLIE!" Tawag nya nabalik naman sa wisyo si Charlie at iikot na sana nang ma realize nya na hindi pa pala nakasara ang zipper ng pantalon nya kaya sinara nya muna ito bago lumingon sa kanila "Bumalik kana dito" ani ni Alas kaya agad namang nang lakad si Charlie doon at umupo sa driver seat "Khal El ikaw muna ang mag maneho" bulong nya tumango naman si Khal El at inayos ang sarili nya papunta ng driver seat naka hawak pa sya sa upuan ni Alas at napatingin kay Charlie na mukhang ulira. "Charlie" tawag ni Khal El kaya napatingin sya dito bago umalis ng upuan,naupo si Charlie kung nasaan naka upo si Khal El kanina Nakaupo narin si Gab sa kanyang upuan hawak-hawak parin ang baril "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Gab at binaba ang baril dahan-dahan namang tumango si Charlie Sadyang nagulat lang talaga sya kanina kasi nakipag karera sya sa mga zombie tapos ngayon muntik pa syang mamatay ng hindi nya nalalaman "Huy Charlie" saad ni Yico sabay sipa ng mahina sa paa ni Charlie "Ayos lang, ayos na ako nagulat lang salamat nga pala Gab" ani nya at ngumiti kay Gab "Akala ko sinisilipan mo si Charlie kanina eh" bulong ni Yico pero narinig parin sya ni Gab kaya sinamaan nya ito nga tingin "Umalis na tayo dito,baka marinig pa ng mga ibang zombie yun putok ng baril" ani ni Gee tumango naman sila at pinaandar na ni Khal El ang van "Alam nyo bang napaka raming dugo ng van" pag bubukas ni Charlie ng topic Medyo walang problema ang naging byahe nila kaya papunta na sila sa mansion nila Gab Ngayon nasa taas ng van sina Gee at Jasmin gusto lang nila ng fresh air Nakatingin lang sila sa paligid, nasa isang street na ata sila ngayon dahil mararaga na ang mga bahay pero walang tao sobrang tahimik ng lugar yun parang walang nakatira doon Sumasabay lang ang buhok ni Jasmin sa hangin medyo maganda ang simoy ng hangin dito hindi katulad sa city na amoy na amoy mo yun nabubulok na katawan at dugo ng mga zombies "May tali kaba nang buhok nya?" Tanong ni Gee kanina nya pa kasi nakakain ang buhok ni Jasmin tinaas naman ni Jasmin ang kanyang kamay at pinakita ang tali na nasa kanyang wrist "Tatalian ko ang buhok mo,humakaw ka nang mabuti" Ani ni Gee at kinuha ang tali nang buhok sa wrist ni Jasmin dahan dahan nya namang kinolekta ang mga buhok ni Jasmin na dahilan ng pagtama ng daliri nito sa leeg ni Jasmin Tinali na ito ni Gee at inayos saka bumitaw sa buhok ni Jasmin "Ayan...ayos na para hindi ko na makain" biro ni Gee kaya hinampas sya ni Jasmin "HOY! Muntik na akong nahulog doon" reklamo ni Gee na sya naman kinatawa ni Jasmin "Ako nalang ata ang hindi marunog bumaril dito" ani ni Charlie nag tama naman ang tingin nila ni Gab "Hindi rin ako marunong noh, hindi ka nang iisa" ani ni Gab umiling naman si Charlie "Anong hindi? niligtas mo nga yun buhay ko eh" ani nya sabay ngiti sa babae "Ano kaba,champa lang yun" saad ni Gab sabay tawa ng mahina yun parang tawa ng dalagang pilipina "Dahil niligtas mo ako,gagawin ko din ang lahat to keep you safe don't worry I got your back" Ani ni Charlie sabay kindat kay Gab na dahilan para mamula ang pisngi nya kaya umiwas ng tingin ang babae sa kanya "Gab...ayos ka lang ba?" tanong nya at hinawakan ang tuhod ni Gab na dahil ng pag flinch nya agad din nabitawan si Charlie at nag sorry "A-ayos lang ako" ani nya kay Charlie tumango nalang si Charlie "Parang may mali" bulong ni Luna habang nakatingin sa paligid Kanina pa sya nagmamasid, wala manlang syang nakikitang bahid ng dugo dito sa lugar na ito at sobrang tahimik kaya mas nakakatakot Napatingin naman din si Alas