THIRD PERSON'S POV "Where am I?" Ang katanungan sa isip ni Travis. Inilibot nito ang paningin sa paligid kung saan siya naroon ngayon. Pamilyar ang lugar ngunit hindi nito matiyak kung saan ito. Nahagip ng mata nito ang pamilyar na lalake, nakatalikod ito habang hawak ang isang mahabang rolyo ng papel. Nakasoot ito ng itim na amerikana sa tabi ng itim na kotse at kausap ang isa pang lalake na nakasoot ng puting polo. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan ng mga ito nang biglang bumukas ang pinto ng kotse sa backseat at may isang batang lalake ang tumakbo palabas. "Vient?" The kid looks a lot like his son. "Travis, don't go far, aalis din tayo kaagad!" Nabigla si Travis nang tawagin ng lalakeng nakasoot ng amerikana ang pangalan nito at mas lalong nanlaki ang mata nito nang makita k

