1

2365 Words
Natulala nalang kaming lahat dito ng biglang kagatin ng lalaki si Melanie sa leeg kasabay nito ang pag buhos ng napaka daming dugo sa kanyang katawan nag sigawan naman kaming lahat....nag panic na rin kami kahit ako hindi ko alam ang gagawin Habang nag sisigawan kami dito ay umiba narin ang mga mata ni Melanie naging puti narin ito tsaka kinagat nito ang kayang jowa nasi Jayson "Umalis na tayo dito!" Hila saamin ni Gab Sinarado namin yun pinto,pag kalabas namin mas nakakatakot pa pala ang mga makikita namin..napaka dami nila uhaw na uhaw sila sa dugo parang nag slow motion naman ang nasa paligid ko...isipin mo ordinaryong araw lang dapat ito sa aming lahat tapos ganon yun nanyari? "Tumakbo na kayo!" Saad ng Math proof namin tumatakbo sya dahil hinahabol sya ng hindi pa namin malaman kung ano ba talaga nilalang yan "Umalis na tayo Gab.. Ashley!" Bumalik sa realidad ang isip ko kaya dalidali kami tumakbo sa napaka habang hallway na ito hindi alam kung saan kami mapupunta o mag tatago.... Nandito kami ngayon sa parking lot ng University dito ko naisipan pumunta dahil ito lang ang ligtas at lugar kung saan pwede lumabas si Jasmin ang bahala sa sasakyan namin sya ang marunog mag-drive ehh "Gab... Ashley dito" bulong na saad ni Jasmine Lumapit naman agad kami sa isang van na kulay puti malaki ito kung hindi ako nagkaka mali sa principal ito loko talaga itong si Jasmin yun sa principal pa talaga ang pinili,sumakay naman na agad kami sila Jasmin at Gab ang nasa harapan ako naman yun sa ikalawang row "Nasaan na ba kasi ang susi neto!" "Wag ka nalang mag reklamo Gab maghanap ka nalang" ani Jasmin "Gotcha!" Inabot ko kay Jasmin yun susi Mukhang hindi muna kami makaka alis dito dahil may iilang mga kalaban ang naka palibot sa dadaanan namin "Anong gagawin natin?" Tanong ni Gab Pinaandar naman ni Jasmin yun van teka ganon ang plano nya! "Don't tell me sasagasaan mo yang mga yan!" Sagot ko "We don't have any other choice Ashley,isa pa mukhang mga patay nayan" Kagaya nga ng plano,ayun ang ginawa ni Jasmin ang loka bumusina pa kaya lahat ng mga kalaban namin ay napatingin sa van kung saan kami naka sakay ngayon "Naloko na..." Saad ko Jusko papalapit na sila saamin ni lock naman ni Jasmin yun mga pinto para sure na hindi nila mabuksan....sa isang iglap ay yun dating malinis na puting van ay naging pula na tumatalsik pati yun mga katawan nila sa wind shield ng van namin....kung ikaw yun nasa kalagayan ko sure ako masusuka ka nalang sa mga nakikita mo Ng dahil sa napaka "gandang plano" ni Jasmin naka alis narin kami sa University na iyon... Pag kalabas namin napaka tahimik ng lugar siguro yun iba umalis na o hindi kaya nakagat narin sila ng mga iyon.... mapayapa lang ang naging byahe namin na akala mo ay parang normal lang ang lahat "Nakakainis bakit ngayon pa nanyari ito?!" Gab "Kung hindi sana nanyari ito,dapat nag bo-boy hurting parin ako" ani ni Jasmin Ang loka ganon parin ang iniisip nya? Kelan ba talaga sya titigil? "Tumigil na nga kayong dalawa dyan..." Siguro kung hindi nanyari ito baka naka-upo lang ako sa klase namin at nag babasa ng libro ganon lang naman ang buhay ko pag katapos ng klase uuwi agad ako kahit inaaya ako nila Gab gumala hindi talaga ako sumasama "Tulong!!" Napatingin kaming tatlo sa bintana at nakita ang dalawang lalaki na nag tumatakbo "What's the plan now?" Tanong ni Gab "What do you think Ashley?" Aba malay ko? Mamaya nakagat nayan ehh tapos mamamatay pa kami...para maka sigurado sinuri ko ang buong katawan nila kung may kagat ba o wala....mukhang wala naman binuksan ko naman na agad ang pinto ng van tsaka pina pasok na sila Habang sumasakay sila bigla naman sumigaw itong si Jasmin "Kalaban!!!" Lahat kami dito at napatingin kung saan nakaturo ang daliri ni Jasmin....hala patay! Napaka dami nila "Pasok na dali!!" Utos ko sa dalawang ito kaya dalidali naman nila binilisan ang pag sara ng pinto agad naman pinatakbo ni Jasmin ang van "Napaka dami nila" ani ni Jasmin "Hindi din kami maka paniwala sa mga nanyayari ngayon" "Kahit kami din..." Ani Gab "Hindi pa pala kami nag papakilala...Ako nga pala si Gee at ito naman si Charlie" "Ako naman si Ashley,Sya naman si Gab at sya si Jasmin" Tahimik lang kami habang nasa byahe...nakarating nadin kami sa City kung saan nag mula ang lahat yun ang sabi nila Charlie Napaka tamihik ng lahat...kaya nakaka panibago kapag tahimik sure ako na marami ang mga kalaban "Guys look!" Sigaw ni Gab May isang babae at lalaki na tumatakbo dahil hinahabol sila ng mga nilalang na yon may mga dala din silang katana wow handang handa sila ahh? Hahaha Gusto ko silang tulungan kaso anong magagawa namin? "Excuse me lang Ashley" ani ni Charlie "Teka anong balak mo?" Tumayo sya at binuksan ang itaas na bintana ng van na ito tama! Balak nya senyasan ang dalawang iyon kumaway kaway si Charlie buti naman ay napansin agad nila yun lumipat kami ni Gee ng pwesto sa medyo dulo balak namin sila nalang sa gitnang parte ng van dahil sila ang may sandata "Dito!!! Dalian nyo!" Sigaw ni Charlie Sa pag kakataon na yon binilisan nila ang takbo ganon din ang mga humahabol sa kanila...binuksan ni Charlie ang pinto ng van tsaka pumasok ang dalawa kaya nasa gitna na si Charlie Puro dugo na ang mga damit nila sana hindi kami mali sa pag ligtas sa kanila... "Muntik na kami doon" "Salamat nga pala" "Wala yun" Gee "Ako nga pala si Yico at sya naman si Luna" "Bakit may mga dala kayong mga katana?" Tanong ko "Ahhh ito ba? Mag aaral kasi dapat kami ni Salvador kung paano gamitin ito,kaso mukhang napa-aga hahaha" Luna Hindi muna kami makaka-alis dahil naka palibot pa ang ilan saamin "Yico...Luna...kayo ang bahala sa kanila" saad ko "Gab check you perimeter 3:00,Jasmin 9:00" Sinunod naman nila ang sinabi ko "Clear!" Sabay nilang saad Binuksan na nila Yico at Luna ang mga kanya kanyang mga bintana tsaka nilabas ang mga katana nila...napansin naman agad ng mga kalaban yun kaya tumakbo naman agad sila papalapit saamin Kasabay nito ang pag putol at pag saksak sa iba't ibang parte ng mga katawan ng mga kalaban namin,tumatalsik din ang mga dugo kahit kami na nasa loob ng van ay natatalsikan din pero wala na kaming pake doon ang mahalaga ay makatakas kami Hindi ko kayang manood lang sa kanila habang nakikipag laban sila Yico at Luna naghanap ako ng mga bagay sa van na sana manlang ay magamit namin sa situation naman ngayon,kinapa kapa ko ang buong sulot ng van ng may mahawakan ang kamay ko "Sino marunog gumamit ng baril sa inyo?" Saad ko Lahat naman sila ay napalingon saakin "Si Gee marunog" agad ko naman binigay ang baril kay Gee,nagpalit naman ng pwesto itong si Gee kaya si Charlie na ang katabi ko binuksan naman ni Gee ang itaas ng van tsaka nag handa para patamaan ang mga kalaban "Gee yun mga papalapit lang saatin ang patamaan mo" utos ni Jasmin Tumango nalang si Gee habang si Charlie ang naka alalay sa bandang hita nya baka sakaling mahulog si Gee Habang ako nanonood lang sa tingin ko ngayon ko magagamit ang aking leadership award hahahaha,hindi napansin ni Yico na may papalapit na kalaban kaya hinila ko sya papasok ng van "Salamat" sabay ngiti saakin Tumango ako at nag patuloy lang sya sa pag laban...kung hindi ko siguro nakita yun baka nakagat na sya nice one Ashley! Matapos ang madugong labanan na yun sinara na nila Yico at Luna ang mga bintana umupo na rin si Gee taska binigay ang baril "Grabe nakaka pagod makipag laban" ani Yico Habang abala sa paglilinis ng kanyang katana "Ngayon saan naba tayo patungo?" Tanong ni Luna Saan na nga ba? Wala niisa saamin ang may alam ang bahala manatiling buhay ay ayos na....may narinig kaming kakaibang ingay "Si Aiko tumatawag" galing lang pala sa cellphone ni Luna,naiwan namin yun mga cp namin sa University sa kakamadali namin sana ok lang ang mga magulang ko... "Hello Aiko...nasaan kayo?" "Huh? Sino kasama mo dyan?" "Wag kayong aalis dyan,papunta na kami" Luna "Bakit anong nangyari kayla Aiko?" Tanong ni Yico "Nasa isang hospital sila" Nasa city parin pala yun pinsan ni Luna lumiko naman ulit si Jasmin heto at pabalik nanaman kami mapapasabak nanaman kami neto sa labanan Nakarating na kami sa hospital kung nasaan ang pinsan ni Luna,ganto ang na pag-usap naming plano sila Jasmin Luna at Gee ang susundo habang kami nila Gab Charlie at Yico ang maiiwan "Sana gumana ang plano natin"saad ni Charlie Ako kasi ang naka-isip ng plano kailangan may maiiwan dito na kayang lumaban kagaya ni Yico,kailangan din namin ng papalit mag drive yun ay si Charlie habang si Gab naman ang bahala sa perimeter "Wag kang mag alala Charlie,wala pang plano na hindi nagiging success ng dahil kay Ashley" ani Gab Napa ngiti naman ako doon sa sinabi ni Gab, lahat naman ng nagiging plano ko ay tagumpay "Pero seryoso....pag tapos neto saan na tayo pupunta nan?" Tanong ni Yico "Hindi ko pa alam....pero sana may mahanap manlang tayo kahit isang safe zone lang" Sure naman ako meron yan....ang tanong hanggang kelan pa ang itatagal ng van na ito? At kung gaano kalayo pa ang dapat namin lakbayin? "Tingnan nyo....diba doon lalabas sila Luna paano sila makaka daan dyan?" Tama si Charlie may mga kalaban kasi ang nakakalat sa buong hospital na ito kailangan namin maka-isip ng paraan "May napansin kasi ako sa mga kalaban natin, sobrang lakas kasi ng mga pandinig nila, naalala mo ba Ashley nun nasa University palang tayo bago makagat si Melanie ang ingay ingay nating lahat nun kaya siguro napansin agad nila tayo,at tsaka nun sumigaw si Jasmin nakatingin sa ating lahat yun mga nilalang nayon" mahabang paliwanag ni Gab Hanga din ako dito kay Gab ehhh kaya nga sya ang top 2 ng klase namin ehhh "Wow!!! Ang galing mo naman!!" Saad ni Charlie Ang Gab naman ay namula tsaka biglang nahiya....isa lang ang ibig sabihin nan may gusto sya kay Charlie,well talagang bagay naman sila ehh maganda si Gab at gwapo naman itong si Charlie baka sila na ang unang loveteam namin dito hahaha "Kailangan ko ng bagay na pwedeng ihagis" utos ni Gab "Ah! Ito nalang" sagot ko Inabot ko kay Gab yun ballpen nakalimutan ko na dala-dala ko pa pala yan, binuksan ng konti ni Gab yun bintana nya tsaka inihagis yun ballpen na binigay ko,kaya naagaw nito ang pansin ng mga iyon "hindi sila nakakakita sa dilim" Sakto lang ang labas nila Luna pero kailangan parin nila mag-ingat napansin ko nakasuot yun bagong sasama saamin ng lab gown doctor ba sila? Baka naman scientists? Bakit hindi pa sila kumikilos? "Bakit hindi pa sila kumikilos?" Tanong ni Yico Bakit nga ba hindi pa? Hala patay! Hindi pa pala nila alam yun nalaman namin kaya pala kainis nakalimutan ko "Guys check your perimeter Gab 12:00 Yico 9:00 Charlie 3:00 ako na sa 6:00" "Clear!" Good... "Ako ang susundo sa kanila" ani ko "What! Are you crazy?" Yico "Of course not! wag kayong mag alala kaya ko ito" Bago lumabas tinignan ko muna ang paligid, nandoon parin yun mga kalaban malayo naman sila lumakad na ako papunta kayla Jasmin napansin ko rin na mag sasalita dapat itong si Gee nun makita akong papalapit sa kanila kaya senenyasan ko sya na tumahimik sila "Anong ginagawa mo dito Ashley? Diba ang sabi ko doon ka lang sa van" Jasmin aba may balak pa talaga ako pagalitan neto "Wag kayong gagawa ng kahit anong ingay sumunod kayo saakin" bulong ko Dahan-dahan lang ang paglalakad namin lahat kami ay kabado hindi alam kung ano ang susunod na manyayari kung mababawasan ba kami o hindi Bigla nalang tumunog yun isang kotse dito kaya ang buong paligid ay nabalot ng ingay nasagi kasi ng isang kalaban yun kotse kaya nakagawa ito ng ingay patay! "Takbo!" Gee Dali-dali kaming pumasok sa loob ng van, naghanda na sila Yico at Luna sa paglaban binuksan narin nila ang mga bintana, pina andar narin ni Charlie ang van "Ang bilis pala tumakbo ng mga zombies" What? Zombie ang tawag sa mga yan? "Zombie ang tawag sa kanila, there are so sensitive pag dating sa ingay kapag nakagat ka ng mga yan magiging kauri karin nila minutes lang din ang pagitan...." "Teka paano mo nalaman yan?" Gee "Scientists kami and hindi kami payag sa project nayan...ako nga pala si Aiko sya naman si Khal El" Ani Aiko "Luna 2:00!" Naalarma si Luna may zombie kasing papalapit sa pwesto nya,nasa dulong parte na nga kami ni Jasmin ng van dahil nasa ikatlo sila Aiko Gee at Khal El "Bakit parang hindi sila nauubos" reklamo ni Yico May baril pa pala kami dito! Nilabas ko yun baril na ginamit ni Gee ako naman ang gagamit neto,nahirapan ako lumipat ng pwesto dahil kailangan mopang humakban papunta sa pwesto nila Luna Binuksan ko yun bintana sa taas,jusko po! Napaka dami palang humahabol sa amin dahil nga mabilis ang pag papatakbo ni Charlie sa van pati buhok ko nakakain ko na "Pag tapos talaga ng zombie apocalypse na toh magpapa gupit na talaga ako" ani ko sa sarili Mas nakakatakot pa pala sila sa malapitan, muntik na nga ako masuka dahil napaka baho ng buong paligid tapos nilalangaw na nga din yun mga katawan nila,hinanda ko na ang aking sarili dahil ngayon lang ako gagamit ng baril Kitang kita mo sa baba kung gaano kadami ang nilalabanan nila Yico at Luna kailangan yun mga lalapit lang saamin ang babarilin ko kagaya ng ginawa ni Gee Nagulat nalang ako sa susunod na panyayari ng may biglang humatak pababa saakin,kaya napa ibaba ako kayla Luna at Yico,pag tingin ko si Gab pala.....tumingala ako at nakita ang isang zombie na tumalon tsaka tinusok ito sa tyan ni Luna gamit ang kanyang katana,bumuhos naman ang ilang dugo saamin buti nalang at naisara ito ni Gab "Muntik na ako doon" wala sa sarili kong ani kung hindi siguro ako hinatak ni Gab baka isa narin ako sa kanila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD