SIRIUS POV
Narito ako ngayon sa harap ng real estate building na pagmamay-ari ng pamilya Tan. Si papa ay isa rin sa mga shareholder ng kompanyang ito.
Hinatid ako dito ng bestfriend ko bago ito tuluyang umalis at nauna na siya. Back to my home narin ako ngayon. Sa bahay na ulit ako tutuloy na regalo sakin ni Top. One year leave naman ako kung kayat doon muna ako ulit titira. Naroon na sila ate Jenneth at my bestfriend will accompanied me again.
Kagagaling ko lang sa airport at walang kaalam alam si Rico na nakabalik na ako ng Pilipinas. Honestly almost fifteen days na itong di nagpaparamdam sa akin kung kayat good timing for me to surprise him.
I am wearing a fitted long cotton skirt na high-waisted na may mahabang slit sa aking hita kung kayat labas ang maputi kong legs everytime na naglalakad ako. Ang pang itaas ko naman ay may panloob na tube at may suot akong white coat. Tamang nakalugay lamang rin ang mahaba kong buhok na kulay chestnut brown. Ang suot ko ay isa nanaman sa ubra ng best friend ko. Nakanaked botts rin ako kung kayat sa totoo lang ay agaw atensyon ang suot ko.
Pagkapasok ko pa lamang sa lobby ng building na toh ng nakuha ko ang atensyon ng mga mata ng naroroon.
Nilibot muna ng aking paningin ang paligid at ng makita ko ang information desk ay tinungo ko na ito.
"Hello good morning." bati ko.
"Yes ma'am good morning din po! How can we help you Po!? " magalang nitong reply sakin.
"I am looking for Mr. Rico Tan." nakangiti kong ani at titig na titig siya sa akin.
"Ma'am may appointment po ba sila sa CEO of this company!? "
"Nah, my fault... It's a surprise visit sana for him ..."
"Ganun po ba!? Naku po Maam pasensya na po pero mahigpit po ang policy sa amin. We are not allowing the reason na pasurprise surprise. Our CEO is busy man po. Magpaappointment nalang po kayo Maam. Sayang ang outfit nyo tuloy. " may diin niyang ani na nakapagbigay sakin ng irita pero I can handle naman.
Mali ko naman talaga. Napakabusy niyang tao at hindi basta basta.
"Ganun ba. Can you please inform him nalang na im here at the lobby."
" Sorry po but I can't do that. May mga investor meeting po sya ngayon. Like what i said, magpaappointment po muna kayo. " may katarayan na niyang wika.
Sasagot na sana ako ng may binati siya sa likuran ko.
"Goodmorning Sir Seirge Abrenica! Maglologout na po!?"
Sa narinig ko ay napalingon ako sa aking likuran. Gulat na gulat ang kanyang mukha ng makita ako.
"Sirius sweetie! " it's my papa.
Agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Wala rin alam si papa na umuwe ako ngayon kaya ganito ang reaction niya.
"Pilya ka, what are you doing here!? Bakit di ka nagsasabing uuwe ka!? " may himig ng pagtatampo niyang ani at salubong ang nakataas at makapal niyang kilay.
"Surprise papa! " nakangiti kong sagot at hinalikan siya sa pisnge.
"Tsk! Katatapos lamang ng meeting namin. You want to surprise him!?"
Tumango lamang ako at ngumiti. Papa is smart too. Sa kanya ako nagmana.
"But this lady restricted me na kailangan ko pang magpaappointment. Im going home nalang po. " sumbong ko sa papa ko at humilig ako sa dibdib niya bilang paglambing ko dito.
"Miss Jewel, did you ask her name in the first place!? "
"Naku sorry po sir. Hindi ko po naitanong agad. "
"By the way she's my daughter. Doctor Sirius Abrenica. Let her in. Girlfriend sya ng boss mo. " ani ni papa sa staff saka niya ako niyakap muli ng mahigpit.
"Naku sorry po. Maam sorry po. Nasa fifty floor po ang office ni sir. Tatawag na po ako to inform na paakyat na po kayo. "
"No please. Like what I told, I wanna surprise him. "
"Noted po. Sorry po talaga! " ani niya na namumutla ang mukha.
Si papa naman ay tamang nakatitig lang sa staff.
"Mauuna na ko sweetie. Magpahatid ka na sa bahay kay Rico ha. Wag kang uuwe ng hindi siya ang maghahatid sayo! Malulumpo ko sya! " ani nito sabay halik sakin at tumalikod na.
May meeting pa raw kasi itong hahabulin.
"Ingat po papa. "
Hahakbang na sana ako patungo sa elevator ng may kung sinong tumawag ng pangalan ko at patakbo pa itong patungo sakin.
"Sirius! Yeah it's you! Kanina pa kita nakita pero may kausap kasi ako kanina kaya di kita malapitan agad at isa pa ay alanganin ako, baka kasi namamalikmata lang ako. Oh my God! Almost three years na pala since we first meet. What are you doing here!? " bungad nya agad sakin ng makalapit sabay halik nito sa pisnge ko.
Ang ngiti ng lalaking ito sa aking harapan ay halos umabot hanggang teynga. I still remember him. Ramcy Diaz.
"Ramcy Diaz right!? "
"Oh my God, thank you, you still remember me. Akala ko mapapahiya ako. Nga pala, what are you doing here!? Looking for your dad? Naku, for sure nakaalis na yun kanina pa natapos ang meeting namin. "
"Nagkita na kami ni papa bago sya umalis. I am here for Rico. " nakangiti kong ani.
"Rico!? Rico Tan!? " pagkukumpirma niya.
"Yes! " tugon ko.
Ang kanyang mga mata ngayon ay waring may gustong itanong dahil sa nakikita ko ay naguguluhan siya kung kayat dinagdagan ko ang sagot ko.
"His my boyfriend. And honestly second anniversary namin today so I'm here to surprise him sana. "
"Oh f**k! I thought!? s**t! -" may kabiglaan niyang reaction.
" Oh im sorry. Bad mouth. Hindi ko talaga inaasahan na ang tahimik na kaibigan kong yun ay tahimik ka palang pinaibig! Dumadamoves din pala ang kupal! Haha! Teyka, di na na ba kita pwedeng agawin pa sa kanya!?"
"Eh!? "
"No. Im just kidding. I am happy for both of you. By the way your so beautiful! At I swear ang putcha jackpot na jackpot sayo. Tell me kapag sinaktan ka nya ha, open arms kitang kukunin sa kanya! " pahabol niya saka ito muling humalik sa pisnge ko at nagpaalam nang umalis.
Bago pa ako nakalayo at tinungo ang elevator ay narinig ko pa ang ilan sa bee sound sa reception area.
"May girlfriend pala si Sir!"
"Lah! lahat naman tayo nagulat eh. Pribado naman kasi na yun at no need ng ipagsigawan sa tulad ni Sir na tahimik. "
"Oy Miss Jewel, muntik ka ng mawalan ng trabaho! Review mo ang orientation as a front desk staff, masasabon tayo ng HR nito sa kasablayan mo girl! "
"Hala, wag nyo na akong idown. Kinakabahan na nga ako eh!"