9 na ng gabi at andito pa si Aiko, nakatingin sa microscope-pinag mamasdan ang reaction ng virus sa ginawa nyang vaccine. Katabi nya naman si Khal El na nag susulat ng formula sa notebook. May maliit na ilaw sa harap nila, nag bibigay ng mas ayos na liwanag sa ginagawa nilang dalawa.
Napa ayos ng upo si Aiko sabay langhap ng hangin.
Kinain lang ng virus ang unang vaccine na ginawa nila.
"Hindi gumana, Khal" mahinang ani ni Aiko, bakas ang dismaya sa boses nya. Nilapag ni Khal El ang ballpen nya sabay tingin sa girlfriend nya.
"Aiko, relax. Trial and error tayo diba?" Mahinang ani ni Khal El para kumalma si Aiko. Pinadaan ni Aiko ang mga daliri nya sa buhok nya at napa pikit.
"Tama tama, hindi tayo nag mamadali" bulong nito kaya napangiti narin si Khal El.
"Tapos alam mo ba? Pina-gitara ko ng despacito si Yico!" Ani ni Gee sabay tawa. Napatingin naman ang dalawa kala Jasmin na kakapasok lang sa kwarto.
"Bakit hindi pa kayo natutulog?" Tanong ni Jasmin at naupo sa kama nila ni Gee, nahiga naman si Gee sa kama.
"May ginagawa pa kami" sagot ni Aiko, kaya napailing si Jasmin.
"May bukas pa, bukas nyo na gawin yan. Ikalma nyo mga utak nyo" saad ni Jasmin, dumapa naman si Gee at tumingin narin sa dalawa.
"Sige kayo nyan, mauubos brain cells nyo tapos wala na kayong ipapamana sa mga anak nyo" biro ni Gee, tumawa naman si Jasmin at Khal El habang si Aiko ay namula.
Basta mga ganyang usapan hindi nya talaga ma-take. Namumula sya sa tuwing naiisip na magkakapamilya sila ni Khal El.
"Okey, okey! Matutulog na tayo" ani ni Khal El kaya nabalik sya sa wisyo. Tumayo naman si Khal El sabay unat-sumunod narin si Aiko sakanya.
Sa oras na nag tama ang likod nilang dalawa sa kama agad silang napapikit at na relax. Kanina pa kasi sila naka upo doon at ginagana ang utak nila.
Huminga ng malalim si Khal El at sinasamsam ang pakiramdam. Napangiti naman si Jasmin nung makita nyang halos agad na nakatulog ang dalawa.
"Patay mo na ang ilaw, Gee" bulong ni Jasmin, lumingon pa si Gee sakanya at tiningnan sya ng ilang segundo.
Gee, kalma. Nahahawa ka nanaman sa dumi ng utak ni Yico.
"Ah, okey" ani nya at tumayo sabay patay sa ilaw at bumalik sa kama.
Agad naman syang niyakap ni Jasmin sa oras na nahiga na sya.
"Hindi ka lang naman nag bihis alam mo yon?" Ani ni Jasmin, tumawa naman si Gee.
"tinatamad na ako" sagot nya, niyakap sya ng mahigpit ni Gee at ganoon rin sya. Nanatiling bukas yung bintana sa silid nila na nag bibigay ng konting liwanag na galing sa buwan at isang malamig na simoy ng gabi.
Sinubsob ni Jasmin ang muka nya sa dibdib ni Gee at komportableng ni-pwesto ang kamay nya sa bewang nito.
Dahan dahan naring napapikit si Gee -ngayon lang sya tinamaan ng pagod. Parang bigla syang sinipa nito.
Aksidente namang nasagi ng kamay ni Jasmin yung back pocket ni Gee at may naramdaman syang kung ano doon parang pakete ng kung ano.
Nag tama ang dalawang kilay ni Jasmin at tumingin sa muka ni Gee na mukang unti-unti ng napupunta sa dream land nya. Dahan dahan na pinasok ni Jasmin yung kamay nya sa bulsa para kunin kung ano man yung nandoon.
