3

2287 Words
Gee Charlie gisining nyo na ang iba, kailangan na natin umalis dito. Ang mga zombie papunta na dito" utos ni Alas "Kumilos na kayong lahat aalis na tayo dito! Ani Gee Agad namang tumayo sila Yico at Luna natagpuan nila sila Alas at ang iba pa na nag pa-panick kinukuha ang mga armas at ibang gamit Paano nila tayo na-sundan dito?!" Taranta ni Charlie na mukhang bagong gising kinuha na nya ang armas nya at sinuot,pati narin ang ilang gamit "Dahil sa ilaw ng bahay,kaya nila tayo na sundan" ani ni Khal El at sinusuot ang kanyang lab gown agad namang pinatay ni Aiko ang ilaw dahilan para dumilim pero dahil nga transparent ang pinto nito ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang nag sisilbing ilaw nila "s**t, s**t!" Mura ni Yico kinuha ang katana nya at ang binigay na baril ni Alas sa kanya kanina. Nag pa-panick na silang lahat sa loob, kailangan na nila maka alis dito bago sila maabutan ng mga zombies Nakuha nadin ni Charlie ang susi ng van hawak hawak ang kanyang armas at ammu binuksan nya ang pinto at sinara naman ito ni Gab, sumakay na sila ng van Binuksan na ni Charlie ang engine at handa na silang umalis ngunit may problema sila. Yun gate. Napa kagat labi naman si Yico habang nakatingin sa gate. Kailangan may mag bukas nito. Pero sino? Lahat sila dito ay takot ayaw nya naman ipasugod ang isa sa mga babae. Hindi naman pwede si Alas dahil kapag nawala sya mag kakaroon sila ng problema. Huminga sya ng malalim, walang ibang gusto gumawa kaya sya nalang, kung mawala naman sya ay hindi naman kalaki ang magiging problema nila. "Ako, ako ang mag bubukas" mariin nyang ani kaya lahat ay nakatingin sa kanya nag tama ang tingin nila ni Luna bakas ang pag aalala sa mukha nya. "Gee malapit naba sila?" Ani nya binuksan naman ni Gee ang bintana sa taas gamit nya ang kanyang telescope medyo nagulat lang sya dahil ang dami na ng mga zombies Medyo malayo pa naman ito kaya may oras pa si Yico para buksan ang gate. "Palayo pa naman,pero bilisan mo nalang" ani ni Gee sabay baba ng kanyang telescope Tumakbo naman papunta si Yico sa gate "Yico!" Tawag naman ni Gee,kaya napalingon naman si Yico sa kanya "Wag kang mag alala, akong bahala sayo" ani ni Gee tsaka tinutok ang baril sa gate at handa nang mag paputok Ngumiti naman si Yico bago binalik ang tingin sa gate kinakabahang hinawakan ni Yico ang handle ng gate Kabadong nakatingin sila Charlie sa loob ng van, hindi kasi nila alam kung anong meron sa likod ng gate nayan. Malay nila meron na palang zombie dyan Pinihit ni Yico ang lock kaya nag karoon ng isang matinis at masakit sa tenga na tunog, dahilan ng pag tama ng dalawang kilay ni Yico Dalawang kamay na ang ginamit nya dito at buong lakas nyang pinihik ito at nai-alis nya naman ito Hinawak naman ni Gee ang trigger ng baril nya at handang-handa na. "Charlie, pag bukas ni Yico ng gate paandarin mona yun van, Ashley buksan mona ang pinto iabot mo ang kamay mo para maka pasok si Yico" utos ni Aiko binuksan naman ni Ashley ang pinto habang nanginging sa kaba si Charlie na nakatingin sa gate. Sa pag bukas ng gate kasabay ang pag takbo ng sasakyan na sya namang kinagulat ni Yico "Yico! Abutin mo kamay ko!" Sigaw ni Ashley habang nakalahad ang braso. Parang slowmo ang lahat kay Yico, agad namang hinawakan ni Yico ang kamay ni Ashley tsaka hinila nya Agad namang sinara ni Yico ang pinto, sumilip naman si Luna sa bintana para tignan ang sitwasyon sa likod. Umiba sila ng daan sino ba naman ang gustong maka salubong ang mga zombie? Lumakas ang mga ungol nito pati ang pag takbo nila, sumusunod sila sa sasakyan ni Gee at mukhang handang handa na silang kainin ng buhay Agad naman nag pakawa ng sunod-sunod na baril si Gee na dahilan para maka gawa ng ingay napa takip nalang ng tenga sila Gab sa loob van Sunod sunod ang pag tumba ng mga kalaban nila sya namang kinatuwa ni Gee parang napaka sarap naman sa pakiramdam na makitang ito na naka handusay sa daan nang duguan at wala nang buhay. Nag kalat narin ang dugo kaya akala mo ay umulan ng dugo. Kasabay ang pag galaw ng buhok ni Gee sa galaw ng baril nya dahil sa lakas ng impact hindi nalang nya ito pinansin at tumira nalang "Ako nang bahala dito guys! Gee got your back!" Ani ni