KABANATA IX

1217 Words
Ipinakilala ni Rico Tan si Sirius sa mga magulang nito na kasalukuyan rin palang naroroon sa resort at nagaouting. Magiliw naman siyang tinanggap ng mga ito. "Naku hija, alam mo bang ngayon lang nagpakilala si Ico samin ng babae. Akala nga namin ay sablay sa gender ang anak naming iyan eh. " "Mom! " suway ni Rico. "Nahiya pa ang anak ko eh. - Anyway ang ganda mo hija. Halika , join us. Dito ka na samin kumain. " masayang pag-aya sa kanya ng mga ito. "Sit down hija! " alok pa ng ama ni Rico. "Salamat po sa pag-imbita, but this is the first time din po kasi namin kumain ng sabay ng mga friends ko. " tanggi ni Sirius. "Ah ganun ba. How about lunch later hija!? " hirit nito. "Okay po. No problem po. " magiliw niyang sagot. "Ay!!!! Naexcite tuloy ako. Oh sige na, hijo ibalik mo na siya doon. Pero di kita pinagtatabuyan hija ha. Alam kong gutom ka na. See you later darling! " sabay halik sa pisnge ng dalaga. "Ang ganda nya mommy!" dinig pa niyang wika ng anak nitong babae saka tuluyan siyang ibinalik ni Rico sa grupo. "See you later Si. Thank you." ani nito saka umalis. "Oy ano yun beshie! Umaariba ganda mo ah, balita ko may malaking company yan sa Metro Manila. Real state friend. Nabihag mo puso ng gwapong yun ah! " si Carlo na naglalaro ang kilay na waring dinidiinan ang bawat word na nakapagbibigay tensyon sa mga binatang kaharap. "Can we eat na po!? I'm super gutom na friend! " tugon lang nito at nag lead na agad siya ng prayer. Walang nagbago sa ugali ni Si. Ganun parin ito. Mabilis namang nilagyan ni Geon ang pinggan ni Sirius ng rice. Si Harry naman ay pinagbalatan ito ng shirmp at si Cedrick naman ay ang crab. "Baby girl, ang swerte mo naman, todo umeeffort yang tatlong yan ahhh! " puna ni Janel. "Hehe! Thanks guys, ang sweet nyo po noh. Don't worry na po, kaya ko po naman magbalat ng shrimp. Kain na kayo. " nakangising sabi lang ni Sirius. Walang ano ano ay inilapag ni Megan ang glass of yakult sa harap nito. "Yeahhh! perfect salamat! " sabay laklak na ni Sirius sa baso without looking kung sino ang nag-abot noon sa kanya. Tulad ng dati ay magana itong kumain ng walang katapusan. Ginawa niyang tubig ang yakult na ibinibigay sa kanya. "Banana boat tayo guys!!! " suggest ni Jinky "Sige bah!!" sang-ayon ng ibang girls. "It's that fun!?" tanong ni Sirius. "Oo baby girl masaya yun! Tapos helmet diving tayo after! " sagot ni Aragon " Lahat try na natin guys!! Bug car narin tayo after lunch! " ani naman ni Daisy. "Game! Join us Monica" si Carlo na tumingin kay Monica na tahimik sa isang sulok. "Ay beshie nga pala, wala ka kasi kanina. Meet Monica Brava, fiancee ni Megan." "Ohhhh! Nice meeting you Miss Monica. Congrats for both of you Migz. " nakangiting wika nito na tumingin sa dalawa. Napansin na agad ni Sirius ang pag-iwas ng tingin ni Megan sa kanya at maging si Monica ay parang pilit ang pagngiti nito sa kanya. Nakaready na ang water sport para sa kanila. Banana boat na agad ang kanilang unang susubukan. Nakapagchange outfit na agad ang grupong kababaihan at kapansin pansin ang mga mata ng mga nasa paligid na kalalakihan na sa kanila nakatuon ang mga mata. Lalo na si Monica Brava sa kanyang suot na red bikini. Napapawow nalang ang kanilang mga mata. Proud naman si Megan sa kanyang girlfriend lalo na maalindog ang katawan nito at hinayaan nya lang iyon. Pinunasan nya pa ito ng sunblock sa katawan. Sa di kalayuan