SIRIUS POV
Ang sakit sakit ng ulo ko ng may gumigising sa akin.
Kilala ko ang boses na iyon. At ramdam ko ang bawat pagdampi ng labi nito sa labi ko habang ginigising niya ako.
"Baby... Baby... Kumain ka na muna... Wake up baby ko.... " malambing niyang panggigising sakin.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi nga ako nagkamali. Si Megan na nakangiti at humahalik halik nanaman sa aking labi.
"My wife good afternoon...." bati niya sakin at halos maduling ako sa pagkakadikit ng kanyang noo sa aking noo at nakadikit pa ang tungki ng kanyang ilong sa aking ilong.
Nalilito tuloy ako. Anong ginagawa niya at bakit magkasama kami? Ano nga ulit ang sabi nya!?
Ang sakit ng ulo ko, gawa siguro ng alak na ininum ko kagabi. Pero bakit pati katawan ko ay masakit?
Iniangat ko ang aking kamay upang ilayo ang kanyang mukha ngunit hinuli nya lang ito at hinalikan .
"Kain ka na my wife at ng makainum ka na ng gamot. "
Inayos nya ang katawan ko ng makaupo ako ng maayos. Napansin kong nakatshirt na ako at parang wala akong saplot na panloob. May masakit rin sa gitna ng dalawa kong hita.
Sinusubuan na niya ako ngayon ngunit nababagalan ako kaya kinuha ko sa kanya ang fork and spoon at ako na ang kumain mag-isa. Namiss ko ang lutong ito at kilalang kilala ko ang recipe ng soup na kinakain ko ng biglang bumukas ang pintuan.
"Ganda! Ang anak ko...." bati ni tita Melody at agad itong nakalapit sakin matapos nitong itaboy si Megan sa tabi ko.
"Mom! " angal nito.
"Tsk hehhhh! Pwede ba pahiram muna ng asawa mo! Kanina ka pa dikit ng dikit ako naman! " may kalakasan nitong sabi.
"Asawa!? " pag-uulit ko.
"Yes! Uminom ka na muna ng gamot anak para mawala ang sakit ng ulo mo. Napadami ka daw ng inom ng alak! Tapos ito para bumalik agad lakas mo. Gamit na gamit ka ni Megan nak kaya ka nilalagnat at pakiramdam mo ay hinang hina ka, sana lang may mabuo na at sabik na ko magkaapo!" derecho niyang ani na nakapagpanganga sa akin.
Tuwang tuwa pa ang mukha nitong nakatingin sa akin.
Mas lalo akong ginutom sa narinig ko. Naguguluhan ako.
"Tita may soup pa po ba!? " naitanong ko nalang.
"Megan soup pa si ganda, dali at kumuha ka pa! Kumilos ka naman! "
"Ito na mom, wait lang baby ko! " agad na sagot ni Megan sakin at lumabas.
Uminom na muna ako ng gamot dahil kumikirot ang ulo ko.
"Nak, mommy na itatawag mo sakin ha. Kasal na kayo ni Megan kaya masanay ka ng mommy ang itatawag mo sakin... "
"Kasal na po kami!? " pag-uulit ko at napapahilot ako sa aking sentido.
"Oo? "
"Ehhh!? Paano pong nangyari yun!?"
"Bah hindi ko alam sa inyo anak ! Huwag mo sabihing hindi mo rin alam na nagtatalik na kayo!? "
Napalunok ako sa sinabi nya at biglang namula ang aking pisnge. Nagtalik na daw kami... Yun ang paulit ulit na naglalaro sa isipan ko lalo na si tita at ngiting ngiti at dinama ko rin ang kirot na pumipintig pintig sa p********e ko na parang may nakabaon pa nga.
" Lahhhh! Di ko po alam. Ang alam ko po ay nasa bar ako at naglalasing. Gusto kong makalimot pero ang-" naputol kong sasabihin.
Dahil sa dumating na si Megan at may mga dala ng pagkain at kasama pa niya ang isang kasambahay ay napatigil ako.
Natakam ako sa amoy palang kung kayat kumain muna ako. Ang sarap talaga ng mga luto ni tita.
Nagpaalam muna si Tita sakin dahil tinawag ito ni tito kung kayat dalawa nalang ulit kami ni Megan sa kuwarto.
"Baby okay na ang bathtub mo. Pwede ka ng maligo." ani niya.
Tatayo na sana ako ng bigla nya akong binuhat na hinayaan ko na lamang pero naroon ang mga titig ko sa kanya na mapanuri at mapag-usisa.
