Battle

4853 Words
Isang malakas na pag tama ng pinto sa dingding ang gumulat sa mga natutulog na Yico, Alas at Gee. Agad na napaupo sa pagka-higa ang tatlo at kabado na medyo alertong tumingin sa paligid. "boys, chill" ani ni Aiko, napatingin sila doon at doon na sila kumalma. "Bakit ka naman nanggugulat!?" Inis na ani ni Yico sabay kamot sa ulo nya at nahiga ulit sabay talukbong ng kumot. "Gumising na kayo! Diba maypag uusapan tayo? May sasabihin din kami ni Khal El sainyo!" Masayang ani ni Aiko halos tumalon talon pa nga sya. Napakunot lang ang noo ni Gee at Alas na nakatingin sa babae na masayang nag tungo sa lamesa. "Sasabihin nya bang ikakasal na sila ni Khal El?" Bulong ni Yico kaya agad syang tiningnan ni Gee sabay irap. Labag sa loob namang tumayo ang tatlo at nag tungo narin sa lamesa. Kumuha ng kaldero si Aiko at sandok sabay hampas nito ng malakas kaya napa takip ng tenga ang tatlo. Parang nagising diwa nila doon. Bigla namang bumukas ang mga kwarto at lumabas doon ang mga mukang nabulabog na tulog na mga tao. "tangina?" Ani ni Ashley. Labag sa loob din silang umupo sa lamesa at tumingin kay Aiko. "Sige, ano meron?" Tanong ni Charlie sabay kamot sa ulo nya. Sarap ng tulog kagabi nyan, walang ka-alam alam sa nangyari. Napa buga naman ng hangin si Khal El. "Okey, guys. Makinig kayo" Natuon naman ang atensyon sakanya ng mga kasama nya. "May naka bantay saatin at mukang may hindi sila magandang balak lalo na sa mga babae dito" simula nya, napa gasp naman si Gab. "what?" "Sila ang Unit A-yung lalakeng may balak pumasok dito kagabi-" Nanlaki naman ang mga mata ni Charlie sa narinig nya, wala kasi syang ka-alam alam. "GAGO!? MAY PUMASOK DITO!?" Gulat na sigaw ni Charlie kaya weird lang na tumingin ang iba sakanya. "Anyways, mukang kailangan na nating kumilos" "Aalis ba tayo dito?" Bulong ni Jasmin. Ayaw nyang umalis sa bahay na to dahil madami na syang memories dito at sila. Bakas yung lungkot sa muka ni Yico nung narinig nya ang sinabi ni Jasmin. Umiling naman si Khal El kaya nakahinga sya ng maayos. "Aalis tayong lahat kasi may gagawin tayo" Napuno ng pagtataka ang mga muka nila. "Ano yon?" Napangiti ng bahagya si Aiko at Khal El, nag tinginan pa sila. "Mag bibigay ng cure sa ibang Unit" simpleng ani ni Aiko, tumungo naman ang iba-ngunit, dahan dahan itong pumasok sa utak nila. Mag bibigay ng cure sa ibang Unit. Nanlaki ang mga mata nilang lahat nung napagtanto nila kung ano yon. Mas lumawak lang ang ngiti ng dalawa nung nakita nila ang reaksyon ng mga kasama nila. Agad na napatayo si Alas sa upuan nya at nilapag ang dalawa nyang kamay sa lamesa. Tiningnan nya ng mabuti ang dalawa. "W-wait...don't tell me..nagawa nyo na ang cure?" Tanong nya, ngumiti si Khal El sakanya sabay tungo. Napa hawak sa bibig si Jasmin at Ashley dahil sa gulat, hindi nila akalain na magagawa ito ng dalawa. Hindi na kasi sila makatulog kagabi at naisipan nilang ipag-patuloy ang ginagawa nila, at mukang na sakanila ang swerte nung mga oras na yon. Yung huling formula na ginawa ni Khal El ay gumana na! "So, lahat tayo aalis dito sa bahay para ibigay ang cure?" Tanong ni Gab, Tumungo naman si Khal El. Napakagat ng labi si Yico. Medyo di nya gusto ang plano. Kasi naman, hindi nag iisip ang mga tao na yan sakanila tapos tutulungan nila? "Hindi bang masyadong risky?" Mahina nyang ani, nung napatingin ang mga kasama nya sakanya agad naman syang