Pagkain ba to? Candy? Bubble gum?
Nung nakuha nya to agad nyang inangat ang kamay nya at tinapat ito sa liwanag ng buwan upang makita kung ano ang mistoryosong pakete.
Tiningan nya to ng mabuti at binasa.
"Durex, long lasting, XL con—" bigla syang natigilan sa pag babasa at nanlaki ang mga mata nya. Hindi sya makapaniwala sa nabasa nya at lalo na sa hinahawakan nya.
"WHAT!?" Bigla syang napaupo at nabitawan ang naturang bagay kaya nahulog ito sa kama. Agad namang nagising si Gee at napaupo rin.
Napaupo rin sa gulat si Khal El at Aiko na natutulog na kanina.
"Jasmin!? Bakit!? Anong problema!?" Taranta ni Gee sabay tingin sa babae. Bumukas naman ang ilaw ng kwarto binuksan ni Khal El.
Agad na bumungad ang namumulang muka ni Jasmin, halos hindi sya makatingin kay Gee na puno ng pag aalala na nakatingin rin sakanya.
Bumaba ang tingin ni Gee sa binigay ni Yico sakanya kanina lang kaya agad na nanlaki ang mata nya.
"s**t" mura nya, napatingin sya muli kay Jasmin na grabe parin yung pamumula at nakatingin sa labas. Awkward yung atmosphere nila ngayon.
Napakamot naman si Aiko sa ulo dahil nasira ang tulog nya.
"i-I can explain! Si Yico nag bigay yan! H-hindi ko naman tanggapin! K-kaso umalis sya agad!" Paliwanag ni Gee, napatingin naman si Jasmin sakanya sabay cross arms.
"Talaga lang hah?"
Napa groan naman si Gee.
Hindi nya alam paano ipaliwanag ng maayos.
"Binigyan ka rin pala non?" Biglang tanong ni Khal El, agad na napatingin si Aiko sakanya. Parang biglang nawala yung antok nya.
"So? Meron ka rin nyan!?" Sigaw ni Aiko sakanya, halos hindi mapinta ang muka ni Khal El na nakatingin kay Aiko at napakamot ng ulo.
"H-hah? W-wala! Di ko tinanggap!" Pag sisinungaling nya.
Kasi naman, daig pa ng tindero sa tabi tabi si Yico. Hindi ka maka hindi, kaya wala syang magawa at tinanggap nalang at tinago.
"Bat ang daming ganyan non?" Saad ni Jasmin at tiningnan ng masama si Gee na parang gusto ng maiyak sa nangyayari.
"malay ko doon, nangongolekta siguro.." bulong ni Khal El kaya napailing ang dalawang babae.
"Bakit pakiramdam ko, pinag uusapan ako?" Mahinang ani ni Yico, napatawa naman si lun6 sakanya.
"Matulog ka nalang nga" ani ni Luna at kinumutan ang sarili, pipikit na sana sya kaso kinalabit pa sya ni Yico.
"Ano nanaman?" May halong inis na ni Luna.
"Dito ka sa taas ko"
Tumingin lang sakanya si Luna na parang 'sira ka ba?'
"Matulog, matulog lang" dagdag ni Yico, pero nakatingin parin si Luna sakanya kaya napairap nalang si Yico-umirap naman si Luna at pinikit ang mga mata nya. Nais nya lang matulog ng maayos kahit isang gabi lang.
Niyakap naman sya ni Yico, akala nya matutulog nalang din ito at kunwari hindi nya sinabi yung kanina pero mukang nag kakamali sya nung bigla nahiga si Yico sa likod nya kasama sya kaya ngayon nasa ibabaw na sya ni Yico.
"what the f**k" bulong nya at aalis sana pero niyakap sya nito ng mahigpit kaya nasubsob ang muka nya sa crook ng leeg ni Yico.
Kakagaling lang sa banyo ni Alas, pag pasok nya palang sa kwarto nilang agad na bumungad sakanya si Ashley na mukang problemado. Tumingin din sya sa tinitingnan ni Ashley at agad na napakunot ang noo nya dahil sa pag tataka.
Iisang kama lang tinutulugan ni Charlie at Gab.
Agad syang napakamot sa ulo nya.
Sila kasi ni Ashley ang natutulog ng tabi ayaw kasi ni Ashley na iisang kama lang ang dalawa.
"Bakit yan?" Tanong nya sabay turo sa dalawa, wala naman problema kasi magka-talikod silang dalawa.
"Kanina ko pa ginigising ang mga yan, ayaw magising" naka cross arms na ani ni Ashley, napatawa naman si Alas dahil mukang na-utakan sya ng dalawa.
"So, saan ako matutulog nyan?" Tanong ni Ashley habang naka tingin kay Charlie na parang bata na natutulog. Napakamot naman ng ulo si Alas.
"Dito ka na sa kama namin, sa sofa nalang ako" malumanay na ani ni Alas at kinuha ang kumot at unan nya sa kama nila ni Charlie.
Tumigil pa sya sa harap ni Ashley at ngumiti saka hinawakan ang doorknob ng pinto.
Nung naramdam ni Ashley ang pag lagpas ni Alas sakanya napa kurap sya.
Parang may dapat syang sabihin kay Alas
pero hindi nya alam kung paano nya ba talaga sasabihin. Napalunok sya at huminga ng malalim.
"Alas..." mahina nyang tawag, napatingin naman si Alas sakanya.
"Hmn?"
"p-pwede naman iisang kama lang tayo.." bulong nya, napataas ang dalawang kilay ni Alas dahil sa sinabi ng babae.
"Hah?"
Agad na napadilat si Gab sa narinig nya, nakatalikod kasi sya sa pinto kaya di sya kita ng dalawa.
Naramdaman nya namang gumalaw si Charlie kaya humarap rin sya kay Charlie.
"Success" bulong ni Charlie sabay pasimpleng pakita ng palad nya, napangiti naman si Gab at simpleng apir din.
Naiinip na sila sa dalawa kaya sila na nag gagalaw para sa dalawa.
Tahimik ang buong bahay, natutulog ang lahat pero nabago ang lahat nung may
bumasag ng komportableng katahimikan.
Agad na napadilat si Gee at napaupo kaya nagising rin si Jasmin.
"Gee?" Antok na ani ni Jasmin, napakunot ang noo ni Gee at tumingin sa paligid.
"May naririnig ako.." bulong nya at tumayo sa kama.
Nagising naman din si Khal El sa komusyon ng dalawa, napa kusot sya ng mata nya.
"anong meron?" Ani nya, napaupo si Jasmin sa kama at tumingin kay Khal El.
"May naririnig daw sya" mahinang ani ni Jasmin sabay turo kay Gee na binuksan ng konti ang bintana at sumilip. Napataas lang ng kilay si Khal El at nag unat.
"Matulog ka na ulit, Gee. Sina Yico lang yun, wala ng bago" bulong nya at hihiga na sana ulit.
Napatawa naman ng mahina si Jasmin.
Pero mukang hindi benta kay Gee yon dahil seryoso parin syang nakatingin sa labas na parang may hinahanap.
May nararamdaman kasi syang hindi maganda.
Nag tama ang dalawang kilay nya nung may nakita syang van sa malayo. Wala naman yan dyan kanina.
"s**t" bulong ni Gee at agad na lumayo sa bintana at bumalik sa kama nila ni Jasmin sabay luhod at kuha ng baril sa ilalim nito. Doon na napaupo ulit si Khal El at medyo na alerto na.
"Gee?"
Agad na nilagyan ni Gee ng bala ang baril nya, rinig na rinig mo ang ingay nito kaya nagising na rin si Aiko.
Tumayo si Gee at sumenyas na wag maingay.
May naririnig kasi si Gee na mga yapak, paniguradong hindi yun sa infected dahil pag infected yon maririnig nila ang mga ungol nito pero hindi, mga mahihinang bulong ang naririnig nya.