doon, at napakunot ang noo...tama nga parang may mali "Baka hindi pa infected ang lugar?" Ani ni Aiko at tumingin din sa paligid Tamang tama lang ang takbo ni Khal El ng van kahit mismo sya ay tumitingin din sa paligid Parang nag si-taasan ang mga balahibo ni Jasmin hindi maganda ang pakiramdam nya sa lugar na ito "Ok ka lang ba?" Tanong ni Gee "Parang gusto ko nang pumasok sa loob" bulong ni Jasmin kaya tumango si Gee pero bago pa sila maka pasok sa loob bigla naman silang nakarinig ng malalakas na takbo na parang may stamped at mga ungol,sobrang lakas nito na parang sobrang daming nagkakagulo Nanlaki naman ang mata nila at hinahanap kung saan galing iyon Napalunok si Khal El "Narinig nyo yun?" Ani ni Aiko walang sumagot sa kanya dahil takot sila sa mga susunod na mangyayari Sobrang lalim ng panghinga nila "Khal El bilisan mo ang takbo" ani ni Alas napatango naman si Khal El "PUMASOK NA KAYO!" sigaw ni Luna kayla Gee "Jasmin mauna kanang pumasok sa loob" utos ni Gee papasok na sana si Jasmin ngunit napako sya at puno ng takot nangining ang buong katawan nya "G-gee...." takot na ani Jasmin pero hindi parin naalis ang tingin nya doon, napatingin naman si Gee doon at binalot sya ng takot Sobrang daming humahabol na zombies sa kanila..... Mukhang gutom na gutom na sila Mukhang nagkamali sila sa lugar na ito,Lahat kasi ng mga tao dito ay lumikas sa hall ng barangay na ito at sa kasamaang palad merong infected ang naka pasok dito at kinain ang lahat ng tao...kaya walang natira "BWISIT!!!" Sigaw ni Khal El mas binilisan naman ang takbo na dahilan nang pag gewang ng van Agad namang napakapit si Josh sa sasakyan pati narin si Jasmin "TEKA SINA GEE AT JASMIN NASA TAAS!" sigaw ni Aiko napatingin naman sila Yico sa kanila mukhang nahihirapan sila pumasok sa sobrang bilis nang takbo hindi naman din pwede tumigil o huminto si Khal El dahil pwede baka maabutan sila ng mga ito "S-sobrang dami nila..." Takot na ani ni Alas, napalingon naman si Yico sa bintana at nanlaki ang mga mata nya, nang simula nang huminga ng malalim si Yico. Parehas lang sila nang iniisip ni Alas "HUMAWAK KAYONG DALAWA DYAN JASMIN!" sigaw ni Luna "HINDI BA NATIN BABARILIN YAN?!" Sigaw ni Charlie umiling naman si Luna Mahigpit ang hawak ni Gab kay Aiko dahil sa sobrang bilis nang takbo nila at dahil narin sa takot Nang laki ang mga mata ni Khal El dahil may harang ang daan mga wire ito na mukhang matibay napalunok naman sya "MAY HARANG!!" sigaw ni Khal El "SUBUKANG MONG BANGGAIN!" sigaw ni Alas Malakas namang tinapakan ni Khal El ang gas at pinikit ang kanyang mga mata Nanlaki naman ang mga mata nila Gee at Jasmin nang makitang ibabanga ang van sa wire "H-HINDI! HINDI KAKAYAYIN NG VAN YAN! GRAPHINE YAN!!!" sigaw ni Gee pero huli na ang lahat nun bumangga na ang van sa mga wire na dahilan nang pag galaw ng van nai-alis ni Jasmin ang hawak nya sa van kaya nahulog sya sa daan "JASMIN!!!" sigaw ni Gee halos hindi makatayo si Jasmin mukhang may injured sya Napatingin si Gee sa harap at sa mga papalapit na ng zombies Agad na tumalon si Gee pababa, ina-alalayan nya si Jasmin para tumayo dahan dahan na dinala ni Gee papasok ng van at binuksan naman ni Charlie "Kainis!" Sigaw ni Alas at kinasa ang baril saka pinag babaril ang mga zombies kinuha narin ni Khal El ang baril nya at bumaril sa kanyang bintana Pinaupo ni Gee at Charlie sa upuan si Jasmin iniinda nya ang sakit ng katawan nya at may lumalabas na dugo sa kanyang braso na tatarangta na si Gee sa mga nakikita nya "Ammu!" Sigaw ni Alas binigyan naman sya ni Gab ng kanyang ammu pati narin si Khal El Nag mamadaling kinuha ni Ashley at Aiko ang kanilang mga baril hindi nila kanyang manood lang doon at pabayaan sila Alas at Khal El lang ang lumalaban "Ashley! Anong ginagawa mo dito?! Pumasok na kayo doon ni Aiko kaya na namin ito ni Khal El!" Sigaw ni Alas "Sira kaba! Ayokong umupo at manood lang doon habang binubuwis nyo ang buhay nyong dalawa ni Khal El!" Sagot nya naman Kinuha narin ni Gab ang kanyang baril at lumabas ng bintana ginaya nya lang ang ginagawa nang apat na gunner saka hinila ang trigger napatumba nya ang limang zombie Napapikit ng mariin ni Charlie at malalim na huminga saka binuksan ulit ang kanyang mata at pumunta sa pinaka dulong parte ng van saka kinuha ang machine gun Pero may bigla syang napangtanto Hindi pala sya marunog gumamit ng baril Napatingin sya kay Gee na hirap na hirap na makikipag laban sa labas Napakagat labi nalang sya saka hinila ang trigger nang machine gun na dahilan ng sunod sunod na pag tira nito at ang pag urong ng katawan ni Charlie dahil sa impact nito Agad naman napatingin si Gee sa kanya pero binalik ulit ang tingin sa mga kalaban Puro barilan lang ang maririnig mo dito nakakabinging barilan "Jasmin ok ka lang ba?" Tanong ni Luna malamang hindi sya ok...ikaw ba naman mahulog sa van na sobrang bilis ang takbo Hindi nalang sumagot si Jasmin "WALA NA TAYONG AMMU!" sigaw ni Alas kaya napatingin si Luna doon, tumingin sya sa bag ng ammunition,ammu nalang ni Gee ang natitira Agad naman kinuha ni Luna ang ammu ni Gee pati narin ang kanyang katana, lalabas na sana si Luna nang hawakan ni Yico ang braso nya Kanina pa kasi ina-ataki ng kanya hika isama mo payun may panick attack sya Pinatigil nya naman si Gab sa pag baril at lumabas nang van "LUNA!" Sigaw ni Alas nun nakita nya ito, nasa loob na kasi sila Khal El Alas at Ashley dahil ubos na ang kanilang ammu sila Gab Charlie at Aiko nalang ang bumabaril. "Gee! Ammu!" Sigaw ni Luna agad namang kinuha ni Gee ang kanyang ammu at nilagay sa baril nya, kinasa nya ito at nag tuloy sa pag baril Hinawakan naman ni Luna ang kanyang katana saka sumugod sa zombie na malapit sa kanila "Kainis!" Ani ni Gab ubos na kasi ang kanyang ammu ganon din si Aiko kaya inis silang pumasok sa van natigil na rin ang machine gun ibig sabihin wala naring bala iyon Tanging baril nalang ni Gee ang natira pero marami paring zombies "UMALIS NA TAYO DITO!" Sigaw ni Aiko hinawakan naman ni Khal El ang manibela at sinubukang paandarin ang engine nito pero ayaw gumana Mukhang naapektohan ang engine nito kaya ayaw gumana nun tumama sila sa wire "Bwisit!" Ani ni Khal El sabay hampas sa manibela sinara naman agad ni Aiko ang bintana ng van Nakarinig naman sila ng malakas na kalampag kaya napatingin sila sa harap, andoon na ang mga zombies Nanlaki naman ang mga mata at napatingin sila sa bintana nang maalala ang dalawa nilang kasama sa labas, halos nasa wire na ang mga ito dahil lumapit ang mga kalaban sa kanila Maririnig mo ang malakas na iyak ni Jasmin at Gab sa loob ng van "HINDI NATING KAYA TO!" Sigaw ni Gee habang tuloy parin sa pag babaril Hindi lang sumagot si Luna at agad na hinataw ang katana sa isang zombie na muntik nang kagatin si Gee "ANO NANG GAGAWIN NATIN!?" sigaw ni Luna Napatingin naman si Gee sa loob nang van at puno na nang zombies ito at kinakalampag ang buong van kapag tumagal ang mga zombie doon masisira nang tuluyan ang van Napatingin naman sya sa kanan, at nakita ang isang semento na pataas ma hagdan doon "LUNA AAKYAT TAYO DOON!" Sigaw ni Gee sabay turo doon agad naman silang umakyat doon may railing pa ito na medyo pataas kaya inakyat nila ito "HOY! MGA PANGET DITO!" Sigaw ni Luna agad namang na-gets ni Gee ang plano ni Luna "BAKIT HINDI NILA TAYO PINAPANSIN?" Inis na isip ni Gee kaya napakamot sya ng marahas sa ulo nya Nag si-iyakan na sina Gab, Ashley at Jasmin sa loob,marahas na gumalaw ang van pinipilit na nasira nang mga zombies ito parang isang pagkain na nasa lata Agad na niyakap ni Charlie si Gab nang mahigpit alam nyang sobrang natatakot ito Naka tingin lang si Jasmin sa bintana naalala ang dalawa nilang kasama sa labas "M-mamamatay na tayo!" Iyak ni Aiko at nilagay ang kamay sa mukha nya at umiiyak nang malakas Umalis nang front seat si Khal El at pumunta kayla Aiko lumuhod sya sa harap nito at agad na niyakap Napatulala nalang si Yico, dahil hindi nya alam ang gagawin "s**t!!!" Mura ni Alas at sinipa ang kung ano man na nasa harapan nya Hindi na maiwasan ni Charlie ang tumulo ang luha nya at umiyak Tanging malalakas na kalampag lang ang naririnig nila unti-unti na sila nalulunod nang mga salitang katapusan na nila,parang ito na ang ending nang kanilang adventure Wala na silang bala, sira na ang kanilang van naka paligid naman ang napaka raming zombie sa kanila at ang tanging magagawa lang nila ay maupo, umiyak at mag dasal Bigla namang nagkaroon nang malakas na barilan, as in sobrang lakas na barilan dumilat ang mga mata ni Khal El at napa tingin sa bintana isa-isang natumba ang mga zombies Gulat at puno nang pagtataka silang nakatingin sa bintana Bigla namang bumukas ang taas nan van at gulat silang naka tingin doon na akala nila isa itong zombie pero hindi "Ayos lang ba kayo?" Ani nang isang babae "M-mommy!" Gulat na ani ni Gab agad naman syang pumunta doon "Kumilos na kayo, dito kayo dumaan" ani nya nilahad nya naman ang kanyang kamay para abutin nang kanyang anak Hinila nya pataas si Gab at naka akyat naman ito napatingin naman sya sa baba at nakita ang napaka raming zombie na papunta sa kanila pero agad naman din itong natumba napa tingin naman sya sa kanyang harap at tumangbad sa kanya ang napaka raming military Mendoza Military "Let's go baby" ani nang kanyang mommy nang lakad sila sa taas nang van sumunod naman ang iba hanggang sa nakarating na sila sa van nila Gab hindi naman sila nahirap dahil lahat nang zombie na lalapit sa kanila ay natumba "S-sina Luna" ani ni Jasmin napa tingin sila kayla Gee at Luna Napatingin si Yico doon, may malaking sementong naka harang doon hindi sila makakapunta doon "Sa kabila pa ang daan nan....sa simbahan" ani nang mommy ni Gab "Madam....I suggest na umalis na tayo dito" ani nang isang military tumango naman ang mommy ni Gab "Pumasok na kayo sa van" ani nya, ayaw pa nilang pumasok dahil naalala nila ang dalawa nilang kasama "Don't worry babalikan namin sila,after nyong i-drop sa mansion, Ashley sabihan mo sila na pumunta nang simbahan doon namin sila kukunin" Tumango naman si Ashley at pumunta sa kaliwa kung saan malapit sila Gee "GEE! PUMUNTA KAYO SA SIMBAHAN DOON KAYO SUSUNDUIN!" sigaw ni Ashley narinig naman ito ni Gee Sumakay na sila nang van,nauna nang umalis ang mga military nila Gab kasunod nito ang kanilang van napatingin lang si Yico sa bintana "Yico...wag kang mag alala malalakas yun sila Gee at Luna mga halimaw kaya yun" biro ni Alas ngumiti lang nang bahagya si Yico Pinulot naman ni Luna ang kanyang katana kaya napatingin doon si Gee "Kaya natin to Luna...mabubuhay tayo" ani ni Gee napa ngiti naman ng bahagya si Luna Ngayon lalaban sila....pero silang dalawa nalang
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD