Agad na lumabas si Luna sa kwarto nila-inayos nya muna si Yico syempre.
Medyo malakas yung pag bukas nya pinto kaya napatingin yung mga kasama nya sakanya. May halong kaba syang nag lakad papunta kala Ashley at Gab na nilalasahan ang niluto ni Ashley. Hindi mo kita sakanya ang kaba dahil sa walang emosyon nitong muka.
"Oy, Luna! Tikman mo nga tong luto ko!" Masayang ani ni Ashley habang hawak hawak ang isang kutsara. Tatanggi pa sana si Luna pero huli na ang lahat nung sinubo bigla ni Ashley yung kutsara sa bibig nya.
Gaya ng ginawa ni Yico kanina
Inalis na ni Ashley yung kutsara sa bibig ni Luna sabay tingin na parang nag aantay ng sagot kay Luna.
"So, ano lasa? Masarap ba? Kasing level na ba ng luto ni Alas?" Masaya nyang ani, ngumiti naman ng pilit si Luna sabay tungo kahit di nya nalasahan ng maayos dahil mas matapang parin yung lasa ni Yico sa dila nya.
Bigla syang nabilaukan nung nakita nyang sinubo rin ni Ashley yung mismong kutsara sa sarili nya. Mas lalo naman syang nawindang nung pinasa nya to kay Gab.
Ano kaya magiging reaksyon nila kung malaman nilang parang kanina lang iba ang nasa bibig nya?
"A-asan sina Aiko?" Tanong nya, napatingin naman ang dalawa sakanya pati narin si Jasmin at Charlie na naka upo sa sofa.
"Nasa kwarto nila" ani ni Gab, agad naman tumungo si Luna at nag lakad papunta sa kwarto nila Khal El.
Nag tama lang ang kilay ni Charlie.
"Bakit yun sya?"tanong nya, nag kabit balikat lang sina Gab at Ashley.
Nagulat si Aiko at Khal El nung binuksan ni Luna ang pinto. Hindi uso ang katok sakanya.
"Um, Alam nyo...si Yico...nag nosebleed tapos nawalan ng malay" ani nya, agad na nanlaki ang mata ni Aiko at Khal El at napa tayo sa upuan nila.
"Asan sya!?" Taranta ni Khal El.
"Sa kwarto" ani ni Luna, agad na nag tungo si Aiko at Khal El doon kaya napakamot ng ulo si Luna.
"s**t, ano kaya nangyari don" tanong nya sa sarili nya, saka sumunod.
Napatingin naman ang apat sa kaguluhan.
"Anong meron?" Puno ng pag tataka na tanong ni Jasmin at napatayo sa sofa.
Nag lakad naman papunta si Ashley at Gab doon kaya sumunod narin si Charlie
Pag bukas palang ng pinto ni Khal El sa kwarto ng dalawa agad na tumambad sakanya si Yico sa kama at oo nga, may nosebleed ito. Medyo bumabalik narin sa wisyo si Yico dahil naka kunot ang noo nito.
Napa gasp si Gab sa nakita nya, parang isang murder scene.
"What the f**k?" Tanging ani ni Charlie.
Agad na umupo si Khal El sa kama at dahan dahan na inangat ang ulo ni Yico.
Dahan dahan na napadilat si Yico at medyo nagulat kasi muka ni Khal El at Aiko ang tumambad sakanya.
"Yico? Naririnig mo ba ako?" Tanong ni Aiko, tumungo naman ng mahina si Yico.
"Yico, hawakan mo yang bridge ng ilong mo tapos paki forward ng ulo mo sa harap Utos ni Khal El, ginawa naman ito ni Yico habang naka alalay si Khal El sakanya.
"Luna, bigyan mo nga ako towel o kahit ano"
Agad naman kumuha si Luna ng towel at binigay kay Khal El. Pinunasan naman ni Khal El yung ilong ni Yico pero mukang walang epekto ito dahil may lumabas lang ulit.
Lumapit naman si Luna sa kama at naupo narin sa kabilang bahagi.
Okey, ngayon nag aalala na talaga sya.
"Ano kasing nangyari?" Biglang tanong ni Aiko habang pinapaypayan si Yico.
"A-ah-" natigilan si Luna nung naramdaman nyang hinawakan ni Yico yung kamay nya.
"Ah, hindi ko alam. Bigla lang sya nagka ganyan" palusot ni Luna, napangiti naman ng marahan si Yico.
Ayaw nyang malaman ng mga kasama nya na nag nosebleed sya dahil sa isang b*****b.
Ang weak pakinggan non.
"O-00, mainit din kasi talaga dito kanina" mahinang ani ni Yico at naupo. Sinandal nya naman ang likod nya sa headrest ng kama.
Napatingin sa paligid si Khal El at oo nga, mainit dito. Dagdag mo pang naka sara ang mga bintana.
"Ba't kasi naka sara ang bintana dito" ani nya nya at inutusan sila Charlie na buksan ang mga bintana.
Napapikit ng mata si Yico sabay tingin taas habang naka hawak parin sa bridge ng ilong nya.
What the f**k, anong nangyari? What kind of humiliation is this?
"Yico, aalis na kami ah. Ganyan ka lang wag kang hihiga ah" pangaral ni Khal El kaya nag thumbs up lang si Yico.
"Yang si Yico napaka sensitive na tao" rinig nyang ani ni Ashley bago sila umalis sa kwarto. Sinara naman ni Luna ang pinto bago humarap kay Yico at nag cross arms.
Nag tinginan lang silang dalawa ng ilang segundo bago nabasag ang katahimikan nila dahil sa malakas na tawa ni Luna.
Umirap lang si Yico.
Yung girlfriend nya na dahilan ng nosebleed nya tinatawanan sya.
"Ano nangyari sayo?" Ani ni Luna pagitan ng tawa nya yung tipong napa hawak na sya sa dingding.
"s**t, di ko alam. Anong ginawa mo?" Tanong ni Yico, natawa nanaman si Luna sabay lakad papunta kay Yico at naupo narin sa kama.
"See the bright side, Yico"
Napakunot lang noo si Yico dahil hindi nya kita ang bright side doon.
Anong brightside pinag sasabi nito?
"Ibig sabihin non talagang magaling ako" ani ni Luna sabay kindat, napa groan naman si Luna.
"s**t, wag mong simulan hah" banta ni Yico, ngumiti lang si Luna sakanya sabay halik sa labi ni Yico at umalis na rin sa kwarto.
Napa kurap kurap lang sya dahil hinalikan sya ng girlfriend nya sa bibig.
"What the f**k, ganoon pala lasa non." Bulong nya sa sarili nya.
"Come on guys, makinig kayo sa bago kong joke-"
"Charlie, please. Kumain ka nalang" may halong inis na ani Jasmin kay Charlie, napa busangot lang sya sabay tingin sa sarili nyang plato.
Nabaling ang atensyon nila kay Luna na kakalabas lang ng kwarto at agad na naupo sa hapag kainan.
"Kamusta si Yico, Luna? Balita ko dumugo daw ilong nya?" Tanong ni Gee sabay lamon.
"Ayos lang sya, lalabas lang din yun" ani nya at kumuha narin ng pagkain nya at nag lagay sa plato.
Mga ganitong eksena ang lagi gusto nila yung normal ang buhay nila. Kahit papano nakakalimutan nila yung mga nag lalakad na virus sa baba ng bahay nila.
Sumubo ulit si Alas ng pagkain at nilasahan ito ng maayos.
"Nag improve ka na Ashley" ani ni Alas at mukang nagustuhan ang niluto ng nakababata sakanya.
Sya kasi yung tipo ng tao na hindi mahilig mag luto, sanay syang may nag luluto para sakanya.
Sa tinagal nya dito halos nakilatis nya na ang type ng mga lalake dito.
Type ni Gee yung mga babaeng matapang, sweet, clingy at mabait-si Jasmin yon.
Si Charlie, type yung Maria Clara. Mahinhin at inosente-Gab yon.
Si Yico, gusto nya babae na open minded, parehas takbo ng utak sakanya at wild-Luna yon.
Khal El, matalino, mabait, magaling mag luto-in short perfect! At si Aiko yun.
"ayiieee, kilig ka naman Ashley" asar ni Gab kaya napatawa si Charlie.
Napangiti lang si Alas sabay iling. Isa pa sa nakakainis kay Ashley.
Pa-fall at paasa sya
Damn, kung wala kang balak na saluhin ako please wag mo akong pinapahulog lalo sayo. Sabi sa sarili ni Alas
"Chicken ba ang ulam?" Halos magulat sila ng biglang may nag salita. Hinila naman ni Yico yung upuan nya saka umupo doon. May cotton pa yung ilong nya na medyo nagiging pula dahil sa dugo.