At sigurado syang di isa sakanila yun.
Dahan dahan nyang binuksan ang pinto ng kwarto at agad na bumungad sakanya ang madilim na sala nila.
"Gee"
Halos mapatalon sya sa gulat nung may tumawag sa pangalan nya, napatingin sya sa kanan nya at halos mapatalon sya sa gulat ng makita nya si Luna na may hawak na katana. Katagal nyang di nakita ang katana na yan dahil yung mga lalake nalang ang lumalabas.
Sa likod nya si Yico na walang pang taas.
"Bakit ka walang damit?" Pabulong nyang tanong, tiningnan lang sya ni Yico na parang nababaliw na si Gee.
"Hindi ako nag dadamit matulog" bulong nya pabalik, napataas lang ng kilay si Gee.
Nakarinig nanaman sila ng pag bukas ng pinto kaya agad silang napatingin doon.
Lumabas sa kwarto si Alas na may dalang baril, kitang kita mo sa itsura nito na bulabog ang tulog nya.
Magulo ang buhok nilang lahat pero isinantabi nalang nila yon, mas naka tuon ang atensyon nila sa kung sino man ang nag babalak pumasok sa bahay nila.
Dinikit ng lalake ang tenga nya sa pinto ng bahay.
Isa sya sa mga lalake sa pharmacy kanina at napag utusan sya na pasukin ang bahay ng unit F at mag hanap ng bagay na kahinala-hinala.
Hindi nila kinagat yung palusot ni Yico, dahil walang gago ang halos magpakamatay para lang sa isang pregnancy test.
At gusto rin nila maka siguro kung talaga bang may babae silang kasama dito.
Kung ano anong bagay ang tinusok ng lalake sa doorknob para bumukas ito. Sa oras na narinig nya ang pag bukas ng lock nito, agad syang napangiti sa saya at pinupuri ang sarili sa isipan nya.
Masaya nyang hinawakan ang door knob at walang ingat na binuksan ang pinto, ngunit sa di inaasahan—sa oras na tumapak ang isa nyang paa sa loob, agad na may sumalubong na katana sa leeg nya, halos nawala ang dugo sa muka ng lalake. Ilang pulgada nalang ang layo ng matalas na piraso ng bakal sa leeg nya.
Dahan dahan syang tumingin sa gilid nya at agad na nag tama ang tingin nya kay Luna na walang emosyon na nakatingin sakanya. Sumunod namang bumukas ang ilaw ng sala kaya nagulat sya, napatingin naman sya sa harap nya at agad na napalunok at pinag pawisan.
Naka tutok lang naman sakanya ang dalawang baril nila Gee at Alas.
Madilim at seryoso silang nakatingin sa lalakeng may masamang balak sa bahay nila.
"At sino ka namang gago ka?" Madilim na ani ni Yico habang naka cross arms.
Sa ikalawang pagkakataon, napalunok nanaman ang lalake at halos hindi maka salita-hindi nya rin alam ang sasabihin nya.
Halos hindi makatingin at lalong hindi mapakali ang lalake. Ikaw ba namang may katana sa leeg at lalong may dalawang baril na nakatutok sa kanya.
"Hindi ka talaga mag sasalita?" Ani ni Gee habang diretsyo ang tingin sa lalake.
Hindi sya nag salita kaya naiinip na si Yico at Alas.
"Tangina, di ka ba marunong mag salita!?" Sigaw ni Yico, halos mapatalon naman ang lalake sa ginawa nya.
Doon naman napalabas si Jasmin, Aiko, Gab at Ashley.
Napatingin ang lalake sa apat pag babae na lumabas-tila'y binibilang ito.
Napansin ni Alas ang tingin ng lalake sa apat sa likod nya kaya napatingin sya doon.
"KHAL EL!" Tawag ni Stell, agad namang lumabas si Khal El habang naka kamot sa ulo nya. Agad namang nanlaki ang mata nya nung nakita nya ang hindi pamilyar na lalake.
