Nagising na lang ako sa katotohanan habang nagbabalik tanaw ng tumunog yung cellphone ko. May nag text pala, ng tignan ko si Dain.
"Nasan ka?" sabi nya sa text.
"Punta ako dyan may sasabihin ako sayo" reply ko sa kanya. Umalis na ko ng park dahil mag aalas otso na nga gabi, maglalakad na lang ako pabalik pero may kabang dumadaloy sakin na humihiling na sana wag muna kaming magtagpo sa gabing iyon...
Pagdating ko sa bahay nila Dain, nakita ko sya sa bintanang nakadungaw sa labas. May second floor ang bahay nila tama lang ang laki at maganda rin. Kinawayan ko sya pagkakita nya sakin.
"Hoy babae nandito nako! bumaba ka buksan mo yung pinto". Sigaw ko sa kanya.
"Bukas yan! Umakyat ka na lang dito!." sigaw nya rin sakin.
Pagpasok ko sa loob ng bahay nila, dumertso nako sa kwarto nya. Sanay na ako dito sa kanila simula ba naman pagkabata namin magkasama na kami. Hindi nako kumatok pumasok na lang ako.
"Uy nasan si tita?". Tanong ko sa kanya hindi ko napansin yung mama nya.
"Ah umalis kanina, may out of town meeting sila sa work eh, baka bukas pa ng gabi umuwe".
Tumango na lang at umupo katabi nya sa bintana. Ang lamig ng hangin na humahaplos sa muka ay parang nakakagaan ng kalooban.
"Oo nga pala ano yung sasabihin mo sakin?". Tanong nya sakin, bigla naman akong kinakabahan nanaman. Parang naiiyak ako nag iisip ako kung pano sisimulan. Umayos ako ng upo tyaka nagsalita.
"Hmp! hmp!" umubo ubo muna ako bago nagsalita. "Nakita ko sya! kanina nung naglalakad papuntang park para mag jogging nakita ko sya my god!" frustrated na sabi ko. Tumayo pa ako tapos naglakad pabalik balik.
"Ha!? Anong nakita mo? Sino?.takang tanong nya sakin.
" Sya! "
" Sino nga!? tyaka pwede ba Gail umupo ka nahihilo ako sayo eh."
Umupo tapos hinawakan ko yung kamay nya.
" Nagkakita na kami uli!". sabi kong habang parang hinihingal dahil sa kabang nararamdaman. Nakita kong napanganga sya.
"You mean that man? the one you waiting for?!. Gulat nyang sabi sakin. Tumango lang ako na parang nanghihina.
" How!? When!?, pano nangyare anong sabi mo? Tinanong mo na ba yung name nya!?. Sunod sunod nyang tanong.
"No, i didnt ask him. I don't have the guts to ask. And he's with someone nung nagkita kami. I think that's hes girlfriend or worst baka asawa na". Parang dinudurog yung puso ko habang sinasabi ko yun hindi ko na namalayang tumutulo na ang luhang puro pighati ang laman. Bakit ang sakit? Kahit pinaghandaan ko na tong araw na baka makita ko syang may kasamang iba. Oo alam kong napaka tanga ng desisyon kong ito. Ang maghintay at umasa sa taong hindi ko alam ang motibo. Sana hindi na lang nya ako nilapitan nuon para sana hindi ako umaasang baka pwede kami. Ilang taon na ang dumaan pero ngayon ko lang naramdaman na namimiss ko sya sa tuwing uuwe ako lagi kong pinagdarasal na sana isang araw makita ko sya uli rito at matanong kung anong pangalan nya. Bakit kasi ang tanga ko? Hindi ko man lanh naitanong yun dati?. Tinapik lang ako ni Dain sa likod alam nyang matagal ko ng gustong makita ang lalaking yun.
"So? Anong balak mo nakita mo na sya, itutuloy mo pa ba yang nararamdaman mo?".
Malungkot nyang tanong sakit.
Umiling iling ako habang nahikbi ang totoo hindi ko na rin alam. Pero tama na siguro tong kahibangan ko dapat ko na sigurong tanggapin na hindi naman talaga kami tinadhana at ako lang ang umaasa saming dalawa. Siguro nga baliw nako, pero anong magagawa ko?. Ilang taon ko syang iniisip sinubukan ko ring kalimutan sya pero wala eh, lalo lang syang nagsusumiksik sa utak ko.
"Hindi ko alam, pipilitin ko na lang siguro". Tumulo nanaman ang luha ko. Bakit ba ang sakit ng ganto?.
"Haysss, o sige hayaan mo lang wag mo na lang masyadong isipin".
Siguro nga ito na yung panahon para kalimutan na sya. Uuwe na lang ako at itutulog ang nararamdaman ko.
Linggo na at kailangan na naming bumalik sa board mamayang hapon. Gumising ako ng maaga para mag jogging. Namamaga pa nga ang mata ko dahil sa umiyak nanaman ako kagabi. Hindi ko napigilan ilang beses na ba to? Marami na hindi ko na mabilang, lagi akong umiiyak ng walang dahilan. Para bang may kulang, pero kagabi? Alam ko at malinaw sakin ang dahilan ng mga luhang iyon.
"Tulog pa si mama" bulong ko sa sarili ng makababa galing sa kwarto ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas suot ang grey pants, t shirt sa loob dahil naka jacket din ako at rubber shoes kong white. Nag earphone rin ako. Mag aalasingko pa lang ng umaga at ang sarap ng hangin.
"Ang lamig naman, ugh!". Sabi ko sa kawalan.
Pilit kong kinakalimutan ang nangyare kahapon, nag iisip ng ibang bagay habang papunta sa park. Malapit nako sa park ng biglang may nakabangga saking lalaki. Hindi ko sya nakita dahil may ginagawa ako sa cellphone ko.
" Aray! sa sobrang lakas ng pagbangga ko sa kanya natumba ako sa kalsada.
" Ano ba yan! Nakakainis naman oh!. " inis kong sabi sa sarili habang hindi nakatingin sa lalaki.
"Sorry i wasn't looking in the road" inabot nya ang isang kamay sakin. Natatakpan ng buhok ko ang aking mukha kaya hindi nya pako nakikita. Pero ng tignan ko ang kamay papuntang mukha. Para akong natuyuan ng dugo, malamig ang hangin pero bakit ang init dito?.
"Hey, are you alright? Let me help you so you can stand. Im sorry." sabi nya sakin habang naka lumevel sya ng upo para kausapin ako. Wow ang gentleman naman pala ng lalaking to ha!. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa kanya ngayon.
"A-ah a-no hindi im fine". Tumayo ako ng hindi tumutingin sa kanya hindi ko rin inabot yung kamay nya dahil natatakot akong baka makita nya ang muka kong parang wala ng dugo dahil sa kaba. Pero dahil sa masakit yung likod ko dahil sa pagbagsak muntik na rin akong matumba uli.
"s**t!" rinig kong sabi nya sabay ang pag lapit sakin at kinuha ang likuran ko. Omyghad hindi naman ganto dapat yung mangyayare eh.
Ang tema tuloy nakahawak nako sa braso nya at nakita na rin nya ng mukha ko dahil sinalo nya ako sa muntik ko ng pagbagsak.
Kita ko ang gulat nyang muka pero napalitan din ng pagka seryoso. Napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung pano makakawala sa sitwasyong nakasadlakan ko ngayon.
"A-ahm ano kasi, o-okay lang ako". pilit kong ngiti sabay ng pag alis ko na sana sa bisig nya. Para akong tanga dahil ng mahawakan ko yun ay talaga namang ang tigas parang alaga sa gym.
Pero bago pa ako maka alis hinigpitan nya ang pagkakayakap sakin sabay ang pagbuhat sakin na para bang bagong kasal.
"Ay! Anong ginagawa mo! Ibaba mo ko nakakahiya!. Ang daming nakatingin ibaba mo ko ano ba!." sigaw ko sa kanya dahil pinagtitinginan kami dito.
"Don't mind them, tyaka wag ka masyadong malikot hindi ka magaan." seryosong sabi nya sakin. At naglakad na sya, para nanaman akong mauubusan ng hangin sa pagkapahiya. Slim naman ang katawan ko noh hindi ako mataba hindi rin payat sexy ako!.
"Ha! Hahaha" sarkastiko kong tawa. Sino ba kasing may sabing buhatin moko ha!? tyaka hindi ako mabigat noh!". Nakaka inis ang isang to! Ito na yung pangalawang beses na sinabi nyang mabigat ako. Naalala ko nung sumakay ako sa motor nya limang taon na ang nakakalipas.
"Ang bigat mo naman". Sabi nya sakin nuong naka angkas ako sa motor nya nuon ng mag usap kami.
Nanahimik na lang ako pagka tapos nya akong dalhin sa isang bench duon. Dahan dahan nya akong binaba, ang bango naman ng lalaking to amoy methol rin ang bibig nya.
"Stay here, I just get some ice." umalis na sya hindi man lang ako hinintay magsalita.
"Para namang may choice ako". Bulong ko sabay nguso. "Bat ba kasi ang tanga mong babae ka?" sabi ko sa sarili dahil ang sakit ng paa ko namaga sya dahil sa lakas ng pagbagsak ko tumama rin sa bato na nandun.
Pagbalik nya may bitbit na syang ice bag hindi ko alam kung san nya nakuha yun.
Lumuhod sya sa harapan ko at kinuha ang isa kong paa na namamaga. Nakatingin lang ako sa kanya. Sa ilong nyang matangos, mapulang labi, makapal na kilay medyo singkit pero saktong liit lang na mata. Bakit parang mas maganda pa ang features ng muka neto kaysa sakin?
"Staring is a sin" biglang sabi nya. Ako naman biglang umiwas ng tingin.
"Anong staring ka dyan, yung ginagawa mo yung tinitignan ko". Palusot ko na lang.
"Alright, it's done, can you walk?.
" I think so, thank you. " pasasalamat ko sa kanya.
" You can join ride, pabalik na rin naman ako. And besides hindi kana makaka pag jogging sa lagay na yan."
"Ahm, kahit hindi na, mag ko commute na lang ako." Hindi ko kayang sumabay sa lalaking ito baka himatayin na ko.
"Kamusta ka naman? biglang tanong nya sakin.
Napatingin ako sa ng may pagtataka. Seryoso ba ito hindi na ba nakikita yung paa ko?.
" Hindi mo ba nakikita? Hindi ako okay". Sabay turo ng paa ko.
Umiling iling lang sya sabay inom sa bottled water na hawak nya.
"What I mean is that, it's been a years". Nagulat ako sa sinabi nya.
"You still remembered me?. kinakabahan ako sa isiping naalala nya pala ako. Parang bigla akong nakaramdam ng tuwa. Nakita kong ngumiti sya ng tipid.
" Of course, dapat ba nakalimutan kita?.
Hindi nako naka sagot dahil tumunog yung cellphone nya. Pero ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Inabot nya sakin ang ininuman nyang bote kanina.
" Anong gagawin ko dito?
"What to do you think?" Aba malay ko sayo isip isip ko na lang.
" Inumin mo masyadong dry yang lips mo. Bago ako pa ang magbasa nyan."
Napanganga na lang ako, siraulo ata ang isang ito.
"Let's go". Nahihiya man ay sumunod na lang ako sa kanya ng paikaika.
"Teka lang naman". Napaka bilis naman maglakad ng isang ito.
Sumakay nako sa likod ng motor nya, at talaga namang nasubsob ang muka ko sa likuran at makakapit sa kanya ng biglang humarurot ang bwisit.
"Baka gusto mo na ring lumipad ano?!" sigaw ko sa kanya.
"Just hold on".
Mabilis lang kaming nakarating, nagpababa na lang ako sa kanto dahil kaya ko naman maglakad kahit papano. Nahiga na lang ako pagdating sa aking kwarto dahil sa sakit ng katawan at tuluyang nakatulog muli dahil maaga pa naman.