ay mapapansin si Carlo at Sirius. May ginagawa si Carlo sa damit ni Sirius at ng maihubad na ito ni Carlo ay hatak na hatak nila ang lahat ng mga mata. Kapansin pansin ang mga bibig ng mga kalalakihan na nakanganga habang pinagmamasdan ang katawan ng matalik na kaibigan ni Carlo sa suot ni Sirius na black swimsuit. Hindi ito daring tingnan kung ikukumpara sa suot ni Monica. Ito ang kauna unahang pagkakataon sa grupo ni Sirius na makikita nila siyang ganitong expose na nakita narin naman ng mga girls kanina. Napapalunok ang iba sa ginagawa ni Carlong paglalagay ng sunblock lotion sa katawan ni Sirius habang ang ibang kasamahan ay gayun din. Kahit kasi b****a ng dibdib ni Sirius ay nahahawakan nito at maging kasingit singitan. May naiinis at may kinikilig sa dalawa. Maya maya pa ay may biglang nagsuot ng puting T-shirt kay Sirius na ikinagulat ng lahat. "Don't try to undress that shirt Si!" malaautoridad nitong banta kay Sirius. Matapos nitong isinuot ang damit at nag-iwan ng salita ay walang anong anong umalis nalang ito sa harap at umupo sa buhanginan na malayo ang tingin ngunit bakas ang pagkairita nito sa mukha. "Problema nun!? " unang imik ni Jinky. "Bakit hindi girlfriend nya ang pinagsuot nya ng T-shirt!? Lahhhh! " si Aragon "Possisive girl! Hehe " puna naman ni Janel na tugon sa sinabi ni Aragon. "Sana all nalang! " si Daisy na tumaas ang kilay. "Beshie! Hindi naman daring yang ubra ko! Ang luko! Paano natin maipropromote yan! " inis na wika ni Carlo na nagkibit balikat lang si Sirius. "Much better Sai. Nakakaselos kapag ang daming tumitingin sayo! " si Cedrick na nakatopless na at kitang kita ang ganda ng katawan nito. "Tama na yan!!! Sakay na girls!!! " sigaw ni Leido. "Ako sa unahan! Babe sa likod na kita. Hug me tight okay! " wika ni Carlo. "Ai Ai babe!! " sagot ni Sirius. Sinundan ito ni Pia, Janel, Jinky, Monica, Daisy, Leido, Leslie, at Aragon. Tuwang tuwa ito sa tatlong round na ginawa nila lalo na kapag tumataob ang banana boat nila. Si Carlo naman ay hindi humihiwalay kay Sirius na siyang umaalalay sa kanya. " It's really fun guys!!! I love it po talaga!!! " sigaw ni Sirius. "Baby jet ski racing naman tayo mamayang hapon after bug car! " sigaw ni Janel na sumasakay na uli sa banana boat. Ihahatid na kasi sila nito sa pangpang. Sinunod nila ang helmit diving. Tuwang tuwa si Sirius na nagpapakain ng mga isda. Panay rin sila pakuha ng mga pictures at hindi makasingit ang mga boys sa bonding ng mga girls maliban kay Carlo na umaalalay kay Sirius. Pagdating ng lunch ay nasa pamilya ng mga Tan si Sirius wearing a white beach dress at red swimsuit ulit sa loob nito. panibagong ubra ulit iyon ni Carlo. Kapansin pansin na panay ang tawanan ng mga ito sa kanilang mesa. Asikasong asikaso ng pamilya Tan si Sirius. "Paano ba yan boys mukhang nakuha ng mga Tan ang loob ni baby girl. Mabilis pumurma ang Rico Tan! " may pang-aaasar na wika ni Pia. "Tsk!!! Honestly torpe yang kaibigan ko na yan pero kay Sirius abah, dumadamoves! Ok naman si Rico. Strict to one lang yan for sure at masasabi kong kay Sirius tinamaan ang kupal! Di na masama! " segunda ni Charles na ikinasama ng mukha nila Geon. Maging si Megan ay napatayo. Maya maya lang ay pumunta iyon sa kinaroroonan nila Si at may inilagay lang roon saka bumalik sa pwesto niya kanina. "Alahhh!! Yun ang dumadamoves! " ani ng isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD