Luhaan ang ina na nagmakaawa sa ama na wag gipitin ang kapatid neto at isantabi ang hidwaan nilang magpinsan at wag idamay ang kanyang kapatid. Pero nagmatigas ang ama. Ang sabi lang neto ay hindi neto matanggap ang panlalaet ng mga eto sa kanya lalo na ang pagtatakwil ng lola nya. Ipinaalala pa ng ama sa kanyang ina na ilang beses nilang ipinagamot ang lola nya maging ang lolo nya nuong nabubuhay pa eto. Hindi man lang daw naisip yun ng lola nya.
Bago sila umalis ay dumating ang lulugo lugo nyang tito Anselmo at umiiyak na nakiusap sa ama nya. Ang bahay at lupa lang daw ang meron eto kaya kung pwede daw ay bigyan sila ng mas mahaba haba pang panahon para mabayaran eto. Ang sabi ng ama nya ay isang buwan.
Muling ibinalik ng ama ang mga bodyguards nya at tuluyan namang nilisan ng ina ang bahay nila sa Laguna. Kalat na kalat na kasi sa kanilang lugar ang nangyari at iba iba na ang bersyon ng kwento pero nagkakaisa sila sa isang bagay: mang aagaw si Janine at malandi.
Dalawang linggo pa ang lumipas at dumating sa bahay nila si Luke at magulang neto at pumapayag na daw etong pakasalan sya. Bagamat nagulat ay labis ang katuwaan ni Janine. Halos yakapin nya si Luke na agad lumayo sa kanya. Pero ang ama nya naman ang nagmatigas na wag siyang magpapakasal kay Luke. Pero umiiyak syang nagmakaawa sa ama kaya sa huli ay pumayag eto. Bago ang kasal nalaman nya ang kapalit ng pagpapakasal ni Luke, wag gipitin ang pamilya ni Celine. Sa labis na pagmamahal neto kay Celine ay pumayag etong isakripisyo ang sarili, wag lang mahirapan eto at pamilya nya. Celine finally gave up Luke at pinaalis eto ng ama. Pumunta eto ng Cebu kung san nakatira ang isang kapatid ng mama neto para dun magtrabaho.
Lalo syang kinamuhian ng lola nya dahil sa pag alis ni Celine. Hindi eto dumating sa araw ng kasal nya. Sa huwes lang naman sila kinasal ni Luke dahil hindi daw neto kayang manumpa sa harap ng Dyos. Para lang naman etong zombie ng araw ng kasal nila. Tanging eto at magulang lang ang dumating at ang best friend netong si Zach na nakaitim pa. Yun daw ang request ni Luke. Death day daw kasi neto ang araw na yun. Halos hindi rin sya kinakausap ng ina ni Luke dahil indi rin eto boto sa kanya. Galit na galit din eto sa kanya dahil sa kaguluhang ginawa nya. Ang byenan naman nyang lalake ay civil lang sa kanya.
Dalawang kapatid lang ng mama nya ang dumating. Ang tita Emma nya at tita Linda. Eto kasi ang mga pinaka close sa ina. Hindi rin nagtagal ang mga eto at nagsiuwi din. Umiyak si Chloe ng araw ng kasal nya at hindi sang ayon sa pagpapakasal nya ka Luke. Magiging miserable lang daw sya sa piling ni Luke pero hindi sya nakinig. Mas magiging miserable sya kung hindi eto ang makakatuluyan nya.
Three years later nabalitaan nyang lumipad pa America si Celine para magpakasal sa fiancé netong Austrian citizen na nakabase sa America. Sa America na eto naglagi mula nuon at wala na syang naging balita dito. Pinilit na binayaran ng magulang neto ang pagkakautang sa kanilang pamilya kahit ayaw ng tanggapin ng ina. Pero hindi pumayag ang mga eto. Sya naman ay hindi tumigil sa pagsuyo sa lola na kasing lamig ng yelo ang trato sa kanya. Halos sumuko na sya pero ng kausapin sya neto ng isang pasko na dumalaw sya dito, labis ang naging kasiyahan nya. Nanatiling malamig sa kanya ang lola pero hindi na eto lumalayo kapag lumalapit sya. Ipinangako nya sa sarili na hanggat buhay eto, susuyuin nya eto. hindi na sya umaasang maibalik ang pagtingin neto sa kanya bilang apo, pero ang importante ay matanggap sya netong muli ng buo.
“Mommy are you alright?” napakurap si Janine ng marinig at boses ni Cody. Napahinto ang isip nya sa pagbabalik sa nakaraan at naramdamang me luhang tumakas sa kanyang mata.
“Ha? Ah oo anak..kain na kain na!” mabilis nyang pinahid ang luha sa mata. Kung inaakala ng marami ay matibay sya, nagkakamali sila. Ang totoo, maraming beses na nyang gustong sumuko at lumayo na lang. Pinagsisisihan na nya ang lahat ng nagawa nya dahil alam nyang nasira nya ang buhay ni Celine at Luke at nasira nya ang relasyon ng magulang sa magulang ni Celine. Maging ang iba nilang kamag anak ay naging mailap sa kanila mula nalaman ng mga eto na ginipit ng ama ang magulang ni Celine. Kaya lang, ayaw nyang bumitaw para sa mga anak at sa kinakapitang pag asang isang araw, mahahanap din ni Luke ang kapatawaran para sa kanya at magawa sya netong mahalin kahit tuldok lang. Palihim syang sumulyap sa asawa na nakayuko lang at tila nilalaro ang pagkain sa plato at nag iisip.
Comment and Follow Me
Thank you for reading!