yumuko. Nilagay ni Gee ang siko nya sa lamesa at pinatong ang pisngi nya sa palad nya. "Lagi namang risky. Wala ng ligtas ngayon" ani nya, "I mean, diba under ang ibang Unit sa Unit A? Paano pag dumating tayo sa unit nila may gagawin silang masama saatin?" Dagdag ni Yico, naintindihan naman ni Ashley ang ibig sabihin ni Yico kaya napahinga sya ng malalim. Kung sya lang tatanongin, mas gusto nyang isarili nalang ang cure. Wala namang pake ang mga tao dito-hindi nila deserve ang cure. "Under sila sa Unit A-umaasa lang sila sakanila for supplies pero hindi nila gusto ang pamamalakad ng Unit A. Maraming bata at pamilya ang nakatira sa Unit B hanggang E" saad ni Alas, tumungo-tungo sila Charlie. Napakagat ng labi si Aiko at napatingin sa lamesa. "Gusto ko tong gawin...after all...kasalanan namin kung bakit kumalat ang sakit na to sa lungsod natin. Kasalanan namin kung bakit yung mga bata na nandoon sa unit ay nag hihirap, gusto ko lang makatulong kahit papano. Ayaw ko ng makakita ng magulang o anak ang iiyak pag na-infect ang isa sa pamilya nila" ani ni Aiko, Kita mong medyo nanggigilid na ang luha nito sa mga mata nya. Bakit nya ba ginawa ang cure? Kasi umaasa sya na baka may pag asa pang bumalik ang lahat sa dati. Kahit hindi sya isa sa gumawa ng virus andoon parin yung guilt sa dibdib nya dahil sila ang nag dala ng infected sa sentro. Naramdaman nyang hinawakan ni Khal El ang balikat nya. "Oo, wala ng humanity ang mata tao dito natin pero tayo meron pa. Hinding-hindi tayo magiging katulad ng ibang tao, tandaan nyo" mariin na ani ni Khal El, napatungo si Gee. Napa buga ng hangin si Yico, hindi nya alam pero hindi maganda pakiramdam nya sa gagawin nila. "Yico, anong desisyon mo? Sasama ka ba? Hindi ka naman namin pinipilit" malumanay na ani Charlie, napatingin si Yico kay Luna pero hindi natinang si Luna-nanatiling diretsyo ang tingin. "Sana alam mo na, hindi sa lahat ng oras susunod ako sayo" ani ni Luna, natigilan si Yico at napalunok. Mukang wala syang choice. "Okey, Payag na ako" mahina nyang ani, napangiti naman sina Alas sakanya. "Wag ka mag alala, Yico. Walang mangyayari saatin" nakangiti nitong ani. Nag tama ang mata ni Alas at Ashley, ngumiti ng bahagya si Alas sakanya na parang sinasabi na 'magiging okey lang'. Napabuga nalang ng hangin si Ashley. Malakas na nilapag ni Charlie ang isang white construction paper sa lamesa nila. Sumunod naman si Yico na may hawak hawak na ruler at lapis at ginuhit ang mga daan sa city nila. Gagawa kasi sila ng mapa para sa mga Unit na pupuntahan nila. [b***h back to fight scene na tayo] "Lalagay mo dyan sa may kanan ang Unit A" ani ni Gee sabay turo sa isang parte ng papel, tumungo naman si Yico at gumawa ng parang bahay tapos may nakasulat na Unit A. "Sa pagka tatanda ko, hindi tayo makadadaan sa street na yan dahil nag collapse ang isang building dyan" saad ni Alas, tumungo naman si Yico at nilagyan ng ekis ang isang daan sa mapa. "Kabilang kanto pa ang Unit B tapos konting byahe lang Unit C na" dagdga ni Charlie. Sinulatan naman ni Yico ng unit-unit ang mga nasabing lugar at nilagyan ng ekis ang mga daan na hindi sila makadadaan dahil may mga infected o di kaya mga gusaling gumuho na. Dahil nga napabayaan na ang mga ito kaya gumuho na. Abala naman si Khal El at Aiko sa paglagay ng cure sa mga flask. Sakto para sa limang unit lang. Nag dala rin sila ng mga first aid kit nila. Si Jasmin, Gab