Naalimpungatan si Carlo sa sunod sunod na katok sa kanilang cottage.
Topless niyang binuksan ang pintuan at nagulat siya na sunod sunod na pumasok sila Janel , Daisy, Jinky, Aragon, Pia, Leslie at Leido sa loob habang ang mga kalalakihan ay nasa labas.
Masama ang mga tingin nito kay Carlo.
"Huwag na kayong pumasok, sikip na sa loob. Tsk! Ang sama nyong tumingin, alam nyo ba yun. " puna nito.
"Whaaaahhhh! Anong ginawa mo kay baby girl at bakit pareho kayong hubad!? " sigaw ni Janel na humahangos palabas.
CARLO POV
Putcha.
Bigla tuloy akong idinikdik ni Megan sa pader at gamit ang braso niya ay idiniin niya ito sa aking leeg.
Umalma ako at nahablot ko siya sa kanyang kwelyo at pwersahan ko rin siyang pinatos at bumaliktad ang pwesto. I know what I'm doing. Mayroon din akong kaalaman sa mga martial arts na talagang pinaglaanan ko rin ng oras sa pag eensayo.
"Banat ka ng banat! Kalma! " mariin kong ani sa manly voice ko.
"Tol! " sigaw ng mga kasamahan namin.
"Whoahhh whoaaah whoaaah!!! "
"Tigil na yan. Masyado kang hot! " suway ni Renan kay Megan na tinapik pa ang braso ni Migz ng makalapit sa amin.
"Lahhh, joke lang yun guys, naka undergarments pa naman si baby girl, sorry! They are both hot kasi! Hehe, " na agad na nagpeace sign si Janel.
Ang bruha.
Dito tinabig ni Megan ang kamay ko sa kanyang kwelyo.
"Bakit ba ganyan ang ayos mo? Babae parin si Sirius at lalaki ka Carlo " puna ni Charles sakin in a nice voice naman.
Naiintindihan ko naman yun pero sanay na kami sa ganitong set up. Tsk pero ang hirap ipaliwanag ata nito sa mga kumag na ito eh.
"Dahhh! No further explanation pwede ba. Hubad man ako o sya, walang malisya yun samin. Higit sa lahat huwag nyo na akong pagselosan. Magselos kayo kung natoto ng tumayo ang alaga ko tks! Doon na kayo maghintay. Susunod na kami. Maliligo lang kami. " pagtataboy ko.
Saka ako pumasok sa loob. Nauna na akong naligo kay beshie na nakahiga parin at yakap yakap ng mga babayta. Pinainum lang nila si Sirius nang pain releiver sa head ache nya gawa ng hang over. At sa tingin ko naman ay effective yun dahil tawanan na sila ng tawanan.
"Hiking tayo bukas!? "
"Sige sige!"
"Pero Pia wag ka ng sumama ha, kawawa naman si Charles, sabik na sabik na yun sa petchay mo! "
"Lahhhh! Minsan lang naman toh, sulitin na natin. Magiging busy na si baby girl na sunod na buwan eh. "
"Oo nga noh, nag-email na ko sa company namin, one week vacation ko! "
"Lahhh ako nga urgent leave! " (laughing)
Yan yung mga naririnig ko outside.
"Beshie ikaw na maligo. Go na, ihahanda ko lang mga susuutin mo" wika ko ng makalabas ako.
"Friend ang ganda talaga ng katawan mo, ang hot! " ani ni Jinky na lumapit sa akin at nakitouch ng abs ko.
"Friend, bagay kayo ni baby girl promise, perfect mga katawan nyo! Ang yummy! " si Janel naman na hawak ang beywang ni Sirius at pasimple pang dinakot ang breast ni beshie na ikinagulat namin.
"Lahhhh! "
"No malice, all girls tayo! " sabay tawanan ng mga luka.
Tumayo nalang kasi ito ng walang pakimi kimi na inilantad ang katawan sa harap namin. Totoong napakaganda ng katawan ni Sirius. Napakakinis nito at ang kutis nya ay ang puti. Mabango rin ang kanyang katawan. Perfect promise. Lalo na at malaman ang breast nya na tamang tama ang size noon sa katawan.
Nagsisinungaling ako kung sinasabi kong hindi tumatayo ang manoy ko. Pero she is my best friend. I respect here at hindi ko inaabuso ang bestfriend ko. I can still control my temptation.
Although nagseselos talaga ako sa mga nagpapasaring na nanliligaw sa kanya at feeling ko na naaagawan na ko ng bestfriend. But she deserve to be happy. I am always here lang para sa kanya.
Matapos niyang maligo ay tinulungan ko siyang magbihis ng panloob niya. Black yun na lace butterfly na swimsuit na pang itaas at panty short. Sabi ko nga sa inyo, siya ang gagawin kong modelo sa lahat ng ubra ko.
Pinasuutan ko rin siya ng long yellow dress at tinernuhan ng beach hat na dilaw at ehem napanganga ang mga babayta. Bagay na bagay sa kanyang ganda ang kanyang suot. Nakarubber slipper lang siya na panda design.
Ako naman ay nakayellow walk-in short at black sando at crook panda na slipper. Wala lang tinirnuhan ko lang ang beshie ko at naglagay lang ako ng sunglasses sa ulo ko. Nagsukbit din ako ng beach bag kung saan ay mga basic personal thing lang namin ni beshie.
"Perfect partner talaga kayo promise! " puri ni Janel.
"Yeahhh i know!!! " sagot ko.
"Baby girl kapag niligawan ka ba ni Carlo, may pag-asa ba!? yung tipong magpapakalalaki na sya!? ibang klase kasi yang bestfriend mo eh, alam na alam nya lahat eh noh! " boses yun ni Leido na perfect question ahuh!
Pero ang beshie ko instead sumagot ay ngumiti lang ng pagkatamis tamis. Bruhita!
"Let's go na po. " aya nya.
Ang ending etchapwera ako dahil nagkumpulan na sila.
Hmmmp, pero ang gaganda nilang tingnan promise. Hindi na sila mga pang teen ager ang katawan. Talagang humulma na ang katawan into new obra.
Pinagtitinginan na nga sila. Tourist spot kaya ang kinaroroonan namin at summer pa ngayon.
Nandito na kami ngayon sa dining ng Casa Resto. Nakahanda na ang mga food namin at may tatlong crew na magsisilbi samin. Ibang klase talaga ang yaman nila Pia. Ang Casa Hotel and Resto ay pagmamay-ari ng magulang ni Pia. Nung nalaman nga ni Pia na sa kabila kami nakacheck in ay gusto nitong lumipat kami pero gosh fully book nga sila.
At hito na nga. Naestatwa ang mga boys sa harap namin. Si Charles agad ang lumapit at humalik sa noo ni beshie.
Masamang mag-isip ng kakaiba pero pakiramdam ko ay mahal parin ni Charles si Sirius. Sorry nalang sya, kasal na sya.
Pero nilapitan nya rin naman ang kanyang asawa at halik sa labi ang iginawad nito. Beyennn PDA. Pero tama lang ang ginawa nya at asawa nya yun eh!
Si Renan naman ay agad na lumapit kay Jinky nya at hayun pinaghila ng upuan. Si Nokie kay Aragon na napag-alaman Kong strong relationship sila.
Si Megan, Geon, Cedrick at Harry ang bilis kumilos pero syempre inunahan ko na sila.
Dahhhhh!!!! Pero naggoodmoring kiss si Harry kay beshie ganun din si Geon at Cedrick pwera kay Megan.
Lahhh paano ba naman hinila ito ng girlfriend nitong si Monica. I know here ofcourse.
Hindi pa umiinit ang pwetan namin ay may Rico Tan na dumating sa harapan namin at may dala itong boquet.
"Good morning Miss Sirius. Flower for you. " bati nito at humalik sa pisnge.
Taob ang mga kasamahan ko.
At ang mga mata nila ay umuusok sa inis lalo pa nung hiniram siya saglit ni Rico.
"Ibalik mo yan ng buo Rico!" pahabol ni Charles.