Buti nalang at nakalayo narin kami sa city tahimik narin ang buong paligid dahil nakalayo narin kami kaya payapa na
rin ang naging byahe namin....may inabot naman si Jasmin isang cellphone? Pinasa ko ito kay Gab nandito parin kasi ako sa pwesto nila Yico at Luna si Maam Becca tumatawag
"Hello...."
"Maam Becca!" Gab
"G-gab! Thank god! Kamusta kayo dyan? Ayos lang ba kayo? Nasaan na ang iba mong mga kaklase? Ilan kayo dyan? Nasaan na kayo?"
"Ayos lang naman po kami Maam nun nasa University papo kasi kami nagkahiwa hiwalay po kasi kami lahat ng kaklase namin kasama kopo sila Ashley at Jasmin bale siyam po kami hindi po namin alam kung nasaan na kami pero nakalayo na kami sa city" paliwanag ni Gab
"Nandito ako ngayon sa Green hills nandito lahat ng mga survivors pumunta na agad kayo dito dahil kahit anong oras ay mag sasara na ito" hanggang doon nalang ang usap dahil naputol ito may safe zone may pag asa pa kaming mabuhay!
"Green hills? Sa makati payun malayo pa ang lalakbayin natin,may tito ako dito sa manila sundalo sya doon nalang sigurado tayo pumunta" Khal El
Wow! Ang talino nya rin malaman Ashley kaya nga scientists diba?
"Tsaka paubos narin ang gas ng sasakyan na ito kailangan humanap na muna tayo ng pinaka malapit na gas station"
"At makakain" ani ni Luna...oo nga pala simula nun umaga wala pa kaming nakakain
Sa hindi kalayuan nakahanap narin kami ng gas station at sa tabi lang doon ay may isang convenience store
"Ganito ang plano....kami ni Gee ang bahala sa gas kayo Luna Yico Aiko at Charlie ang bahala sa pag kain,kayo namang maiiwan kayo ang bahala sa perimeter" saad ni Khal El
Kaya kami nila Jasmin at Gab ang naiwan sa van akala mo nga walang nangyaring zombie apocalypse dito dahil may mga ilaw parin buti nalang kahit papano ay may kuryente parin
"Sana bumalik na ang lahat sa dati..." Ani Gab
Ako din...gusto ko nalang pumasok ulit sa University yun tipong kahit lunch time na ehh uunahin ko muna tumambay sa library kesa kumain
"Ako kapag ok na ang lahat....ang una kong gagawin kakain ako sa pinaka masarap na restaurant miss kona kumain ng sneak"
"Pupunta ako ng Japan doon dream place ko yun simula nun bata pa ako" Jasmin
"Pag tapos talaga ng zombie apocalypse na toh magpapagupit na talaga ako,alam nyo ba nun nasa taas ako halos lahat ng buhok ko nakakain ko na!" Ani ko
"Oo nga ang haba na kasi ng buhok mo...baka mahirapan kang lumaban"
"To be honest guys....paano kaya kung wala sila? Baka naging zombie narin tayo" nahinto ang pagtatawanan namin ni Gab nun sabihin ni Jasmin yan....
"Baka kumakain narin ako ng lamang loob ng tao hahaha!" Saad ni Gab
"Eww... nakakadiring isipin yan Gab" ani ko
"Hahaha! Oo nga buti nalang talaga at pinasakay natin sila,tapos nagkaroon pa tayo ng mga bagong kaibigan" Jasmin
Tsaka naman pumasok itong sila Khal El at Charlie.
Nandito kami sa pinaka dulong bahagi ng van pwede ka pa ngang humiga dito kasi malaki ang space dito nalang kami matutulog
Kagaya nga ng sinabi ko nakahiga lang kami dito inaantay pa kasi namin yun mga kumuha ng mga pagkain.... hanggang may napansin akong box sa ilalim kinuha kona agad yun, medyo mabigat sya binuksan ko na iyon at grabe hindi ako maka paniwala sa nakikita ko ngayon!
"Hoy ano yan Ash?" Bulong ni Gab
"Mga baril nakita ko dyan"
"Huh? Ang principal natin may tinatagong mga baril sa van nya?" Tama si Jasmin bakit? At paano?
"Hindi kodin alam....basta ang mahalaga may magagamit na tayo! Teka bakit ba tayo nag bubulunga?"
"Aba malay ko kay Gab sya nauna ehhh"
"Wala lang...trip ko lang hehehe"
May limang pistol dito at may mga balang naiwan may silencer narin ang mga ito bakit? bakit handang handa ang principal namin? Balak nya ba talaga kami patayin? Ang mga sarili nyang mga istudyante pa talaga
Kailangan kong sabihin ito kaylan Khal El!
