Sina Geon, Jinky, Leido at Daisy and nakasama ni Sirius sa muling pagbabalik nito sa Star Ophanage. Nagconduct sila dito ng medical mission at naging open din ito sa mga kalapit na barangay .
Dinayo ang court ng orphanage ng mga kalapit na barangay na mamamayan ng Laguna at nakakuha ang mga ito ng mga libreng gamot. Umalalay naman si Zack at ang kawani ng barangay para sa payapang aktibidad.
Narito rin si Harry na siyang naatasang magdistribute ng mga goods na inaalalayan ng ibang baranggay workers.
Bakas sa mga mukha ng mga tao roon ang kasiyahan. Saan ka ba naman makakakita ng medical mission na all in one at may mga gamot kapang maitatakehome kumpara sa ibang medical mission. May gwapo pang singer na nagpapatawa sa kanila.
Matapos nilang isagawa ang bagay nanyun sa orphanage ay nagconduct din sila ng medical mission sa lugar na huli silang nagpakain ten years ago. Kaagapay nila ang ibang kawani ng barangay na nagpakain sa street children.
Magkayakap sila Jinky at Sirius na pinagmamasdan ang kumpol na kabataang kumakain ng masaya.
"Natupad na natin friend ang pangarap natin. I am so proud na dahil sayo friend natuklasan ko kung ano ang gusto kong maging that time. I am now an obstetrician. Happy me! " nakangiting ani nito.
"Pajoin naman sa yakapan oh..." singit ni Daisy at nakiyakap narin.
"Yung mga nagsabi lang naman na magpopolice ang hindi natupad ang mga binitawang salita, but.... si Zack lang ang nakalusot! Ang lupit at ang angas! " natatawang dagdag nito.
Tinanaw din nila ang kinaroroonan ni Geon na isa ng ophtalmologist na may sinusuri pang pasyente. Seryoso itong nagsusuri ng mata at ang mga kasamahan nito ay masigasig na kumikilos tulad ng pagkumpuni ng salamin ng libre.
Si Leido naman ay kasalukuyan paring may pasyente rin bilang isang orthodontist. May kasamahan din itong nagsasagawa ng paglilinis ng ngipin, pagbubunot at pagpapasta.
Maya maya lang ay sabay sabay na silang kumain.
Maasikaso naman si Harry kay Sirius at si Geon ay napabuntong hininga na lamang sa kanyang harapan habang pinagmamasdan nito si dalaga.
"Chill tol! Okay lang yan atleast magkakaanak ka na kay Thess!" natatawang bati ni Zack saka ito tumabi kay Sirius.
Totoo iyon. Nasabi nito na naging moody si Thess sa kanya at laging naiirita. Yun pala ay nagdadadalang tao na.
"Congrats nga pala Geon, naunahan mo si Charles!" si Leido na tinapik ang balikat nito.
"Hehe" tanging sagot lang ni Geon na ikinatawa ng lahat ng nakarinig.
Titig na titig ito kay Sirius at napapabuntong hininga nalang lagi.
"It's ok Geon. Dapat masaya ka kasi magkakaanak ka na. Mahalin mo ang batang dinadala ni Thess. Blessing yun. Gawin mo narin akong ninang ha. " nakangiting wika ni Sirius.
"Baby, kapag magkaanak ka in the future, pwede bang bumawe sa anak nalang!? " walang ano ano ay tanong ni Geon at nakuha nito ang atensyon ng barkada.
"Eh!? Hehe! " sagot lang Sirius.
"Yaan mo tol, paglalaki sayo at babae samin ng my love Sirius ko, fix marriage na natin! " sagot agad ni Zack.
"Eh!? " natatawang reaction nanaman ni Sirius.
"Ehem! Zack! Wag na si Sirius oy, ako nalang! " lakas loob na tukso ni Daisy sa binata.
Napakamot nalang ng batok si Zack bilang tugon.
"Nawala na nga si Geon, napalitan mo naman! Kay Daisy ka na nga tol! " sabay tawanan nanaman ng iba sa sinabi ni Harry.
****
HINATID NA ni Carlo si Sirius sa Doctors Hospital.
"Babe, just text me okay kapag uuwe na ha. Don't forget that. " bilin nito.
Nag-aalala parin si Carlo sa kaibigan nya dahil wala parin sense of direction ang kanyang matalik na kaibigan.
Kumuha na sila ng pinakamalapit na condo na malapit lang sa work place ni Sirius dahil alam ni Carlo ang pagod nito bilang isang doctor.
"Yes! Thank you babe! " saka ito humalik sa pisnge ni Carlo.
Nakilala na agad ni Sirius ang kanyang pasyente na si Marco Rabino. Forthy six years old na ito at kasosyo ito ng kanilang ama sa negosyo.
"We have a heart donor na po Mr. Rabino. Any of this day my isasagawa na natin ang heart transplant. " malambing na bungad ni Sirius.
"Dad, ala ey napakaganda po pala ng inyong doctor ey! " may pagkabatangenio nitong pananalita na si Mark.
"Alay di ko rin akalain na isa palang diyosa ang nag-iisang anak ng kaibigan ko! " puri ni Marco
Natatawa nalang si Sirius sa kanyang naririnig.
"Ahhhh teyka laang, gusto ko pang mabuhay! Magagawa mo kaya yuon!? " biglang mababakas ang pag-aalala nito sa mukha.
Isang ngiti lamang ang isinagot ni Sirius sa kanyang kaharap at nakaramdam naman ng kaginhawahan si Marco.
"Pagkatapos po ng operasyon, huwag nyo pong aabusuhin ang puso nyo po Mr. Rabino. Sa age nyo po it takes three months lang for sure na kayo ay makakarecover. Isa po, yung donor po ng heart nyo ay batang bata rin po. " ani nito.
"Nagpapasalamat na ako ng marami sa kanya, ngayon pa laang! " masaya nitong tugon.
At bilang isang doctor ay nag-umpisa ng magpaliwanag si Sirius.
"Mr. Mark, ipapaliwanag ko lamang na during sa operasyon sa pag-transplant ng puso magkakaroon siya ng pangkalahatang kawalan ng pakiramdam at hindi gising sa panahon ng operasyon. Tatanggap siya ng gamot sa pamamagitan ng isang linya ng intravenous (IV) sa kanyang braso. Ang isang tubo sa paghinga na konektado sa isang bentilador ay makakatulong sa kanyang paghinga. Bilang isang siruhano ay bubuksan ko ang kanyang dibdib, kumonekta sa mga ugat at ugat ng kanyang puso sa isang makina ng bypass sa puso-baga, at aalisin ang kanyang sakit na puso. Ang mga ugat at ugat ng katawan ay aalisin sa bypass machine at muling makakonekta sa malusog na puso ng donor. Kumpleto ang heart transplant matapos isara ng siruhano ang kanyang dibdib." malinaw niyang paglalahad na nakikinig rin si Marco.
"Pagkatapos ng operasyon, makakagaling siya sa intensive care unit (ICU) ng ospital at manatili sa ospital hanggang sa tatlong linggo. Sa panahon ng kanyang paggaling, maaari siyang magsimula ng isang programa sa rehabilitasyong puso. Bago umalis sa ospital, matututunan niya kung paano subaybayan ang kanyang pangkalahatang kalusugan; subaybayan ang kanyang timbang, presyon ng dugo, pulso, at temperatura; at alamin ang mga palatandaan ng pagtanggi at impeksyon sa transplant ng puso. Sa unang tatlong buwan pagkatapos umalis sa ospital, babalik po kayo dito Mr. Rabino ng madalas para sa mga pagsusuri upang suriin kung may impeksyon o pagtanggi sa kanyang bagong puso, upang subukin ang paggana ng kanyang puso, at upang matiyak na gumagaling po kayo." dagdag nito.
" Ala ey Doc. nagtitiwala po kami sa kakayahan nyo. Wala pa akong nabalitang naging failed sa heart transplant nyo. Abay napakaswerte namin at napagbigyan ang aming kahilingan ey! " bibong sagot ni Mark.
" Doc ako hoy may tanong pa ey! " habol nito.
"Ano po yun Mr. Mark!? "
"Kayo ho ga'y single pa!? Yun gang ready to mingle! ako ay magpapaalam na! " seryoso nitong tanong na ikinatawa ni Sirius.
"Engage na po yan Mr. Mark! " agad na singit ni Dr. Paul.
"Ala ey ngayon palang eh kailangan ko ng magpaheart transplant! Ang sakit deni!" na tinuro ang puso.
"Tarak na tarak! Kaswerte naman pala ng friance nyo Doc. po ano! Napakaganda na ey abah may maganda pang profession!" papuri nito.
"Thank you. Ahm Mr. Rabino, relax lang po muna kayo at wag mag-iisip ng mga bagay bagay na makakapagbigay ng ibat ibang emosyon. " bilin ni Sirius bago ito lumabas ng silid.
Makalipas ang mga oras...
Sa lobby naman ay matyagang naghihintay si Carlo sa paglabas ni Sirius.
Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kanya ng kanyang kaibigan.
"Overtime two hours babe sa first day!? "
"Hmmmp! " tanging sagot ni Sirius na tumango tango.
"Sumalang din ako kanina sa operasyon babe. Kahit pala on leave ako ay nakaset na sa akin ang pasyente. Gusto na ako ang gumawa ng operasyon nya. Mabilis ko lang rin naman napag-aralan ang condition nya and successful naman ang surgery! " nakangiting balita ni Sirius.
"Congrats babe! Proud talaga ako sayo at sa hiwaga mong kamay! Bagay talaga tayo, kung hawak mo scalpel, ako naman scissor! Hehe! Ohh halika na, go home na tayo. Call ko nalang si Ate Jenneth na initin yung mga pagkain natin! " sabay gulo nito sa buhok.
"Doc Paul una na po kami! " paalam ni Sirius at tumango lamang ang binata.