Gee habang patuloy sa pag tira sa mga zombies Agad namang napalingon si Jasmin sa kanya Parang ayaw nya naman na si Gee lang ang lumalaban sa kanila ayaw nya naman din na nahihirap si Gee Naka tingin lang sya kay Gee pero hanggang bewang lang ang nakikita nya dito. "GEE! KAKASYA PABA ANG ISA DYAN?" Sigaw nya kaya napalingon naman si Khal El na nasa harapan "OO BAKIT?!" sigaw nya habang abala parin sa pag tira Sa kabilang banda naman binuksan ni Alas ang pinaka dulong parte ng van laking gulat nya na napaka dami pa palang humahabol sa kanila kaya sinalubong naman sya ng malakas na hangin, nang lamig naman si Ashley dahil nga naka dress lang sya Hinanda na ni Alas ang kanyang machine gun Sabay pakawala ng sunod sunod na bala kaya naka gawa din ito ng ingay Kinuha naman ni Jasmin ang crossbow nya at pinatong ang tuhod sa upuan. "BALIW KABA?! SYEMPRE TUTULUNGANG KITA AKOYO NAMANG NAHIHIRAP KANG LUMABAN DYAN NG MAG ISA!" Sigaw nya at umakyat sa upuan papunta kung nasaan si Gee Ni-pwesto na ni Jasmin ang kanyang crossbow pinikit ang isang mata at tinignan ang kayang target, pinakawalang nya na ang bala nito kaya natumba at gumulong-gulong na dahilan ng pag tumba ng ilang zombie Napanganga si Gee at nakatingin lang kay Jasmin Sabay nilang hinatak ang trigger ang pinag kaiba lang ang kay Gee ay sunod sunod lang ang pag tira hindi katulad nun kay Jasmin na reload-reload pa. Hindi na kaya pang manood ni Ashley kagaya ni Jasmin ayaw nya ding nahihirap ang tatlo nyang mga kasama kailangan may gawin din sya "Gab, ikaw muna ang bahala sa ammunition" saad ni Ashley lumipat naman sya ng pwesto kung saan sa pinaka dulong parte ng van balak nya tulungan si Alas Napahinto pa nga ng pag tira itong si Alas, dahil hindi naman nya ina-asahan na tutulungan sya ni Ashley Hinanda na ni Ashley ang pag tira...tsaka pinihit ang trigger ng kanyang baril, head shot ang apat na zombie "Alam kong matalino at maganda ako, pero baka naman matunaw ako sa kaka tingin mo" Saad ni Ashley nang hindi manlang tinitignan si Alas Nabalik sa wisyo si Alas at pinag patuloy ang pag baril sa mga natitirang mga kalaban. Alam ni Gab kung anong ano baril at bala ang lahat ng ito. Dahil ang nasa loob ng bag ay may plastic at lahat nang plastic ay may mga pangalan nilagyan kasi ni Alas yan, pangalan ng tao para mas malaman agad ni Gab Example hihingi ng ammu si Khal El malalaman na agad ni Gab yun dahil may naka label doon as Khal El "Titira ako!" Ani ni Aiko nag palit ng pwesto si Aiko at Luna kaya malapit na sya sa pinto Pang close battle lang kasi si Luna sa ngayon kailangan nila ng baril nasa likod ang mga kalaban nila Sa ganitong pagkakataon hindi basehan kung babae kaba o lalaki kahit sino kapa dapat lumaban ka. Dapat may paki nabang ka sa grupo wag yun aasa ka lang. "Aiko!" Tawag ni Khal El sa kanya ng makita nyang binuksan ni Aiko ang bintana ng van sumabay sa hanging ang buhok nya kaya pumasok ang malamig na simoy ng hangin nang lamig naman si Gab dahil naka short lang ito Nilabas ni Aiko ang kalahati ng katawan nya agad namang lumipat ng pwesto si Khal El at hinawakan ang binti baka mahulog ito. Pumikit sya at inalala ang mga ginawa ni Gee sa baril. Dumilat ulit sya at kinasa ang kanyang baril nya sabay putok. Pinikit nya ang isa nya mata at nag-focus sa target nya, Medyo nahirapan pa nga sya dahil magalaw ito. Napakagat labi nalang sya at hinila ang trigger ng baril kaya napa urong din sya sa lakas ng impact nitong baril nya. Nanlaki ang mata nya ng makitang natumba ito head shot. "SINO NAG PAPUTOK SA KALIWA!" sigaw ni Gee sigurado sya wala sa kanilang apat ang gumawa nun "Si Aiko" sigaw ni Yico sa loob na kasalukuyang tinitignan si Aiko Napakunot noo lang si Gee hindi nya alam na sharp shooter si Aiko, well lahat naman tayo ay sharp shooter kailangan lang ng full concentration tska ngayon nya lang na alala na isang medical student si Aiko kaya sanay na sanay na ang utak nito. Lima nalang ang natitirang zombie kapag may dumaan dito siguradong mangdidiri talaga sila dahil madaming naka handusay na mga patay na tao sa kalsada at iisipin mo na umulan ng dugo Sabay-sabay naman hinila ni Gee, Alas, Jasmin, Aiko, at Ashley ang trigger ng mga baril/crossbow at napatumba ang natitirang zombie Nagulat pa ang limang gunner sa nangyari "12:00 DANGER!" sigaw ni Charlie Napatingin silang lahat sa harap,si Alas na nanlaki ang mga mata Nasa harap nila mismo at kitang kita sa mismong mga mata nila ang napaka raming zombie na nakaharang sa daan. Mukhang nag-aaligid-aligid ito o hindi kaya narinig nila ang ingay na ginawa nila kanina kaya naglabasan ang mga ito. Mukhang napako ang limang gunner Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila, sobrang dami nito. Nag simula na sila mag isip ng negatibo. "ANONG GAGAWIN KO!?" sigaw ni Charlie kita mo ang mga takot sa mata nya, napakagat labi si Luna. Palapit na sila ng palapit doon pero wala paring kibo ang lima. "Bwisit!" Ani ni Luna at hinila si Aiko papasok "CHARLIE! DERETSYO LANG ANG TAKBO! I-SARA NYO ANG BINTANA GEE JASMIN PUMASOK NA KAYO! ALAS ASHLEY GANON DIN KAYO" ani ni Luna Pumasok na sila Gee at Jasmin at sinara na ang bintana, ganon din ang ginawa nila Alas at Ashley. Mas binilisan naman ni Charlie ang takbo ng van, yung tipong sobrang kapit nya sa manibela at napakapit nalang hindi kayang ang susunod na mangyayari Napa kapat naman si Khal El sa upuan nya, Gusto nyang ipikita ang mga mata nya kaso hindi nya magawa SASAGASAAN NILA ANG MGA ITO. Agad na tinakpan ni Gee ang mata ni Jasmin at ayaw nyang makita ito ang susunod na mangyayari. Kusang pumikit naman si Gab Nasagasaan na nga nila ang napaka raming zombie na nang dahilan ng pag galaw ng van, at yun mga tunog na parang tinapon sa sasakyan. Puno nang dugo ang gulong ng van pati narin ang bintana nito, meron pang natapon na zombie sa front window pero nahulog din at nag iwan ng napaka raming dugo sa glass. Napa kapit si Gab kay Ashley at ganon din si Ashley sa kanya. Sobrang nakakadiri nito. Mabuti naman at bumaba sila Gee dahil sa sobrang lakas nang impact may mga zombies na tumilapon sa taas Nag sisi na si Charlie kung bakit sya pa ang naging driver ngayon Biglang tumayo si Gee at binuksan ang taas meron pa kasing mga natirang mga zombies yun nasa gilid lang Agad nyang tinutok ang baril sa likod, at halos masuka sya sa nakita nya lasog-lasog ang mga katawan nito at nang kalat ito sa daan Muntik na syang maduwal pero pinigila nya ito at nilagay ang daliri nito sa kanyang trigger. Sunod sunod nyang pinaputok ang baril walang tigil kailangan mamatay ang lahat ng yan. "BIGYAN NYO KO NG AMMU!" sigaw nya sa taas medyo wala pa sa wisyo si Gab dahil naka takip parin ito sa mga mata nya, at naiwan ang bag nang ammu sila sa binti nya. Kinuha naman ito ni Yico at kumuha ng ammu ni Gee sabay bigay kay Jasmin "Gee oh!" Sigaw nya at inabot kay Gee, kinuha naman ito agad ni Gee at tinapon ang dating magazine at nilagyan ng bago. Kinasa nya ang baril at tinutok sa mga kalaban nyang hindi mamatay-matay Apat nalang ang natitira tinutok nya muli ito doon at agad nang bitaw ng apat na bala at natumba nanaman ito sa daan. Napahawak sya sa bubong ng van at agad ding napa bitaw nung may nahawakan syang malagkit. Tinignan nya muna ito bagi mapangiwi "Iwwww" pandidiri nya at pumasok nasa loob Napatingin naman si Jasmin sa kanya "Ayos ka lang ba?" Tanong nito. Pinakita nya naman kay Jasmin ang kamay nya na may dugo kaya agad lumayo ito Pinahid nya naman ito sa tabi Napalunok naman si Charlie, humina naman na ang takbo nang van halos wala na syang makita dahil puno na ng dugo ang salamin. Bigla namang pinagana ni Khal El ang windshield sumabay lang ang tingin ni Khal El doon unting unti na nawala ang dugo doon pero may natira parin. Agad nabaling ang tingin ni Luna sa bintana at nakita ang pang sikat ng araw, madaling araw pala sila umalis kanina kahit paraming dugo ang bintana nakikita nya parin ang sikat nang araw minabuti nya naman itong binaba kaya tuluyan nang pumasok ang mala orange at yellow na sinag. Nabalik naman sa wisyo sina Yico at napatingin doon "Ang ganda..." mahina nyang ani habang nakatingin doon, lumingon naman si Luna sa kanya kaya naagaw ng tingin ni Yico sa babae Ngayon hindi nya alam kung saan sa titingin, sa sunrise ba o sa babaeng galing sa the land of the rising sun, nalito sya pero ok lang dahil parehas naman itong maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD