KABANATA XI

1205 Words
Hindi naging dahilan upang matigil ang masayang bonding ng grupo dahil sa nangyari. Nadagdagan pa nga ito ng mga bagong dating na batch lalo na si Zack na bumalik kinahapunan. Si Zack ay isa sa pinakamagaling na agent ng Cannor security agency. Ayon dito ay nagleave narin ito para makapagbonding sa kanila. Kasama ng mga bagong dating ay sila Jayson, Zack at Tupas at ang iba pang malalapit sa grupo na kasama na dito si Bautista. Para ngang nabuo ang batch 2021 na malalapit sa isat-isa. "Group hug guys!!!! Whoaaahhhh!!! For ten years ngayon lang ulit tayo nagsama sama!! " sigaw ni Aragon na agad humiyaw ang lahat ay nagform ng isang umpok. Sama samang nagbar hopping ang lahat kinagabihan. Panay ang post ng mga ito sa social media lalo na at sumabak nanaman si Harry at Sirius sa pag awit sa bar. Kinabukasan naman ay nagmountain hiking sila sa parting batangas parin. Nagcamping narin sila ng isang gabi. Sumunod na araw ay dumayo na sila sa isla ng Oriental Mindoro. Sumakay sila ng RORO dahil mas enjoy daw ito. Ang Naujan ang kanilang distenasyon. Ito ang bayang sinilangan ni Geon na payak at napakaganda na nayon. Hitik sa mga prutas na ikinatutuwa ni Sirius lalo na sa buko na pinagkakaguluhan nilang kainin. Naligo rin sila sa ilog at namangka. Bidang bida ni Geon si Sirius sa magulang at todo asikaso rin ng mga ito ang dalaga. Masyadong friendly naman si Sirius kung kayat walang panlalait ang makikita sa kanya. Tatlong araw lamang ang inilaan nila sa Mindoro at bumalik narin ng Manila. Bago sila nagkahiwalay ay isang masayang yakapan at paalam ang maririnig sa kanila! "Best vacation ever to guys!!!! " sigaw ni Janel. "Charles pwede mo ng suluhin asawa mo! Humayo na kayo at magpakarami! " sigaw ni Carlo na nagsipagtawanan. "Ninang ako sa first baby friend! " sigaw ni Sirius. "Matic na friend! Mangunguna ka sa listahan! " sagot ni Pia. Isang mahigpit na yakap naman ang pinabaon nila sa isat isa bago sila naghiwahiwalay. Sumalubong naman si Vincent sa kanila ng makarating na sila sa bahay nila Carlo. "Akala ko hindi mo na ibabalik si Sirius pinsan!!! Six days mo akong pinasabik kay Sirius!!!" agad na bungad nito. "Lahhhh! Tumigil ka pinsan hah! Tsupehhh! Huwag mong didikitan ang babe ko! " "Super ka naman! Welcome back baby! " ng makalapit kay Sirius at humalik sa pisnge nito. "Thank you. " sagot naman ni Sirius sa pinsan ni Carlo. Sinalubong narin sila ng Mommy nito na si Casey at ang asawa nitong si Art. Matapos yumakap at humalik ng mga ito sa pisnge ng mag-asawa ay pumasok na sila sa loob. "Kamusta ang bakasyon!?" tanong ni Art. "Great po! Its fun! First time po ang lahat sakin tito! " agad na sagot ni Sirius na bakas ang kasiyahan. "Mabuti naman! Hala mag clean up na kayo at kakanin na tayo ng hapunan. Marami akong niluto for you hija! " sagot naman ni Casey. Dumeretcho na ang dalawa sa kanilang room at lumabas para kumain. Tulad ng dati ay magana itong kumain kung kayat naparami narin ng kain ang mag-anak habang nagkwekwentuhan. Kinabukasan ay maagang sinundo ni Kurt at Timmy si Sirius sa bahay ng mga Forio. Napakagwapong tingnan ng mga ito sa suot nilang ripped maong at fitted na shirt habang ang isa naman ay walk-in board short at polo. Mahigpit na yakap ang sinalubong ng mga ito kay Sirius ng lumabas na ito ng gate. Nakapagpaalam na si Sirius sa parents ni Carlo at tamang tingin nalang sila sa pag-alis nito maging si Vincent. "Beshie see you in Friday nalang ha.- Mr.Kurt Cannor alam mo na kung saan mo ihahatid si Baby girl sa photo shoot namin. Eco village po just to remind you. " "Gotya! Paano were going na! " paalam ni Kurt. Pinagbuksan naman ni Timmy si Sirius ng pintuan at saka ng wave ang mga ito sa kanila. "Babe! Salamat! See you soon nalang! Alis na kami! " "Beshie souvenir ko from palawan ha, don't forget!" habol pa nito. Derecho na ang mga ito sa airport kung saan naghihintay ang buong pamilya ni Timj. Isang yakap na punong puno ng pagmamahal ang nakuha ni Sirius sa mag-asawa. Palawan ang kanilang distenasyon ngayon at doon sila ay magestay ng three days. Kung paano naenjoy ni Sirius ang water activity sa Batangas at mas lalo niyang naenjoy sa Palawan kung saan ay mas virgin ang island nito sa kanyang mata. Napapaluha pa siya ninanamnam ang sariwang hangin. "Love, look! na love at first sight ako sa lugar na ito tulad ng una kitang makilala. I miss you love! " nausal nalang ng kanyang mga labi. "It's a hundred percent na he miss you too babe, ng subra. " boses yun ni Kurt sa kanyang likuran. "Tara na, kakain na! Pinatatawag ka na ni mama. " aya nito. Masaya silang kumain kasama ang mga girlfriend nila Timmy at Kurt. May kanya kanya narin lovelife ang mga ito at si Timmy nga ay nakatakda ng ikasal sa paratingin na taon. "Nak, kain ka ng marami ha. Kurt paabot boneless na bangus at iabot mo kay Si! " si Kisses na nasa tabi ni Sirius at asikasong aasikaso nito ang dalaga. "Nakapagreport ka na pala sa Hospital nak!? " singit ni Timj "Opo Tito Papa. After po ng medical mission na gagawin namin ng barkada ko magduduty na po ako. " sagot ni Sirius. "Good! Nga pala, nabalitaan mo na bang nagkakagulo ngayon sa hospital? " -Timj "Po!? " takang tanong ni Sirius "Kumalat kasi ang balitang nandito ka na sa Pilipinas at nabalitaan nilang sa Cannor Hospital ka ngayon magduduty. Maraming bigating pasyente ang nagpaconfine na agad roon at maniwala ka sa hindi, gusto nilang ikaw ang humawak sa kanila. " Ang labi ni Sirius ay napa o form nalang bilang tugon. "Proud ako sayo anak at natupad mo ang pinapangarap mong maging doctor!" "Thank you ma. " tanging sagot ni Sirius bago siya muling sumubo ng kanyang kinakain. Pagbalik ni Sirius sa Manila ay hinarap naman nito ang sunod na schedule niya kinabukasan. Iyon ay ang photo shoot nila ni Carlo. May scene dito na they are kissing na ayos lang naman kay Sirius dahil bestfriend naman niya si Carlo. Smack lang iyon pero nakakahugot iyon ng mga komento sa mga naroon. "Beshie ang sarap ng labi mo promise! " bulalas ni Carlo na mapagsolo sila sa dressing room. "First kiss ko yun at di ko pinagsisisihan na ibinigay ko sayo! " natatawa niyang ani. Binibihisan nya kasi ito ng iba pang fashion wedding dress. "Yan din ang sinabi sakin ni Top ten years ago babe!" tugon ni Sirius kay Carlo sa malungkot na tinig. "After, gusto mo punta tayo sa kanya!? " ani ni Carlo na ang tinutukoy ay ang puntod ni Top. Isang ngiti ang tinugon nito sa kanya. "Thank you! " "Welcome! Ikaw pa eh ang lakas mo sakin! Basta may isa pa akong kiss dyan eh" masiglang tugon ni Carlo na may halong panunukso. "Ang landi mo babe! " sabay tapik nito sa pisnge ni Carlo. "Nahhhh!!! Sweet lang ako noh!!! Bihis na at ng matapos na tayo! " utos ni Carlo. (keep safe and happy reading everyone)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD