ELLE'S POV "Elle, I'm really sorry. Kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari sa kanya ito." Hindi matigil sa pag-iyak si Dennise. Nakatayo sa tabi namin sina Enzo at Thomas at maging sila ay hindi maipinta ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. I was also crying, harder than she does. We both hugged as we try to comfort each other. "Dannelle, I think yung holdupper na nakaingkwentro ni Travis ay kakilala mo. They called me with your name, napagkamalan nilang ako ikaw. Narinig ko, Benji ang pangalan ng isa sa kanila at ni-harass nila ako. Papatiyin nila ako kapag hindi ako nagbigay ng pera. Galit na galit pa sila kase pinakulong daw ni Travis ung magulang ni Benji." "Ano?!" Nabigla ako sa sinabi ni Dennise. Si kuya Benji ang panganay na anak ng mag-asawang kumupkop sa akin noong bata pa

