Maaga pa rin bumangon si Janine para ipaghanda ng almusal ang pamilya. Bagamat andyan si Manang Susan, gusto nya hanggat kaya niya ay siya ang nag pe prepare ng pagkain ng mga eto.
“Kumain na kayo. Mamaya andyan na service niyo.” Sita ni Janine sa dalawang anak. Iisang school pinapasukan ng mga eto bagamat magkalayo ng building. Grade 10 na si Cody at Grade 6 si Christine. Nakita nyang pumasok sa dining room si Luke. Nakabihis na eto.
“Kain na.” nakangiti nyang alok dito. Mabilis nyang iginawa eto ng kape at pagkatapos ay iniabot dito. Wala namang imik etong umupo at nagsalin ng pagkain sa plato.
“Mommy sit down. Kumain ka na din.” Hinawakan sya ni Cody at iniupo. Niginitian nya ang anak. She wanted to re-heat the food that she set aside for Luke last night pero kumain na eto ng sinangag at bacon.
“Mommy don’t forget ha. Sa Friday, family day namin.” Singit ni Christine. Alam nya mas para sa ama ang sinabi neto. Hindi lang neto maderetso ang ama.
“Oh yes anak. I will surely attend. Nagfile na ako ng leave sa hospital. A- are you free on Friday Luke?” alanganin nyang tanong sa asawa. Last month pa alam na niya ang family day at sinabihan na din nya agad eto.
“I will check.” Walang anuman sagot neto. Janine looked at her daughter at nakita nyang disappointed eto.
“Ok. I hope wala ka meeting nun.” Sagot nya dito. Hindi naman eto umimik at mabilis na tinapos ang pagkain.
“Pasok na ako.” Yun lang ang sinabi neto at umalis na. Walang goodbye kiss. Kahit sa mga anak neto ay hindi eto nag gogood bye kiss. Mabilis na tumayo sa upuan si Janine at hinabol ang asawa.
“I-ingat ka Luke. Text me pag nasa office ka na.” nakangiti nyang habol dito. Hindi man lang eto lumingon sa kanya. She knows he won’t do it.
Pagkaalis ng mga anak ay agad na din syang pumasok sa kwarto para magbihis. Alas nueve ng umaga ang umpisa ng clinic nya sa Saint Marine hospital hanggang alas dose. MWF ang schedule nya dun. Pagkatapos ay lilipat sya sa kabilang hospital sa The Living Bread Hospital. From two pm to four pm naman sya dun. MWF din sya dito. Tuesday Thursday naman ay sa government hospital sya nagki clinic although from ten pm to four pm naman. Nakakapagod din naman pero masaya naman sya sa trabaho. Gusto talaga nya talaga maging doctor at pasalamat na lang sya, kahit maaga sya nag asawa, sinuportahan ng papa nya ang pag aaral nya. She was twenty two ng magpakasal sila ni Luke at kasalukyang nasa med school. Si Luke naman ay nag ta trabaho na din nun pero mababa pa ang posisyon sa kumpanya. He’s an architect. At dahil pinikot lang naman nya eto, alam nyang hindi sya papag aralin neto. Syempre, gagastusan na nga pagbubuntis nya, pati ba naman pag aaral nya eh ang mahal mag doctor. Kinapalan nya ang mukha at nagsabi sa magulang na gusto nya pa rin mag aral. Hindi naman sya nag dalawang salita sa mga eto. Buong puso syang sinuportahan ng ama. After all, bunso ata sya at favourite ng papa nya.
Napailing si Janine ng maalala ang nakaraan. She looked at herself in the mirror. My eyebag sya and obviously because umiyak sya kagabi at pagkatapos puyat sya. Dinampot na lang nya ang make up kit nya at nag make up sya. Hindi naman sya mahilig maglagay ng make up pero ginagawa nya eto sa twing ganto ang itsura nya.
“Hirap ng hindi kagandahan.” Bulalas nya sa sarili pagkatapos bigla syang natawa.
“Hindi, maganda ka Janine, nagkaka edad ka lang.” malakas nya ulit na sabi sa sarili. Ganto naman sya mula pagkabata. Pinalake syang positibo ang pananaw sa buhay. Sabi ng mama nya, wag nya daw tatawaging panget ang sarili dahil mag mamanifest yun sa itsura nya.
Nagkibit balikat sya. Matagal na nyang tanggap na hindi sya kagandahan. Andun sya sa so so level or pwede na level. Hindi maganda, hindi naman panget. Unlike Celine na bata pa lang sila, star na sa mga party sa pamilya nila dahil napakaganda neto. Naibaba nya ang hawak na make up brush. Tiningnan nya ulit ang sarili sa salamin at ngumiti.
“You’re pretty Dra Janine Bautista Mendez.” Malakas nyang sabi saka dinampot ang bag at lumabas ng kwarto.
“Pagod?” napataas ng tingin si Janine ng marinig ang pamilyar na boses. It’s her bestfriend Chloe. Tulad nya ay isa din etong OBGYNE at dito din sa St Marine nag ki clinic. Mas maaga nga lang ang clinic time nya dito ng dalawang oras. It’s almost one pm at tapos na sya mag lunch. Nagpapahinga lang sya saglit sa doctor’s lounge ng hospital at mamaya ay pupunta na sya sa kabilang hospital.
“Not really. Bat andito ka? Wala ka na pasyente?” tanong nya dito. Eleven am to 2 pm ang clinic hours ng kaibigan.
“Meron. I just went out kasi tinawagan ako. Un pasyente ko na nanganak kagabi, in pain daw. Galing ako dun. Dumaan lang ako dito to see if you’re here.”sagot neto.
“I see. Paalis na din ako maya konti.”
“Limang kilo yang eyebag mo. I won’t ask. Alam ko na sagot. Sige, see you again. Ingat sa pagdrive Jan.” tumalikod na eto.
Of course, Chloe knows her situation. Kahit naman hindi na sya nagkukwento dito, alam neto ang nangyayare sa kanya. Matagal na silang best friend. Since high school. Nag umpisa sila as enemies dahil magkalaban sila sa grades. Parehas kasi sila honor students. Pero di nagtagal, nagkahulihan sila ng loob at parehas pa pala sila ng pangarap, ang maging doctor. Umiyak nga eto nun malaman buntis sya at inakala netong hindi na sya makakapag patuloy ng pag aaral. Sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya nuon ng mabunyag na nabuntis sya ni Luke, bukod tanging eto lang ang nagsabi na wag sya papakasal kay Luke dahil magiging miserable ang buhay nya. Alam din kasi neto na si Celine ang babaeng mahal na mahal ni Luke nuon. At nasaksihan neto paano sya binulyawan, pinagsalitaan at pinagtabuyan ni Luke nuon. Galit na galit eto kay Luke na hanggang ngayon, hindi neto masyado kinakausap ang asawa nya. Nun una ay umiiyak pa sya sa harapan neto sa lahat ng pambabalewala ni Luke pero lalong tumitindi ang inis neto kay Luke kaya she decided na wag na magkwento dito. Pero kahit hindi sya magkwento, nararamdaman neto ang trato ni Luke sa kanya. Lagi nga sinasabi neto na magiging santo na daw sya. Pero alam nyang mahal na mahal sya ni Chloe. At ganun din naman sya dito.
Comment and Follow Me
Thank you for reading!