Ang sarap sa pakiramdam ng ibinaba niya ako sa bathtub. Nakatulong ang maligamgam na tubig sa aking nananakit na p********e.
"Tell me what happened Migz. " tanong ko ng makatapos na akong maligo at nakabalik na ako sa kama na tanging bathrob lamang ang aking suot.
Nasa likuran ko siya at sinusuklayan niya ang aking buhok.
"Ang importante ngayon ay asawa na kita baby. Akin ka na at hindi ka na muli pang masasaktan. Pangako. Di na kita iiwan muli my love... "
Dama ko ang sinseredad niyang sagot sa akin.
"Pero mali ang ginawa mong pang-iisa sakin Migz. You know that I'm in pain! "
"Im sorry Si. Mahal na mahal lang talaga kita. "
"Bakit ako Migz? tinanong mo ba ako kung mahal pa kita!?
Sa sinabi ko ay niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likuran.
"Pwede bang ako nalang ulit Si!? Maghihintay akong mahalin mo ulit love, just let me love you please. "
Puno ng pakiusap niyang tinig.
"Paano akong ikinasal sa iyo eh ang alam ko ay ikinasal ka na!?"
"No Im not. Its just a fake marriage love. " sa sinabi nya ay napapaisip nanaman ako.
Napabuntong hininga nalang ako at pakiramdam ko ay sumasakit nanaman ang ulo ko. Sa ngayon ay may problema akong dapat unahin at harapin.
"Send me home Migz. " walang ano ano ay nasabi ko at lumuwag ang pagkakayakap nya sakin.
"Your already home love. " ani nya na nilingling pa ako.
"Kasal na tayo love. Kung saan ako, ay doon ka rin. " dagdag pa nito.
"Tsk! Lend me your phone nalang. "
"Why!? "
"I want to talk to my papa Migz."
"Ok. But promise me love na hindi mo ako iiwan. "
"Pwede ba!? "
"Si your my wife now. "
"Ang lakas ng loob mong tawagin akong asawa ni wala nga akong matandaan na ikinasal tayo! "
"Si ikinasal tayo. Oh ayan ang katibayan oh, may singsing tayo, silver nga lang kasi yan yung available sa opisina ni ninong. Pero mapapalitan yan sa sunod na ikakasal tayo! Ito pa oh, kapapasa lang sakin ni ninang yung mga video natin. Sya pa ang magpapadevelop nung ating mga pictures." sabay abot niya ng phone sakin.
Nanlalaki ang aking mata ng makita ko ang mga pinaggagawa ko. Ako nga iyon.
Yung tipong yakap yakap ako ni Megan at ang aking mga kamay ay malikot na binubuksan ang suot niyang long-sleeved at hinahalik halikan ko pa ang kanyang dibdib. Nakakahiya.
May oras na lagi kong hinahawakan rin ang kanyang bibig at hinahalik halikan rin iyon at lumalabas tuloy na malandi ako! Nakakahiya talaga.
Pinipingot ko ang kanyang teynga at panay ang yakap ko rito ng walang katapusan. Ahhh s**t!
At kung ano ano ang mga sinasabi ko. Hanggang sa ako pa ang nanguna sa pagpirma.
"I did that!? oh my God! "
"Oo Mahal ko! Ikaw nga itong nanukso sakin kaya tayo umabot sa pagtatalik din kanina eh! Wala pa naman akong balak na galawin ka pero tinukso mo ko love. "
"Ginawa ko yun!? "
"Oo love! At pwede pa naman nating ulitin yun love eh para alam mo na ngayon. Sarap na sarap sa nga sa pagkain ko sayo! " sabay halik nya sa leeg ko at bigla na niya akong dinaganan.
Ako naman ay pulang pula. Ang bastos ng bibig niya!
"Megan! Teyka! " saway ko kanya pero panay ang paghalik nya sakin at pati labi ko ay hindi na niya tinigilan.
Gustong gusto ko ang bawat halik nya pero hindi pa tama. Tukso ng katawan lang ito dahil si Rico parin ang laman ng puso ko.
Gamit ang natitira kong lakas ay nagpalit kami ng pwesto. Nanunumbalik na ang lakas ko kung kayat nagulat din siya sa ginawa ko.
"Tumigil ka Megan Ortega! Masakit pa ang p**e ko kaya wag mong susubukang gumawa ng ikakabasag ng bayag mo! " banta ko sa kanya pero may naramdaman akong may tumusok sa pwertahan ko dahil sa paraan ng pagkakaupo ko sa kanya.
Pati ang bibig ko ay bastos narin!
"Love, gising na eh.... Isa lang love promise dadalhin ulit kita sa langit...."