KABANATA XXV

1220 Words
SIRIUS POV KINABUKASAN ay maaga kong tinawagan si papa at si Carlo na labis na ang pag-aalala ng mga ito sa akin. Nais ng mga itong alamin kung nasaan ako ngunit hindi ko na ito ipinaalam pa. Wala parin akong masyadong naiopen sa kanila pero nasisiguro kong may alam na ang mga ito tungkol sa nangyari. Si Megan naman ay ayaw pa sana akong iwan pero pinush ko na itong pumasok na kanyang trabaho kasama si daddy Garry. May tumawag kasi rito at urgent ang bagay na iyon na hindi pwedeng daanin nalang sa patawag tawag lang. Pumayag lamang siya na iwan ako kung papayag din ako na hindi lulubay sakin si mommy kung ano man ang binabalak ko ngayong araw. Oo. Pinag-usapan na namin ni Megan ang balak ko ngayong araw. Isa na rito ang pagpunta ko sa company building ni Rico at kasama ko si mommy. Nakompirma ko agad na pumasok ang haliparot na babaeng iyon ngunit wala doon si Rico. Sa ngayon ay si Miss Jing ang gusto kong harapin. Alam ni Carlo na ako ay susugod roon kaya hindi na ako nagulat ng makita ko itong nakaabang sa akin sa main entrance. Pero bago ako lumabas ng kotse ay hinila ni mommy ang mukha ko at nilagyan niya ng kulay pula ang labi ko. "Mom, all red na po ako! " halos pabulong kong ani. "Pak na pak yan nak! Nakakataray yan! Tapos ayusin mo yang pagsasalita mo! Ang lambing mo kaya! Susugod tayo sa gyera! Yung bilin ko ha! Ano ready ka na!? " Tumango lamang ako at napatingin ako sa salamin. Natatawa naman si ninong Tomas sakin na napatingin. "Ang ganda mo anak. Kaya lang ang amo ng mukha mo eh parang hindi ka naman manunugod. " puna sakin ni ninong. Kaya si mommy hinila nanaman ang mukha ko at kilay ko naman ang inayos. "Halahhh mommy! Ang suplada ko namang tingnan po dyan! " komento ko ng matapos niyang patarayin ang kilay ko. "Perfect! Tomas pwede na ba!? " "Yun! Pwede na! Nakahanda narin yung mga bantay nyo nak! " "Bantay po!? " "Ay oo! Yung lima ninyong men in black! Di pwedeng lumubay sa inyo yan. Bawal makalapit sa inyo si Rico Tan eh. Kaya bantay sarado ka muna ayon sa utos ng asawa mo. Goodluck!" Napa-o form nalang ang labi ko sa narinig ko. Sa suot kong off shoulder na bestidang kulay pula at sa mataas kong sandals na five inches at buhok kong nakataas ay nakakaagaw talaga ng pansin ang paglabas ko pa lamang ng kotse. Si Carlo nga ay nakangangang napatingin sakin na sinalubong ako at niyakap. Maging ang security guard ay tulo laway at nakalimutan ng bumati. Derederecho akong pumasok sa loob at kasunod ko sila Carlo at mommy at maging ang lima kong bantay. Sinalubong ako ni Myra na siyang kakontakan ko sa loob. "Goodmorning po Maam. You look different po ngayon ma'am! Para po kayong lady in fire! Hot na hot po super WOW! " papuri ni Myra sa akin. "I know. Where is she!?" walang emosyon kong tanong na ikinabigla niya. Kilala akong palangiti at malambing sa staff pero dala na siguro ng bugso ng damdamin ko kaya nagagawa kong magtaray. Nasa akin ang mata ng mga naroroon at ako na ang nagsasabing maganda ang araw ng palabas kong ito dahil maraming tao sa lobby. "Sakto po Maam pababa na po sya ay may naghahanap sa kanya. Oh ayan na po pala eh. " *** SINALUBONG ni Sirius si Jing ng palapit na ito sa centro ng lobby. Bakas naman sa mukha ni Miss Jing ang pagkagulat ng makita nya si Sirius sa gusaling iyon gayung wala naman doon ang kanyang boss. "Good morning Miss Sirius!" nakangiti pa nitong bati sa dalaga ng maglapit ang dalawa. Ngunit ang inaasahang pagbalik bati sa kanya ay isang malakas at malutong na sampal ang agad na dumapo sa mukha ni Jing na ikinagulat ng mga naroon. "Whoaaah!!! " "Oy ano yun!?" "Halahhh bakit!? Anong nangyayari !?" Ilan lamang iyan sa umugong na reaction na paligid. "Ma'am Sirius bakit po!? " natatakot na tanong ni Miss Jing. "Para yan sa panlalandi mo sa fiance ko!" madiin at malinaw niyang wika na sapat lamang upang marinig ng mga naroroon. "Ano daw? Nilalandi ni miss Jing ang CEO? " "Lah! Nilalandi daw si Sir Rico! " "Oo nga pansin ko na yon eh! dati pa! Hala puta! kakahiya! " At muli ay isang sampal ulit ang dumapo sa kabila mukha ni Jing. "Para naman iyan sa pananahimik mong may anak kayong itinatago sa akin! " pasigaw na niyang saad. Mababakas na ngayon ang pamumula ng pisnge ni Jing sa ginawa ni Sirius. Pamumula gawa ng pagsampal at gawa ng tensiyong nararamdaman na niya ngayon. "Anak!? May anak!? Ibig sabihin yung ipinagbuntis ni miss Jing ay kay sir yun!? " "Oh my God!!! Totoo ba yun!? "Hindi nga, pinatulan ni sir Rico si Miss Jing eh paano nangyari yun eh wala pa nga sa kalingkingan ni Maam Sirius si miss Jing! " "Naku for sure ginamitan ng gayuma!" "Baka nilasing!?" Hindi pa nakakabawe si Miss Jing sa mag-asawang sampal ay may isa pang sumunod dito na pinakamalakas na siyang nakapagpatumba sa dalaga. "At para yan sa pagpupumilit mong magpakangkang muli sa fiance ko at sa pinili mong maging kabit in the future! f**k you! Di mo na kailangang maging kabit dahil sayong sayo na sya! Yun ay kung gugustuhin nya! " At taas noo na itong tumalikod kay Miss Jing. At kapansin pansin ang tahimik na pagluha ng kanyang mga mata. Ang simpatya ng mga naroon ay kay Sirius na awang awa. Kapansin pansin agad ang paglapit ni Mrs Melody Ortega kay Miss Jing ng tumalikod na ang dalaga. "Oh here miss." na inilagay ang pera sa kamay ng dalaga. "Magpafacial ka para naman gumanda yang face mo. Wag ka rin magmake up ng makapal ha kasi mas lalong di bumabagay sayo at napaghahalataan ang mga butas mo sa mukha. Dumadami rin yung blackheads mo! " ani nito sa mahinang boses ngunit may ilan ilang nakarinig at napapatawa nalang. Saka ito tumayo sa harap ni Miss Jing. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng biglang patakbong pumasok mula sa intrada si Rico. Maagap naman ang limang bantay ni Sirius na humarang agad sa binata. "Honey! Honey please! Let me talk to you please! Please honey,.... Believe me... I love you so much..... I'm sorry..... Please..... Ayusin natin toh. I can't leave without you hon! Mahal na mahal kita hon. Sorry nagkamali ako hon.... please patawarin mo please " sigaw nitong nagmamakaawa habang umiiyak ang mga mata. Agad na napansin ni Sirius ang mga mata ng binata na nangingitim ang gilid nito at halata na wala itong sapat na pagtulog. Wala rin sa kaayusan ang kanyang kasuotan. Mas lalong hindi napigilan ni Sirius ang pagluha ng kanyang mga mata sa harap ng binata. "I gave you my heart hon coz I though you will be the last that can takecare of it. Akala ko ay ikaw na ang huli. Akala ko ang pagmamahal mo sakin ay totoo... Pero hon... It's not a mistake eh!!!! It's your choice!!!! It's your choice! I love you but f**k! I don't expect that we end up like this! I'm sorry but I cant forgive you... not now. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD