DANNELLE'S POV
"Nasaan ka na?" Nag-text ako kay Tristan dahil nangako itong sisipot siya sa graduation ko ngunit hanggang ngayon ay wala pa siya.
Sa loob ng apat na taon ay nanging mabuti kaming magkaibigan. Halos madalas siyang bumibisita sa akin at nagdadala ng mga pasalubong. Sinasamahan niya ako hanggang matapos ko ang lahat ng mga gawain at tinutulungan pa niya akong mag-aral. Napakatalino ni Tristan, lalo na pagdating sa accounting at law subjects. Sa sobrang kabutihan niya sa akin ay tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya, kaya napagpasyahan ko nang ipagtapat ang nararamdaman sa kanya, ngayong araw din na ito. Hindi ko hihilingin na suklian din niya ang nararamdaman ko sa kanya dahil sapat na ang lahat ng kabutihan niya sa akin. Gusto ko lang ipaalam sa kanya bago pa mahuli ang lahat.
Sinubukan kong tawagan ito ngunit hindi niya sinasagot. Nadismaya ako dahil kahit kailan ay hindi siya nahuli o nabigong sumipot sa mga usapan namin. Naaalala ko pang nangako siyang pupunta dahil may mahalaga din siyang sasabihin sa akin.
"Congratulations, Dannelle!" Sumulpot si Dean kasama ang iba pang faculty members at binati nila ako.
"We're very proud of you, Dannelle. I knew, you'll gonna make it on top and now, here you are, the Summa c*m laude," nagagalak na sabi ni Dean.
"Congratulations, Dannelle!" Sumunod naman ang University President na si Atty. Ledesma.
"Salamat po," tipid at mahinang sagot ko at saka ngumiti.
"Hija, come with me, I'll introduce you to Mr. Ylvania. You know him, right? Mr. Ylvania was the biggest share holders of our university at siya rin ang walang sawang sumusuporta sa mga katulad mong scholar students para makapagtapos ng pag-aaral."
"Nandito po si Mr. Ylvania?" Gulat at natutuwang sabi ko. Hindi ako makapaniwala na sa wakas, makikilala ko na si Mr. Ylvania sa unang pagkakataon. Sabi ni Tristan, napaka-abalang tao si Mr. Ylvania at madalang daw itong dumalo sa mga ganitong okasyon.
Ngumiti sina President at Dean at dinala nila ako papunta sa opisina ni President kung saan pansamantala silang nag-abang. Mabilis kong inayos ang simpleng bistida na soot ko at nakasabit naman sa braso ko ang itim na toga at hinawi ko ang buhok ko para naman kahit papaano ay presentable akong haharap sa kanila. Kinakabahan ako ngunit kasabay nito ang umaapaw na tuwa at pagkasabik dahil makikilala ko na si Mr. Ylvania at siyempre, alam kong kasama niya si Tristan at makikita ko din siya. Siguro ay kaya hindi ko matawagan si Tristan ay dahil abala siya ngayon dahil narito din pala si Mr. Ylvania.
Ilang hakbang na lang ang distansiya bago namin marating ang opisina ni President kung saan sila naroon. Una kong napansin ang mga bodyguards na nakasoot ng itim na salamin, amerikana, at wire earpiece, tulad ng mga napapanood ko sa mga pelikula. Matindig silang nakatayo at mamatyag sa labas malapit sa pintuan.
Pumasok kami sa loob at natanaw ko agad si Mr. Thomas at agad kong hinanap si Tristan ngunit nadismaya ako nang hindi siya makita.
"Mr. Thomas, this is—"
"Dannelle, congratulations! Parang kailan lang noong una kitang nakilala, ngayon nakapagtapos ka na at latin honor pa. The YGGC was so proud of you, hindi kami nagkamali para suportahan ka sa pag-aaral. You know what? Mr. Ylvania is your number one fan, you should now that."
"Oh! We have no idea that you already knew each other," nagulat sina Dean at President. Magkapanabayan naman namin silang sinagot ng tipid na ngiti.
Lumigon ako sa ibang hindi pamilyar na kasama ni Mr. Thomas, kalakip nito ang tanong sa isip kung sino sa kanila si Mr. Ylvania? at bakit hindi nila kasama si Tristan?
"Mr. Ylvania will arrive a little later. Iniutos niyang mauna na kami." Pahayag nito nang mapansin niyang parang may hinahanap ako.
Biglang lumuwag ang ngiti ko at nagliwanag 'yon. "Kasama niya po ba si Tristan? Makakapunta po ba si Tristan?" Umaasa akong kasama niya si Tristan. Alam kong hindi ako bibiguin ni Tristan.
Saglit bago siya sumagot at bahagya siyang tumukhim. "Don't you worry, he'll come," tipid na sagot nito at ngumiti.
Ilang minuto kaming nanatili sa opisina ni President Ledesma at sandali kaming nag-usap matapos nila akong ipakilala sa iba pang mga opisyal ng YGGC na kasama ngayon ni Mr. Thomas.
"The ceremony will start in few minutes. Dannelle, pumunta ka na doon. We'll just introduce you later to Mr. Ylvania."
Nagsimula ang seremonya at naka-upo na ang lahat ng kapwa ko kamag-aral na magtatapos din. Hindi ko na alam kung ano na ang ganap sa paligid at wala na akong ganang makinig pa sa mga sinasabi sa entablado dahil hindi ako masaya habang nagmamartsa kanina. Gusto ko sanang makita ako ni Tristan soot itong toga habang nagmamartya ngunit wala pa rin siya.
"...Let us all welcome, Mr. Travis Ruiz Ylvania." Bigla akong natauhan nang marinig ang pangalan ni Mr. Ylvania, ibig sabihin narito na rin si Tristan. Sabik na hinanap agad siya.
"Tr-Tristan?" Napawi ang ngiti ko sa pagkabigla. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. Ano'ng ibig sabihin nito?
Sinundan ko siya ng tingin papunta sa entablado. Napakakisig at elegante nito at sa unang tingin pa lang ay maiilang ka nang kausapin siya. Pakiramdam ko ay hindi na siya si Tristan na nakilala ko. Hindi naman talaga siya si Tristan. Pero bakit? Bakit kailangan niyang maging si Tristan?
Hindi ako makapaniwala. Sa buong oras na ito, wala akong ka-ide-ideya na ang Tristan na madalas kong kasama ay si Mr. Ylvania na pala. Nanlambot ako sa rebelasyong ito. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay babagsak na ako.
Natapos ang graduation ceremony at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Tulala, balisa, tuliro at halos mawala na ako sa sarili. Maging sa speech ko ay maka-ilang ulit akong nagkamali at nautal-utal pa dahil sa biglaang pagsulpot ni Tristan bilang si Mr. Ylvania. Sobrang nabigla ako.
"Dannelle, are you okay?"Natauhan ako nang magsalita si President.
"huh? Ah, Pr-President," nauutal na sabi ko.
"Halika na. Hindi ba gusto mong makilala si Mr. Ylvania? He's looking for you and he said he wants to talk to you." Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla na niya akong hilain at idala pabalik sa opisina nito.
Nang makapasok kami sa loob ng opisina ay agad na nahagip ng mga mata ko si Tristan o mas mabuti pang tawagin ko na lang siyang Mr. Ylvania. Nanigas ang katawan ko at nag-init ng katawan nang magtama ang mga tingin namin kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Mr. Ylvania, this is Ms. Gervacio—"
Naiilang akong humarap at pabilis ng pabilis ang pagkabog ng dibdib ko habang ipinapakilala ako ni President sa kanya. Ang mga tao sa paligid ay unti-unting naglalaho hanggang sa siya na lamang ang nakikita ko.
"Dannelle," Panimula nito at napansin ko ang hawak niyang dose-dosenang bulaklak na binalot sa mamahaling papel at makintab na pulang laso at gaya ng inaasahan, iniabot niya 'yon sa akin.
"Please, forgive me for coming late to this special day of yours. I can't afford to come empty handed, that's why I dropped by the nearest flower shop so I could give you something—" Hindi ko na kinaya ang sobrang pagkabigla at nahimatay na ako.
Nabigo akong ipag-tapat kay Tristan ang pag-ibig ko sa kanya dahil sa nalaman ko. Lumipas ang ilang buwan na pag-iwas ko sa kanya dahil nahihiya ako. Naging komportable na ako kay Tristan sa loob ng apat na taon at trinato ko siya bilang isang kauri. Pakiramdam ko ay binastos ko ang buong pagkatao ni Mr. Ylvania.
Naaalala ko ang mga maling pagtrato ko kay Tristan 'pag may mga hindi kami pinagkakasunduan dahil sa sobrang komportable ko na sa kanya ay nawala na din ang linya sa pagitan namin. Kung alam ko lang na siya si Mr. Ylvania, hindi kami magiging ganoon kalapit.
"Iniiwasan mo ba ako, Dannelle?" tanong ni Mr. Ylvania. Mayroon halong depresyon sa tono ng pananalita nito. Napakagat ako sa labi ko.
Lumipat ako ng inuupahan mula noong malaman kong pati ang apartment na tinitirhan ko sa loob ng apat na taon ay galing din pala sa kanya. Natatakot akong isipin ng ibang tao na pinagkukwartahan ko si Mr. Ylvania.
"Pasensya po, M-Mr. Ylvania, masyado lang po akong abala sa paghahanap ng trabaho," rason ko pero ang totoo ay umiiwas talaga ako.
Hindi na ako makapagtago. Natunton niya itong nilipatan ko at hindi ko na siya maiwasan. Bago ako lumipat ay nagpadala ako ng huling sulat sa kanya upang magpaalam at humingi ng tawad sa kanya. Ayaw kong isipin niya na pinagsasamantalahan ko ang kabutihan niya. Mahal ko siya at ayaw kong masira ang pangalan niya dahil sa akin. Masyado siyang mataas para abutin ko.
"I know you're not busy. Umiiwas ka lang."
"Bakit? Galit ka ba sa akin dahil nagpanggap ako bilang si Tristan? Dahil ba pinaniwala kita bilang si Tristan? Please, kausapin mo ako! Mag-usap tayo, Dannelle."
"H-hindi po ganun, Sir."
"Then why are you avoiding me? Ayaw mo na ba akong kasama? Ayaw mo na ba ako—" Hindi niya ako tinigilan at hindi ko na napigilan ang sarili.
"Mahal kita!" May kalakasan sa tono ng boses ko at natigilan siya sa sinabi ko at napansin kong nagtaas baba an dibdib nito.
"Sir!" dagdag ko. Gusto kong ipamukha na umi-ibig ako sa isang lalake na napaka-layo at taas ng estado sa akin. Gusto kong iparating na hindi kami bagay at sigurado ako na kapag ipinagtapat ko 'to sa kanya ay lalayo na siya sa akin.
"Hindi ko sinasadya na mahalin ka. Sa loob ng apat na taon, lihim kong minahal si Tristan. Akala ko magkapareho tayo. Pero ngayong alam ko na, tanggap ko naman na hindi mo ako magugustuhan. Pero sobra akong nagpapasalamat at nakilala kita, Mr. Ylvania. Umiiwas ako sa 'yo dahil ayaw kong mas masaktang umasa sa napakaimposible. Ayaw kong masira ang pag kakaibigan natin kung ipagtatapat ko sa 'yo pero nasabi ko na."
Pareho kaming natahimik ng halos isang minuto. Nagpasya akong tumalikod at humakbang palayo para itago ang nararamdaman ko. Nasasaktan akong wala itong kibo.
Nabigla ako nang higitin niya ang braso ko pabalik sa kanya. Napakabilis ng mga pangyayari. Sa loob ng isang kisap mata, namalayan ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin. Nanlaki ang mga mata ko sa matinding pagkabigla at hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sinasabi ng isipan ko na itulak siya ngunit nanaig ang kabig ng dibdib ko at sinagot ko ang mga halik niya. Mapusok na sinagot namin ang bawat hagod at haplos ng mga labi namin, padiin ng padiin. Nararamdaman ko ang kuryenteng dumadaloy mula sa mga labi namin na nagbibigay init sa aming katawan. Napa-atras ako ng humakbang siya at dumikit ang likod ko sa pader, sa loob ng apat na sulok ng bahay na ito. Hindi maawat ang aming damdamin. Nag-umpisa ang pag-gapang ng makay nito mula sa pisngi ko pababa sa batok. Maingat niyang kinokontrol ang kumpas at bawat paggalaw ng ulo ko. Gumapang ang isa nitong kamay pababa sa dibdib ko at duon ay nabigla ako at natulak ko siya.
"I-I'm sorry, Dannelle, I'm so-sorry," humingi ito nang paumanhin.
"I-I just can't contain my feelings any more! you don't have any idea how happy I am, right now. Matagal na kitang mahal bago mo pa naramdaman na mahal mo rin ako. I prentended to be someone just to get closer with you. Alam kong 'pag nalaman mong ako si Travis ay maaaring lumayo ang loob mo sa akin, katulad ngayon. Ayaw kong lagyan mo ng guhit ang pagitan natin. Gusto kong maging komportable ka sa akin gaya ng pagtrato mo kay Tristan."
Natigilan ako sa mga sinabi niya at hindi ako nakasagot. "Mahal kita! Sana ipaglaban mo ang nararamdaman mo sa akin kahit na magkaiba tayo ng mundong ginagalawan." Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan niya.
"Please, let's give it a try. Ikaw lang ang gusto ko and I can't wait to be your boyfriend and your husband. I-I wanna marry you!" Gusto ko mang magsalita ngunit walang lumabas sa bibig ko kundi ang luha sa mga mata ko at hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko.
Sinagot ko si Travis nang araw ding 'yon. Pribado ngunit hindi sekreto ang relasyon namin at ilan lamang ang nakakaalam. Simula pa lang ay hindi na sangayon ang karamihan lalo na ang kapatid ni Travis na si Venice. Tiniis ko ang mga panghuhusga at pangmamaliit ng nakararami sa loob ng halos dalawang taon.
---
Nagising akong wala na si Travis sa tabi ko. Napangiti ako ng matamis mula sa napakagandang ala-ala mula sa nakaran na ibinalik ng magandang panaginip. Dahan-dahan akong bumangon at nilingon ang bedside table kung saan nakapatong ang digital clock. 9:47AM na pala.
Nabaling ang atensyon ko sa isang sticky note na nakadikit sa vase kung saan nakalagay ang mga paborito kong malalago at sariwang bulaklak, ang Casa Blanca. Binasa ko ang nakasulat.
My queen,
I hope these flowers would bring smile on your lovely face as bright as the shine of the morning. I prepared some breakfast for you at the kitchen. Enjoy! See you later, I love you!
-Travis
Muli akong napangiti. Inamoy at niyakap ko ang napakalaking bulaklak at saka nagmadali akong bumangon kahit ang puting kumot lamang ang bumabalot sa hubad kong katawan. Pumunta agad ako sa kusina. Nadatnan ko ang mga inihain ni Travis. Masaya kong inumpisahan ang mga iyon.
Hindi maipaliwanag ang umaapaw na sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay nagbalik na ang masaya at payapang pagsasama namin ni Travis. Alam kong walang kapatawaran ang mga nagawa niya sa akin pero naniniwala akong may karapatan siyang mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Masama ang loob ko dahil sa nangyari pero dahil mahal ko siya ay handa akong bigyan siya ng pangalawang pagkakataon.
Matapos kong kumain ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Narito ako sa mansion ni Travis kaya wala akong ibang masuot kundi ang T-shirt niya. Matangkad at may kalakihan ang pangangatawan ni Travis kaya maluwag sa akin ang T-shirt. Nagmukha tuloy itong bistida nang suotin ko.
Noong isang araw ay pumayag na rin akong dito na sa mansion niya tumira. Konserbatibo ako at sobra ang pagrespeto ko sa katawan at sarili ko. Alam kong sa panahon ngayon ay hindi na uso ang maging Maria Clara pero mataas ang disiplina ko kaya hindi ako pumapayag noon na magsama na kami ni Travis sa isang bahay at nirespeto naman niya 'yon, kaya hindi ako makapaniwalang nagawa niya 'yon sa akin. Kung siguro ay ibang tao pa 'yon, hindi pa siguro ako magtataka pero sobra akong nasaktan dahil siya pa na pinagkatiwalaan at minahal ko ang nakagawa ng bagay na 'yon sa akin. Hindi ko lubos akalain dahil kilala ko siya. Isa siyang desenteng lalake at hindi siya kriminal.
Iwinaksi ko ang ala-ala na 'yon dahil ayaw ko nang balikan pa. Ipinangako ko sa sarili ko na ibabaon ko na sa limot ang lahat ng mga 'yon. Masaya na kami ngayon at napatawad ko na siya. Nakikita ko naman kung paano siya bumabawi ngayon at hindi niya ako nabigo dahil nakikita ko naman ang muling pagbalik ng dating Travis na nakilala ko noon. Tao lang siya at nagkakamali at ginagawa naman niya ang lahat para mabura ang madilim na nakaraan. Bumuntong hininga na lang ako.
Alam kong gabi pa makakauwi si Travis at mag-isa lang ako ngayon. Pinauwi niya ang lahat ng mga kasambahay at pinagbakasyon niya muna ang mga ito dahil gusto niyang masolo namin ang isa't-isa.
Napag pasyahan kong gawin na lang ang painting na matagal ko nang binubuo. Halos dalawang taon na rin ngunit hindi ko pa siya nabubuo. Sobrang matrabaho kasi ang painting na ito. Napakamisteryoso ang kwento sa likod ng painting na ito. Ito ang La Hada, at ayon sa mga kwento, may isang mahiwagang diwata ang siyang tutupad ng kahit na anong kahilingan mo kapag nabuo mo ang painting na ito. Sa totoo lang, hindi naman ako naniniwala. Gusto ko lang gawin ang painting na ito dahil isa ito sa mga paborito kong pagkaabalahan kapag wala akong ginagawa. Pero kung may hihilingin man ako, 'yon ay para sa ikapapayapa ng pagsasama namin ni Travis.
Dahil wala akong ibang mapagkakaabalahan ay muli kong gagawin ang pagpipinta. Mula kase nang makapagsimula ako sa trabaho ko bilang simpleng clerk sa isang ahensya ng gobyerno ay natigil ako sa pagpinta. Plano ko pa sanang bumalik sa trabaho pero hindi ko alam kung paano ako babalik. Dahil sa nangyare sa akin ay napilitan akong huminto sa trabaho. Wala ni-isa sa mga katrabaho ko ang nakakaalam sa nangyari sa akin.
"Good afternoon, Miss!" bati nang isang pamilyar na babae. Hidi ko inaasahan ang pagdating nila.
"I'm Cristel. I was instructed to bring the people who will do your total make-over."
"Hi, Miss Cristel! Kaya pala parang pamilyar ka. Ikaw yung assisstant ni Mr. Thomas." Binigyan niya ako ng ngiti bilang sagot.
"Pero para saan po ang make-over?" nagtatakang tanong ko.
Walang pasabing dumating si Ms. Cristel at hindi ko man lang na ayos ang sarili upang salubungin sila. Nadatnan nila akong abala sa veranda habang nagpipinta.
"Pumasok po muna tayo. Gusto niyo po ba ng kape?" alok ko.
Bahagya akong nahiya nang mapansin nilang puno ng pinta ang mukha ko at pati ang suot kong maluwag na puting T-s**t ni Travis.
"There will be a very important event tonight at La Casa Imperial. I was tasked to handle your make-over for tonight's event." Ngumiti ito.
Ang La Casa Imperial ay kilala bilang pinakaprestiyosong hotel sa bansa at maging sa ibang bansa. Pinapatakbo rin ito ng kumpanya ni Travis, ang YGGC.
Ipinakilala ni Ms. Cristel ang mga kasama. "This is Dr. Jairome Lee," Ipinakilala niya ang katabi niyang lalake na nakasoot ng puting polo shirt, may nakasabit na mahabang balabal sa leeg, hawak ang makinang na pamaypay, suot ang makapal at mapulang lipstick.
"Hallooo, Miss! Please call me Dr. Jai," sabay bati ni Dr. Jai gamit ang nagbibinabae niyang boses, sinabayan pa niya ng mala-beauty queen na ikot at saka kumembot.
"Dr. Jai will be your Dermatologist," paliwanag ni Miss Cristel.
"And this is Claire, she will be your Stylist."
"Hi, Miss Dannelle! Napakaganda niyo naman po." Ngumiti siya at bahagyang yumuko. Nahiya ako sa sinabi ni Miss Claire. Naiilang ako sa tuwing may mga pumupuri sa akin.
"Siya naman si Miranda, ang manicure and pedicurist, she'll also do massage and foot spa for you." Binati rin ako ni Miranda.
"And Emma, your hair and make-up artist."
Nang matapos ipakilala ni Cristel ang bawat isa ay saka kami nagtungo sa Pampering area ng mansion ni Travis. Isa itong silid kung saan naroon ang lahat nang mga kakailanganin naming kagamitan at hindi lang 'yon, lahat ng mga kagamitan ay makabagong teknolohiya. Parang isa itong Salon and Spa, mas kompleto pa nga kung tutuusin.
Inumpisahan nila akong ayusan. Una nilang ginawa ay ang skin check-up. Sinuri ni Dr. Jai ang balat ko. Matapos ay binigyan niya ako ng mga bitamina, ointment at moisturizer. Sumailalim din ako sa dead skin removal at kung ano-ano pang hindi ko maintindihang mga proseso. Pinaubaya ko na lang 'yon sa doktor.
"Your gown is an A-line, mermaid shaped, Royal blue Satin Long-dress, embroidered with gemstones, paired with set of diamond jewelry, and a silver open-toes, law vamp, high Pin heel shoes. Perfect!" sabi ni Miss Cristel.
Natapos ng halos apat na oras ang lahat ng dapat nilang gustong gawin at saka nila ako iniharap sa full-body length mirror ng silid. Nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin ay namangha ako. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko.
"Gulat ka 'no?" mapagbirong wika ni Dr. Jai.
Buong buhay ko hindi ko naranasan ang ayusan nang ganito. Dati kase sapat na ang polbo at kaunting lip balm, hindi naman kasi ako mayaman para maranasan ang ganitong kagarbong ayos.
"Guys let us now pack our things," tawag pansin ni Cristel.
"Miss, I need to leave now. Marami pa akong aasikasuhin sa Event. Don't worry, I just got a call from Sir Thomas, he's on his way to pick you." Sinagot ko siya ng ngiti.
Agad naman silang nagmadaling mag-ayos nang gamit at makalipas ang kinse minutos ay umalis na ang lahat at naiwan ako mag-isa.
Habang hinihintay ko ang pagdating ni Mr. Thomas ay napagpasyahan ko munang iligpit ang ilang gamit sa silid ni Travis nang bumukas ng pinto.
"Hello there, b***h!" Iniluwa ng pinto si Venice kasama ang kanyang grupo. Binati niya ako gamit ang mapanguyam na boses nito.
Napawi ang mga ngiti sa labi ko at agad na nagbago ang ganda ng paligid. Nagbabadya ito.