"Gusto mong katayin ko yung mga manok mo sa baba?" Nakangiting ani ni Ashley kaya sinamaan sya ng tingin ni Yico.
Kahit gaano pa ka-gusto ni Yico ng chicken di nya ipapakatay yung manok nya.
"Wag si Abby, please" mahina nyang ani
sabay kuha ng pagkain at nilagay sa plato
nya.
Tahimik silang kumain-ayaw kasi ni Alas na may usapang tungkol sa labanan o kahit ano man sa hapag kainan.
Tahimik silang natapos sa pag kakain at inayos na nila Charlie ang lamesa. Naupo naman ang iba sa sala at kung ano ano ang pinag usapan nila hanggang sa biglang tumayo si Gee sabay clap.
"GUYS! LARO TAYO!" Masaya nyang ani sabay ngisi na parang bata, napa kunot lang ang noo ng iilan na nanahimik sa nakaupo.
"Ano nanaman yan, Gee" may halong irita na ani ni Alas, nung huli na nag yaya ng laro si Gee biglang may mga infected na dumating.
Napa nguso naman si Gee.
"Come on! Wala naman tayo ginagawa eh!" Reklamo nya, napa kamot ng ulo si Charlie.
"Sige na nga" ani nya kaya napangiti si Gee. Sunod syang tumingin kala Yico, Luna, Aiko at Khal El na nakaupo sa sofa.
Napa buga lang ng hangin si Khal El at napa tungo nalang. Kahit naman ayaw nya wala syang magagawa.
Napapalakpak naman si Gee dahil sa tuwa at mag sasalita na sana ng may narinig silang nakakatakot na ungol sa may pinto.
Agad silang natigilan at napatingin sa pinto nila.
"W-what the fuck..." mahinang ani ni Jasmin, nag pakawala ng malakas na ungol ito dahil ng biglang pag kapit ni Gab kay Charlie.
Wala silang baril sa tabi nila
Ramdam na ramdam mo ang tensyon sa paligid nilang lahat. Ni-isa walang gumalaw-lahat sila hindi alam ang gagawin.
Tumingin sa paligid si Ashley, nag hahanap ng pwedeng gamitin. Agad na nakuha ng atensyon nya ang isang kawali na ginagamit nya pag luto nya kanina, tiningnan nya to ng mabuti.
Dahan dahan syang tumayo sa upuan nya ngunit nanatili ang tingin sa nya sa naturang infected sa harap na nasa pinto nila.
Nung tuluyan na syang naka tayo agad syang kumaripas ng takbo papunta sa kusina nila-iisang silid lang naman ang kusina at sala nila. Agad na napatingin sakanya ang zombie at umungol ng malakas kaya napatayo na si Alas.
"ASHLEY!" Sigaw ni Alas pero huli na ang lahat nung sumugod ang infected kay Ashley-hindi pinansin ng infected ang iba na nasa sala.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ashley pero mas binilisan nya ang takbo nya. Sa oras na nahawakan nya ang kawali agad nya tong hinawakan na parang handang handa na syang ihampas ito sa zombie.
Inalis nya ang takot na bumubuo sa loob ng katawan nya, dahil kung uunahin nyo to maaring syang mapahamak
Nanlaki ang mata nilang lahat na nakatingin kay Ashley.
Hindi maka paniwala sa gagawin nito, at di alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
Nung isang metro nalang ang layo ng infected sakanya, mahigpit nyang hinawakan ang hawakan ng kawali at buong lakas nyang hinampas ang kawali sa ulo nito na dahilan ng pag tumba nito sa sahig.
Tumalsik ang iilang dugo sa lamesa, sahig pati narin kay Ashley pero wala syang pake alam, masyadong naka tuon ang isip nya sa buhay nya.
Malalim ang pag hinga nya at mahigpit
parin hawak nya sa hawakan ng kawali.
Hindi mapinta ang muka ng iba na nakatingin sakanya.
Hinampas lang naman ni Ashley ng kawali ang infected.
"Wow...." tanging sambit ni Gee, hindi nya alam na meron pa palang mas aangas pa kay Luna.
"Did you just hit that with a frying pan?" Tanong ni Gab, napa kurap kurap si Ashley at napatingin sa baba nya.
Ngayon lang sya nabalik sa wisyo at agad na nabitawan ang kawali-sakto itong nahulog sa ulo ng infected kaya bumaon ito doon na dahilan ng mas pag kalat ng dugo.
Naagaw ang atensyon nilang lahat nung nakarinig nanaman sila ng mga ungol.
Ibig sabihin, mas marami pa ang dadating-o kaya nasa baba na sila.
Napatingin si Alas sa pinto at kitang kita nya ang ulo ng iilang infected
Nanlaki ang mga mata nilang lahat.
"f**k f**k" mura ni Alas at agad na takbo papunta sa pinto. Hinawakan nya ang door knob nito sabay sara kaso sa oras na malapit nya ng masara ang pinto agad na may lumabas na kamay ng infected sa pinto at naipit ito doon.
Umungol ito ng malakas, yung tipong hindi na makakalimutan hanggang sa pag tulog mo.
Nilagay ni Alas ang buong lakas ng katawan nya sa pinto para masara ito kaso mas malakas ang infected na to dahil patuloy lang ang pag abot ng kamay nito pati narin ang kalampag.
Mas lumakas ang mga ungol pati narin ang kalampag sa pinto, ibig sabihin naka akyat na ang iba.
"T-TULUNGAN NYO AKO!" Malakas na sigaw ni Alas. Ano man oras ay bibigay na sya.
Doon na tumayo si Luna at tumakbo sa kusina sabay kuha ng butcher knife nila doon. Nanginginig na tumakbo si Khal El kay Alas at tinulungan itong i-tulak ang pinto.
Ngunit anong laban ng dalawa laban sa lima na infected na tumutulak sa pinto at pilit na ipasok ang sarili sa loob ng bahay nila para makain silang lahat.
Hawak hawak ni Luna ang butcher knife nag lakad sya papunta sa pinto. Itinaas nya ang naturang patalim at buong lakas na tiniga ang braso ng infected na naka harang sa siwag ng pinto.
Sa sobrang talas ng kutsilyo, nahiwalay sa katawan nito ang braso nya at nahulog sa sahig ng bahay nila. Nag karoon ng maraming dugo ang sahig dahil dito pati na rin ang muka ni Luna.
Medyo matagal na rin nung natalsikan sya nito dahil nga di na sila gaano lumalabas.
Tuluyan nilang nasara ang pinto at dinikit ni Alas at Khal El ang likod nila doon.
Patuloy parin ang ungol at kalampag sa labas ng pinto nila.
Ano man oras, maaring bumigay ang pinto.
"U-um....h-hi-hindi kaya ng p-pinto yan!" Tarantang ani ni Yico sabay turo sa pinto. Syempre, alam nya- bahay ng tito nya to eh
Napalunok si Gee at tumayo, mabilis na tumakbo papunta sa kwarto nila.
Nasa ilalim ng kama nila ni Jasmin ang baril nya. Agad syang lumuhod sa at kinuha ang baril pati mga ammu nito.
Nag lagay sya sa magazine nito sabay kasa. Kinuha nya rin ang ibang baril doon at lumabas ulit.
"Aiko!" Tawag nya kay Aiko, napatingin si Aiko sakanya.
"Catch!" Sigaw nya sabay tapon ng baril, medyo nagulat pa nga si Aiko pero nasalo nya lang din yun.
Sa oras na nahawakan nya ang baril, agad syang napakagat ng labi nya at kinasa ito. Medyo matagal narin syang di naka hawak nito.
Mas naiiwan kasi sya dito dahil gumagawa sya ng cure.
Bumalik naman ngayon ulit si Ashley na hindi nila namalayan na umalis at kinuha rin ang mga baril nila sa kwarto nila.
"Alas!" Tawag ni Ashley sabay abot ng baril.
"Salamat" ani ni Alas.
Pati katawan ni Khal El sumabay narin sa bawat kalampag ng mga infected sa pinto nila.
"BAKIT BA ANG LAKAS NG MGA TO!?" Reklamo nya at napapikit ng mata.
"Paano natin sila lalaban?!" May halong taranta na ani ni Charlie-hawak hawak nya na ang sarili nyang baril ngayon.
Napakunot ng noo si Gee at nag isip ng
maayos.
Nanginginig na tumayo si Yico sa pag kakaupo at pinilit ang sarili na mag salita.
"N-nung gumagawa ako ng blueprint nito.. n-naisipan kong lagyan ng emergency room ang bahay" ani nya, kaya napatingin ang lahat sakanya. Kasi sa tagal nila dito di nila alam na may emergency room pala.
"Gago, may emergency room dito?!" Tanong ni Gab, tumungo naman si Yico at huminga ng malalim.
"Pwede ka don mag tago, may bintana yun doon na kasya ang tao. Yun yung makikita nyong bintana sa taas ng pinto natin" saad nya sabay turo sa pinto.
Matagal na silang nag tataka kung bat may bintana doon.
"SINASABI MO BANG MAY THIRD FLOOR TAYO!?" Sigaw ni Charlie, tumungo naman si Yico.
Nag si-siksikan sila sa mga kwarto di nila alam may third floor pala.
"tangina, asan?" Tanong ni Jasmin sabay tingin sa taas, wala naman syang nakita.
Tumakbo si Yico sa may kanan, kung saan naka lagay ang mga maliit nilang tanim.
Meron don parang hagdan na akala nila design lang kaya nilagyan nila ng tanim. Marahas na tinabig ni Yico ang tanim kaya medyo nagalit si Aiko dahil sya nag lagay non pero isinantabi nya nalang muna.
Umakyat si Yico doon at may inaabot sa kisame hanggang sa nahawakan nya yung maliit na doorknob na kahit sino di makita.
"T-TANGINA! BILISAN NYO!" Nahihirapang ani ni Alas, kita mo sa muka nilang nahihirapan na silang harangan ang pinto.
Agad na hinila ni Yico yun kaya bumukas ang maliit na pinto na kasya lang ang isang tao. May mga alikabok pa ngang nahulog sa muka ni Yico kaya napuwing sya.
Napanganga sila sa nakita nila dahil hindi nila aakalain na may ganyan sila.
"M-MAMAYA NA K-KAYO MA-AMAZE
DYAN!!!" Sigaw ni Khal El kaya nabalik sila sa wisyo.
"Damn, Architect. Medyo hot ka sa part na ginawa mo yan at di sinabi saamin" wala sa wisyo na ani ni Luna kaya napalingon si Yico sakanya.
"OY! MAMAYA NA YAN!" Sigaw ni Gee, napailing nalang si Yico at tuluyan umakyat sa taas. Sumunod naman sina Gee, Aiko at Charlie.
Sumilip pa ulit si Gee sa maliit na pinto.
"Luna, pag na-clear na namin ang pinto, paki akyat ng hagdan" utos nya tumungo naman si Luna.
Tumingin sa paligid ang apat. Kada yakap nila may mga alikabok ang lumabas. May sapot narin dito-halatang di nagamit.
Binuksan ni Yico ang bintana kaya nakapasok ang liwanag sa loob ng naturang silid.
Rinig na rinig nila Gee ang mga ungol ng
infected.
Nag tungo sila sa bintana at tumingin sila doon, saktong tatlong tao ang kakasya.
"s**t, it's showtime" ani ni Gee at nilabas ang baril nya sa pinto at tinutok ito sa baba sabay asinta.
Nag paputok pa sya kaya may natumba na isang infected. Ginaya rin ni Aiko si Gee at bumaril kaya may natumba nanaman na zombie.
"Di ka parin pumapalya" puri ni Gee kay Aiko sabay ngiti.
"Kaya nyo na to,sa baba ako!" Ani ni Charlie. Hindi na sumagot sina Aiko kaya bumaba na si Charlie.
Naka hinga naman ng maayos si Alas at Khal El nung naramdaman nilang medyo himihina na ang kalampag sa pinto dagdag mo pa yung tunog ng pag tumba ng mga to.
Pinikit ni Gee ang isa nyang mata sabay asinta sa huling infected na nasa pinto nila.
"die b***h" bulong nya at pumakawala ng bala, sakto itong tumama sa ulo ng infected kaya natumba ito at nahulog sa treehouse.
"CLEAR!" Sigaw ni Aiko galing sa taas, naka hinga naman ng maayos sina Khal El at Alas kaya lumayo na sila sa pinto at binuksan ito.
Ang daming dugo sa pinto at sahig nila-pati narin katawan ng mga infected.
Sinipa naman ito ni Alas at Luna kaya nahulog ito sa baba.
Kinuha ni Alas yung tali ng hagdan at ganoon din si Khal El sa kabila.
Dahan dahan na umakyat ang hagdan nila hanggang sa tuluyan nitong natakpan ang pinto nila.
Napaupo si Alas sa sahig-kung saan walang dugo.
"Mamaya na natin problemahin tong mga dugo pati narin yung isang infected sa loob. I need to breath" pagod na ani ni Alas.
"D-dapat pala di ko na pinayagan na mag laro si Gee" bulong ni Khal El.