"Khal El! Gee! May nahanap ako na--" nahinto ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan nandito na pala sila....may kasama sila
"Hayyy buti naman at nandito na kayo" Gee
"Buti nalang at wala kaming nakalaban na zombie" ani Luna
"Diba pwede pa naman sya sumama? At tsaka kawawa naman sya nakita lang namin sya sa convenience store buti nalang at walang mga zombie doon" Aiko
"Ummm...hindi ko alam? Nga pala ano nga pala yun sasabihin mo Ashley?" Tanong ni Khal El kaya sila nasa akin na ang tingin
Medyo natulala lang ako dahil sa bago naming kasama isa din syang istudyante kaso ibang school sya galing base sa soot nyang uniform
"Ah! May nahanap kasi akong box sa pwesto namin nila Gab may limang pistol kasi dito tapos may mga naiwan ding mga bala...baka pwede din nating magamit ang mga ito?"
"Buti naman at may mga naiwang baril ang may ari ng sasakyan na ito" saad ni Yico
"Ehh sya anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ni Jasmin
"Wag kayong mag alala narunog akong gumamit ng mga baril,pangako hindi ako magiging pabigat sa sainyong lahat"
"Kahit naman hindi ka marunog gumamit ng baril,talagang isasama ka parin namin....basta wala kang masamang gagawin sa grupo..."ani Khal El kaya sya ang pinuno namin eh...
"Talaga! Maraming salamat! Ako nga pala si Alas"
"Welcome sa survival squad" aba may pa ganon Khal El? Ang bilis nya maka-isip ng pangalan ng grupo ahhh
"Kainan na!!!" Sigaw ni Aiko
"Pahingi nga ng tubig Yico!" Utos ni Charlie
"Ohh bakit may mga cup noodles? Hindi tayo mag ka-camping ahhh" reklamo ni Gee
"Baka may kuryente doon sa bahay ng tito ni Yico" sagot ni Charlie
"Buti nalang hindi natunaw yun mga chocolate nila" ani ko
"Wag nyong ubusin lahat ng mga pagkain natin,kailangan natin mag tira para sa mga susunod na mga araw" paalala ni Khal El sa aming lahat
"Teka....kahit breakfast, lunch and dinner ito lang ang kakainin natin? Walang gulay or baboy?" Puro biskwit at chichirya lang ang nakuha nila may mga tubig,juice, chocolate,at candy lang ang nakuha namin
"Don't worry guys may taniman ng gulay si Tito doon at tsaka marami din syang supply ng mga pag kain doon kaya pwede tayo doon" paliwanag ni Yico
Tanging sila Charlie,Khal El,Yico,at Luna nalang ang gising buti nalang at maliwanag ang buwan kaya kahit papano ay nakikita parin nila ang daan
Habang si Alas ay naka sandal ang ulo sa sasakyan,ganon naman din si Gee habang ang nasa gitnang si Aiko ay mahimbing na natutulog,ganon naman din ang tatlong mag kakaibigan sa likod
Ang mga paa ni Jasmin ay malapit na sa mukha ni Ashley at itong si Gab naman ay naka patong pa ang paa sa pagitan nila Gab at Ashley
"Ikaliwa mo dyan Charlie" uto ni Yico
Ganon naman ang ginawa ni Charlie,Huminto ang van sa isang kulay berde na gate
"Guys check your perimeter--" natigilan si Khal El dahil tulog ang ibang mga kasama nito sila Yico at Luna nalang ang gising,kaya gaya nga ng sinabi ni Khal El sinunod nalang ito
"Clear" bulong nila
Dahan-dahan namang lumabas si Khal El para buksan ang gate tsaka naman pina andar ulit ni Charlie ang van,pagka pasok ng sasakyan nila isinara narin ni Khal El ng maigi ang gate
Naunang bumaba sila Yico at Charlie habang si Luna ang nagliligpit ng mga pinag kainan nila sa van, kung hindi lang siguro may zombie apocalypse ay masasabi mong parang mga baboy silang hindi nakakain ng umagahan...well hindi naman natin si masisisi
"WOAH!!!!" Sigaw ni Charlie
Kaya nagising ang ibang natutulog sa van, kaya ang tatlong magkakaibigan ay nabigla sa nakita nila dahil ganon nalang ang naging pwesto nila
"Wah!!! Ano bayan Jasmin yun paa mo malapit nasa mukha ko!" Pag rereklamo ni Ashley
"Masarap matulog ehh bakita ba...tumayo na nga kayo dyang dalawa nan dito na tayo ohh" utos ni Jasmin
Kaya kahit antok na antok pa ay kumilos na sila at bumaba na ng van, namangha naman sila sa laki at ganda ng bahay nitong tito ni Yico, sila Gee at Yico ang tumingin sa buong paligid kung may zombie ba
"Pasok na kayo" utos ni Gee
Naunang humiga sila Alas Gee at Charlie sa kama habang si Luna ay nasa sofa lang si Khal El naman ang bahala sa pag luluto
"Nasaan yun mga babae? Tanong ni Alas
"Naghanap ng mga damit" ani Yico
"Grabe ang laki pala ng bahay nitong tito mo Yico!" Saad ni Charlie
"Oo tuwing bakasyon dito ako pumunta wala naman kasing anak o jowa ang tito ko kaya madalas dito narin ako natuto gumamit ng baril" paliwanag ni Yico
"Luna!!!!!!" Sigaw ni Gab
Medyo nagulat pa nga si Luna dahil hinila sya bigla ni Gab
"May jacuzzi dito,tara maligo na tayo" aya ni Ashley
"Oo nga! Hindi kaba nandidiri dyan sa suot mo? Ang dami na kayang dugo" ani Jasmin
Napatingin pa nga si Luna sa damit nya, tama sila ang dami nan dugo sa kanyang damit halos mandiri narin sya sa amoy nitong nabubulok,kaya sumunod narin sya sa iba
"Khal El wag na wag kang sisilip ahhh kayo din! Kung hindi sasapakin ko kayo" pag babanta ni Aiko
"Ano tingin mo sa akin manyak?" Depensa ni Khal El
"Mabuti nayun malinaw!" Kaya pumasok na ang lima sa banyo
"Malas mo Khal El amazona pala yang naging girlfriend mo" ani Charlie
"Hahahaha ganyang lang talaga yan si Aiko pero napaka bait na " ani Khal El
"Kamusta namang maging boyfriend si Khal El Aiko? Tanong ni Jasmin
"Si Khal El? Ayun ok lang naman, madalas talaga parang bata yun mag isip kapag kasama ko yun hahaha kahit ganon yun mahal na mahal ko yun isang taon din kaya ako niligawan nun, kaya hinding hindi ko na papakawalan yun" masayang pagku-kwento ni Aiko
"Ehh kayo Luna?" Tanong ni Ashley
"Hindi ko sya boyfriend"
Dapat nun sabay sila mag aaral ng paggamit ng katana doon nya lang sasagutin kaso nag karoon ng zombie apocalypse
"Ang boring naman....tara laro tayo!" Aya ni Gab
Kaya sa unang pag kakataon sumang ayon naman ang iba
"Anong laro?" Ani Jasmin
"Yico mag saing kana" utos ni Khal El
Malapit narin kasi maluto yun ulam nila
"So... hanggang kelan tayo dito?" Tanong ni Alas habang kumakain ng lollipop
"Siguro dito nalang tayo magpalipas ng gabi" sagot ni Yico
Napabuntong hininga nalang si Gee dahil lalaban nanaman sila kinabukasan
"Kung sino ang may pinaka malakas na talon sya ang panalo" ani ni Gab
"Anong premyo ng mananalo?" Tanong ni Ashley
Ano nga ba?
"Mhh....pwede mag unli rice mamaya"
Pumayag naman ang iba,kahit kumain sila kanina ay kulang parin naman yun kinain nila hindi mabubuo ang araw mo kapag hindi ka nakakain ng kanin
"Kumain na tayo,luto na itong ulam at kanin natin" aya ni Charlie
"Paano yun mga babae?" Tanong ni Gee
"Hayaan mo nayun...mukhang nag sasaya pa sila doon sa jacuzzi ehh" ani ni Yico
Kumain sila ng hindi manlang ina-aya yun limang babae
Sa ngayon si Jasmin ang may pinaka malakas na talon kaya sya ang nanalo
"Hah! Panalo ako" ani Jasmin
"Oo na ikaw na yun nanalo,tara sabay sabay naman tayo tumalon" saad ni Gab
Naghawak-hawak naman sila ng kamay pero itong si Gab na medyo lutang hindi nagawa ang instruction ni Ashley,tumalon yun apat buti nalang at napansin ni Luna na hindi nakahawak si Gab sa kamay nya kaya hinila nya ito pababa
"Ahhhh!!!" Sigaw ni Gab
Sabay sabay naman silang bumaksak sa jacuzzi,pati ang tubig ay tumalsik at nabawasan din ito,buti nalang at mabilis ang pag repeal ng tubig sa jacuzzi
"Saan galing yun?" Tanong ni Alas habang sinisimot yun ulam nyang manok
"Yun mga babae lang yun...baka nag kaka siyahan lang sila hayaan nyo na" ani Gee
Bumukas naman ang pinto kaya napa tingin sila doon at nakita ang limang babae napa nganga pa nga itong si Yico habang si Charlie naman ay nabitawan ang kursara at tinidor
Naka ripped jeans lang si Luna at isang oversized na plain t-shirt na kulay black and with the pair of white shoes
Habang si Aiko naman ay naka pants and printed t-shirt na kulay orange suot nya parin naman yun lab gown
Sila Gab at Jasmin naman ay naka short kaya kitang kita mo ang kaputian ng dalawang ito
"Ano ba naman yang suot mo Ashley?" Pang aasar ni Khal El
"Bakit?! Ito nalang yun natira doon noh! Inunahan kasi nila ako kaya eto ang nauwi sa akin I don't have any other choice" paliwanag ni Ashley
Naka dress kasi sya na kita ang tuhod kulay dilaw ito,lalo tuloy syang pumuti parehas lang din sila ni Luna ng sapatos
"Parang pupunta ka tuloy ng party hahaha" pang aasar ni Alas
"Che! Manahimik ka dyan Alas!"
Pagkatapos nila kumain ay naligo narin ang mga lalaki, ang mga babae narin ang nag latag ng hihigaan ng mga lalaki sa sahig,isa lang kasi ang kama kaya ang mga babae nalang ang mahihiga doon
Sa paglilinis nila Gee at Charlie may nahanap silang mapa, yun nalang ang gagamitin nila papuntant Green hills
Abala naman si Khal El sa pag lalagay ng mga safe at danger zone sa mapa
"Dito sa timog hindi na tayo pwede dyan kaya danger zone narin yan,sa UST naman hindi narin pwede isa narin syang danger zone" ani Khal El
"Ehh nasaan ang safe zone?" Tanong ni Charlie
"Dito....kung saan tayo papunta sa highway ibig sabihin diretsyo lang tayo" paliwanag ni Khal El
"WOW!!!!" Sigaw ni Alas
Itong sila Ashley at Jasmin na nakahiga sa kama ay biglang bumangon, tumakbo agad sila kung nasaan si Alas
"Woah! Napaka dami naman neto Yico!!"
Pina-kitaan lang naman sya ni Yico ng iba't ibang klase ng mga baril
"Machine Gun-34! Ang astig nan! 1,200-1,500 rounds per minute ang tira nan! Sigurado ako patay lahat ng mga zombie na makakalaban nantin nan!" Sa isang side naman ng cabinet ay may nakita nanaman syang kinatuwa nya
"M-16 ba yan! Ang ganda nan! modern shooting rifle pangarap kong mag karoon ng ganto! Tapos dito ko lang pala makikita sa bahay ng tito ni Yico basta ako gagamit neto!"
Kinabit nya na ito sa likod nya gamit ang sling neto,patuloy parin sya sa pag hahanap ng baril na magagamit ng iba pa nyang kasama
"DP-12 double barrel pump shotgun!" Kagaya ng naka sanayan nyo kinuha ulit ito ni Alas tsaka lumapit naman sila Gee at Yico doon
"Itong first trigger ay para sa left barrel at itong second trigger naman ay sa right barrel" sabay turo ni Alas sa baril
"Kukunin natin yan,kailangan lahat tayo ay may armas" saad ni Gee
"Sige. Alas tumingin kapa dyan ng mga pwede nating dalhin" ani ni Khal El hindi na sya naki gulo doon dahil wala naman syang alam sa mga baril
"Tactical crossbow alam ko na alam nyo nang gamitin yan,pero kailangan mo ng lakas para magamit mo yan ng maayos...at alam ko na kung kanino bagay ito"saad ni Alas
Naglakad naman sya patungo sa pinto kung nasan ang iba at ibinigay ito kay Jasmin gulat na gulat naman itong si Jasmin ng dahil sa ginawa ni Alas,kinuha naman ito ni Jasmin kasama ang ammunition nito.
Tumingin tingin pa ulit si Alas ng mga magagamit nilang baril doon sa closet,may nakita syang baril na tinatawag ang pangalan ni Gee dahil nga malakas ang shooting skills neto.
"Gee yan ang sayo" turo ni Alas sa baril
"Barrett. 50 caliber? Woah kanina ko pa tinitignan yan ehh" kinuha agad ni Gee ang naturang baril,bagay na bagay sa kanya. Parang ginawa nga ito para sakanya
Kumuha si Alas ng K-47 para kay Khal El, M16A4 kay Aiko, C7-75 kay Ashley, USAAS5-12 kay Charlie, at DP-12 double barrel pump shotgun kay Gab. Sila Yico at Luna na mas gusto ang katana nila binigyan parin sila ni Alas nang baril yun Glock 17 lang para emergency
"Tutal wala namang naiwan na sasakyang pangdinma ang tito ni Yico yun van parin ang sasakyan natin" Saad ni Khal El
Sila Alas Gee at Charlie nalang ang gising sila ang mang babantay sa ngayon, may gamit na telescope si Alas dahil nasa 2nd floor sya
Sa hindi kalayuaan ay may nakita syang mga zombie,dahil nga hindi sila nakakakita sa dilim ang tanging ilaw lang sa second floor ang nag bibigay liwanag sa mga mata nila
"Papunta sila dito"