MELODY POV
Nagulat ako ng makita ko ang sasakyan ni Megan sa garahe. Ng tanungin ko si Manong Edgar na aming security guard ay kararating nga lang daw ng mga ito pasado alas kuwarto emedya ng madaling araw at ang kinababahala ko ay may kasama raw itong babae.
Malabo namang si Celine iyon na nagpapanggap niyang asawa dahil may usapan kaming huwag na huwag niyang ipapakita sakin ang babaeng iyon na ginagamit niya sa kalukuhan makatakas lamang kay Monica.
Naalala ko tuloy ang batang iyon. Sayang. Minahal sya ng anak ko pero may masama pala itong motibo. Alam kasi nitong nag-iisang anak namin ni Garry si Megan at siya lamang ang tagapagmana namin.
Halos mag-iisang taon na kami dito sa Tagaytay naninirahan. Simula ng bilhin ng aking anak ang bahay bakasyunan na toh ay nawili na kami dito ng asawa ko. Para daw ito sa future wife niya pero dahil sa wala pa ay kami muna ang titira.
Si Megan narin kasi ang siyang humahawak ng negosyo ng kanyang papa kaya kami mag-asawa ay patravel travel nalang rin sa ngayon.
Gusto kong silipin si Megan sa kanyang kuwarto pero umaatras abante ang aking paa. Hanggang sa maisipan kong magluto nalang dahil sinisipag akong magluto ngayon.
Tanghali na pero hindi parin bumabangon sila Megan. Pero si Tomas na driver ng aking anak ay napansin kong nagkakape na sa kusina at kumakain.
"Good afternoon ma'am! " bati niya.
"Tom, sino yung kasama nyong babae ni Megan? Si Celine ba yun!? " agad kong usisa kay Tomas.
"Ay hindi po maam. Malupit po yang isang iyan! Napakaganda pong dilag. Kinidnap ni bossing at kinasal agad sila kagabi!"
"Ano!!!!? " bigla akong napasigaw sa gulat at si Tomas naman ay halos matapon ang umuusok niyang kape sa pagkagulat ko.
Agad akong tumakbo sa kwarto ng aking anak at walang ano ano ay binuksan ko iyon ng walang pasabi.
Kahit sino naman ay magugulat sa balitang hatid ni Tomas.
Napamulat ang mapungay na mata ni Megan dahil sa pagbukas ko ng pintuan nila ng walang pasabi.
Nanlalaki naman ang aking mga mata ng makita ko ang babaeng nakahiga sa kanyang dibdib ngunit di ko naman makita ang mukha nito. Alam kong hubad ang dalawang ito sa ilalim ng kumot.
Ang mata ko ay mapanuri ngunit ang aking anak ay pangiti ngiting nakatingin sa akin. At nasinyas pang tumahimik ako.
Sinisinyasan pa ako nitong lumapit sa kanya at ginawa ko naman ito hanggang sa hawiin nito ang buhok na nakatabon sa mukha ng babae at shock akong makita na si ganda ang babaeng ito. Si Sirius Abrenica.
Napatutop ako sa aking bibig.
Dito na pumasok sa isipan ko na hindi ako nananaginip ng tumawag ang pinsan kong si Troy kaninang madaling araw na isang judge ng sabihin nitong ikakasal niya si Megan sa isang sikat na heart surgeon.
"Mom, mainit si Si !" agaw atensyon sakin ni Megan.
Agad ko namang sinalat ang noo ni ganda at totoo ngang mainit ito.
"Call a doctor mom. Yung pinakamalapit na mom! " utos ng aking anak at agad ko namang sinunod.
Nagmamadali na akong lumabas ng kuwarto nila.
Pero teyka...
Napakawalang hiya talaga ng anak kong ito at ako pa ang inutusan!
Pero dahil sa nakalabas na ako sa kwarto nila ay sinunod ko nalang.
"Mahal! Tingnan mo tong si Troy tama bang ikasal nya anak natin ng dis oras ng madaling araw! Oh alas dos ng umaga tumawag! Tapos he want us to be there kanina! Akala ko nananaginip lang ako kanina! " pagsusumbong ko sa asawa ko na natulala sa sinabi ko.
"Hoy kinakausap kita! Alam ko namang maganda ako kahit na matanda na ako! " sabay tapik ko sa hita nya.
Hinihintay kasi namin si Doctor Dalida na parating narin naman.
"Mahal, ulitin mo nga. Ikinasal na si Megan!? "
Lahhhh! Slow ng asawa ko. Tumango nalang ako.
Agad itong tumayo at aakyat sana ng hagdan ng pigilan ko siya.
"Saan ka pupunta!? "
"Sa anak mo! Nasisiraan na ata ng ulo anak mo Melody dahil sa kababata nyang si Sirius kaya kung makapagdesisyon nalang ay wala na sa loob! Abah! Noong una panay nagbabar at lasing na kung umuwi, tapos may Celine na ibinahay, tapos ngayon kung sino sinong babae na ang pinakasalan! Abah masasapak ko na yang anak mo na yan!" may kalakasan at namumulang mukha na ang nakita ko sa asawa ko.
Hinila ko siya pabalik sa sala at pinaupo.
"Huwag yun ang gawin mong dahilan para sapakin mo sya mahal. Sapakin mo sya kasi yung babae mahal kinidnap nya raw sabi ni Tomas!" panunudyo ko pa.
Sa sinabi ko ay halos umusok sa galit ang ilong ng asawa ko. Lumalaki ang butas nito at ang kanyang mga kamay at biglang kumuyum na. Tatayo na sana ulit ito ng biglang dumating si doktora.
Iniwan namin ni dok ang asawa ko sa sala at pinuntahan na namin ang mag-asawa sa kwarto.
Bihis na ang anak ko at nakatshirt na rin si ganda.
May iniresita lang na gamot si dok dahil normal lang naman pala na lagnatin si ganda dahil sa nabirhinan ng anak ko ang asawa nya.
"Mom pakisuyo naman po nito sa kasambahay na bilhin ang mga gamot na ito. "
Nagpapaawa pa ang kanyang mata.
Takte, inuutusan nanaman ako! Kanina ko pa napapansin ito sa kanya. Kanina pinaluto ako ng soup tapos pinakuha na ako ng pagkain nya bukod kay ganda. Ngayon naman....
Tiningnan ko siya ng masama.
"Mom, pakakainin ko po ang asawa ko. I love you mom! "
"Ayaw mo lang lumayo sa tabi ng asawa mo damuhong ka! Di naman mawawala yan! " wika ko na magkadikit ang aking mga ngipin sa pagsasalita saka ako lumabas.
Nagulat naman ako sa asawa ko na nakaabang pala sa may pintuan.
"Anong ginagawa mo dyan!? "
"Yang anak mo bakit ayaw lumabas!? "
"Anak mo rin yun! " nakataas ang kilay kong ani.
Nagpalakad lakad naman ito sa harap ko at di mapalagay.
Namalayan ko nalang ay sumunod na ito sakin pababa.
Dumungaw pa ito sakin nang iabot ko kay manang ester ang reseta ng doctor.
"Oh eh bakit iniutos mo pa iyan kay manang? pwede naman sya na ang bumili!?"
"Eh sa inutos nya eh! " inis kong sagot.
"Tsk! Bakit napapansin kong halos ayaw bumaba ng anak mo at dikit na dikit na sya sa kwarto na yun! "
"Gayun ka din naman sakin noon ah! Halos ayaw mong tigilan ang petchay ko! " nanlalaki ang mata kong bulyaw sa kanya na ikinapula nya.
"Tameme ka na! "
"Hehe, Mahal naman iba naman tayo nun. Legal yun. Ouch! "
Sinapak ko siya sa batok.
"Anong akala mo dyan, hindi legal!? eh kasal din kaya ang mga yan! "
"Oo nga mahal pero parang shotgun wedding naman yun mahal ko, kinipnap nya nga yung babae diba! Di ba nag-iisip yang anak mo ha! "
"Anak mo rin! Mas lamang ka nga at may bayag yun! Puro ka anak anak anak mo! Tumigil tigil ka Garry ha! "
"Oo na! Oh eh bakit nagpatawag ng doctor nga pala yun!? "
"OA anak mo eh! Nilagnat lang si ganda eh halos nawawala na sa sarili. Di ba ganun ka rin sakin , nilaspag mo nga sa unang gabi pagkabirhin ko!? "
"Eh ganun talaga mahal ko.... " nahihiya nya pang tugon na napapakamot pa sya ng batok.
Feeling bata!
"Teyka teyka! You mean virgin yung asawa nya!? So marangal ang babaeng hinila nyang pakasalan ng totoo ngayon!? " nakapameywangan niyang ani.
"Marangal naman talaga si ganda mahal! " agad kong sagot.
"Ganda!? Ganda.... Iisa lang ang tinatawag mong Ganda diba mahal!? "
"Oo. "
"Huwag mong sabihing-! " saka ito tumalikod sakin at hahakbang na sana ng muling humarap sakin.
"Hindi mo ba ako pipigilan mahal? " tanong nya.
"Bakit!? Ano bang gagawin mo!? "
"Ha eh.. Wala! " napapakamot sya sa ulo nyang nangingiti.
"Oh wala naman pala eh, tadyakin kaya kita dyan noh! "
"Mahal naman eh... , si Sirius ba talaga yung pinakasalan ng anak natin!? "
"Oo nga!!! Maghanda ka na kung may susugod dito! Kalukuhan ng anak mo! Inunahan nya yung Rico Tan, eh ikakasal na yan sa Sabado diba! "
"Hahahaha! Ang galing ng anak ko! Hahahaha! Manang mana talaga sakin! "
"Eh!!? "