KABANATA X

1120 Words
Si Harry at Sirius ang naging magpartner sa isang bug car habang iniikot nila ang isla na nakalaan lamang sa beach ride for bugcar. Si Sirius ang siyang naging driver na inaalalayan ni Harry dahil gusto talaga nitong itry ang pagdridrive nito. Tuwang tuwa siyang tinuturuan ni Harry dahil mabilis itong natuto sa pagmamaniubra. Umaawit pa ang mga ito ng rock music na kinaiingitan nila Geon. Kanina kasi ay mabilis na nakalapit si Harry upang hingin ang permiso nito na sila ang magsama sa isang bugcar na pinaunlakan agad ng dalaga basta tuturuan siya nito. Maya maya lang ay napadako sila sa isang tindahan ng mga bananacue at camotecue with palamig kung saan sila ay nagstop over. Maraming bot sa paligid at kanya kanya nalang sila ng pwesto. "Geon, camote oh!!! " banat na agad ni Aragon. Isang humahagalpak na agad na tawa ang maririnig kay Janel, Charles at Harry ng namula ang mukha ni Geon ng maalala at napangiti naman si Sirius. "f**k you guys!!! Ten years ago na yun! Until now ba! " tutol ni Geon na ikinatawa na lang ng iba maliban kay Monica. "Tol, atleast yun din ang unang araw na nakita natin si Sirius na ngumiti! " singit na Harry na tumango tango pa. "Here! " sabay abot ni Harry ng bananacue kay Sirius pero tinabig iyon ni Megan. "Allergy si Si sa saging tol. Here. " sabay abot ng camotecue at matapos tanggapin ni Sirius ay umalis na ito sa harap ng dalaga. "Lahhhh! Ano yun!? Wala ka pa tol eh" bulong ni Aragon kay Harry na may halong panunukso. Napataas nalang ang labi ni Harry. Sa peripheral vision ni Harry ay nakikita niyang nagtatalo ang Megan at ang fiancee nito. Napailing nalang ito saka niya inabutan si Sirius ng tubig. Muli silang sumakay ng bug car. Matapos ang dalawang oras na pagride ay pinili ng grupo na water sport nalang ulit. Jet ski naman ang naisipan nilang gawin. Dito na umeksina si Geon na pinaunlakan ni Sirius. Hinubad ni Sirius ang kanyang beach dress at lumantad muli ang maalindog nitong katawan. Si Carlo muli ang nagpahid ng sunblock protection sa kanyang katawan na hinayaan na lamang ni Geon. "Hey Geon, ingatan mo ang beshie ko! May shooting pa kami! Wag mong pipilayan!" babala ni Carlo ng matapos nitong pahiran ng sunblock ang katawan ng dalaga. "Noted! " Gusto siyang lapitan ni Megan ngunit agad siyang hinarangan ni Monica. "Ready baby!? " "Yap! " Jet ski racing sila ngayon. Sa isang jet ski ay si Megan at Monica, sa kabila naman ay si Harry at Daisy na sinundan ng magpapartner na Charles at Pia, Jinky at Renan, Nokie at Aragon, Janel at Leido na samantalang ang iba ay tamang manunuod lamang. "Go baby girl! Geon abah ang bibig itikom papasukan ng langaw! " sigaw ni Leslie dahil bakas talaga ang kasiyaan sa mukha nito . Sa halip na sumagot ay kumindat lamang ito at pasimpling yumakap kay Sirius ngunit mabilis ang kamay ni Carlo na tumapik dito. "Im watching you Geon! Dumadamoves ka! Hmmmp! Saka ka na luminta kapag sinagot ka na ni beshie!" paalala ni Carlo. "Arehhh naman, soon magiging kami rin ni baby. Come'on Si sakay na tayo. " "Pwede bang ako ang magdrive Geon!? " nakangiting tanong ni Sirius. "Oo naman baby! " agad na sagot ni Geon. "Woww!!!! Ang sweet nila promise!!! " walang ano ano ay nawika ni Janel. Hindi pa sila sumasakay dahil tinuturuan pa ni Geon si Sirius at tuwang tuwa pa ang mga ito kapag takbo hinto ang jet ski nila. Lalo pa ng halikan ni Sirius sa pisnge si Geon bilang pasasalamat ng marunong na itong kumontrol. Ugali na kasi ito ni Sirius mula pa noong bata pa sya. No malice ika nga. Kapansin pansin nanaman ang inis ng mga binatang may pagtingin kay Sirius. "Grabeh katakot lang maging boyfriend yang si Geon, mabilis magpalit ng girlfriend! " kakabreak lang nila nung Thess, may Sirius na agad! " naiiling na komento ni Leido. "Pero friend, matagal na niyang mahal si Sirius diba. For sure naman na titino na si Geon at bumalik na ang first love nya. " pagtatanggol ni Aragon. "Lupit mo rin noh, di ko alam kung may Harry KA o kay Geon eh!" napapailing natugon ni Liedo. Masayang nakipagracing sila Sirius sa ibang kasamahan pero kapansin pansin ang pangdidikdik ni Monica sa kanila at walang magawa ang kaangkas nitong si Megan. "Are you ready baby!? " may kapilyuhang tanong ni Geon na ikinangisi ni Sirius dahil nakuha nito ang ibig nitong sabihin. "Ahuh! " sagot ni Sirius. At sa isang iglap nga ay tumaob ang jet ski nila Megan dahil sa trick na ginawa ni Geon. "Sorry guys!! " sigaw ni Sirius. Kaya lang ng nakaahon na sila sa pangpang ay umuusok ang ilong ni Monica na sinugod si Sirius na naagapan ng paghila ni Migz. "What the hell! Sinadya mo yun!? " sigaw ni Monica. "Hey Monica, dahhh its a trick! Be sport! " si Carlo na pumagitna. "Malandi! " walang ano ano ay sigaw ni Monica. "f**k! " mura ni Megan sabay hablot kay Monica. "Enough! Ikaw itong dumidikdik sa kanila kanina Monic! Watch your word! " may diin na tutol ni Megan. "Shut up! Ako ang fiancee mo Migz! Bakit iyan pa ang pinag tatanggol mo! Nakita mo ang nangyari kanina diba. Muntik na tayong mapahamak!" "Its not Si ! Si Geon ang nagmamaniobra! " sagot naman ni Megan. "Bakit lahat kayo ang atensyon sa babaeng retokada na yan!!!? " panlalait na ni Monica. "Excuse me Monica! Yung mga tinamaan lang ng baril ang nagkaroon ng plastic surgery sa katawan ng beshie ko! Kung ano yung nakikita mong maganda sa kaibigan namin tunay yan! Makapanlait wagas ka ha, yan ngang ilong mo ang retokada!" banat ni Carlo na yakap si Sirius. " Shittt!!! Retokada man o hindi yang kaibigan nyo, malandi parin sya! She's slut! " "Bah!!! A-" naputol na sasabihin ni Carlo dahil sumingit na si Pia. "Yung slut na sinasabi mo Monica isang marangal na doctor! Ikaw Monica, anong ipinagmamalaki mo? Modelo ka? Dahhh! Wala yan sa kalingkingan ng baby girl namin! FYI lang ano, bago ka banat ng banat, isang Abrenica ang nilalait mo! Top one na heart surgeon yan at pang International ang name. Tsk!? Eh ikaw baguhan ka lang kaya! Wag ka nga. Pwede ba Migz , ilayo mo na yang fiancee mong may tinatagong kasamaan ng ugali! " inis na singhal nito. Agad namang hinila ni Megan si Monica palayo. "Beshie, don't mind here okay. Snorkeling nalang tayo! " "Oo nga baby girl! Tara na, enjoy natin na magkakasama tayo! Singit lang naman yun eh" wika ni Daisy. "Snorkeling here we are!!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD