SIRIUS POV Mabilis akong nakasakay sa kotse ng aking asawa habang si Rico naman ay nagpupumilit na buksan ko ang pintuan ng sinasakyan ko. "Honey! Honey please! Talk to me! " sigaw niya mula sa labas at kinakalampag nito ang pintuan. Hindi ko siya magawang tingnan dahil kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ko na mapigilan ang aking sariling patawarin siya at yakapin. Mahal ko si Rico. Mahal ko siya ng walang dahilan. Kaya siguro napakasakit para sakin ang ginawa niya. Ang pagmamahal ko sa kanya ng walang sukatan na siyang nagbibigay ng kirot dito sa puso ko. Ang mga mata ko ay patuloy sa pagluha habang si mommy ay panay naman ang paghaplos sa aking likuran. "Just cry nak, nandito lang kami for you. -Tomas tara na." Pinayagan ako ni mommy na sa bahay ako umuwe at nagulat pa nga it