naman ang nasa pagkain, lagi naman silang nasa pagkain. Si Ashley at Luna naman ang nasa mga ammu nila. Sinigurado nilang marami silang dala. Hindi nila gagamitin ang Humvee dahil talagang di na sila mag kakasya. Naka hanap rin sila ng van, van ang gagamitin nila para hindi sila mag sisiksikan. Hirap na binuhat ni Ashley at Luna ang bag ng ammu. Lahat kasi ng ammu nasa kwarto nila Gee, pag titingnan mo kasi ang ilalim ng kama nila puro baril at bala lang. "Done!" Masayang ani ni Yico sabay angat ng mapa. Tiningnan ito nila Gee at namangha sa nakita nila sabay palakpak. "Wow, ang galing mo talaga Yico!" Masayang ani ni Charlie. Na-curious naman ang mga babae maliban kay Aiko na nasa kwarto pa-at agad na tumakbo papunta kala Yico para tingnan ang mapa. Agad silang napa wow sa nakita nila. "Kung hindi nagka zombie apocalypse talagang may future ka! Future architect!" Manghang ani ni Jasmin sabay tapik sa likod ni Yico, medyo kinilig naman si Yico-sya kasi yung uri ng studyante na hindi masyado nag seryoso sa pag aaral kaya laking tuwa nya nung pinupuri sya ng mga kasama nya kahit simple lang ang ginawa nya. Marunong lang naman kasi sya gunawa ng mga structure-hindi naman ganoon kalaki. Lumbas naman sa kwarto si Khal El at Aiko, may dala-dalang metallic suitcase kung saan nya nilagay ang mga cure. "Readyyyyy" masayang ani ni 3, naka suot sya ng lab coat at ganoon din si Khal El. Naisip kasi ni Aiko kung naka lab coat sila maniniwala agad ang mga tao na scientist sila or something related sa science. Ngumiti naman si Aiko sa kanila "Bakit kayo lang! Dapat ako rin!" Ani ni Charlie sabay busangot. Napatawa naman si Khal El. "Meron pa don sa kwarto namin" ani Khal, agad na tumakbo si Charlie na parang bata Nagsi-baba na sila sa bahay at nasa tabi ng van na ngayon. Inaayos pa ng boys van, nilalagay ang mga pagkain at gamit sa likod ng van. Ito ang unang beses matapos ang isang taon na lalabas sila ng sabay. Nakaupo sa isa mga bag ng damit si Gab habang nag susulat sa lupa ng kung ano ano. Inaamin nya, medyo kinakabahan sya ngayon dahil medyo matagal na rin nung naka labas sila. "Pakagat nga" ani ni Luna kay Jasmin na kumakain pa ng chocolate bar habang naka sandal sa van. Tiningnan naman ni Jasmin si Luna na parang sinasabi na 'f**k off' de joke. "Sabi saakin ni Gee wag daw ako mag share ng pagkain sayo" ani nya na parang bata, napa kunot naman ang noo ni Luna. Ano sila Grade 1? "At bakit naman?" Taas kilay na tanong ni Luna. Tiningnan nya lang si Jasmin nung sinubo nya nanaman ang chocolate bar na parang nagpapa selos to. "Kasi sabi nya..." lumapit naman sya tenga ni Luna sabay hutik. "Sinusubo mo daw sholong ni Yico" Agad namang nasamid sa sariling laway si Luna kaya napaubo ito. "G-gago! SAAN NYA NALAMAN YAN!?" Sigaw nya, kaya napatingin ang iba sa kanila. Napakamot naman ng ulo si Jasmin. "Duh, boys will be boys. Pinag uusapan nila yan" simpleng saad ni Jasmin at kumain nanaman ng chocolate bar. Napangiwi naman si Luna pero agad ring nabalik sa normal na ekpresyon mg muka nya. "The hell I care, totoo naman" ani nya, ngayon si Jasmin naman ang nabilaukan-sa chocolate bar. Tiningnan nya lang si Luna na parang di sya tao-at parang may krimen syang ginawa. "Pasok na kayo!" Tawag ni Alas, nasa drivers seat si Khal El at katabi nya si Alas. Nasa may bintana naman si Yico sunod si Luna, Jasmin, Gee. Sa likod si Aiko, Charlie, Gab at Ashley at yung naiwan na extra seat andoon nakalagay mga gamit nila. Napalingon si Khal El sa mga kasama nya sa likod. Na-miss nya yung ganito. "Okey na ba, guys?" Masayang ani ni Khal El. Alam mo yung pakiramdam nila na parang nasa field trip lang sila o kaya may outing ang mag barkada? "Okey!" Sagot nila. "Guys" tawag ni Alas, nag antay naman sila sa next nyang sasabihin. "Check the perimeter" Agad na napangiti ang lahat. Parang bumalik sa mga alala nila ang lahat, nung mga panahon na takot na takot pa sila at walang alam sa nangyayari ngunit pursigidong mabuhay. Mga araw na bago pa silang magkakilala at halos di pa kilala ang isa't isa. Mga araw kung saang dahan dahang nabuo ang pagkakaibigan nila. Mga araw kung saan ng simula ang lahat. Agad namang tumingin si Gab at Charlie sa dati nilang perimeter at ganoon din sina Gee. "Clear" "Clear" "Clear!" Halos sabay silang napatawa dahil sa pinang gagawa nila saka umandar ang van. Napatingin si Gab sa likod-ng bahay nila. Sana, makakauwi pa kami ulit dyan. "Anong first stop natin?" Tanong ni Gee, nilabas naman ni Yico yung mapa na naka roll at binuklat ito. Pinanliitan nya ito ng mata tapos tumingin sa paligid nya. "Unit C ang pinaka malapit natin ngayon" ani nya, sumilip naman si Gee sa mapa at napatungo. "Alas, Unit C tayo una" saad nya, nag thumbs up naman si Khal El. Mga dalawang minuto ang dumaan, wala lang namang infected sa daan kaya medyo na-bored sila. Nag simula nalang silang mag kwentuhan. "Sinasabi ko lang naman! Bakit Unit F pangalan natin? Duh? Dapat talaga Alpha, Beta, Omega. Ganoon! Ganon dapat nila pinangalan ang mga camp! Like so cheap and ew, no class~" Sagway na ani ni Gab sabay tingin sa mga kuko nya. Napatawa naman sina Aiko, Ashley at Charlie na sa tabi nya lang. Lumuhod naman si Jasmin sa taas ng upuan nya at hinarap ang katawan nya kala Gab habang naka lapag ang mga braso nya sa taas ng upuan nila. "Oo nga, ang boring naman ng Unit A and F. Ano tayo? Boy scouts?" Dagdag nya, nag agree naman si Gab. "Di naman talaga kayo boy scouts, girl scouts kayo" Sabat ni Yico kaya sinamaan sya ng tingin ni Jasmin. "Shut up, Salvador kung ayaw mong sabihin ko na pinasubo mo yang lumpia mo sa girlfriend mo-" agad namang natigilan si jas6 sa sinabi nya-talagang na sabi nya nga. Natigilan ang lahat ng tao sa sinabi ni Jasmin. Literal na tumigil ang van na sinasakyan nila. "Oppss" mahina na ani ni Jasmin sabay lagay ng kamay nya sa bibig nya at inayos ang upo nya. Agad naman syang nag tago kay Gee na pinipigilan na tumawa. Umandar naman muli ang Van at nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan. "Nakalimutan ko katana ko sa bahay" pag babasag ni Luna sa katahimikan, agad silang napatingin sakanya. "Paano ka lalaban nyan? Mag baril ka nalang" ani ni Gee sakanya, umiling naman si Ira. "Hindi ako marunong bumaril at mas komportable ako sa katana" saad nya at tumingin sa labas. Napa buga naman ng hangin si Alas. Malaki ang tulong ni Luna sa labanan kaya isa syang malaking kulang sa defense pag wala syang armas. "May alam ka ba kung saan tayo kukuha ng katana?" Tanong ni Alas habang nakatingin sa daan, agad na nag liwanag ang mata ni Luna at tumingin kay Alas. "Kailangan ka namin for close combat" dagdag nito kaya ngumiti naman si Luna. "Andito na tayo" mahinang ani ni Khal El, bumagal naman ang takbo ng van nila, kaya napatingin sila sa mga bintana nila. "Wow.." mahinang ani ni Ashley nung nakita nyang may malaking gate-na halatang sila lang ang gumawa sa harap nila. May nakasulat rin na Unit C sa gate. Tumigil ang van nila mismo sa harap ng gate. "Kami ni Khal El ang lalabas" ani ni Alas sabay lagay ng handgun sa pantalon nya, binigay naman ni Aiko ang metallic suitcase kay Khal El at lumabas na silang dalawa sa van. Sa oras na naka tapak na sila sa lupa agad silang napa tingala sa gate. Agad namang may bumukas na mas maliit pa na gate sa tabi at may lumabas na dalawang lalake. Mukang hindi naman sila armado-Kita mo rin ang pagod sa mga muka nila. "Anong kailangan nyo?" Ani nito, huminga ng malalim si Khal El. "Sino ang namumuno dito?" Tanong ni Alas, napakunot lang ang noo ng dalawang lalake at nag tinginan. "Anong pakay nyo?" Mas mariin na ani nanaman ng isa. Tinaas ni Khal El ang metallic suitcase nya. "Hawak namin ang cure" agad na nanlaki ang mga mata ng dalawang lalake. Nakatingin naman sa loob ng van ang iba. "pinapasok sila" ani ni Jasmin sabay turo kay Alas at Khal El na pumasok sa loob. Hindi naman mapakali si Ashley sa upuan nya, may something talaga sa utak nya na hindi maalis. May hindi syang magandang nararamdaman. Hindi na nga nya napansin na masyado na syang magalaw sa upuan nya kaya napatingin si Gab sakanya at hinawakan ang hita nya. "Wag ka mag alala kay, Alas sya kaya ang pinaka malakas at matapang sa atin alam kong alam mo din yan~" ani nya sabay ngiti, natigilan naman si Ashley. Kasi di naman sya nag aalala para kay Alas. "Huh? Hindi naman-" hindi nya lang naman natapos ang sasabihin nya nung nilagay ni Gab ang hintuturo nya sa labi nya-pinapatahimik sya. "Shhhh, wag ka nag mag salita. Alam ko naman na gusto mo din si Alas, shhh" Mahinang ani ni Gab kaya napa kurap ang mata ni Ashley sakanya. Tumingin-tingin sa paligid si Alas at Khal El. Naging maliit na town ang lugar na to. May mga bagay at tents kung saan-may mga bata na tumatakbo at mga nanay na nag chi-chismisan. Tumigil sila sa isang bahay, kumatok ang lalake bago to binuksan. Pag pasok nila doon agad na bumungad sa kanila ang isang matandang lalake. Napatingin ito sakanila at ngumiti ng matamis. Yung mga ngiti nyang makakaramdam ka na ligtas ka. "may cure daw kayo?" Malambing nitong ani, napa ngiti naman si Alas dahil naalala nya ang lolo nya sakanya. Agad namang tumungo si Khal El at ngumiti ng malaki sabay pakita ng metallic suitcase nya. Nilapag nya to sa lamesa na nasa harap nila at binuksan. Agad na bumungad sakanila ang limang bote ng cure. Kulay asul ito at tila'y nag liliwanag. Dahan dahang inabot ng matanda ang kanyang kamay sa nasabing cure parang nabighani sya dito. "Isa po akong medical student sa Lanmenard Medical School, halos isang taon naming inaral ang gamot sa virus na to. Sigurado po kaming yan ang cure, marami kaming test na ginawa dyan" ani ni Khal El, tumungo-tungo naman ang matanda. "Kasa unit bibigay kami ng isang cure-wag kayo mag alala first batch lang yan ng cure pero sana wag nyo abusuhin" dagdag nya. Gagawa lang sila ulit ng cure pag meron pang mangangailangan. "At may paki usap kami...." mahina nyang ani, bumalik naman ang tingin ng matanda sakanya. "Pwede po bang wag nyong sabihin sa unit A na gumawa kami nito? Para sainyo lang kasi ito" Ngumiti naman ang matanda sa dalawa saka nilapag ang palad nito sa mga ulo nito sabay gulo sa mga buhok nila. "Hindi nyo alam kung gaano nyo kami napasaya mga apo" matamis nitong ani, napangiti rin ng matamis si Khal El. Hindi nya alam parang naantig ang puso nya nung narinig nyang tinawag syang apo nito. "Masaya po kaming naka tulong" malumanay na ani ni Alas at ngumit, kinuha naman ulit ni Khal El ang metallic suitcase nya matapos nyang binigyan ng isang cure ang matanda. Masayang lumabas ang dalawa at kita ang galak sa mga muka nila. Mukang gumaan ang pakiramdam nila nung may natulungan sila. Habang nag lalakad sila pabalik sa gate may napansin sila sa lugar dito. Masyadong napabayaan. Wala lang namang kahit anong tanim dito, kita mo rin na ang dumi ng mga bata na nag tatakbuhan. Pero ang mahalaga, ligtas sila dito-ligtas sa panganib na kaakibat ng labas. "Adyan na sila!!!" Masayang ani ni Gab sabay turo kay Khal El at Alas. Napangiti si Khal El nung nakita nya ang ngiti ng dalawa. "Mukang success ah" mahinang ani ni Gee. Bumukas ang dalawang pinto ng van sa harap at pumasok si Khal El at Alas. Binigay naman ni Khal El ang metallic suitcase kay Alas at nilapag naman to ni Alas sa hita nya. Lumingon ang dalawa sa mga kasama nila at ngumiti. "Success, ang saya nya nung nabigyan namin sila ng cure" Masayang ani ni Khal El, bigla naman sila nakarinig ng hagulgol kaya napatingin sila kay Alas na naka yuko na-naka harang ang buhok nya sa mata nya habang pinupunasan ang luha nya. "Uy! Alas!" Ani ni Gee at napa busangot. "Yaan nyo sya, kung nakita nya lang ang sitwasyon ng mga tao sa loob pati yung matanda na namumuno sakanila talagang maiiyak kayo" mahinang ani ni Khal El at inayos ang upo nya sabay hawak sa manubela. "Saan tayo, next?" Tanong ni Khal El habang hindi parin naalis ang tingin sa daan. Napatingin sa paligid sina Gab, kitang kita mo ang pag bagsak ng city nila. Dati sobrang ganda nito ngayon napuno na ng lagim. Ang dating daan na maraming tao na nag tatawanan ay napalitan na ng mga taong wala na sa kanilang matinong pag iisip. Mga tawanan na napalitan ng mga nakakatakot na ungol. "Taichi Samurai class" bulong ni Luna, Napatingin naman sakanya sina Gee. Bulong lang yun pero rinig na rinig nila dahil nga sobrang tahimik ng sasakyan. Napatingin naman si Yico sa girlfriend nya. Tumatak sa utak nya ang lugar na yan. Dyan sila unang nagkakilala ni Yico. "Anong meron doon, Yico?" Tanong ni Gee, nakatingin parin sa labas si Luna. "Doon ako kukuha ng katana" ani nya. "Ituro mo ang daan, Luna. Kukuha tayo ng katana mo" ani ni Alas habang pinupunasan ang sarili nyang luha. Tinuro naman ni Luna ang daan papunta sa dati nilang building. "Ayan, yang mala Japanese style na building" turo nya, ngunit mas natuon ang atensyon nila sa isang zombie na nasa harap mismo ng building. Mukang paligoy-ligoy lang ito dito-nag hahanap ng makakain. "Sagasaan mo" ani ni Yico sa likod nya, narinig ng infected ang ingay na ginawa ng van nila kaya napatingin ito sa kanila, umungol ito- ngunit bago pa ito sumugod sa sasakyan nila agad nang sumalubong ang van sakanya. Nagpakawala ito ng ingay na di mo inaakala at malakas na tumama ang katawan nito sa salamin ng van kaya medyo nagulat si Alas. Tumigil naman ang van at sumunod na nahulog ang katawan ng nasabing infected sa daan. Nag iwan pa ito ng bakas ng dugo sa salamin nila at tumulo pababa. "s**t" mura ni Alas at binuksan ang windshield ng van. Sumabay ang mata nila sa kaliwa't kanan na pag galaw nito. Medyo kumalat ang dugo sa salamin ngunit dahan dahan din itong nawala. "Wow" bulong ni Gee, nabalik sila sa wisyo nung binuksan ni Luna ang pinto ng van na nasa tabi ni Yico. Pag bukas nito agad na bumulaga sakanila ang hindi ka-aya aya na amoy ng paligid. Bumaba si Luna at sumunod naman si Yico at ang iba pa. May hawak na mga baril sina Gee habang si Jasmin at Ashley naman ay crossbow. Medyo gumawa ng ingay ang pag sara ng van pero hindi naman ganoon kalakas para makakuha ng atensyon ng mga infected. Humarap silang lahat sa nasabing building. Halos hindi mo na mabasa ang nakasulat sa building dahil sa tagal na tong hindi naalagaan. Huminga ng malalim si Luna-hindi na pinansin ang kakaibang amoy. Dahan dahan silang nag lakad palapit sa entrance ng nasabing building. Naiwang naka bukas ito-kung paano ito iniwan dati ganoon parin ito ngayon. Nauna si Gee at sa likod naman si Alas. Alerto silang nakatingin sa bagong paligid nila. Sa oras na nakapasok sila sa loob-agad silang binati ng dilim. Pero hindi naman ganoon ka-dilim, yung kaya lang ng mata. Tumalon sa mga sulok ng building ang mga yapak ng paa nila. Dahil nga sa sobrang tahimik dito, konting ingay mo lang ay maririnig na. Tumigil si Luna sa harap ng mga katana at Japanese writings. Itong mga katana na naka display dito ay pag mamay-ari ng mga bihasa at kilalang samurai sa pamilya ng Taichi. Naramdaman naman ni Luna na tumabi si Yico sakanya at tumingin din dito. Habang yung iba naman ay mangha na nakatingin sa mga katana at Japanese writings. "Anong nakasulat dyan?" Tanong ni Jasmin sabay turo, tumingin naman si Luna doon at binasa ito. "**なしでは*も**しない " "Without labor, nothing prospers" basa nya, napa wow naman sila. Wala mangha sila. Napangiti naman ng bahagya si Yico at tumingin din doon. Marami syang naalala dito. Dito yung unang beses silang nag kita ni Luna. Wala syang kamalay-malay na yung babaeng bumati sakanya dito ay ang babaeng magpapasaya sakanya. "Alam nyo ba, dito kami unang nagkita ni Yico. Nahuli ko syang parang tanga na nakatingin dito" biglang ani ni Luna kaya tumawa ng mahina ang iba. Napa busangot naman si Yico. "Oo, tanda ko pa yung araw na yon. Naka suot ka ng itim na kimono-s**t ang hot mo non tapos may dala kang katana at maayos na naka tali ang buhok mo non-s**t, tapos yung nag simula kang mag Japanese saakin-ugh heaven" parang timang na ani ni Yico kaya weird na tumingin sakanya ang mga kasama nya. "What the fuck...." bulong ni Luna kaya nabalik sa wisyo si Yico. Medyo napunta lang naman sya sa Yico world nya. "A-ah..shit-teka mali. Biro lang yun" natataranta nyang ani, napailing naman si Gee. "Pre, Alam naming di ka nag bibiro. Wag ka ng mahiya parang di mo naman sinabi saakin na nababaliw ka pag tinatawag ka nyang architect-ops nadulas" pang aasar ni Gee kaya sinamaan sya ng tingin ni Yico. "Problema nyo ni Jasmin at gina-expose ako?" Bulong nya. Kinuha naman ni Luna ang naka display ba katana, kumuha sya ng dalawa at binigay kay Yico ang isa. Inangat ito ni Luna at tiningan ito ng mabuti. Hindi ito katulad sa mga normal na katana dahil may naka naka ukit na Japanese characters dito. "Nice" ani ni Yico habang tinitingnan ito. Tumingin naman ang iba sa paligid. "Lahat ba ng studyante dito, naging infected?" Tanong ni Alas at tiningnan ang magulong paligid, tumungo naman si Luna at nag lakad. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Aiko sakanya, tinuro nya naman ang isang silid at ngumiti sakanila. Hinayaan nalang nila ang babae dahil alam nilang kaya nya naman ang sarili nya. "So, mag la-lalakad narin ba tayo?" Tanong ni Ashley, nagkabit balikat lang si Charlie. Tumigil si Luna sa isa sa mga practice room nila dito, nakaiwang bukas ang pinto dito at sobrang gulo sa loob. Dahan dahan syang pumasok at tumingin sa paligid nya. Agad nyang nakita ang sarili nya repleksyon sa malaking salamin na meron sa training room. Tuluyan syang pumasok sa loob at tiningan lang ang sarili salamin. Sa isang taon, maraming nag bago sakanya. Hindi na sya yung babae na laging naka suot ng kimono, hindi na sya yung babae na walang emosyon ang mukha at yung babae na hindi masyado nag sasalita. Maraming nag bago sakanya. At binago sya nila. Nabalik sya sa wisyo nung makarinig sya ng nakakatakot na ungol. Agad nyang hinawakan ng mahigpit ang katana nya at agad na humarap sa infected. Handa na syang patayin ito-handa ng binyagan ang bago nyang katana. Ngunit natigilan sya sa nakita nya. Parang bigla syang napako sa kinatatayuan nya.Biglang nawala ang lakas ng loob nya. "S-sensei.." mahina nyang ani. Nasa harap nya lang naman ang minsan ng naging tatay sakanya. Yung nag aalaga sakanya sa tuwing iniiwan sya ng tatay nya dito. Nakatayo-ngunit hindi na ito ang sensei na kilala nya. Halos gutay-gutay na ang suot nitong kimono at may mga bahid na natuyong dugo. Wala ng itim ang mga mata nito at mukang naaganas na. Nanatili syang nakatingin sa nilalang na nakatayo sa harap nya. Dahan dahang bumaba ang kamay nya na may hawak na katana. Nag pakawala ito ng malakas na ungol ngunit di lang naman natinag si Luna. Kitang kita mo ang pagtulo ng laway nito na may halong dugo sa bibig nito at tumulo rin sa sahig. Agad itong sumungod kay Luna na nanatiling naka tayo sa lugar nya. Hindi lang naman gumalaw kahit ni-pulgada. Alam nya. Kitang kita nya na papalapit na sakanya ang ito. Dapat may gawin sya. Alam nya kung ano yon. Ngunit di nya kaya. Mahirap pumatay ng isang infected lalo na pag malapit ito sayo. Rinig na rinig nya na ang mga malalakas at nakakatinding balahibo nitong mga ingay ngunit nanatili lang sya sa lugar nya. Nanatiling nakatingin sa taong minsang nag bigay ng ngiti sa mga labi nya. Alam nya, pag hindi sya kumilos katapusan nya na. Ngunit mukang nabalik sya sa wisyo nya ng may tumulak sakanya pa-gilid kaya tumama ang katawan nya sa sahig ng silid-nabitawan nya ang katana nya kaya gumawa rin ng to ingay. Sunod naman syang nakarinig pag bagsak ng isang pang katawan sa tabi nya at tunog na parang may tumama sa salamin. Napa ungol sa sakit si Luna at kinuha ang katana nya at naupo, napatingin sya sa taong tumulak sakanya at agad na nag tagpo ang mata nila ni Yico-tiningan nya ng masama si Luna bago nya kinuha ang katana nya at agad na tumayo. Hindi na ininda yung takot at sakit ng braso nya dahil sa pag tama sa sahig. Ni-posisyon ni Yico ang katana na hawak nya sa hangin at inantay ang pag harap ng naturang infected na tumama sa salamin. Nabasag ang salamin at may iilang bubog ang bumaon sa muka ng infected. Umungol ito na parang aso at humarap sa dalawa at gumawa nanaman ng ingay. Bigla itong tumakbo papunta sakanya. Hinawakan ni Yico ng mahigpit ang katana nya at pikit matang hinataw ang sandata sa leeg nito na dahilan ng pag hiwalay ng ulo sa katawan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD