MIGZ POV
Kasalukuyan kaming nasa condo ko ng aking fiancee ng mag pop up ang notification ng cellphone ko.
Ito ay ang group chat ng batch 2021 na ngayon lamang ulit ito nagnotify sa messenger ko. Nang mabasa ko ito ay umupo ako sa couch ko while si Monica ay nasa bathroom. Katatapos lang namin mag make out.
Inilapag ko na sa mesa ang phone ko dahil hindi naman ako interesado pero may kung anong humahatak sa aking kamay na muli kong kunin ito. Ang salitang "guest who" ang nakatawag pansin sa akin. Pinuntahan ko ang account ni Pia.
Sa pagclick ko ng video screen na live si Pia ay nag-umpisa ng manginig ang aking kamay. Pakiramdam ko ay naninigas ang mga daliri ko. Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Alam kong siya iyon. Naghintay pa ako ng ilang sandali at umaapaw na ang mga heart and wow reaction hanggang sa nabasa ko ang comment ni Zack.
Halos manikip nanaman ang aking paghinga. Ilang years na ba ang nakakalipas pero bakit ganito parin ang impact nito sakin. Akala ko tapos na.
Hindi maaaring ganito nalang ang maramdaman ko sa kanya. Engage na ako kay Monica Brava at ayaw ko siyang saktan at lukuhin. Isang taon na kaming engage ng aking fiancee at dalawang taon na lamang ay ikakasal na kami ayon sa aming pinagkasunduan. Isa siyang sikat na young model ng Chanel Company. I love her pero di ko talaga maikakaila kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Its been 10 years...
Habang pinagpapatuloy ko ang panunuod ko ng video ay nakakaramdam ako selos. Naiirita ako sa bawat galaw ni Harry at hindi ko na namalayan na hininge ko na ang location na kinaroroonan nila ngayon.
Mabilis narin akong nakapagbihis matapos maibigay ni Jinky ang location nila sa group chat dahil sa maraming humihinge noon. Wala na ang live sa account ni Pia at nailipat na ito sa private call ng GC. Nakikinig na lamang ako.
Si Monica ay takang taka sa inaakto kong kilos ngayon sa kanyang harapan. Hindi siya nagtatanong ngunit sumusunod na lamang ito sa ipinagagawa ko tulad nalang ng pagpack ng gamit namin. Gusto nito kasing sumama.
Mabilis narin akong nakapagcheck-in online sa malapit na hotel.
Mag aalas nuebe na ng gabi at halos paliparin ko ang aking sasakyan papuntang Batangas.
Nanatili akong nakikinig sa awit nila ni Harry at Sirius sa pamamagitan ng bluetooth audio lamang. Panglimang awitin na nila iyon at lahat ay lovesong. Napakaganda talaga ng boses niya.
Naririnig mo sa live videochat ang bawat hiyawan nila. May tuksuhan na ngang nagaganap sa pagitan ni Sirius at Harry na madidinig mong pumapalag si Geon. Natetensiyon na tuloy ako.
Ilang pang sandali ay narinig kong nagplaplano na ang mga itong mag inuman na lang sa isang silid. Mga aalas-dyes na ng gabi ng marating ko ang toll gate ng Calamba ng hilahin ang mga mata kong tingnan ang aking cellphone at dito ko nakita na naka focus ito sa mukha ni Sirius.
At ang nakakainis ay huling huli rin ng camera ang panakaw halik na ginawa ni Harry ngunit dalawang sapak ang natanggap nito sa kamay ni Nokie at Carlo kasunod ng muling hiyawan.
"Whoaaaaah!!!! "
Nag-iinuman na ang mga ito sa loob ng isang silid at ngayon ay nakacorner na ito sa loob ng bisig ni Carlo. Mukha siyang napakainosenteng manika. Kitang kita na namumula na ang kanyang pisnge dahil siguro sa marami na itong nainum. Naalala ko tuloy ang una niyang paginom ng alak.
Muli kong ibinalik ang phone ko sa board at nakinig nalang ulit ako ngunit nagngangalit ang aking mga bagang sa inis.
"f**k you guys! I truly understand na namiss nyo ang beshie ko pero for pete's sake naman, walang nakawan ng halik! Uumbagin ko na kayo! Respect guys ha. Kanina ko pa kayo napapansin nah nah nahhhh, kung gusto nyo si Si ay idaan nyo sa tama. Santong pampasan na ba toh!? " malinaw kong dinig kay Carlo na halatang tinamaan narin ng alak.
"Fine! I'm sorry mmm Si, pwede ba akong manligaw!? " Kay Harry ang boses na yun walang duda na nagkantyawan pa ang iba.
Ang pucha!
"Si, manliligaw narin ako! " at sa boses naman na yun ay kay Geon naman.
"f**k! " mura ko.
"Oyyy may nagmura sa caller natin! Sino yun! Geon may natutol! " sigaw ni Pia at tawa ng tawa ayon sa kanyang boses na nang-aasar.
"Hallaaahhh Mr. Mendrez may girlfriend ka remember, ako na magsasabi ng no! " boses ni Jinky.
"Wala na. We broke up kanina lang! Alam nyo naman na first love ko si Sirius until now. Alam nyo yun! " hirit ni Geon.
"Sai, liligawan narin kita, tutal may fiancee na si Migz di na yun hahadlang na ligawan kita." boses yun ni Cedrick.
"Putang *na! s**t! " muli akong napamura.
Hindi tama pero naiinis ako!
"Ayyyy rinig nyo ulit yun, its that you Megan Ortiga!? Nagmumura ka!? Lahhhh!? Hahahaha! " si Pia muli saka ako tumikhim.
"Don't mind me Pia. May dumaang ahas lang na muntik ko ng masagasaan. " palusot ko.
"Whoaaaaahhhh!!! " hiyawan ng iba at dinig ko pang lumulusot lang raw ako.
"Ohhh may tao na sa pinto, dali buksan nyo!" muli kong narinig ang boses ni Jinky.
"Oh Zack!!!!! Janel!!! Daisy!!! Leslie ah ah, Ang bilis nyo ahhh!!! "
"Whahhhhhhh baby girl!!!! "
"Hey guys what's up!!! Si!!! "
"Whoaaahhhh!!! "
"Ayyyy tangnang halik yun ah muntik na sa labi yun ahhh! Wag mong sabihing manliligaw ka narin!? "
"Yeahhh, pwede ba Si? "
"Whoaaaahhhh! "
"Teyka ang tanong magpapaligaw ba si baby girl!? lasing nahhh"
"Low battery na ko dear callers, bye na. See you nalang later. "
Then the call been drop.
"f**k! f**k! Godamnmmit!!!! " sigaw ko at napahampas ang kamay ko sa manubela.
"Are you okay babe!? " si Monica na di na mapigilang magtanong.
"Yeah" tipid kong sagot saka ako napabuntong hininga.
Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ko ng naramdaman ko na waring nagkaroon ng problema ang wheels ko.
"f*****g s**t! " galit kong mura sabay sipa sa hulihang gulong ng ako ay makababa.
Naplatan ako ng gulong at narito palang kami sa unahan ng Turbina.
Wala akong dalang extra wheel kung minamalas nga naman.
Mag aalauna na ng madaling araw ng magawan ko ng paraan upang maayos ang aking sasakyan.
Tumakbo pa ng isa at kalahating oras ang ang byahe namin bago namin narating ang hotel kung saan ako nagpacheck in.
Iniwan ko nalamang si Monica na kwarto at sinubukan kong puntahan ang grupo.
Hindi nakalock ang suit na pinagdausan ng inuman ng grupo. Nakita ko pa ang mga nakakalat na crackers at alcohol cans na nasa paligid. Wala si Sirius dito maging si Carlo.
Muli na sana akong lalabas ng mapansin ako ni Charles.
"Your late bro. Something happened!? " tanong nya.
"Yeahhh! " at dito ko isinalaysay ang nangyari.
"I see. Magpahinga ka na muna. Sabay na tayong mag breakfast at seven am mamaya. Bawe nalang ang mga nalate. Maging sila Renz kararating lang rin. Hanggang bukas pa naman ang kasiyahan at pinacancel narin namin ng asawa ko yung honeymoon namin. Si Zack lang ang umuwe gawa ng trabaho sa Cannor. Minsan lang mangyari toh. Tsk! Baka gusto mo narin sumama ng Mindoro kina Geon. Game si Sirius . This Saturday. Tinutuo na ang panliligaw bro tsk! " nang-aasar niyang wika.
Sa sinabi niya ay makaramdam ako inis.
"That bastard! " bulong ng isip ko.