Sinenyasan sya ni Alas na papasukin ang apat kaya tumungo naman sya.
"Girls, balik na tayo sa loob.." mahinahon na ani ni Khal El at hinawakan ang likod ni Aiko at Gab at mahinang tinulak ito. Puno ng pag tataka ang muka ng apat pero sumunod na din.
Nag tama pa ang mata ni Jasmin at nung lalake bago sya sumunod sa iba.
"Tol, ano bang pakay mo?" Mahinahon na ani Gee, nag tagpo naman ngayon ang mata nila ni Gee.
Kinakalma ni Gee ang sarili nya.
"Tangina, lumayas ka na nga dito" inis na ani ni Alas.
"Wag ka ng bumalik, wala kang mapapala" dagdag ni Yico, agad namang napatungo ang lalake.
Binaba ni Luna ang katana nya at tinuro ang labas, napatungo naman ang lalake-bakas ang takot sa muka nya.
Sinara ni Luna ang pinto.
Napababa na ng baril ang dalawa at napa langhap ng hangin.
"anong pakay non?" Ani ni Gee at hinawi ang buhok nya.
"Hindi yon magnanakaw. Kasi naman, bakit pa sya mag nanakaw kung libre naman ang lahat sa mga mall?" Ani ni Yico at naupo sa sofa, napatungo naman si Luna.
Nag isip naman si Gee.
Ano bang pakay non?
Ano ba ang meron sakanila na wala sa mga mall?
Bagay na meron sila na gusto din ng iba.
Agad namang pumasok sa isip ni Gee yung mga lalake na nakasalubong nila sa pharmacy.
"So, may babae kayong kasama?"
"Wala bang share dyan?"
"Hindi kami tanga, Unit F. Hindi kayo susugod doon para lang sa pregnancy kit. Babantayan namin kayo"
Parang isang pelikula ang lahat na bumalik sa alala nya.
Agad na nanlaki ang mga mata nya.
"Yung mga lalake sa pharmacy..." bulong ni Gee, napalingon si Yico at Alas sakanya habang napakunot lang ang noo ni Lunawalang alam.
"B-Boss, nahuli nila ako" nanginginig na ani ng lalake, tiningnan nya ng sobrang sama ang myembro nya.
Yung takot ng lalake sa bahay nila kanina ay parang mas nadagdagan pa dahil sa tingin ng boss nya.
"Bobo! Simple lang naman ang pinagagawa ko sayo!" Puno ng galit nyang ani kaya napatingin sa baba ang lalake.
"Ngayon, may nakita ka bang kahinahinala? Or kahit ano na ikatutuwa ko?" Ani nya ulit, napalunok naman ang lalake at dahan dahan na inangat ang ulo nya. Medyo nanginginig pa ang kamay nya dahil sa takot at tumatagaktak rin ang pawis nito.
"O-00! Confirmed, may babae silang kasama sa bahay nila" ani ng lalake, napataas naman ang kilay ng naturang boss nya.
Isang taon. Isang taon naging uhaw na ang mga tao sa mga kasalanan.
At isa na doon ay ang pagka uhaw nila sa babae.
Wala na silang sinasamba. Wala ng pakealam sa batas dahil nga sila na ang bagong batas. Wala na ring pake kung dugo ng normal na tao na ang dumanak sa mga kamay nila.
Napasandal ang boss nila sa upuan nito sa van at tiningan ng mabuti ang lalakeng medyo nanginginig parin sa takot ngayon.
"Lima...lima ang nakita ko.." ani nito, napaangat ang dulo ng labi ng boss nya.
"Yung mga batang yun, diba lima rin yung mga lalake na yon?" Dagdag ng isa nya pang myembro.
Tumungo-tungo naman ang iba.
"Babantayan natin ang bawat galaw nila. May pakiramdam ako na may balak gawin ang mga yan" madilim na ani ng boss, tumungo naman ang iba na nasa loob ng van at bakas ang madilim nilang mga ngiti.
Nakita nila sila Gee na kumuha ng laboratory supplies, ilang buwan na nakakalipas.
Hindi na ulit natulog ang iba.
Naiwan si Gee, Alas, Khal El, Ashley, Yico, Luna at Jasmin sa lamesa.
Bumalik naman sa pagtulog ang iba, lalo na si Aiko dahil pagod ang utak at mata nito.
Tanging mga mahinang pag tama ng daliri ni Ashley sa lamesa ang maririnig sa buong sala. Nag tinginan lang silang lahat hindi alam ang sasabihin.
"So, may naka bantay na sa atin?" Pag babasag ni Jasmin sa katahimikan.
Tumungo naman si Gee, nakalapag rin sa lamesa ang baril nila at katana ni Luna.
Pinatong ni Alas ang dalawa nyang siko
sa lamesa at nilibot ang tingin nya sa mga taong nakaupo.
"Malakas rin ang pakiramdam ko na yung mga lalake sa pharmacy ang nasa likod ng lahat at yung mga lalake na yun ang Unit A"
"Sila ang nag simula ng unit-unit sa mga Grupo ng survivors, basically sakanila nakasa ang ibang unit. From supplies hanggang pagkain, dahil sila lang ang may lakas ng loob ang sumugod sa mga infected. Lalake lang lahat ang myembro ng Unit A at mainit na ang mata nila saatin dati palang dahil nga hindi tayo umasa sakanila, namuhay tayo sa sarili natin" saad ni Alas, napakunot naman ang noo ng mga babae dahil wala silang alam na may Unit-unit pala.
"Wait, may unit-unit pala? So? Ilan ang unit lahat dito sa city?" Tanong ni Ashley.
"Anim, at tayo ang pang huli. Sa tuwing
nagkakasulobong kami lagi nila kaming
tinatawag na Unit F" sagot ni Gee at napa cross arms na. Namangha naman ang tatlong babae dahil ngayon lang nila nalaman ang mga to.
"Anong kailangan nila saatin?" Antok na ani ni Yico, naka patong narin ang siko nya sa lamesa at yung ulo nya naman ay nakalapag sa palad nya.
Napatingin si Gee sa tatlong babae at bago bumalik ang tingin sa mga lalake.
Mukang nakuha naman to ni Khal El.
"Hindi ako sigurado, pero mukang may balak sila mga babae" ani nya, nanlaki naman ang mata ni Yico kaya nawala ang antok nya.
"Teka...kami?" Mahinang tanong ni Luna sabay turo sa sarili nya, tumungo naman si Alas at Gee.
"Diba, hindi namin kayo pinapalabas? Kasi alam namin na delikado pag nalaman ng Unit A na may mga babae kaming kasama. Lalake ako, kaya alam ko kung ano ang takbo ng utak nila" saad ni Alas, pinanliitan naman sya ng mata ni Ashley.
"Kung pino-protektahan nyo kami. Bakit nyo naman kami iniiwan lagi dito sa bahay?" Tanong nya, sumang ayon naman ang dalawa.
"Ashley,wala silang ideya sainyo nung mga oras na yon at di naman sila mag hihinala kasi kompleto kaming umaalis kaya akala nila walang tao dito" sagot ni Alas sakanya.
"Ano ng plano ngayon?" Tanong ni Khal El sa kanila. Natigilan naman sila.
Ano na ba talaga ang plano?
"Kung mag pla-plano tayo, dapat kompleto tayo. Bukas, mag uusap ulit tayo" ani ni Alas at tumayo sa upuan nya.
"Dito na kami ni Yico, Gee at ako sa labas matutulog for safety. Kayo,lalo na girls. Bumalik na kayo sa kwarto"
Tumungo naman sila at nag-si tayo at antok na nag lakad papunta sa mga kwarto nila.
Nag tungo naman ang tatlo sa sofa at naupo don.
"ano na?" Tanong ni Gee, huminga ng malalim si Yico.
Kahit sila, hindi alam ang gagawin-hindi pa gumagana ng maayos ang mga utak nila ngayon.