Halos ilang linggo nya pinagplanuhan ang lahat. Nasa second year na sya sa medical school nuon. Nag aya sya ng swimming sa mga kababata at kaibigan para hindi mahalata ang plano nya. Sa isang resort sa Batangas sila pumunta. Kapatid ng papa nya ang me ari ng resort. Nilambing lambing nya ang ama para magrent eto ng van para sa kanila. Sampu silang lahat, siya, si Alex, si Chloe, si Luke, Celine, Mary, at iba pang kaibigan. Siniguro nyang hindi mahahalata ng mga eto na hinaluan nya ng pampatulog ang drinks ng mga eto maliban kay Luke. Dahil me medical background na siya, siniguro nyang hindi makakasama sa mga eto ang dosage ng pampatulog na hinalo nya. At ng makatulog na ang mga eto maliban sa kanya at kay Luke na lasing na, dinala nya eto sa isang kwarto at dun nya eto inumpisahang akitin. Me nangyari sa kanila at dahil sa lasing na din eto, nakatulog eto agad pagkatapos. Hindi sya lumabas ng kwarto at natulog din sya sa tabi neto. Kinabukasan ay mas nauna syang nagising pero dahil tulog na tulog pa si Luke, hindi rin sya lumabas ng kwarto hanggang narinig nyang nagtatanungan sa labas ang mga kasama kung nasan sya at si Luke. Narinig nyang tila nagpapanic na si Celine, maging si Chloe. Niyakap nya pa lalo si Luke na tulog na tulog pa din. Sa puntong yun, bumukas ang pinto at bumungad ang pinsang si Alex na malakas na napamura pagkakita sa kanila.
“Luke! Janine!” sigaw ni Alex. Nagkunwari syang nagulat at hinila ang kumot para takpan ang sarili. Mula sa likod neto ay magkasunod na sumulpot si Chloe at Celine na kapwa nanlalake ang mata. Agad syang tinakbo ni Celine at sumisigaw na sinabutan! Nagtilian ang iba pa nilang kasama at dito nagising si Luke na gulat na gulat. Pero mas lalo etong nagulat ng suntukin sya ni Alex.
“Hayup ka Janine! Hayup ka!”
“Sira ulo ka Luke!”
Eto ang magkasabay na narinig sa loob ng kwarto. Hila hila sya sa buhok ni Celine habang hila hila din nya ang kumot para takpan ang sarili. Si Luke naman ay taranta at di malaman paano takpan ang sarili na maswerteng nahila ang kubre kama para ipantakip sa katawan neto. Lumagabog eto sa sahig dahil sa suntok ulit ni Alex. Nang makabawi sa pagkabigla si Chloe ay agad netong inawat si Celine. Hindi sya nanlaban dahil alam nyang mangyayari eto at wala syang paki. Kahit bugbugin pa sya ni Celine, ayos lang mapasakanya lang si Luke. Ang isa pa nilang kaibigang lalake na si Randy ang umawat naman kay Alex sa panununtok kay Luke. Umawat na din ang iba pa nilang kaibigang kasama. Agad syang dinala ni Chloe sa kwarto nila at nag lock ng pinto. Pagkapasok ay agad syang sinermunan neto.
“Janine baliw ka na ba? Anong ginawa mo?” gigil na gigil eto sa kanya.
“Oo Chloe baliw ako. Baliw ako dahil mahal na mahal ko sya. Eto lang ang alam kong paraan para makuha ko sya Chloe kasi mamamatay ako kung hindi sya magiging akin.” Umiiyak nyang sabi dito. Niyakap sya neto na tila sinasabi netong kakampi nya eto.
Dumating sa resort ang mama nya at magulang ni Celine para sunduin sila. Ng pumunta silang Batangas, dalawang sasakyan ang dala nila, ang van na ni rent ng papa nila kung san nakasakay silang 7 papuntang Batangas at ang kotse ni Luke na sinakyan naman neto kasama si Celine at ang bestfriend neto at kababata din nilang si Antoinette. Pero dahil sa gulo, ayaw ng sumakay ni Celine sa kotse ni Luke pero mas lalong ayaw netong sumakay sa van na nirent ng papa ni Janine. Kaya nagpasya si Alex na tumawag sa magulang neto para ipaalam ang nangyari. Makalipas lang ang ilang oras ay dumating ang kanilang sundo. Matalim na tingin ang nakuha nya sa tita Virgie nya, nanay ni Celine at ang mama naman nya ay kinaladkad sya papasok sa kotseng dala neto. Sa pag uwi nila ay sa kotse ng ina sya sumakay kasama si Chloe. Kasama din ng ina ang tito Mauro nya na syang nagsilbing driver nila dahil hindi marunong magdrive ang mama nya. Sa van napilitang sumakay si Celine kasama ang magulang neto. Sa kotse naman ni Luke sumakay si Alex at Randy. Mahigpit na bilin ng magulang ni Celine na sumunod sa Laguna si Luke dahil kelangan daw pag usapan ang gulo.
Isang malakas na sampal mula sa kanyang lola ang sumalubong kay Janine pagpasok sa bahay neto. Dun sila dumeretso dahil eto ang magsisilbing hukom dahil eto nga ang pinakamatanda sa pamilya. Galit na galit eto sa kanya! Nakayuko lang sya at tahimik na umiiyak habang umiiyak din ang mama nya. Seventy four na ang lola nya pero napakalakas pa kaya masakit ang sampal neto.
“Napakamaldita mo Janine! Anong kagagahan tong ginawa mo! Lalandi ka lang din sa boyfriend pa ng pinsan mo! Nakakahiya ka!” masasakit na salita ang narinig nya mula dito. Nakapaligid din sa kanila ang iba pang mga kapatid ng ina na tahimik lang nakikinig pero alam ni Janine, ganun din ang iniisip ng mga eto sa kanya.
“Nay tama na.. wag niyo naman pagsalitaan ng ganyan si Janine. Hindi naman malandi ang anak ko.” Umiiyak na awat ng ina.
“Anong hindi? Wag mo kunsintihin etong anak mo Sonia! Bakit? Anong tawag sa ginawa ng anak mo?” galit na galit na sigaw ng lola.
“Lola.. mahal ko po si Luke.” Lakas loob nyang sagot dito.
“Gaga!” isang sampal ulit ang natanggap niya mula dito. Agad syang niyakap ng ina. Marahil kahit galit ang ina sa kanya ay hindi neto matitiis na saktan sya ng lola nya.
“Walanghiya ka Janine.. traydor ka. Magpinsan tayo etong ginawa mo sakin!” umiiyak na sabat ni Celine. Nilapitan eto ng lola nila at masuyong hinaplos ang mukha. Pagkatapos ay hinarap ng lola nya si Luke at eto naman ang sinampal.
“Isa ka pang lalake ka! Bakit mo pinatulan ang panglalande sayo ng babaeng yan!” galit na hinarap neto si Luke.
“La.. patawad po. Lasing ako. Hin- hindi ko talaga alam.. nilasing ako ni Janine. Maniwala po kayo sakin, mahal ko si Celine. Mahal na mahal ko sya” mangiyak ngiyak na sagot neto.
“Layuan mo na si Celine. Lumayo ka na sa pamliya namin!” matigas na sabi ng lola nya dito. Dahil sa narinig ay biglang lumuhod si Luke sa harap ng lola nila.
“La.. parang awa nyo na. kahit sampal sampalin niyo po ako tatanggapin ko wag niyo lang ako palayuin kay Celine. Mahal na mahal ko si Celine.” Pagkatapos ay paluhod din etong humarap kay Celine at sa mga magulang neto.
“Celine.. please.. maawa ka sa akin. Alam mo hindi ko eto magagawa sayo kung hindi ako nilasing ni Janine! Tito.. Tita.. patawarin niyo ako. Please.. please po.. hindi ko kaya.. mahal na mahal ko si Celine!” pagmamakaawa neto.
Itinayo sya ng ina at inilabas ng bahay ng lola nya. Ayaw nyang umalis at sinabi sa ina na isama nila si Luke pero hindi eto nakinig at hinila sya palabas. Nasa labas ng bahay ng lola niya si Chloe. Hindi eto pumasok sa loob dahil hindi naman eto kapamilya. Sumama na eto pauwi sa bahay nila.