ELLE'S POV "Travis!" Nag-alala ako nang makita kong bumaon ang bread knife na dala ko kanina na hawak ni Vient at ngayon ay nakabaon na sa braso ni Travis. Tumutulo ang dugo nito pero hindi niya 'yon pinansin. Nahimasmasan ako sa mga nakita ko at doon ay tuluyan na akong natauhan. "Vient, my son. It's daddy-tatay. Please, calm down. It's okay now." He was so gentle as he was carressing my son's back. "Daddy-tatay!" Humagulgol ako nang makita ko kung gaano kadaling napatahan ni Travis ang anak ko. Walang kahit na sino ang nakapagpatahan sa anak ko ng ganoon kadali. Kinakailangan pa niya magapusan ng makakapal na belt sa kama at turukan ng mga karayom mapakalma lang pero iba ang sitwasyon ngayon. Travis tamed my son, effortless. Mas lalo na akong na aalarma sa nangyayari, bumabalik na an

