Cure

3930 Words
Tunog ng bakal na nag tama sa kahoy ang tanging maririnig mo sa baba ng bahay. Tapos na nilang linisin ang mga kalat-pati ang labi ng mga infected na tinapon nila malayo sa kanila. Pati yung kawali na ginamit ni Ashley tinapon narin nila dahil, sino bang gustong kumain sa kawali na bumaon sa ulo ng infected? Baka mamaya ma-infect pa sila. Nag sisibak ng kahoy si Yico, tamang flex lang ng katawan nya-joke. Minsan na kasi syang tinatawag na batugan. Biglang may sumipol sakanya kaya napatingin sya sa taas, tumambad sakanya si Luna na naka tingin sa kanya. "wag ka magulo, Luna. Nag sisibak ako" ani nya at pinagpatuloy ang ginagawa nya, napatawa naman si Luna. "Bakit ka ganyan saakin, Daddy?" Biro ni Luna kaya napatingin nanaman sakanya si Yico at pinanliitan ng mata ang babae. Tumawa nanaman si Luna saka bumalik sa loob kaya napailing nalang sya. "baliw" bulong nya sa sarili nya at nag sibak ulit. Lumabas naman si Gee dahil naintriga sa ingay sa labas,nag tama lang ang dalawang kilay nya habang may hawak na kape sa kanang kamay nya. Nag tataka sya ba't nag sisibak si Yico. "Yico, bat ka nag sisibak?" Tanong ni Gee. "Duh, para pang gatong" mataray na ani ni Yico at pinagpatuloy ang pag sisibak nya. Pinigilan lang ni Gee ang sarili nya na matawa sa ginagawa ng lalake. "Yico, naka electric stove tayo" simpleng ani ni Gee, natigilan si Yico sa ginagawa nya at binitawan ang palakol na hawak nya at tiningnan si Gee na parang may dalawang ulo ito. "What the f**k? Bakit hindi ko alam?" Reklamo nya, napa buga ng hangin si Gee sabay kamot sa batok nya. Hindi naman kasi observant si Yico sa paligid kaya wala syang alam. "Isang taon ka ng nakatira dito, tapos hindi mo lang alam na naka electric stove tayo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Gee, napa irap lang si Yico. "Nag sayang pa ako ng pawis at lakas" bulong nya at sinipa yung kahoy na sinisibak nya kanina at umakyat na din. Papasok na sana sya ng may naalala sya kaya bumalik sya kay Gee. "Pre" mahinang tawag ni Yico, kaya napatingin si Gee sakanya. Sobrang lapit nilang dalawa. May kinuha naman si Yico sa bulsa nya at kinuha rin kamay ni Gee. Weird lang na naka tingin si Gee kay Yico. Binuksan ni Yico ang kamay ni Gee at may nilapag doon-alam mo yung mga nag pupuslit ng droga. Parang ganoon sila ngayon. "Sayo na yan" bulong ni Yico sabay tapik sa likod ni Gee at kumindat bago pumasok. Napanganga lang si Gee na tumingin kay Yico hanggang sa nawala na ito sa paningin nya. Tumingin sya sa kamay nya at halos hindi nya alam ang magiging reaksyon nya. Binigyan lang naman sya ng condom. "Tangina ka talaga Salvador" bulong nya. Nakarinig naman sya ng sigawan sa loob kaya napatingin sya sa pinto. Mas lumakas lang yung sigawan kaya nag mamadali syang pumasok sa loob sa pag aakala na may panganib. "N-NAHANAP KO NA! ALAM KO NA!" Sigaw ni Aiko, kitang kita mo ang tuwa sa muka nya. Naka suot ito ng lab coat at may surgical gloves pa sya. "ang alin?" Tanong ni Khal El, kasalukuyan sila na nasa dining table at nag kwe-kwentuhan. Nung nag tama ang mga mata nilang dalawa mas lalong sumigaw si Aikk at nag tatalon. "K-khal!! Yung-yung-ano! Alam ko na!" Halos hindi masabi ni Aiko ang dapat nyang sabihin, nang-gigilid na ang mga luha sa mata nya at ano man oras ay babagsak na ito. Napakamot naman ng ulo si Alas dahil hindi nya lang naman maintindihan si Aikk. "Ano yun, Aiko?" Mahinahon na ani ni Jasmin. Sobrang lalim ng pag hinga nya at halos hindi sya maka salita sa tuwa. "Y-yung-" hindi nya na natuloy dahil humagulgol na sya. Napa hawak sya sa bibig nya at umiyak. Doon na tumayo si Khal El at nilapitan ang girlfriend nya. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Aiko sabay punas sa mga luha nito. "Kalma ka muna, ano ba yon?" Mahinahon na ani ni Khal El, may kakaiba sa boses ni Khal El kaya dahan dahan sya kumalma. "A-alam ko na kung anong mali sa vaccine na g-ginawa nila Charlie" mahina nyang ani habang naka tingin sa mga mata ni Khal El. Agad na nanlaki ang mga ni Khal El-hindi sya maka paniwala. Ilang buwan na nilang inaaral ni Aiko ang lahat at sa wakas na nalaman na rin nila. "T-talaga?" Hindi nya makapaniwalang ani, ngumiti naman si Aiko at tumawa ng mahina sabay tungo. "s**t, ang galing naman ng baby ko. Kaya mahal kita" masayang ani ni Khal El sabay dapo ng labi nya sa labi ni Aiko tapos non ay niyakap ito. "awwwww" kinikilig na ani ni Gab, napatingin naman si Charlie sakanya at napangiti din. Parang biglang napuno ng pag mamahalan ang bahay nila. Napangiti naman si Jasmin ng marahan habang nakatingin sa dalawa. Saksi sya sa pinag daanan nilang lahat, saksi sya nung mag kaibigan palang sila hanggang sa naabot sa pag mamahalan. Nanatili ang tingin nya sa dalawa na nag didiwang. Napatingin si Gee sakanya at hahawakan na sana kamay ni Jasmin ng maalala yung binigay ni Yico sakanya kaya nilagay nya nalang sa bulsa nya saka hinawakan ang kamay ni Jasmin. Hindi lang naman tumingin si Jasmin pero mas napangiti sya nung naramdaman nya si Gee. Hindi man nakangiti si Luna pero kita mo sa mata nya na masaya sya sa nakikita nya. "Luna, I love you" biglang ani ni Yico kaya napatingin si Luna sakanya. Tinaasan nya to ng kilay pero nung ngumiti na to. Yung ngiti na pure, walang halong balak-doon na sya nagulat. "Alam mo yung, parang nag propose si Khal El kay Aiko ang eksena" ani ni Ashley, napa tungo naman si Alas. Sila lang naman kasi yung single dito sa bahay na to. Napa cross arms si Ashley. "Minsan nakaka bitter na rin" dagdag nya kaya napa kunot ang noo ni Alas sakanya. "Pero hindi ako nag rereklamo, masaya akong makita silang ganyan" nakangiti nyang ani kaya napangiti narin si Ashley. "Meron pala silang nalagay na maling microorganism doon na tinatawag na Lyssavirus genus, within the family Rhabdoviridae tapos meron din isang pang microorganism sa vaccine na hindi pwede ihalo sa Lyssavirus. Sa oras na mag collide yung dalawang yon-nag kakaroon ng bacterial infection at yung bacterial infection na yun ay rabies. Sobrang bilis nitong kumalat sa katawan ng tao at ang huli nitong pupuntahan ay ang utak ng tao" mariin na ani ni Aiko, napanganga naman silang lahat kasi sa sobrang bilis wala silang nakuha. "T-teka teka...ibig sabihin non hindi maganda ipag-halo yung dalawang microorganisms na yon?" Pag lilinaw ni Khal El. Tumungo naman si Aiko. Napa hawak sa baba nya si Charlie-pilit na iniintindi ang mga lumalabas sa bibig ng dalawa nyang kaklase. "Parang gasoline at apoy? Pag pinag halo mo mag kakaroon ng hinding magandang reaksyon? Mag ca-cause ng pagsabog o di kaya sunog? Parang ganoon?" Hindi siguradong ani ni Charlie, agad naman syang tinuro ni Aiko at napapalakpak si Khal El. "Tumpak!" "Proud Menardian" dagdag ni Khal El. Napa ngiti naman si Charlie, pakiramdam nya naging matalino sya ng sadlit-pakiramdam nya naging fit syang tawagin na medical student. "So, ano ng gagawin natin kung ganoon man?" Tanong ni Jasmin, napangiti naman si Aiko. "Kailangan natin alisin ang isang microorganism doon at papalitan natin ng tamang microorganism para tumama ang formula at maging vaccine" ani nya. "Ayon sa sabi ni Dr. Tan, kung vaccine ang ginagawa natin baka yun din talaga ang gamot sa virus na to" dagdag nya pa ulit. Tumungo-tungo naman sila dahil nakuha narin nila ang sinasabi ni Aiko. "Ano ang dapat na ilagay sa vaccine?" Tanong ni Charlie, napatingin si Khal El sakanya. Oo nga, ano ba talaga ang tamang formula ang ilalagay sa vaccine? Napakagat sya ng labi at nag isip ng malalim. Kung rabies ito, panigurado ang gamot ay anti-rabies din. Yun mag iiwas ng infection sa tao. Napag aralan nila to nasa dulo na ng dila nya pero hindi nya ma-point out. Isang taon narin syang kalawang. Ni-tap nya ang lamesa sa harap nya at napapikit-pilot ikalkal ang naturang sagot. "prophy-prophy..." bulong nya, basta ang tanda nya doon nag sisimula yon. "prophylactic antibiotics" ani ni Charlie, sa oras na narinig yon ni Khal El agad na nanlaki ang mata nya at napatingin kay Charlie. "Charlie! Isa kang henyo! Yon nga!" Masayang sigaw ni Khal El, napa taas ng noo naman si Charlie. "Proud Menardian!" Masayang nyang ani. Nag simulang kantahin ni Aiko ang theme song ng school nila at nakigaya narin ang dalawa. Masaya silang tatlo na kumanta sabay clap. Talagang na-miss nila yang theme song ng school nila na maririnig mo kada umaga sa radio ng campus. Napatawa naman sina Gab sa kanilang tatlo. Kung hindi nagka zombie apocalypse, siguradong magiging magaling na doctor ang mga to. "Makukuha natin yun sa mga pharmacy, kami na kukuha non" ani ni Khal El, tumungo naman si Aiko. "Kailangan ko rin ng blood samples ng mga infected. From first generation hanggang sa second" dagdag nya, napa kurap kurap naman si Gee. "Ibig sabihin ba, kukuha kami ng blood samples nila?" Tanong nya, tumungo naman ng mahina si Aiko. Napatingin si Gee sa mga lalake, nahuli nya pa si Yico na umiwas ng tingin sakanya. "Okey, boys! Let's get it!" Masayang nyang ani. Medyo na-excite kasi si Gee, imagine mo kayo na hahabol sa mga infected. How the tables turns. "Exciting to! Paniguradong ang angas nito gawin!" Excited na ani ni Gee, kita mo sa mga mata nya yung saya, tumungo narin si Alas dahil naiimagine nya palang parang nabubuhayan sya ng dugo. Napa groan naman si Yico. "Suicide yan, I'm out" ani nya at tatayo sa pagka-upo ng hinawakan ni Charlie ang dalawa nyang balikat kaya nabalik sya sa pag kakaupo. Tumingin naman sya kay Charlie at sinamaan ito ng tingin. "Saan ka pupunta? May gagawin kang importante" saad ni Gee at ngumiti ng madilim sa kaibigan nyan. Hindi alam ni Yico kung ano ang nangyari basta natagpuan nya nalang ang sarili nya na nakaupo sa loob ng Humvee habang may hawak na gitara. Halos hindi mapinta ang muka ni Yico habang nakatingin sa gitara. Hindi nya lang nga naman napansin na wala na sila sa bahay. Matapos syang hilahin papasok ng Humvee at binigyan ng gitara bigla na syang natulala. "Anong gagawin ko dito? Manghaharana ba ako ng mga infected?" Sarkastikong ani ni Yico, tumawa naman si Gee. "Oo" Natigilan naman si Yico at puno ng gulat na nakatingin kay Gee na katabi nya lang. Si Khal El kasi ang nag mamaneho at katabi nya si Alas. "gago! Seryoso ka!? Manghaharana ako!?" Napatakip naman ng tenga si Charlie dahil sa ingay ni Yico. "Alam mo ang ingay mo" reklamo ni Alas sa harap. "Damn, yan rin sabi ni Luna saakin kagabi" bulong nya, narinig parin ito ng iba dahil nga iisang sasakyan lang sila. Napangiwi naman si Khal El sa harap. Hinding hindi talaga sya masasanay sa pananalita ni Yico kahit kailan. Tumigil ang Humvee nila sa isang pharmacy. Basag ang mga salamin, naka tumba ang mga rack, makalat at halos wala ng laman. "Andito na tayo" ani ni Gee at kinuha ang baril nya, gumaya narin si Charlie sakanya. Nakatingin lang si Yico sakanila na nag hahanda ng mga baril nila habang sya gitara ang hawak. Binuksan ni Alas ang pinto nya at nalabas, inayos nya pa buhok nya at napatingin sa paligid. Sumunod naman si Khal El at nag tungo papunta kay Alas. Bumaba narin sila Yico at dala dala nya parin yung gitara dahil yun ang sabi ni Gee sakanya. Hindi nya nga alam anong gagawin nya. Napatingin si Charlie sa paanan nya, may nakita syang stuff toy. Madumi na ito, naging itim na dahil sa mansya ng dugo. Hindi nya maiwasan malungkot,sa simpleng laruan lang parang ang dami nyang nakita. Isipin mo, maraming inosenteng bata ang na-infect dahil sa mali nila. Yang mga bata na hindi lang naman naranasan na ang totoong buhay at lalong hindi lang naman nakamit ang pangarap nila. "Charlie, halika na" nabalik sya sa wisyo nung tawagin sya ni Khal El. Napatungo naman sya at nilagpasan ang naturang stuff toy. Dahil nga basag ang mga salamin nito, lumusot lang sila doon. Napalunok si Yico nung nakita nya ang loob, mas humigpit yung hawak nya sa gitara na dala nya. Alertong nakatingin ang apat habang hawak hawak ang mga baril nila. Wala naman silang nakitang kahit ano maliban sa kalat dito sa loob ng pharmacy. "Yico Salvador, Play despacito" ani ni Gee, halos hindi mapinta ang muka ni Yico na nakatingin kay Gee. Bakit sya mag play ng despacito? Para saan? "Hah?" Tiningnan naman sya ni Gee, kita mo sa mata nya na seryoso sya. Kahit naguguluhan si Yico, ni-posisyon nya nalang ang gitara nya. Weird syang tumingin sa mga kasama nya bago tinama ang daliri nya sa strings ng gitara at nagpatugtog ng despacito. Dahil sobrang tahimik sa lugar-agad na binalot ng musika ang buong pharmacy. "nice, galing naman" puri ni Alas kay Yico na naguguluhan sa nangyayari. Napatingin sya kay Gee na ngayon ay nakatingin paligid. Minsan hindi nya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nya. Nakarinig naman sila ng mahihinang ungol kaya agad na napatigil si Yico sa pag gitara. Ngumisi naman si Gee at kinasa ang baril nya sabay tutok kung saan nanggaling ang ingay. "Tuloy mo lang Yico" ani ni Gee na parang tuwang tuwa sa nangyayari. "this is crazy.." bulong nya pero dahil may tiwala sya sa mga kasama nya ginawa nya parin kahit na nanlalamig na ang mga daliri nya. Mas lumakas ang mga ungol at mga yapak. Napa kasa na si Alas ng baril at napatutok na rin si Charlie at Khal El. Biglang may lumabas na infected sa sulok, mukang pharmacist ito dahil sa suot nya. Tumingin sya ng nakakatakot sa lima na nasa harap nya. Parang naiwan ang hininga ni Yico sa lalamunan nya at at napatigil sa pag tugtog. Agad itong sumugod papunta sakanila, rinig na rinig mo yung ingay na ginagawa ng takong nito at yung parang asong sira na tunog na ginagawa nito. sya at Base sa itsura nito, mukang first generation zombie ito. Naka uniform pa kasi halatang nasa trabaho nung nangyari ang lahat. Walang alam sa nangyayari habang nakangiti na binabati ang mga costumer. "G-gee! Barilin mo na!" Sigaw ni Charlie dahil naka tutok lang si Gee ng baril sa sumusunod sakanila. Napakagat ng labi si Josh at nanatiling naka tutok hanggang sa tatlong metro nalang ang layo sakanya. "shoot" bulong nya saka pinaputok ang baril nya, sapol ito sa noo ng infected. Natumba nalang ito sa sahig at nakaluyan ng pula ang sahig. Binaba ni Gee ang baril nya at ngumiti ng inosente sa mga kasama nya. "aatakihin ata ako sayo" ani ni Khal El sabay hawak sa dibdib nya. "Wala kayo tiwala saakin?" Ani ni Gee kaya umirap lang si Alas Napatingin naman ulit si Gee sa paligid sabay kabit balikat. Sumenyas sya sa mga kasama nya na sundan sya. Nag lakad sila sa mga aisle ng pagkain, halos wala ng laman yung mga lalagay dito, panigurado kinuha ng ibang survivors. "Pupunta ako sa medicine area nila" ani ni Khal El, tumungo naman sila Alas at nag sabi pa ng ingat kay Khal El. Dahan dahan na nag lakad si Khal El papunta sa medicine area. Kahit ang medicine area nila magulo narin. Nilapag nya ang palad nya sa counter at tumingin sa cabinet ng gamot. "prophylactic antibiotic" bulong nya sa sarili nya. Hawak hawak ang baril sa kabila nyang kamay, smooth syang umakyat sa counter at tumalon sa kabila kung asan ang mga gamot. Nag simula syang buksan ang mga cabinet at nag halungkat doon. Kinuha nya ang isang gamot at tingnan ng mabuti, nung hindi ito ang hinahanap nya marahas nya tong binalik sa lalagyan at binuksan nanaman ang ibang cabinet. Nag babasa si Charlie ng expiration date ng isang bubble gum. Nung nakita nyang di pa expired to agad nya tong binuksan at kumain ng isa sabay lagay ng iba sa bulsa nya. Si Alas naman tamang tingin lang ng kahit ano na may strawberry flavor. "Yes!" Masaya ani ni Khal El nung nakita na nya ang hinahanap nya. Kanina pa sya nag hahalungkat dito nasa pinaka baba lang pala. Binasa nya pa to ulet at nilagay sa bulsa nya. Bigla naman nakarinig ng ungol si Khal El kaya napatingin sya sa employees room. Agad na nanlaki ang mata nya at halos atakihin sa gulat nung may biglang bumulaga sakanya na infected. Bago nya pa matutok ang baril nya agad na syang nasugod nito na dahilan ng pag bitaw nya sa baril nya. Pilit tinutulak ni Khal El ang infected na ilang pulgada nalang ang kayo sa kanya, iniiwasan nya ring makagat nito. "s-s**t" mura nya, natulak si Khal El sa counter kaya nahiga sya doon habang nasa ibabaw nya ang infected. Parang aso na galit ang boses nito at nakakadiri na ang itsura. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Khal El, nilalayo nya nag muka nya sa nakakadiri na nilalang sa harap nya. Napatingin sya sa gilid nya at nahagip ng tingin nya ang isang gunting. Halos pikit mata nyang inalis ang isang kamay nya sa pagkahawak sa infected nya at nilagay ang buong lakas nya sa isang kamay nya. Hindi nya pa nahawakan ito sa unang beses dahil mas nakatuon ang atensyon nya dipensa nya. Nahawakan nya na ang gulo ng guting kaya hinawakan nya ito ng mahigpit at buong pwersa na tinusok sa leeg ng infected. Umungol ito ng malakas at napa bitaw kay Khal El. Wala ng sinayang na oras si Khal El at agad na tumayo sa pag-kakahiga nya sa counter at agad na umakyat dito para maka alis sa medicine area. Napatingin sakanya ang nilalang at umungol ng malakas, naka baon parin ang gunting sa leeg nito. Tumalon rin ito sa counter-natumba pa nga pero parang wala lang sakanya at hinabol si Khal El na kumaripas na ng takbo. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib Sejun pero hindi nya na to pinansin at mas binilisan ang takbo. Gumagawa ng ingay yung sapatos nya na tumatama sa sahig sa bawat hakbang nya. Sakto naman nakita nya si Yico na may tinitingnan sa isang sulok at hawak hawak ang gitara nito. "Y-Yico!!!" Sigaw ni Khal El, napatingin si Yico sakanya at halos umalis ang puso nya sa dibdib nya sa nakita nya. "WHAT THE f**k! SEJUN!" Malakas nyang sigaw. "T-TULUNGAN MO AKO!" Sigaw ni Khal El, palapit na ng palapit si Khal El sakanya pati narin yung humahabol sakanya. Sa bawat hakbang ni Khal El palapit sakanya mas bumibilis ang t***k ng puso nya. Wala syang kahit ano na armas tanging gitara lang ang hawak nya. Kailan nya mag isip ng bilis. Pakiramdam ni Yico, nangyari na to sakanya. Parang dahan dahan na tumakbo sa isip nya yung araw na nasa Mendoza mansion sila, nung tinaga nya ng butcher knife ang isang zombie. Huminga ng malalim si Yico at hinawakan ang leeg ng gitara gamit ang dalawa nyang kamay at itinaas ito na parang baseball bat. Nakita sya ni Khal El na tatlong metro nalang ang layo sakanya-hindi na nag reklamo si Khal El dahil ang nasa isip nya ay mapatumba tong runner. "KHAL EL! YUKO!" Malakas na sigaw ni Yico, agad na yumuko si Khal El at nag slide palagpas kay Yico. Parang biglang umalis yung takot ni Yico at buong lakas na hinataw nang gitara sa muka ang zom6. Tumalsik ang dugo nito at nagkaroon run ng dugo ang gitara. Natumba ito sa sahig, pero alam nila na hindi sapat ito kaya binitawan ni Yico ang gitara at agad na hinila ang damit ni Khal El patayo at hinila ito palabas sa aisle. Nung nakalagpas na sila, sakto namang tumayo muli ang zombie pero agad na tinulak ni Yico ang rack ng pagkain. Natumba ito mismo sa zombie, at dahil nga gawa sa bakal yon-naipit sya. Yung ingay ng pag hulog ng rack ang dahilan kung bakit napa tagpo ang tatlo papunta sakanila. Hinahabol ng dalawa ang mga hininga nila at nanatiling nakatingin sa rack na natumba. Gumulong pa ang iilang lata sa harap nila. "s**t! KANINA PA NAMIN KAYO HINAHANAP!" Taranta ni Alas, napatingin sya sa rack na nakatumba. Hindi makapaniwala is Khal El sa nakita nya. Parang kailan lang nakita nya si Ashley na pumatay ng infected gamit kawali tapos ngayon si Yico gamit gitara. "H-hinampas nya ng g-gitara ang zombie" hindi makapaniwala na ani ni Khal El sabay turo kay Yico na nakatingin parin doon sa rack. Gulat na tumingin si gee6 at Charlie kay Yico. Ilang beses palang pumatay ng infected si Yico pero yung gamit nya sa pag patay hindi mo aakalain. "Woah! Astig! Apir!" Manghang ani ni Gee sabay harap ng palad nya kay Yico. Tumingin naman ng puno ng pag tataka si Yico sakanya pero nakipag apir rin. "Bro, sinasabi ko sayo! Lakas ng loob lang kailangan mo" saad ni Charlie. "Khal, nakuha mo ba yung kailangan mo?" Tanong ni alas6, tumungo naman si Khal El. "Kayo?" Nilabas naman ni Charlie yung injection na may dugo ng infected na binaril ni gee6 kanina. "Umalis na tayo dito" ani ni Alas, tumungo naman sila at lumabas na ng pharmacy. Pag labas nila agad na bumungad sakanila ang ilang lalake-mga survivor na nakatingin sa Humvee nila. Agad na napahawak si Gee sa baril nya pero pinigilan sya ni Yico. Mas mahigpit na kalaban ang kapwa tao sa panahon ngayon. "Unit F" ani ng isa, seryoso lang na tumingin ang lima sakanila. Sa isang taon,nag karoon na ng unit-unit ang mga survivor dito. Hindi nga alam nila Gee na naging unit F sila at sila ang panghuli. Binabase kasi to ng mga survivors sa mga tao na nakita nilang kumukuha ng supply. Kilala nila ang Grupo nila Gee biglang grupo ng mga bata. Kaya kung mag tatanong kung sino yun sasabihin nila 'grupo ng mga bata' "Anong ginagawa nyo dito hmn?" Tanong ng isa pang lalake na may baril na naka sabit sa leeg nya. Kung sasabihin nilang pagkain, panigurado na pilit nilang kukunin ito. Pag sabihin nilang gamot ganoon din. Hindi lang naman sumagot ang lima at mariin lang na tumingin sa mga lalake sa harap nila. "Hindi ba kayo mag sasalita?" "Pregnancy test" Agad na tumingin ang apat nung nag salita si Yico. Yun lang ang naisip nya, bakit? Wag mong sabihin pati pregnancy kit pag dadamot nila. Tiningan lang sya ng ilang segundo bago napatawa ng mahina yung mga lalake. "So, may babae kayong kasama?" Agad na nanlaki ang mata ni Gee. "Wow, unfair naman. Nasa ganitong buhay na nga tayo tapos kayo magpapakasarap lang?" "Walang bang share dyan?" Nakangisi nitong ani. Napayukom ng kamao si Charlie. Ayaw nya talaga sa mga lalakeng walang respeto sa babae. Pinipigilan naman ni Alas na gumawa ng gulo. "aalis na kami" ani ni Khal El at nilagpasan sila, sumunod naman ang apat. "Hindi kami tanga, Unit F. Hindi kayo susugod doon para lang sa pregnancy kit. Babantayan namin kayo" dagdag pa nito, hindi nalang nila itong pinansin at sumakay sa Humvee. "Hindi na ata safe pag iwanan natin yung mga babae sa bahay" ani ni Alas. "Yare sila sa mga yon. Taekwondo black belter? Samurai? Dalawang Sharp shooter? Anong laban ng mga yon sa mga girls natin?" Ani ni Gee, napatingin naman sakanya ang apat saka napangiti. Sinong niloloko nila. Hindi pala basta basta ang mga yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD